Hindi pa rin malalaman ni Zachary kung hindi niya pa nakikita at nakakausap si Tayla ng personal.
Maybe, I was too mean lately...
Na-offend ko ba siya?...
Now, everything was on his mind now. He was thinking to guard his self but not thinking about the other's feelings.
Huli na ang lahat at hindi na maibabalik ni Zachary ang mga sinabi niyang masasakit kay Tayla noon.
Biglang narinig ni Zachary ang pagtunog ng cellphone niya na hawak niya pa rin. Nakita niya kung sino ang caller. It was his girlfriend, Julia. Agad niya naman sinagot ang tawag.
"Hello?" Bungad agad ni Zachary.
(Nasaan ka?)
"Nasa bahay ako. Bakit?" Walang ganang sagot ni Zachary.
(Sunduin mo naman ako dito sa mall. Ang hirap kasi makasakay dito, Bal.)
Napabuntong-hininga si Zachary. Lagi na lang siyang driver ni Julia.
"Nasaan na mall ka?" tanong pa ni Zachary.
(Nandito ako sa Pafrika Mall.)
"Okay. I'm on my way," wika ni Zachary.
(Okay. I lo---)
Ibinaba na ni Zachary ang tawag. Hindi na niya hinintay pa ang sunod na sinabi ng nobya niya. Hindi na siya nag-abala pang tanungin kay Julia kung ano ang ginagawa nito sa mall. Parang nakasanayan niya na lang ang paghatid at pagsundo sa kanyang nobya.
Bumangon na si Zachary sa kanyang kama at nagpalit ng damit. Isinuot niya ang plain white shirt at skinny jeans with white rubber shoes. Buti na lang at day-off niya ngayon. At kung sakaling tumawag sa kanya si Julia kapag may pasok siya ay hindi niya ito masusundo. Instead, mauuwi lang sila sa pag-aaway dahil hindi naman siya iniintindi ni Julia.
Nang nakahanda na si Zachary ay lumabas na siya ng bahay. Pumunta siya sa kanyang sedan at binuksan ang pinto sa driver's seat. Pumasok siya at isinara ulit ang pinto ng sasakyan. Inilagay niya na ang susi sa saksakan at binuhay ang makina ng sasakyan. Matapos iyon ay pinaandar niya na ang sasakyan.
Lumipa ang ilang minuto ay nakarating si Zachary sa Pafrika Mall. Ang usapan nila ni Julia ay sa entrance ng mall na lang maghintay ito. Hindi naman nahirapan si Zachary at nakita niya agad si Julia sa entrance. Kumaway pa ito sa kanya nang makita siya. Nang itinapat niya na ang sasakyan sa may entrance ay sumakay naman agad ang si Julia sa passenger seat.
"Bal, thank you," pagpapasalamat ni Julia habang nilalagay sa backseat ang mga pinamili nito.
Napatingin naman si Zachary sa dami ng pinamili ng nobya. Hindi na siya nagtaka kung ano ang mga ito. Alam naman niya na puro na lang shopping ang alam ni Julia. At kung minsan ay isinama siya nito ay nauubos na ang pera niya sa kakahiling nito sa kanya ng kung ano-ano. Pinaandar niya na lang ang sasakyan.
Kasalukuyan na nasa daan sila at ihahatid na ni Zachary si Julia sa bahay nito.
"Bal, thank you talaga at sinundo mo 'ko," ulit ni Julia.
Tumawag siya kaya sinundo ko siya...
Sarkastikong napaisip si Zachary. Ngunit, isinagot niya na lang ng, "Wala iyon."
"Bal, hindi mo ba tatanungin kung ano ang binili ko?" May pagka-sweet na sabi ni Julia habang kinuha nito ang isang paperbag sa backseat. "Nasaan ba iyon?" Habang nagkakalkal ng ibang paperbag.
Patuloy lang sa pagmamaneho si Zachary habang naghahanap si Julia paperbag. Pasulyap-sulyap na lang siya sa nobya nang makita na nito ang hinahanap nito.
"Ito oh, Bal." Ipinakita sa kanya ni Julia ang isang hindi naman kaliitan na box na magkakasya naman sa palad nito.
Sumulyap naman si Zachary. Hindi na siya nagtanong. Tingin niya ay hindi naman importanteng gamit na naman ang binilii nito.
"Jajan!" Masiglang wika ni Julia habang nakabukas na ang box.
Muling napatingin si Zachary kay Julia na ngayon ay nakabukas na ang box. Nakita niya ang isang relo.
"It was a couple watch," ani Julia habang ipinakita nito ang isang relo na katulad na nasa box na suot nito. Inialis nito ang relo sa box. "Akin na ang kaliwa mong kamay."
Pilit na kinukuha ni Julia ang kaliwang kamay ni Zachary, ngunit iniiwas ni Zachary ang kamay niya dahil nagmamaneho siya.
Biglang nainis si Zachary at nasinghalan niya ang nobya. "Ano?! Mamaya na lang 'yan! I'm driving!" Nang makapreno siya.
Nakita ni Zachary ang pagkagulat sa mukha ni Julia. Pati rin siya ay nagulat sa kanyang ginawa. Ito ang unang ginawa niya kay Julia. Marahil ay napuno na siya. Pansin niya na bumalik na lang ang nobya sa pwesto nito at nakayuko lang habang ibinalik nito ang relo sa box. Maaga pa naman kaya kita niya ang malungkot sa mukha ng nobya.
Ibinalik ulit ni Zachary ang tingin sa daan at pinaandar muli ang sasakyan.
"May problema ba?" biglang tanong ni Julia.
Hindi makasagot si Zachary. Tingin niya na ang problema niya ang sarili niya. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang gusto niya. Hindi siya makapagdesisyon. Pinagsabihan na siya nina Rome at Venus pero nasa kanya pa rin ang desisyon.
"May problema ba sa trabaho?" tanong pa muli ni Julia.
"Ah, oo... Medyo madaming tambak na trabaho," pagsisinungaling ni Zachary sa nobya.
"Eh, tayo? May problema ba?" sunod na tanong ni Julia.
Hindi inaasahan ni Zachary na itatanong iyon ni Julia. Ang akala niya ay wala nang pakialam sa kanya si Julia. Para siyang na-guilty sa mga pinaggagawa niya.
Sumulyap si Zachary kay Julia. "Wala naman tayong problema. Sa susunod ay babawi ako. Medyo busy lang ako nitong mga araw. Saan mo gustong mag-date?" Pilit na pinasasaya ni Zachary ang kanyang boses. Tumingin siya saglit kay Julia upang malaman ang sagot nito. At ibinalik niya ulit sa harap ang tingin niya.
"Naiintindihan ko naman. Akala ko ay may problema tayo. Pwede mo naman sabihin sa akin," ani Julia.
Napalingon si Zachary kay Julia na nakatingin sa labas ng bintana. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Julia na nasa hita nito. Humarap muli siya sa harapan at pinagpatuloy ang pagmamaneho.
"Wala akong problema, okay? Sabi ko nga sa iyo na babawi ako." Napabuntong hininga si Zachary at nagsalita muli, "Ako na lang mag-set ng date natin sa susunod."
Lumingon naman sa kanya si Julia, at ngumiti ito sa kanya. Tumango naman ang dalaga bilang sagot.
Hindi rin nagtagal ay naihatid na ni Zachary si Julia sa bahay nito. Bago bumaba si Julia sa sasakyan ay nagpaalam muna ito kay Zachary.
Tumingin si Julia kay Zachary. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho." Matapos sabihin iyon ni Julia ay binigyan pa nito ng isang halik sa labi si Zachary, at lumabas na ito ng sasakyan.
Pinagmasdan lang ni Zachary ang nobya nang ito ay nasa tapat na ng gate nito.
"Pumasok ka na sa loob," wika ni Zachary sa kanyang nobya.
Ngumiti naman si Julia sa kanya, at sinunod ang sinabi niya. Pumasok nga ang dalaga sa loob. Nang makita iyon ni Zachary ay pinaandar niya na ang kanyang sasakyan.
***
NASA opisina ngayon si Tayla. Nasa meeting room sila ng mga ka-team niya. Nagkaroon ng problema ang kanilang trabaho.
"I have bad news to all of you, guys... Maaaring mawala ang ating team. At kapag nagkataon iyon ay sa ibang team na kayo ilalagay. Nagrereklamo na ang mga clients... Iniisip nila na hindi tayo legit," paliwanag ng Team Leader nila.
Walang nagsasalita maski isa sa kanila. Wala naman problema kay Tayla kung mawala ang team nila. Gusto niya na rin na hindi makasama sina Krizza at Shirley.
Napalingon naman si Tayla kay Krizza nang magsalita ito.
"Wala na. Magre-resign na lang ako," wika ni Krizza.
Feeling boss talaga 'to...
Pag-iisip ni Tayla tungkol kay Krizza.
"Oo nga," sang-ayon naman ng mga ibang ka-team ni Tayla.
Ayaw kasi ng mga ka-team ni Tayla na maghiwa-hiwalay. Dahil parang magkakapatid na ang mga turingan ng mga ito.
"Ayus-ayusin niyo ang mga ginagawa niyo. Kung ayaw niyong magkawatak-watak kayo," dagdag pa ng Team Leader nila. "Okay, ito lang muna sa ngayon. You may go now."
Matapos iyon ay lumabas na sila Tayla sa meeting room. Uwian na nila pagkatapos ng meeting nila. Pumunta na siya ng locker room para kunin ang bag niya. Uwian na nila ngayon at sa wakas ay natapos niya ang araw niya ngayon na hindi siya na-stress sa kanyang ginagawa.
Lumabas na si Tayla sa locker room. Ngayon ay mag-log out na siya. Nang matapos na siya mag-log out ay saka naman ang pagsulpot ni Shirley sa tabi niya.
"Hi Tayla!" bati sa kanya ni Shirley na nasa tabi niya.
"Oh?" Gulat na expression ni Tayla nang makita niya si Shirley. "Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba sasabay kina Krizza?"
"Hindi. Gusto ko na kasi umuwi," sagot naman ni Shirley.
"Ah, okay," Tipid na sagot ni Tayla kay Shirley.
Nawalan na ng gana si Tayla na kausapin si Shirley. Para lang itong aso na paggala-gala na kung saan nakikisama.
Lumabas na silang dalawa sa building. Sabay lang sila na maglakad. Naghiwalay lang sila sa intersection dahil magkaiba na sila ng sasakyan.
Si Tayla ay sa train station samantalang si Shirley ay sa UV naman sasakay dahil nga ay magkaiba ang direksyon ng uuwian nila.
Sumapit ang isang oras, alas otso na ng umaga ay nakauwi muli si Tayla. Naabutan niyang nag-aalmusal ang pamilya niya. Niyaya pa siya ng kanyang magulang na makisalo sa umagahan ng mga ito. Hindi naman siya tumanggi at nag-breakfast na rin siya.
Habang sila ay kumakain, kinamusta si Tayla ng kanyang magulang sa trabaho niya ngayon.
"Kamusta ang trabaho mo ngayon?" Bungad na tanong ng ina ni Tayla.
"Okay lang naman po. Nag-meeting po lang kanina," sagot naman ni Tayla habang patuloy pa rin siya sa kanyang pagkain.
Pinaspasan lang ni Tayla ang kanyang pagkaind dahil nakakaramdam na siya ng antok. Gusto na niyang mahiga sa kanyang kama sa sobrang duling ng kanyang mga mata.
Hindi rin naman nagtagal ay natapos na nga kumain si Tayla. Nagsipilyo agad siya, at matapos ding iyon ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit. Matapos din iyon ay dumiretso na agad siya ng higa at natulog na.
Para lang bumalik si Tayla noon. Dating gawi na wala siyang iniisip na iba. Nakalimutan na niya ng tuluyan si Zachary. She even deactivated her social media account. Lahat na may connection sila ni Zachary.
Sobrang nasaktan si Tayla sa chat ni Zachary noon--- na tingin sa kanya nito ay parang easy-to-get siyang babae. Na sa tingin ng binata ay kung kani-kanino na lang siya pumapatol.
May tumulong luha sa mga mata ni Tayla habang nakapikit ang mata niya. Hanggang ngayon ay ang baba ng tingin niya sa kanyang sarili.
Nasaan ako? Huh? Si Zachary ba 'yon? May kasama siyang babae...
Nakita ni Tayla na may kasamang babae si Zachary. Alam niyang ang binata iyon dahil kahit malabo ang itsura nito ay alam niya ang pangangatawan nito; gayun din ang baabae.
Parang nanliit si Tayla sa kanyang sarili nang makita niya ang balingkinitnan na katawan ng babae, at sa tangkad nito na animo'y isang modelo. Kahit malabo ang kanyang nakikita ay pansin niya ang mas lamang ang babae sa kanya.
Sino 'yong babaeng iyon?...
Napamulat ng mata si Tayla. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Nasa kanyang kwarto naman siya.
Panaginip...
Napahimas si Tayla ng kanyang noo. Hindi niya naman iniisip si Zachary pero napapanaginipan niya ito.
Hindi ko naman siya iniisip...
Hindi ko na siya mahal...
Biglang naisip ni Tayla na malabo ang itsura ng babae sa kanyang panaginip. Basta ang alam niya ay matangkad ang babae at payat.
Hindi kaya? May girlfriend na siya?...
Napailing ng ulo si Tayla habang siya ay nakahiga pa rin.
Hindi ko na kailangan pang problemahin ang buhay niya...
Kinapa ni Tayla ang side table katabi ng kama niya upang kunin ang cellphone niya. Hindi naman nagtagal ay nakuha niya rin ang cellphone niya.
Alas singko na ng gabi, nakahiga pa rin si Tayla. Masyado pang maaga para bumangon siya. Napaaga siya ng gising dahil sa kanyang panaginip--- na dapat ay alas sais pa siya gigising.
Nakatingin lang si Tayla sa kanyang cellphone ngayon. Ni-reactivate muli niya ang kanyang social media account para i-check ang social media ni Zachary. Una niya pinuntahan ang 'friends' niya. Agad na hinahanap kung magkaibigan pa ba sila sa social media.