Ilang minuto pa ang lumipas ay nag-reply na agad sa kanya si Zachary. Naghihintay lang siya ng reply ni Zachary pero hindi niya akalain na ilang minuto lang ang lumipas ay nag-reply na ito sa kanya.
Zach: Uy, salamat!
Ngayon ay nabasa na ni Tayla ang reply ni Zachary. May kung ano sa kanyang kalooban at napangiti siya. Ayaw niya pang maputol ang kanilang pagcha-chat ng binata. Gusto niyang tanungin ang isang bagay--- na bumabagabag sa kanya dahil laging nagpapa-ikot-ikot sa isip niya ang nangyaring iyon noon. Kaya naman ay hindi na siya nag-alinlangan na reply-an ito.
Tayla: Nasaan regalo ko?
What an epic start, eh? Nagawa pa ni Tayla na magbiro gayon na hindi naman sila close. Pero ginawa niya iyon upang pasikutin muna nila ang kanilang pag-uusap. Bago siya mapunta sa gusto niyang itanong dito.
Zach: Hahaha. Bakit ako? 'Di ba, dapat ikaw ang magreregalo sa akin? Nasaan regalo ko? Hehe.
Tayla: Wala eh. Hehe. Hindi ko naman alam na birthday mo ngayon.
Kasinungalingan, alam ni Tayla sa sarili niya ang birthday ni Zachary. Late lang nag-pop-up sa account niya ang birthday ni Zachary.
Zach: Hmm. Kahit ano na lang.
Tayla: Ano bang gusto mong regalo?
Zach: Ikaw.
Biglang nanlaki ang mata ni Tayla sa nabasa niya. Bigla tuloy siyang napa-isip. Dalawang choices lang ang pumasok sa isip niya. Una, gusto pa rin siya ni Zachary. Pangalawa, gusto lang nitong makipaglandian sa sa kanya.
At dahil magaling si Tayla sa pakikipaglaro ay napili niyang makipaglaro na lang kay Zachary.
Let's play safe, shall we?...
Tayla: Bakit ako? Teka, baka magalit ang girlfriend mo kung ako ang gusto mong maging regalo. Haha.
Zach: Wala akong girlfriend.
Bigla na naman nagulat si Tayla. Nasabi na ni Zachary sa kanya ang tanong na matagal ng bumabagabag sa isip niya.
Tayla: Sa gwapo mong 'yan? Wala ka pang girlfriend?
Zach: Eh, wala pa. Ikaw nga itong wala pang boyfriend. Pwede mo naman ipagsabay ang trabaho at relasyon.
Tayla: Hmm... Oo nga. Pwede naman.
Zach: Ako na lang gawin mong boyfriend. Haha.
Napataas ang isang kilay ni Tayla sa chat ni Zach. Pero gaya nga ng sabi niya, she will play along with Zachary. Hindi siya kakagat sa mga pambobola nito.
Tayla: Bakit ikaw? Haha.
Zach: Ayaw mo ba? Haha.
At hindi inaasahan ni Tayla na ganito ang reply sa kanya ni Zachary. Sa dami ng ire-reply ng binata sa kanya ay pwede naman na dahil sa personality nito o ability nito. Pero imbes na iyon ang i-reply ni Zachary sa kanya ay bakit pa iyon?
Baka hinuhuli lang siya ni Zachary kung kakagat ba siya sa patibong nito.
Tayla: Hindi pa ko ready ulit. Hehe.
Not a good answer, eh? Not totally a good answer, Tayla...
Dapat ay diniretsa na ni Tayla si Zachary pero gusto niyang mahuli kung ano ba ang gusto ni Zachary sa kanya.
Aminado si Tayla noong una ay gusto niyang bumalik kay Zachary. Gustong-gusto niyang bumalik kay Zachary hindi dahil sa may nararamdaman pa siya dito--- kundi ay gusto niya rin na matigil na ang mga nanliligaw sa kanya.
Biglang tumunog ang cellphone ni Tayla at nag-reply ng ilang minuto ulit si Zachary. Pagkabukas niya ng message ng binata ay bigla naman siyang nagulat at napataas na naman ang isang kilay niya.
Ang kapal...
Zach: Bahala ka. Ako na nga itong nagyayaya.
Ang yabang...
Napahinga ng malalim si Tayla upang pakalmahin ang sarili at nag-reply agad kay Zachary.
Tayla: Haha. Pag-iisipan ko.
Zach: Pero ang gusto kong gift talaga ay iyong "ano" mo.
Tayla: Anong "ano" ko?
Reply ni Tayla nang hindi niya makuha ang ibig sabihin nito dahil mabagal ang pick-up niya.
Zach: Iyang "ano" mo.
Bigla naman nakuha ni Tayla ang ibig ipahiwatig ni Zachary sa kanya.
Tayla: Ayoko. 'Di ba, nakita mo na ito noon? Hehe.
Yes, noon--- may isang beses lang na nag-usap sila tungkol doon noong magka-chat pa sila sa 'dating app'. Gusto makita ni Zachary ang pinaka-iingatan ni Tayla. Ayaw ni Tayla pero dahil nagtatampo si Zachary noon sa kanya ay pinagbigyan niya ito. Mas inisip niya na baka hiwalayan siya ni Zachary kung hindi niya ibinigay ang gusto nito. At hindi niya iniisip ang sarili niya na maaaring mapahamak siya.
Zach: Nakita? Baka sa iba mo pinakita?
Biglang nasaktan si Tayla nang mabasa niya ang reply ni Zachary. Iniisip ni Tayla na nagsisinungaling si Zachary. Tingin niya na ginugulo nito ang kanyang isipan. Pero talaga naman na gumulo ang isipan ni Tayla sa pinagsasabi ni Zachary.
Pero ano iyong gusto niyang maging boyfriend ko siya?...
Pero ang sakit naman ng sinabi niya sa akin ngayon...
Dapat hindi ko na sinabi iyon...
Nabalik na naman sa ulirat si Tayla at agad na nag-reply sa binata.
Tayla: Hindi ah... Sa iyo lang naman.
Kailangan ni Tayla na magsinungaling kay Zachary. Lahat ng lihim niya ay dapat nakabaon na sa limot.
Matapos na mag-reply si Tayla kay Zachary ay hindi na siya nakatanggap pa ng reply mula dito. Siguro ay ito na rin ang pagkakataon niya upang ipasok ang dapat niyang gustong itanong dito sa nangyari sa kanila noon.
Kakapalan ko na ang mukha ko...
Tayla: Zachary?
Zach: Yes?
Tayla: Bakit mo ko hiniwalayan noon?
Nakatingin lang si Tayla sa screen ng cellphone niya. Hinihintay ang sagot ng binata. Alam niya na napaka-awkward at bakit niya pa tinanong ang nakaraan nila?
Napabuntong-hininga si Tayla nang mapansin niya na mukhang ang hinihintay niya na sagot sa binata ay hindi na nito sasagutin pa.
Mukhang hindi na siya magre-reply...
Ibinaba na ni Tayla ang cellphone niya sa kama. Nakahiga lang siya at nakatingin sa kanyang cellphone na nasa tabi niya.
Bakit kasi tanong ako ng tanong? Alam ko naman na hindi sasagutin ang tanong ko?...
Biglang tumunog ang cellphone ni Tayla, at mabilis na kinuha niya naman ng cellphone. Tiningnan niya kung sino ang nag-message. Nagulat siya nang si Zachary ang nag-message sa kanya. Hindi na siya umaasa na magre-reply si Zachary dahil alam niya noong sila pa ay kapag awkward ang tanong niya dito ay hindi ito nagre-reply. Pero ngayon ay isang himala para sa kanya.
Zach: Bata pa ko noon.
Napataas ang isang kilay ni Tayla sa nabasa niya.
Iyon lang? Iyon lang ang sagot niya?...
Hindi makapaniwala si Tayla na iyon lang talaga ang sagot ng binata sa kanya. Samantalang, mas matanda si Zachary sa kanya noon na nasa bente'y singko at siya naman ay nasa bente'y dos pa lamang.
Siguro... Siguro nga at wala lang ako sa kanya noon...
Siguro, pinaglalaruan niya lang talaga ako...
Tayla: Ah, ganoon ba? Sabagay, parehas naman tayong bata noon.
Kailangan ko ng ihinto itong pagcha-chat namin. Sobrang nasasaktan ako sa sinabi niya...
Tayla: By the way, I have to go. May gagawin pa pala ako ngayon. Nice chatting with you.
Zach: Okay.
At dito na nga nagtatapos ang kanilang pagcha-chat. Inilagay ni Tayla sa ibabaw ng side table niya ang cellphone niya. Humiga na siya habang nakatingin sa kisame.
Kailangan ko nang kalimutan siya...
***
SUMAPIT ang araw ng binyag ng inaanak ni Tayla ay nakahanda na siya. Nakasuot siya ng white long sleeve blouse na may design na bulaklak, black slacks at plain na white high heel close front na hindi naman kataasan ang takong.
Nakatingin lang si Tayla sa malaking salamin. Ligh make-up lang ang ginawa niya sa mukha niya ata ng itim niyang buhok na unat na hanggang bewang niya ay ganoon lang.
Simple lang mag-ayos si Tayla dahil maganda na siya, at hindi naman niya kailangan na maghanda pa ng bongga dahil hindi naman iyon ang araw niya. Kundi ay sa kanyang inaanak.
Bago lumabas si Tayla sa kanyang kwarto ay naisipan niyang kuhanan ang buong sarili at i-post s kanyang social media account.
Matapos ang pag-selfie ni Tayla ay lumabas na siya sa kanyang kwarto. Sinalubong naman siya ni Tinsley.
"Wow! Ang ganda mo, Ate," manghang sabi ni Tinsley sa kanya.
Silang dalawa lang magkapatiid ang nasa bahay ngayon. Ang magulang nila ay nasa probinsya dahil namatay ang isa sa kamag-anak ng ina nila.
At dahil wala ang ama ni Tayla ngayon ay makikisabay na lang siya sa kapitbahay papunta sa simbahan.
Lumipas ang ilang minuto ay nasa simbahan na si Tayla. Hindi maiwasan ng mga dumadaan sa harap niya na mapatingin sa kanya.
Nasa labas lang si Tayla ng simbahan dahil hinihintay muna nila na matapos ang nauna na nagpabinyag. Dahil may schedule ang mga nagpapabinyag.
Hindi naman tumagal ang kanilang paghihintay ay sila ang sumunod. Tahimik lang si Tayla. Wala siyang kilala na mga naging ninong o ninang ng inaanak niya. Marahil, mga kapitbahay niya naman ang mga ito, ngunit ang tanging close lang niya ay ang magulang ng inaanak niya. Ang tanging hiling niya lang ay sana ay matapos na ang binyag.
Bakit ba kasi sumama si Tayla sa binyag? Siya kasi ang main ninang ng inaanak niya. Ayaw man niyang dumalo, ngunit kailangan siya. Pero hindi niya inaasahan na mababagot siya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na ang binyag. Nakisabay na lang ulit si Tayla sa kapitbahay pauwi. At nang makauwi na siya ay nakapagdesisyon siya na hindi na siya makikain sa bahay ng inaanak niya.
Dumiretso na lang si Tayla sa bahay niya. Naabutan niyang nagtatanghalian na si Tinsley.
"Oh? Kumain ka na?" tanong ni Tinlsey sa kanya habang ito ay kumakain na.
"Hindi pa... Dito na lang ako kakain. Nahihiya ako sa kanila. Wala pa 'kong kilala doon," sagot naman niya dito habang inilapag ang shoulder bag sa mahabang sofa.
Pumunta si Tayla sa kusina upang kumuha ng plato at kutsara at tinidor upang sabayan kumain si Tinlsey. Matapos iyon ay pumunta siya sa tabi ni Tinsley kung saan may bakanteng upuan at naupo.
"Anong ulam mo?" aniya.
"Corned beef lang," sagot ng kanyang kapatid na si Tinsley.
Kung maaga lang si Tayla na nakauwi galing sa binyag ay siya na ang nagluto ng ulam para sa kanyang kapatid. Pero masaya naman siya dahil atleast ay natuto din naman magluto ang kanyang bunsong kapatid.
Biglang naalala ni Tayla ang cellphone niya. Baka tumawag kasi ang tatay niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagpunta sa may mahabang sofa kung na saan ang cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone niya at pagkabukas niya ng screen ay nagulat siya na maraming nag-message sa kanya.
Hindi na nagtaka pa si Tayla kung bakit maraming nag-message sa kanya. Dahil iyon sa post pag-post niya ng kanyang selfie picture. Isa ito sa ayaw niya kung bakit ayaw niyang nagpo-post ng mga litrato niya.
Lahat ng message ay tiningnan ni Tayla. Unang nakita niya ang message ni Brandon. Sunod ang mga katrabaho niya na lalaki, at ang huli ay kay Zachary.
Nagulat si Tala nang mag-message si Zachary sa kanya.
Unang ni-reply-an ni Tayla si Brandon. Nagpasalamat na lang siya sa papuri nito upang wala ng madugtungan pa ang kanilang pag-uusap. Sumunod naman sa iba pang mga nag-message. At ang huli ay si Zachary. Hindi siya nagpasalamat dito dahil hindi naman siya pinuri nito kundi ay nagtanong.
Zach: Saan ang punta?
Tayla: Binyag po.
Nakahinga ng maluwag si Tayla ng mag-reply siya. Sa tuwing nakaka-chat niya si Zachary ay hindi siya mapanatag. Parang nate-tense siya lagi.
Ayoko na makipaglaro sa kanya. Ayoko na makipaglaro kahit kanino...
Gusto ko na maging masaya...
Gusto ko na maranasan ang totoong pagmamahal...
Matapos reply-an ni Tayla si Zachary ay pumunta na siya sa hapag-kainan. Habang bitbit niya ang cellphone niya. At sinamahan niya na si Tinsley kumain. Inilapag niya sa tabi ng plato niya ang cellphone. Hindi na niya hinintay pang mag-reply si Zachary sa kanya. Ayaw niya nang magkaroon pa ng komunikasyon dito.
***
NAKAHINGA ng maluwag si Zachary sa reply ni Tayla. Akala niya ay may date ito ngayon. Kahit sabihin sa kanya ni Tayla na single ito ay maaaring makipag-date pa rin ito kahit kailan gusto ng dalaga.
Hindi pa rin maaalis ni Zachary ang tingin niya sa post na litrato ni Tayla. Ultimo, pati ang mga nagco-comment ay binabasa niya na--- though, kaunti lang naman ang nag-comment. Iniisip din niya na maganda naman si Tayla, ngunit bakit mangilan-ngilan lang ang nag-likes at comment dito. Dahil ang alam niya ay karamihan sa mga popular na babae ay talagang pagtutuunan ng pansin.
Siguro ay hindi naman talaga siya katulad ng ibang babae...