At sa pagkagulat ni Tayla ay magkaibigan pa rin sila ni Zachary sa social media. Inisip niya na kung mayroon ng nobya ang binata ay i-unfriend na siya nito. Iyon lagi ang nasa isip ni Tayla dahil kapag ang mga dati niyang naging nobyo ay hindi mo na dapat maging kaibigan sa social media. Baka pagselosan pa siya ng mga ito. Pero hindi naman siya nagparamdam kay Zachary kaya naman ay dapat wala na siyang ipangamba dahil alam niya ang kanyang limitasyon.
Biglang nakita ni Tayla ang notification sa kanyang cellphone. Sa notification pa lang ay kita niya kung sino ang nag-message sa kanya, si Brandon.
Ang kulit niya talaga. Hindi ba siya nakakaintindi?...
Ayaw nang diretsahin ni Tayla si Brandon na tumigil na ito. Ayaw niyang masaktan si Brandon. Pero sa kulit na ginagawa sa kanya nito ay tila mas gusto na niyang tanggalin ang social media account. At ito na naman, naisip niya na naman na i-deactivate ang kanyang social media account.
Ngayon, gusto na lang ni Tayla na mag-focus sa kanyang career. Ngayon din ay naisip niya na gumawa ng resignation letter. Gusto niya nang umalis ngayon sa trabaho niya. Gusto niya ng bagong enviroment. Hindi iyong toxic ang mga kasama niya sa trabaho.
Sumapit ang alas sais ng gabi ay bumangon si Tayla. Naligo na siya, nagbihis at kumain na. Papasok na naman siya ngayon sa trabaho. Pero ito rin ang araw na ipapasa niya ang kanyang resignation letter sa Operation Manager niya.
Hindi na ipinaalam ni Tayla sa mga ka-team niya na mag-re-resign na siya. Bakit niya pa sasabihin sa mga ito? Kung puro halong kaplastikan lang ang ginagawa ng mga ito sa kanya.
Ang Operation Manager naman ni Tayla ay nasasayangan sa kanya dahil ayaw nitong malis sa kumpanya si Tayla. Hindi na niya sinagot ang tanong ng Operation Manager bagkus ay nagpasalamat na lang siya sa mga tulong nito sa trabaho.
Sabi nga nila, hindi minsan sa management ang problema kung hindi ay sa kasama mo sa loob ng opisina.
***
LUMIPAS ang ilang araw, natapos na ni Tayla ang araw niya sa dati niyang pinagtatrabaho. Ngayon naman ay araw ng kanyang paghahanap ng bagong trabaho. Naisip niya na apply-an ay ang pagiging isang HR. So far, lagi na lang sinasabi sa kanya ng mga na-apply-an niya na tatawagan na lang siya. Hindi naman siya umaasa na tatawagan pa siya kapag sinabi ang katagang iyon. Kailangan niyang maghanap muli ng trabaho sa madaling panahon.
Sa isang araw ay nag-a-apply si Tayla ng isa hanggang tatlong kumpanya. Come to think of it, sa isang araw ay pagod na siya sa pag-apply sa isa lamang na kumpanya. Pero dahil desidido siya ay nagagawa niyang hanggang tatlo ang pag-a-apply niya sa isang araw. Iniisip niya na higitin niya ang tatlong pag-a-apply sa isang araw ngunit hindi niya kaya.
Pagod na nga siya sa pag-a-apply, pagod pa siya sa paglalakad. Samahan pa ang tirik na araw na lagi niyang kasama.
Ngayon, ito na ang huling kumpanya na pag-apply ni Tayla ngayong araw. At umaasa siya na makakapasa siya sa interview. Alas sais na ng gabi, at dahil nakasuot na formal attire ay nilalamig na ang kanyang legs at kamay sa sobrang lamig na ibinubuga ng aircon. Hindi slacks ang suot niya pang-ibaba kung hindi ay palda.
Matiim na naghihintay lang si Tayla sa Hr na tawagin ang pangalan niya. Hinihintay niya ang resulta ng first interview niya. Kung sakaling makapasa siya sa initial interview ay haharapin niya naman ang final interview.
"Miss Tayla Ruiz?" Banggit ng Hr ng pangalan ni Tayla.
Napatayo naman bigla si Tayla nang marinig niya ang pangalan niya.
"Ma'am," sambit lang ni Tayla.
Kinakabahan na nilapitan ni Tayla ang Hr. Kahit ano pa man ang maging resulta ay tatanggapin ni Tayla. Hindi pa rin siya susuko sa paghahanap ng trabaho.
"Hi. Congratulations! You have passed the initial interview. Please wait for Room A for the final interview," wika ng Hr.
"Thank you!" pagpapasalamat ni Tayla sa Hr.
Pumunta na si Tayla sa Room A para doon ay maghintay. Nang makarating na siya sa room ay saka niya lang inilabas ang saya ng marinig niya iyon sa Hr. Pero mas kailangan niyang tuunan ng pansin ang kanyang final interview ngayon.
Napalingon si Tayla nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Pinagmasdan niya ang mid-30's na lalaki na naka-formal attire, na may dalang papel. Pinagmasdan niya lang ito hanggang ito ay naupo sa kanyang harapan sa kabilang sofa.
"Hi." Bati ng mid-30 na lalaki.
"Hello po." Bati rin pabalik ni Tayla at ngumiti pa siya ng bahagya.
"So, how was your day?" unang tanong ng lalaki.
"It wass fine," tipid na sagot ni Tayla dito.
Tumango-tango naman ang lalaki kay Tayla. "Anyway, I will introduce myself. I'm Paolo Buelo and I am the manager." Pagpapakilala ni Mr. Buelo.
Hindi nagsalita si Tayla bagkus ay hinintay pa niya ang susunod na sasabihin nito.
"So, why should I hire you?" Umpisa na ng interview ni Mr. Buelo kay Tayla.
Inisip ni Tayla na ito na ang umpisa ng interview.
"Um, you should hire me because I am very hardworking person, patient, and trainable," diretso na sagot ni Tayla.
Walang reaksyon na makikita sa mukha ni Mr. Buelo bagkus ay nagtanong pa muli ito kay Tayla. Marami pa itong itinanong kay Tayla na naisagot naman agad ng dalaga.
At sa huli, sa awa ng diyos ay nakapasa na si Tayla. Labis ang pasasalamat niya kay Mr. Buelo.
"Mr. Buelo, thank you so much that you hired me in your company," pasasalamat pa ni Tayla.
"No problem," ani Mr. Buelo kay Tayla habang naglalakad sila papunta sa Hr. Ibinigay ni Mr. Buelo ang papel na dala nito sa Hr.
Humarap si Mr. Buelo kay Tayla. "The Hr will discuss about your schedule," pagkasabi nito ay umalis na rin ito agad.
Ngayon ay si Tayla at ang Hr na lang. Hinihintay na lang niya ang sasabihin ng Hr sa kanya.
Lumipas pa ang ilang minuto ay natapos ang pag-uusap ni Tayla at ang Hr. Nagpasalamat siya sa Hr.
Nakapag-decide na umuwi na si Tayla. Lumabas na siya ng buidling. Ngunit saka naman ang pagkalam ng kanyang sikmura.
Bakit ngayon pa?...
Napahawak si Tayla sa kanyang tiyan. Ngunit, bigla niyang naisip ang kanyang coinpers upang tingnan kung may sapat pa ba siyang pera.
Inilabas ni Tayla ang kanyang coinpers sa bag. Nang buksan niya ang coinpers ay nagulat siya na isang daan na lang ang natira. Hindi niya namalayan ito magmula kanina dahil iniisip niya na makahanap ng bagong trabaho.
Paano na gagawin ko?...
Hindi na alam ni Tayla ang gagawin. Iniisip niya kung gagastusin niya ang kanyang pera para sa pagkain o itatabi niya na lang ito para sa transportation niya.
Nag-compute muna si Tayla kung magkakasya ba sa isang daan ang pamasahe niya. Kasya naman ang pera siya sa pamasahe.
Okay... Para sa pamasahe ko na lang ito...
Naghintay lang si Tayla ng masasakyan niya, ngunit kinakabahn siya dahil wala siyang makitang pagsasakyan niya papunta sa lugar niya. Masakit na rin ang mga paa niya dahil sa matagal na pagtayo niya. Tumingin siya sa kanyang relo. Mag-iisang oras na siyang nakatayo at naghihintay pa rin ng masasakyan.
Hanggang sa, may humintong SUV na heavy tinted sa tapat ni Tayla. Hindi niya pinansin ang sasakyan na huminto sa kanyang harapan. Nakatingin lang siya sa mga sasakyan na dumaraan na nagbabakasakaling may makita na siyang masasakyan pauwi niya.
Ngunit biglang napatingin si Tayla sa SUV nang bumaba ang bintana sa may passenger seat. At sa dahan-dahan na pagbaba ng heavy tinted na bintana ay nakita niya ang taong nasa driver's seat ay ang nag-interview sa kanya kanina.
Mr. Buelo?...
Ngumiti si Mr. Buelo sa kanya. "Saan ang punta mo?" tanong nito.
Hindi malaman ni Tayla ang sasabihin kay Mr. Buelo. Kanina niya lang nakilala si Mr. Buelo, at ito rin ang magiging manager niya.
"Pauwi na po ako, Sir," diretsang sagot ni Tayla kay Mr. Buelo.
Imbes na magsinungaling si Tayla kay Mr. Buelo ay sinabi niya ang totoo. Iniisip niya na baka sakaling isakay siya nito. Para bang hulog ng langit ito sa kanya kung sakaling isakay nga siya nito. Iyon nga lang, hindi niya inisip ang kaligtasan niya. Hindi niya inisip na maaaring malagay siya sa peligro.
"Sumabay ka na sa akin," pagyaya ni Mr. Buelo.
Nagulat naman si Tayla sa sinabi ng ginoo. Imbes na kabahan siya ay tuwa ang naramdaman niya dahil uwing-uwi na talaga siya. Iyon lang ang nasa isip niya ngayon.
Walang pagdadalawang-isip na sinagot ni Tayla ang ginoo. "Sige po. Salamat po," pagpapasalamat niya.
Binuksan ni Tayla ang pintuan sa passenger seat at sumakay na. Nang maisara niya na ang pinto ay pinaandar naman ni Mr. Buelo ang sasakyan.
"Mag-seatbelt ka," ani Mr. Buelo kay Tayla habang nagmamaneho ito.
Napalingon naman si Tayla kay Mr. Buelo. "Ay, opo," aniya at tiningnan ang seatbelt. Kinuha ang seatbelt at ikinabit ito.
HABANG nasa daan silang dalawa ay nagkwentuhan lang silang dalawa. Ang kanilang pinag-usapan ay tungkol sa dating trabaho niya, gayon din si Mr. Buelo. Sa kanilang pag-uusap ay parang animo'y matagal na silang magkakilala.
Nawala ang gutom ni Tayla sa kanilang pag-uusap. Inisip niya na buti na lang at napaka-professional si Mr. Buelo at hindi naitanong ang kanyang personal na buhay.
Tanaw na ni Tayla kung saan siya laging bumaba. Malayo pa ang bahay niya pero naisip niya na doon na lang siya bumaba dahil nakakahiya naman kung hanggang pati sa bahay niya ay ihatid siya.
"Mr. Buelo, doon niyo na lang po ako ibaba sa may waiting shed." Sabay turo ni Tayla sa di kalayuan na waiting shed.
"Doon na ba ang bahay mo?" tanong naman ni Mr. Buelo habang itinatabi ang sasakyan.
"Ah, opo," pagsisinungaling ni Tayla.
Ayaw ni Tayla na malaman nito ang bahay niya. Isa pa ay kapag nakita siya ng magulang niya ay baka kung ano ang isipin ng mga ito sa kanya.
"Ganoon ba?" wika ni Mr. Buelo.
"Dito na po ako, Sir. Maraming salamat po ulit... Ingat po kayo," pagpapasalamat ni Tayla.
Tumango naman si Mr. Buelo bilang sagot nito.
Lumabas ng sasakyan si Tayla. Hindi muna siya umalis. Hinintay niya munang makaalis si Mr. Buelo, at nang makaalis nga ito ay napabuntong hininga na lang siya nang mapagtanto niya na dapat ay tumanggi na siya kay Mr. Buelo dahil hindi naman niya lubos na kilala ito.
***
- Tayla's first day of work -
Nakasuot si Tayla ng floral top, black slacks at close one inch heel na sapatos. Nakatayo siya ngayon sa labas ng building kung saan ay una niyang pagtatrabaho dito ngayon.
Kaya ko ito...
Pagpapalakas ni Tayla sa kanyang sarili. Bumuntong hininga muna siya at pagkatapos ay naglakad na siya papasok sa building.
Ilang minuto ang lumipas, nakarating na si Tayla sa HR Department. Hindi naman kalakihan ang department nila. Halos babae lang din naman sila. Naituro na rin sa kanya ng head ng Hr kung saan ang pwesto niya. Ibinigay na rin sa kanya ang gagawin niya.
Habang inuumpisahan ni Tayla ang kanyang trabaho, bigla ay nagulat siya nang may kumausap sa kanya. Kaya naman ay napalingon naman siyang napalingon sa taong iyon. Isang babaeng naka-bob cut ang buhok nito. Hindi katangkaran.
"Hi~" Bati ng babaeng bob cut ang buhok.
Masasabi ni Tayla na cute ito dahil sa mukha nitong mukhang bata, at ang morenang kulay ng balat nito. Nakasuot ito ng v-neck sleeve, black slacks at black point toe flats.
"H-Hello." Bati naman pabalik ni Tayla dito, at ngumiti din siya ng bahagya upang maging maaliwalas ang kanyang mukha.
First time na magtrabaho ni Tayla sa Hr Department, at medyo naninibago pa siya sa kanyang trabaho. Hindi katulad sa dati niyang trabaho ay puro pagta-type lang ang ginagawa niya.
Ngayon, sa bagong trabaho ni Tayla ay malaking adjustment ang gagawin niya.
"Ako nga pala si Emma," pagpapakilala ng naka-bob cut na buhok kay Tayla.
Ngumiti muli si Tayla kay Emma at nagpakilala naman din siya dito. Ngunit, hindi pa natatapos ang pagppapakilala nila sa isa't isa. Ipinakilala din siya ni Emma na nasa kabila naman niya na si Julia.