Kabanata 2

2096 Words
Biglang nabalik sa ulirat si Tayla nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto ng kwarto niya. "Tayla, tapos ka na ba?" Salita mula sa labas ng kwarto ni Tayla. Si Papa lang pala... "Opo, sandali na lang po ako," mabilis na sagot ni Tayla sa kanyang ama habang nilalagay niya sa bag niya ang kanyang cellphone. Natapos na siya lahat-lahat pero napapamuni siya dahil sa mga nangyari noon. Sa una at sa pangatlong naging nobyo niya na wala na siyang komunikasyon at kay Brandon na gusto niya na rin na matigil ang koneksyon dito. Paano? Paano ko ititigil ang komunikasyon ko kay Brandon? Paano ko sasabihin sa kanya? Kinuha na ni Tayla ang sling bag niya at lumabas na siya ng kanyang kwarto. Ang kwarto niya ay katapat lang ng sala nila. Nakita niyang nagliligpit na ang kanyang kapatid na si Tinsley ng mga pinggan sa dining table. Kasama ng kapatid niya sa pagliligpit ng mga plato ang inang si Kayla. "Ma, alis na po ako," pagpaalam ni Tayla sa kanyang ina habang nagmamadali siyang lumabas ng bahay. Pagkalabas ni Tayla ng bahay ay nakita niya ang ama niyang si Terry na naghihintay sa kanya sa sasakyan. Nasa subdivision nakatira sina Tayla. May masasakyan naman palabas ng subdivision nila--- ang tricycle. Ngunit, mahal ang tricycle sa kanila palabas ng subdivision nila. At hindi lang iyon, kahit na nasa subdivision na siya ay delikado pa rin lalo na at gabi ang pasok niya sa trabaho niya. Dahil hindi naman matao sa lugar nila, hindi katulad sa ibang lugar na dikit-dikit ang mga bahay at maraming tao sa kalye. Kaya lagi siyang hinahatid ni Terry hanggang sa may labas papunta sa sakayan ng mga taxi at jeep. Sumakay na si Tayla sa passenger seat at pinaandar na ng ama niya ang sasakyan. Habang nasa daan sila ay kinausap si Tayla ng kanyang ama. "Wala pa bang nanliligaw sa iyo?" tanong ni Terry habang nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Napahinga ng malalim si Tayla at napaisip. "Meron naman po. Kaso puro batang ama. Isa pa po, ayoko sa mas bata sa akin... Mas iniisip ko po iyong trabaho kaysa 'yan. Kung may darating man po, mas mabuti." Totoo ang sinabi ni Tayla kay Terry. Iyon lang ang tangi niyang masasabi sa kanyang ama. Matapos iyon ay hindi na sila nag-usap ng ama niya. Wala pang ilang minuto ay nakarating na sila sa kung saan nagsasakay ang mga jeep at fx. "Saan ka sasakay?" tanong ni Terry nang maigilid nito ang sasakyan. Napatingin naman si Tayla sa kanyang relo. "Mag-fx na lang po ako para po mabilis." "Okay. Basta mag-iingat ka," paalala ni Terry. Lumabas na si Tayla ng sasakyan. Muli ay nagpaalam siya sa kanyang ama. Umalis na kaagad ang kanyang ama at hindi na siya hinihintay pa na makasakay ng fx. Tamang-tama at mayroon ng fx na nagpupuno ng sakay. Agad naman nakasakay si Tayla. Sa tabi ng driver siya umupo dahil wala pa naman masyadong pasahero. At dahil gabi na ay hindi mahirap para sa kanya ang makahanap ng masasakyan. Iyon nga lang ay kapag ang pasok niya ay nasa alas dies na ng gabi ay nagji-jeep na siya dahil bihira na lang siya makakita na fx na bumabiyahe ng ganoon na oras. Nang mapuno na ang loob ng pasahero ang fx ay umandar na ito. Habang nasa daan ang sinasakyan na fx ni Tayla ay umidlip muna siya sandali dahil matagal pa ang biyahe niya sa susunod na sasakyan niya ulit papunta na mismo sa trabaho niya. Lumipas pa ang ilang minuto ay nagising si Tayla na malapit na siya sa bababaan niya. At nang malapit na siya sa bababaan niya ay bumaba na siya. Sumunod naman na sasakyan niya ay ang bus na diretso na sa kanyang lugar na pinagtatrabaho. Dapat ay mag-tren na lang siya, ngunit, matatagalan pa siya kung maghihintay pa siya ng susunod na tren. Nang makarating si Tayla sa kanyang destinasyon ay bumaba na siya ng bus. Naglakad lang siya ng kaunti papunta sa kanyang trabaho. Nagmamadali siya lagi upang maabutan niya ang time ng pag-log-in niya sa opisina nila. Hindi naman siya nale-late dahil sobrang advance ng relo niya. Nang makarating na si Tayla sa kanyang building ay dadaan muna siya sa guard na nagche-check ng mga bag. Ipinakita niya ang loob ng bag niya sa guard. "Pakitanggal ang jacket," utos ng guard sa kanya. Inalis naman ni Tayla ang jacket niya at pinapasok din siya agad ng guard. Kaya pinatanggal ang jacket niya ay dahil bawal ang walang kwelyo ang suot nila. Nagmamadaling pumunta si Tayla ng elevator at sumakay. Sumara ang elevator at pinindot niya ang button na ten. Naramdaman niyang gumalaw ang elevator. Nakatingin lang siya sa taas at hinihintay na maging ten ang numero nito. Tumunog ang elevator at huminto ito. Nasa 10th floor na si Tayla. Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas na siya dito. Agad na nag-log-in na si Tayla at dumiretso muna siya sa pantry. Tamang-tama nang makapasok siya ng pantry ay nakita niya ang mga ka-team niya doon na mukhang naghihintay ng tawag ng team leader nila. At syempre, hindi lumapit si Tayla sa mga ka-team niya. Kung nasa kabilang sulok ang mga ka-team niya. Siya naman ay nasa kabila na bakanteng mga upuan. Hindi niya pinansin ang mga ka-team niya dahil ayaw niya makipagplastikan. Inilabas na lang ni Tayla ang kanyang cellphone upang manood sa social media ng mga nakakatawang post. "Hi Tayla!" Lumingon si Tayla sa taong bumati sa kanya. Si Shirley na ka-team niya. Tumabi ito sa kanya. Alam niya kung bakit lumapit si Shirley sa kanya. "Uy, ikaw pala. Kanina ka pa nandito?" nasabi na lang ni Tayla na kunwari ay nagulat. "Oo," tanging sagot sa kanya ni Shirley. "Pwede bang makahiram ng earphone?" Ito, ito lang ang tanging pinunta sa kanya ni Shirley. Ngunit, hindi naman madamot si Tayla kaya naman ay pinahiram niya ito. "Sure," sagot naman ni Tayla at inilabas niya ang earphone niya sa maliit na pocket ng sling bag niya. Ibinigay niya ito kay Shirley. "Thank you, Tayla." Sabay ang pagkuha sa kamay niya ng earphone ni Shirley at umalis din ito agad. Pinagmasdan lang ni Tayla si Shirley nang makabalik ito sa pwesto ng ka-team nila. Bakit ba umiiwas si Tayla kina Shirley? Unang-una niyang iniiwasan ay ang kasamang babae ni Shirley na si Krizza. Kumbaga, si Shirley ay isang alipores ni Krizza. Dati ay kasama ni Tayla sina Shirley at Krizza, ngunit, habang tumatagal ay napapansin niya na nagbabago na ang pakikitungo ni Krizza sa kanya. Hindi na siya pinapansin nito. Wala naman problema si Tayla kay Shirley, pero hindi niya pa rin lubos na kilala ito hanggang ngayon. Dahil ang matagal nang magkakilala ay sina Shirley at Krizza. Hindi pa naman kasi matagal si Tayla sa kanyang trabaho at ilang buwan pa lang naman siya nagtatrabaho sa kanilang kumpanya. Sadyang isinasama lang siya nina Shirley. Hindi man alam ni Tayla ang dahilan pero nag-conclude na lang siya na maaaring naiinggit sa kanya si Krizza. Simula nang unang pagpasok niya pa lang sa opisina ay napansin na talaga siya dahil sa angking ganda niya. Totoo naman na maganda si Tayla. Maraming gustong manligaw sa kanya kahit na mga single dad na katrabaho niya, mapabata man sa kanya ay magkakagusto sa kanya. Wala naman siyang maisip na dahilan kung pagdating sa trabaho ay alam niya na bihasa na si Krizza sa trabaho nito. Marahil ay dala ng inggit sa kanya kung bakit nagkaganito ito at hindi na siya pinansin. Kaya naman magmula noon ay umiwas na siya sa mga ka-team niya. At mas ginusto niya na lang na mapag-isa sa isang sulok na walang iniisip na problema. Ibinalik na ni Tayla ang tingin niya sa kanyang cellphone. Nag-browse lang siya sa kanyang social media account. Kahit anong 'app' ay tinitingnan niya na lang mapawi lang ang pagkabagot sa kanyang pagkakaupo. Sa kanyang pagba-browse ay biglang may lumitaw na notification. Napansin niyang may notification galing sa Biber App niya na isa itong private message. Sa tagal ng panahon ay ngayon niya lang ulit napansin ang Biber App niya. Matagal na niya kasi itong hindi binubuksan. At dahil sa tagal na rin ay wala na siyang nakakausap doon kaya naman ay hinayaan niya na lang ang Biber App na naka-install sa cellphone niya na kung sakali na may kumontak sa kanya doon ay mapansin niya. Binuksan ni Tayla ang notification sa Biber App. Hindi message iyon kundi isang notification na may isang kaibigan siya na gumamit o nag-reactivate ng account sa Biber App. At laking gulat niya na si Zic ang taong iyon--- ang pangatlong ex niya. Tanging ang kanilang number lang ang konektado sa kanilang dalawa dahil hindi alam ng pangatlong ex-boyfriend ni Tayla ang social media niya dahil nga ay ayaw niyang ibigay ang social media niya sa hindi niya pa lubos na kilala. Nang makita niya ang kontak ni Zic ay napatitig siya nang matagal sa notification. Nang makita niya ang notification ay bigla siyang nabuhayan at parang gusto niyang kamustahin si Zic. Ngunit, bigla niyang naalala na baka hindi na siya nito matandaan dahil isang buwan lang sila naging sila. Nag-isip na naman si Tayla. Hindi siya mapakali dahil gusto niyang malaman kung kumusta na ba ito. Kukumustahin ko ba o hindi? Napabuntong-hininga si Tayla at napag-isip na i-message si Zic. Walang pagdadalawang-isip na nag-message siya kay Zic. Text ni Tayla kay Zach Hi, kumusta ka na? Matapos na i-type ni Tayla iyon ay matagal na nakatitig siya sa 'send button'. Nag-aalinlangan pa siyang pindutin ito dahil maraming pumasok sa isip niya na baka mapahiya lang siya, baka hindi siya reply-an ni Zic o baka hindi na siya kilala nito. Kukumustahin ko lang siya... Walang malisya iyon... Bahala siya kung bigyan niya ng malisya ang message ko... Pinindot na ni Tayla ang 'send button'. Matapos iyon ay ibinalik niya na ang cellphone niya sa loob ng kanyang bag at lumabas na siya ng pantry. Dumiretso muna siya sa locker room upang iwan doon ang bag niya. At pagkatapos ay dumiretso na siya sa production room. Naupo na siya sa kanyang pwesto at nagsimula na siyang magtrabaho. Paano ba nakilala ni Tayla si Zic noon? Nakilala lang naman niya si Zic sa ibang 'dating app'. Matapos kay Brandon ay naisip niya na maghanap sa ibang 'dating app' ng bagong nobyo. Hindi para humanap ng rebound at makalimutan si Brandon. Gusto niyang humanap ng talagang hihigit sa pagmamahal na binigay sa kanya ni Brandon. Dahil gusto niyang ipamukha din kay Brandon na nakahanap na siya ng ibang lalaki at para hindi na siya naka-focus kay Brandon. At sa bagong 'dating app' nga ay nakilala niya si Zic. Marami pa rin na nagme-message sa kanya, ngunit, sa lahat ng napansin niya ay si Zic. Akala niya nga noong una ay chinese ito pero hindi. Isang araw niya pa lang na nakilala si Zic, ngunit, agad niya na itong sinagot kahit na hindi pa sila nagkikita. Ngunit, sa mabilis na pagsagot ni Tayla kay Zic ay mabilis din ang hindi nila pagkakaunawaan. Isang maling pagkakaunawaan ang nangyari. Dahil lang sa ayaw makipagkita ni Tayla kay Zic. Pero pinagbigyan niya si Zic at nakipagkita siya dito. Ngunit, sa araw ng kanilang pagkikita ay hindi sumipot si Zic. Naalala na naman ni Tayla noong makikipagkita siya kay Zic... Sa mall sila magkikita ni Zic, ngunit may kasama siyang kaibigan na lalaki, si Gary na isinama niya upang may bantay siya. Nag-text na si Tayla kay Zic na nandoon na siya sa mall. Ngunit, tanging 'seen' lang ang ibinibigay na sa kanya ni Zic. Umusbong ang kaba sa dibdib niya at masama ang kutob niya na baka sakaling hindi sumipot si Zic. Dumating ang oras ng pagkikita nila, ngunit, walang reply na nakita si Tayla mula kay Zic. Nagsisimula nang mamula ang kanyang mata dala na gusto nang kumawala ng mga luha niya. Tingin ng tingin siya sa kanyang relo at isang oras na silang naghihintay ni Gary. Nagtatanong na rin sa kanya si Gary sa kanya kung nag-message na ba si Zic, at sinagot niya si Gary na wala pang reply si Zic. Sa pagkasabi ni Tayla kay Gary iyon ay sinabi sa kanya ni Gary na hindi na sisipot iyon. Kaya naman nag-decide na si Tayla na umuwi na sila. Pero bago sila umuwi ay pumunta muna sila ng Department Store dahil may gustong tingnan si Gary doon. Hindi rin naman din sila nagtagal sa Department Store at lumabas na sila at si Gary na mismo ang nagpasya na umuwi sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD