Sa paglabas nila sa Department Store ay naglalakad lang si Tayla na walang pakialam sa paligid niya. May nag-hi sa kanya na lalaki na hindi niya pinansin at nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.
Sa kanyang pag-uwi, ang akala niya na masaya ay nauwi sa malungkot na pangyayari. Magmula kanina ay inisip niya na pumunta si Zic sa mall at baka nakita na siya nito, at hindi na lang nagpakita. Inisip niya na baka hindi siya nagustuhan ni Zic. Pero hindi, dahil maganda siya at lahat ng lalaki ay magkakagusto sa kanya.
Sa pagbabalik-tanaw ni Tayla ay sa tingin niya ay pinag-trip-an lang siya ni Zic noon. Pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari noon. Madalas din niyang napapanaginipan si Zic kahit na hindi niya iniisip ito. Marahil ay nakokonsensya siya sa nangyari.
Ngayon na nagkaroon ng sign ay siguro sa tingin ni Tayla na madalas na panaginip niya kay Zic ay maaaring gusto niya na lang itong kumustahin. Pero naisip niya rin na baka iniisip din siya ni Zic. Advance man siya mag-isip pero nasa dalawang choices lang naman ang posibilidad na mangyari.
***
GABI na nang makauwi si Zach galing sa kanyang trabaho. Nasa kwarto na siya ngayon at nakaupo sa dulo ng kama. Hinubad niya na ang kanyang polo at tanging puting sando na lang ang pang-itaas niya, samantalang ang pang-ibaba naman niya ay slacks niyang itim na hindi pa hinuhubad.
Si Zach/Zachary Cano ay isang medical representative. Ngayon ay bente'y nueve na siya. Hawak niya ang oras niya sa trabaho. Pero hindi ibig sabihin nito ay hayahay ang kanyang buhay kapag nasa field siya. May kota silang hinahabol. Mukha lang disente silang manamit at sa tingin ay madali ang kanilang trabaho, ngunit hindi.
Inilabas ni Zach ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang slacks. Inilagay niya ang cellphone niya sa ibabaw ng side table niya.
Tinanggal naman ni Zach ang puting sando niya at ang tanging natira na lang ay ang slacks niya.
Biglang napalingon si Zach nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Agad naman niyang kinuha ang cellphone niya mula sa ibabaw ng side table. Binuksan niya ang message at napakunot-noo siya nang makita niya ang isang message sa isang taong pilit na kinalimutan niya na.
"Tayla," nasambit ni Zach sa ngalan ni Tayla. Ngunit, dahil sa pagparamdam ni Tayla sa kanya ay bigla niyang naalala ang nangyari noon. Tandang-tanda niya pa kung paano sila nagkakilala ni Tayla noon...
Zach was only twenty-five years old when he decided to use the 'dating app'. Nagbra-browse lang siya sa 'dating app' nang biglang napansin niya ang photo ni Tayla na nakangiti. Naagaw ng pansin niya ang ngiti nito. Sa dami ng babaeng nakikita niya sa 'dating app' ay puro naka-makeup, two piece na kulang na lang ay maghubad ang mga ito upang mapansin ng mga kalalakihan.
Ngunit, napansin ni Zach si Tayla na simple lang at makikita niya sa larawan ang sweet ng ngiti ng dalaga. Walang pag-aalinlangan na tiningnan niya ang profile nito. Tanging iisa lang ang picture na mayroon si Tayla. Tiningnan niya ang mga nag-like at nag-comment. Sobrang dami ng nag-like at nag-comment. Nagulat siya dahil iisa lang ang litrato na mayroon si Tayla, ngunit, maraming lalaki ang nabigyan ng atensyon ng dalaga. Naisip niya na baka poser lang ito at ginamit lang ang picture ng babae. Nakatitig lang siya sa picture ni Tayla.
Pero hindi mapakali si Zach at gusto niya talagang mag-iwan ng message kay Tayla. Pero at the same time ay natatakot siya na i-message si Tayla dahil baka hindi siya nito pansinin.
Sa huli ay napagtanto niya na kung hindi niya ime-message si Tayla ay hindi niya malalaman kung poser ba ito o hindi. Kaya naman ay nag-message pa rin siya kay Tayla. Wala naman mawawala kung hindi niya susubukan. At kapag napatunayan niya na totoo si Tayla ay hindi niya na ito pakakawalan pa.
Lumipas ang isang araw ay nakatanggap si Zach ng reply galing kay Tayla. Nagulat siya noong una, pero at the same time, masaya siya at napansin siya ni Tayla. Pero hindi niya agad ni-reply-an si Tayla.
Parang babae lang si Zach na papalipasin muna ang ilang oras o araw bago siya mag-reply. Para kunwari ay hindi siya interesado kay Tayla.
Bakit ba ginagawa ni Zach ito? Samantalang ang babaeng nag-reply sa kanya ay popular sa mga lalaki. At isa pa, swerte na siya at napansin din siya ni Tayla na reply-an.
Pero isang kahibangan na naman ang nasa isip ni Zach. Dahil pwedeng hindi lang siya ang nire-reply-an ni Tayla. Kaya naman ay nagbago na ang isip niya at agad na niyang ni-reply-an ang dalaga.
Nagsimula si Zach na mag-reply ng "Hi." Mabilis naman nag-reply sa kanya pabalik si Tayla ng "Hello." Sumunod ay kinamusta niya si Tayla at diretsong tinanong ang dalaga kung may nobyo ba ito. Mabilis pa rin na nag-reply sa kanya si Tayla. Nakahinga siya ng maluwag nang malaman niya na single si Tayla. Nabuhayan siya ng loob at malamang ay may pag-asa siya sa dalaga. Kaya naman ay hindi na siya magpapasikot-sikot at hiningi na niya ang number ni Tayla. Ngunit, tumanggi sa kanya si Tayla na ibigay ang number nito dahil sa kadahilanan ay wala itong load.
Pero makulit si Zach at nagdahilan na lang siya na ise-save niya na lang ang number ng dalaga sa phonebook niya. Naibigay naman sa kanya nito ang number.
Hindi pa nagtatapos ang kanilang pagcha-chat. Nagtanong pa siya sa dalaga kung may trabaho ito at ang huli ay ang pangalan nito. Ito ang gusto niyang itanong kanina pa, pero kailangan niyang pasikutin ang kanilang pagcha-chat upang hindi ito magduda sa kanya. Gusto niya na masigurado na kung totoong si Tayla ang ka-chat niya. Pero hindi pa rin ito ang magiging basehan, hangga't hindi niya talaga nakikita sa personal si Tayla.
Nag-reply naman si Tayla sa kanya at isinagot nito na totoong name ng dalaga iyon. Ang dami niya pang itinanong sa dalaga. Hanggang sa, pumayag ang dalaga sa kanya na manligaw siya. At doon nagtatapos ang chat nila noong araw na iyon.
Sa pagbabalik-tanaw ni Zach ay napangiti siya ng mapait. Kung noong una pa lang ay naniwala na siya kay Tayla ay baka sila pa rin hanggang ngayon. Maaaring ang isang buwan ng relasyon nila ay magtagal pa.
Laging kasama ni Zach ang mga kaibigan niya. Gimik, food at travel lang ng mga kaibigan niya o workmates. At isang taon nga ang lumipas ay nakahanap siya ng kapalit kay Tayla.
Pero ang ikinagulat ni Zach ay nang makatanggap siya ng message mula kay Tayla ngayon. Kaya naman ay nag-flashback kung paano sila nagkakilala noon. Hindi niya nakakalimutan si Tayla. Paano niyang hindi makakalimutan si Tayla kung mas nabighani siya dito. Kulang na lang ay pakasalan na niya ang dalaga noon upang wala ng makaagaw pa sa kanya.
Pero naalala rin ni Zach ang ginawa niyang pag-iwan kay Tayla noon. Matapos sana ng pagkikita nila noon ay nakipaghiwalay siya kay Tayla. Dumating siya noon pero hindi niya alam kung paano niya i-a-a-approach si Tayla. Biglang napaurong ang kanyang dila nang makita niya si Tayla noon. Talagang si Tayla nga ang nakita niya at hindi poser. Pero napansin niyang pinasadahan lang siya ng tingin ng dalaga. Kahit nag-hi na siya dito ay hindi man lang siya nilingon nito.
Masama ang loob ni Zach noong araw na iyon. Nagsinungaling sa kanya si Tayla. Pinagtagpi-tagpi niya ang mga kwento ng dalaga noon dahil ayaw nga nito na makipagkita sa kanya. Maaaring pumayag lang si Tayla sa kanya na makipagkita dahil may date ito. At sinisigurado niya na noong araw na iyon ay nobyo ni Tayla iyon. Dahil hindi man lang siya nito pansinin at hindi man lang siya nito nilapitan. Kaya naman ay hiniwalayan niya na noong araw din na iyon si Tayla.
Nang maalala ni Zach iyon ay umusbong na naman ang sama ng loob niya kay Tayla. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Tamad na tumayo siya sa pagkakaupo sa kanyang kama at pumasok sa banyo upang maligo bago matulog.
Lumipas ang trenta'y minutos ay natapos na maligo si Zach. Ngayon ay nakahiga na siya sa kanyang kama. Ipinikit niya na ang kanyang mga mata at nagsimula na siyang matulog.
"Siya ba talaga 'yon?" tanong ng kasama ni Zach.
Tumango si Zach bilang sagot sa kasama niya. Nakatingin lang siya kay Tayla na nakasakay sa escalator habang pababa ito. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa dalaga. Nabighani talaga siya dito nang makita niya ito sa personal.
"Ayan na... Pababa na siya," bulong ng kasama ni Zach.
Hindi tumugon si Zach sa kasama niya, bagkus ay nakatingin at nakangiti lang siya ay Tayla. At nang makababa nang dalaga ay nagulat siya nang lagpasan siya nito. Hindi man lang siya pinansin o pinaasadahan man lang tingin nito.
Blangkong nakatingin lang si Zach kay Tayla habang papalayo ito. Pero nagbabakasali siya na bumalik si Tayla o kaya naman ay lumingon ito sa kanya.
Lumingon naman si Tayla sa kanya. Ngunit, ang akala niya na pupuntahan siya nito sa kanyang direksyon ay hindi pala.
"Akala ko ba kilala ka niya?" tanong naman ng kasama ni Zach.
Para naman napahiya si Zach sa kasama niya nang hindi siya nilapitan ni Tayla.
"H-H-Hindi ko alam," nasabi na lang niya sa kasama niya.
"Lapitan mo na kaya," udyok ng kasama niya na may halong pagkainis ang boses nito.
Ginawa nga ni Zach ang sinabi ng kasama niya. Nilapitan niya nga si Tayla at nag-hi siya dito, ngunit, hindi siya pinansin. Nang makalayo na siya kay Tayla ay muling tumingin sa direksyon niya ito.
Ngayon ay gulong-gulo si Zach kung ito ba ang mismo niya na naka-chat o iyong kasama na lalaki ni Tayla. Madaming hinala sa isip niya na kung si Tayla talaga iyon ay baka pinagti-trip-an siya nito. Pero naisip niya rin na sa ganda ni Tayla ay hindi ito mag-aaksaya na maghanap sa 'dating app' dahil kahit hindi ito gumamit, alam niya na makakahanap agad ito ng mas gwapo sa kanya.
"Tara na. Umuwi na tayo," matamlay na wika ni Zach sa kanyang kasama.
Tumalikod na si Zach at naglakad na sa ibang ibang direksyon. Hindi na niya nilingon pa si Tayla.
Napamulat ng mata si Zach sa kanyang panaginip. Dalawang taon na ang lumipas at nagulat siya nang magparamdam si Tayla sa kanya. Nagulat din siya na naka-save pa rin ang number niya kay Tayla.
Bumangon si Zach mula sa kanyang kama. Kinuha niya ang cellphone na nasa side table. Binuksan niya ulit ang message ni Tayla kahapon. Hindi siya nananaginip at talagang kinamusta siya ni Taylal.
Ano na naman ang gusto mong mangyari, Tayla?
Umaga na rin at kailangan na ni Zach na pumasok sa trabaho. He was wearing a semi-formal attire.
Maagang pumasok si Zach sa kanyang trabaho. Lagi naman siyang maagang pumasok. Nagpapaka-busy siya sa kanyang trabaho.
Nasa opisina na si Zach at busy siya sa kanyang ginagawang report.
"Mamaya, Zach, pagkatapos ng trabaho ay mag-inuman tayo," pagyaya ni Rome sa kanya.
Si Rome ay matagal ng katrabaho ni Zach. Ito rin ang kasama niya noong makikipagkita siya kay Tayla noon.
"Same place?" tanong naman ni Zach kay Rome.
"Yep," sagot naman ni Rome sa kanya habang busy na nagsusulat.
Napatigil si Zach sa ginagawang report. Bigla niyang naalala ang message ni Tayla kahapon. Inilabas niya sa drawer niya ang cellphone niya. Hindi niya pa rin nire-reply-an si Tayla. Kaya naman ay ni-reply-an niya na ang dalaga ngayon. At matapos niyang reply-an si Tayla ay ibinalik niya sa drawer ang cellphone niya.
Sumapit ang lunch time, kasama niya si Rome at si Venus--- na mas bata sa kanila ni Rome. Nakatingin lang si Zach sa cellphone niya habang hinihintay ang reply ni Tayla.
"Kanina ka pa tingin ng tingin diyan sa cellphone mo," pagtawag ng pansin ni Rome kay Zach.
Napatingin naman si Zach kay Rome. "Wala ito," tipid na sagot niya dito.
"Weh?" Singit naman ni Venus kina Zach at Rome.
Humirit pa si Venus, "Alam ko 'yan kapag tahimik... Pumapag-ibig 'yan." Sabay na may nakalolokong ngiti sa labi nito.
"Na naman?" Hindi makapaniwalang sabi ni Rome. Dahil alam ng mga ito kung gaano kaseryoso si Zach sa babae.
"Naku, ayan ka na naman, Zach. Huwag kang lalapit na naman sa amin kapag sawi ka na naman, ha," saad ni Venus kay Zach.
Napabusangot si Zach. "Hindi ako in love," mabilis niyang sagot kina Rome at Venus.
"Kung hindi ka in love? Eh ano?" takang tanong ni Venus kay Zach.
"Wala nga ito," inis na sagot ni Zach.
Ayaw na sabihin ni Zach sa kanila dahil noon ay lagi niyang bukam-bibig si Tayla. Sinasabi sa kanya nina Rome at Venus na kalimutan na si Tayla dahil hindi naman talaga ang dalaga ang nakakausap niya noon. Dahil sa itsura pa lang ni Tayla ay alam ng mga ito na hindi magkakagusto ito kay Zach. At maaaring may gumamit lang ng litrato nito.