Pansin ni Tayla na matangkadd si Julia. May maalon na mahabang buhok ito, malaki ang mata, rounded nose tip, and have a glamour lip. Maputi ang balat nito. At masasabi niyang makinis ito. Pansin niya rin ang kasuotan nito na black print notch neck blouse, dirty white slacks and a beige bow decor point toe ankle strap court pumps with one inch heel.
Namangha si Tayla sa angking ganda ng pangangatawan ni Julia. Para itong model na rarampa.
Habang ginagawa nila ang kanilang trabaho ay nag-uusap naman silang tatlo. Nag-iisip sina Emma at Julia kung saan silang tatlo kakain. Nakikinig lang si Tayla sa dalawa. Hindi niya naman alam kung saan kainan na malapit sa building nila. Kaya naman ay sasama na lang siya sa dalawa kumain kapag break time na nila.
Hindi naman nahirapan si Tayla sa pakikisama kina Emma at Julia. In fact, masaya siyang kasama at kakwentuhan ang dalawa. Hanggang sa malapit na ang kanilang break time na saka naman ang pagdating ni Mr. Buelo. Bumati naman silang lahat.
Masayang napatingin lang si Tayla kay Mr. Buelo. Napakabait nito sa kanya at nagpapasalamat siya na tinanggap siya nito sa kumpanya.
Ibinalik na ni Tayla ang tingin niya sa lamesa niya upang ayusin lahat na nakakalat na papel.
***
NAGLAKAD lang si Mr. Buelo sa loob ng Hr Department. Sinusuri niya bawat isa-isa. Hanggang sa, hindi niya inaasahan ng makita niya si Tayla ay tumigil na siya sa pwesto nito. Pansin niya na inaayos nito ang lamesa nito.
***
NARAMDAMAN ni Tayla na mukhang may tao sa kanyang likuran. Nagtuloy-tuloy lang siya sa kanyang ginagawa at hindi nilingon ang taong nasa likuran niya.
"Tayla." Tawag mula ng taong nasa likuran niya.
Tila nagulat naman si Tayla at napatigil sa ginagawa. Nilingon niya ito. Nanlaki ang mata niya na nakarating na si Mr. Buelo sa pwesto niya. Tumayo siya at humarap kay Mr. Buelo.
"Ikaw pala, Sir," wika ni Tayla. Ngunit, bigla niyang napansin na tumayo na sina Emma at Julia. Naalala niya na break time na pala nila.
Tumingin si Tayla kina Emma at Julia. Sumenyas sa kanya si Emma na mauuna na ang mga ito. Wala naman magawa si Tayla dahil kaharap niya si Mr. Buelo.
Nang silang dalawa na lang ay ngumiti sa kanya si Mr. Buelo.
"Tara, kain tayo," simula ni Mr. Buelo. "Don't worry. Treat ko."
Napakamot ng ulo si Tayla. Akala niya kung anong sasabihin nito.
Pumayag si Tayla. "Sige po. He-he." Habang inilagay niya sa likod ng tainga niya ang buhok niya.
Parang inaalok lang si Tayla na i-date ni Mr. Buelo tingnan. Hindi naman katandaan tingnan si Mr. Buelo. Masasabing may itsura naman din ito, at malakas pa rin ang dating.
At ganito ang tipo ni Tayla na malinis sa katawan at disente kung manamit.
Sa sobrang ganda ni Tayla sa kanyang sarili ay inisip niya na may gusto sa kanya si Mr. Buelo dahil sa galawan nito. Kumbaga sa dami ng nakilala niyang lalaki ay hindi naiiba si Mr. Buelo. Pero ang ikinataka niya kung bakit siya niyaya ni Mr. Buelo ngayon na oras ng trabaho nila.
Ngayon lang napagtanto ni Tayla na nasa opisina sila, at mas inisip niya pa na may gusto ito sa kanya.
Lumabas na sila ng opisina. Sumakay na sila ng elevator. Ang masaklap pa ay silang dalawa lang ang nasa loob ng elevator. Pumwesto siya sa kanan at si Mr. Buelo naman ang nasa kaliwa na malapit sa button ng elevator.
Nakayuko lang si Tayla at iniisip na sa pagtapos ng break time ay baka pag-usapan siya ng ibang mga katrabaho niya.
***
SA FAST FOOD, kumakain sina Emma at Julia. Bigla nilang napag-usapan si Tayla.
"Sayang, hindi natin kasama si Tayla ngayon. Pero nakita mo ba iyong kanina? Parang magkakilala si Mr. Buelo at si Tayla," wika ni Emma.
Hindi naman sumagot si Julia agad. Tingin niya na may namamagitan sa dalawa.
"Hindi kaya magkaamag-anak sila?" nasabi na lang ni Julia.
Sumang-ayon naman si Emma. "Pwede rin naman... Ay! Napansin mo rin ba na kanina pinag-uusapan si Tayla ng mga ibang department. Ang ganda niya kasi sobra."
Tila nag-init ang ulo ni Julia nang marinig niya ang sinabi ni Emma na sa tingin niya ay may humigit sa kagandahan niya sa opisina.
"Hm, syempre bago siya kaya siya pinag-uusapan. Ganoon din naman sa akin noong una," pagkukumpara ni Julia sa kanya at kay Tayla.
"Anong sa iyo lang? Lahat naman tayo. Ganoon naman kapag bago ka pa lang sa kumpanya," buwelta naman ni Emma.
Pasimple naman umirap si Julia. Kailangan niya na lang makisama kay Tayla. Tanging ang magagawa niya na lang ay higitan ang pag-aayos sa sarili. Pansin niya rin talaga nang makita niya si Tayla ay malakas ang dating nito. Hindi nga lang nagkakalayo ang kanilang height. Nahigitan niya lang ng ilang tangkad si Tayla.
"Mamaya chikahin natin si Tayla," ani Emma at pinagpatuloy ang kinakain.
"Ubusin mo na 'yang pagkain mo at nang makabalik na tayo sa opisina," nasabi na lang ni Julia.
Hindi rin naman nagtagal at nakabalik na rin naman sina Emma at Julia sa opisina. Ngunit, sa pagbalik ng dalawa sa opisina ay wala pa si Tayla.
Napatingin naman sa relo si Emma. "Malapit na matapos ang break time natin pero wala pa si Tayla," anito.
Ayaw naman magsalita ng masakit si Julia na inisip niya na may something na namamagitan kina Tayla at Mr. Buelo.
"Maya-maya nandito na rin iyon," sabi ni Julia habang nakaupo at nag-uumpisa na sa gagawin nito.
"Oo nga naman," sang-ayon naman ni Emma at naupo na rin sa upuan nito.
Ngunit, napatigil si Julia sa ginagawa at humarap kay Emma. "Hindi ba't sabi mo kanina ay chichikahin mo siya mamaya?"
Tila nag-isip naman si Emma. "Ah, oo nga nasabi ko nga kanina."
Natawa naman si Julia sa kulit ni Emma. At pagkatapos ay nagsipagbalik na sila sa kanilang trabaho.
Pero lumipas ang isang minuto ay wala pa rin si Tayla. Kahit na si Emma ay nag-iisip kung nasaan si Tayla, gayon din si Julia na malalim din ang iniisip.
***
HINDI alam ni Tayla kung ano ang sasabihin kay Mr. Buelo. Ngayon niya lang talaga naisip na baka pag-usapan talaga sila.
"Ano..." Panimula ni Tayla, ngunit hindi niya maituloy ang sasabihin. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Mr. Buelo.
Napansin ni Tayla sa gilid niya si Mr. Buelo na lumingon sa kanya.
"Ano 'yon, Tayla? May sasabihin ka ba?" tanong naman ni Mr. Buelo.
Ipinikit ni Tayla ang mga mata niya saglit at huminga ng malalim. Pinakawalan niya naman ang kabang nararamdaman niya.
"Sir, siguro po ay huwag na lang po ngayon. Baka po kasi kung ano ang---" Hindi na natapos ni Tayla ang sasabihin nang maramdaman niya ang pag-akbay ni Mr. Buelo sa kanyang balikat.
"Don't worry, Tayla. We are just going to eat. I-treat lang kita," wika ni Mr. Buelo.
Ramdam naman ni Tayla ang pagpisil sa kanyang balikat ni Mr. Buelo mula sa pagkakaakbay nito sa kanyang balikat. Matapos din iyon ay agad din ang pagtanggal ng pag-akbay nito sa kanyang balikat. Kaya naman ay bigla siyang napahinga ng malalim nang alisin na ni Mr. Buelo ang pagkakaakbay nito sa kanyang balikat.
It's just me or guni-guni ko lang 'yon?...
Napag-isip si Tayla kung napa-paranoid lang ba siya o masyado siyang sensitive.
Sa isang class restaurant dinala si Tayla ni Mr. Buelo. Nagtataka lang talaga siya na parang 'date' na itong ginagawa nila. Hindi naman bago sa kanya ang pagpunta sa mga class na restaurant, ngunit naiilang siya dahil kasama niya si Mr. Buelo.
Habang kumakain sila ay hindi maiwasan ni Tayla ang pagkailang kay Mr. Buelo. Ngunit, lingid sa kaalaman niya ay napapansin siya ni Mr. Buelo.
"Relax, Tayla... I just want to treat you. That's all," sabi ni Mr. Buelo kay Tayla habang patuloy sa paghihiwa ng kinakain nito.
Hindi nagsalita si Tayla bagkus ay ngumiti lang siya habang nakatingin at ipinagpatuloy niya lang ang kanyang pagkain.
"If ever na magtanong sila sa iyo ay sagutin mo sila ng totoo. Nang hindi nila bigyan ng kahulugan ang mga nakikita nila," dagdag pa ni Mr. Buelo.
Saka naman napagtanto ni Tayla na baka siya lang ang nag-iisip na may gusto sa kanya si Mr. Buelo.
Tama naman si Mr. Buelo. Siguro ay nag-assume lang ako na gusto ako ni Mr. Buelo...
Lumipas pa ang ilang minuto ay natapos na silang kumain. Sabay pa rin silang bumalik sa opisina. At sa pagbalik ni Tayla sa opisina ay naghihintay naman sina Emma at Julia sa kanya.
Sa pagkaka-upo ni Tayla sa kanyang upuan ay napatingin naman siya sa kanyang relo. Nagulat siya nang kanina pa tapos ang break time nila, at ngayon lang siya nakabalik.
"Pasensya na kayo, Emma, Julia. Niyaya kasi ako ni Mr. Buelo na kumain," paumanhin ni Tayla sa dalawa.
"Okay lang... Pero para saan iyong pagyaya ni Mr. Buelo sa iyo?" curious na tanong ni Emma.
"Ano... Gusto niya lang ako ilibre," sagot naman ni Tayla kay Emma.
"Ah... Akala namin na---" Singit naman ni Julia, ngunit hindi rin natapos ang sasabihin nang makuha ni Tyla ang gustong sabihin nito.
"Wala talaga 'yon," aniya, at biglang nagbiro siya, "Magtaka kayo kapag naulit pa iyon," biro pa ni Tayla sa dalawa.
Ngunit, pansin ni Tayla na hindi natawa sina Emma at Julia sa biro niya. Kaya naman ay may tanong sa isipan niya.
"May problema ba?" takang tanong ni Tayla sa dalawa.
Nakita ni Tayla na umaliwalas ang mukha ni Emma.
"Ano ka ba, syempre, iisipin namin 'yon. Alam mo naman na bawal ang may magkarelasyon sa opisina, 'di ba?" ani Emma habang patuloy sa ginagawa nito.
Bigla naman ang pag-alala sa mukha ni Tayla. "Alam ko naman 'yon," sagot niya.
Alam naman talaga ni Tayla iyon at ayaw niyang mangyari iyon kung sakaling magbigay ng motibo si Mr. Buelo sa kanya. Ayaw niya na pinag-uusapan siya ng iba.
Hindi na muli pa silang nag-usap na tatlo. Patuloy lang sila sa kanilang trabaho. Nag-e-enjoy naman si Tayla sa kanyang trabaho. Kahit na unang araw niya pa lang ngayon. Hindi lang siya nag-e-enjoy sa kanyang trabaho kundi ay pati na rin sa kanyang mga katrabaho. Kung ikukumpara niya sa dati niyang trabaho ay mas gusto niya ngayon sa pinasukan niya kaysa noon.
Ilang oras din ang lumipass ay uwian na nila. Nililigpit na lang ni Tayla ang nasa lamesa niya upang malinis na ito.
"Tayla, sabay ka na sa amin umuwi," pagyaya ni Julia kay Tayla.
Napalingon naman si Tayla kay Julia na bitbit na nito ang shoulder bag nito.
"Naku, hindi na," tanggi ni Tayla. "Sa iba ang daan ko," dahilan niya pa.
Bigla naman sumingit si Emma, "Ah, ganoon ba... Saan ka ba umuuwi?"
"Sa Antipolo pa ako," tugon naman ni Tayla kay Emma.
"Talaga?" gulat na sabi ni Emma kay Tayla. "Doon din ako umuuwi... Sabay ka na sa akin umuwi."
"Hm, oo," muling sagot ni Tayla kay Emma.
Sumingit naman si Julia, "Ayan, may kasama ka ng umuwi sa Antipolo, Emma," wika nito kina Tayla at Emma.
Napatingin sina Tayla at Emma kay Julia nang tumunog ang cellphone nito. Nagpaalam kina Tayla at Emma si Julia.
"Guys, mauna na 'ko. Naghihintay na sa baba ang aking boyfriend. Hihi," malawak na ngiti na sabi ni Julia.
"Sige. Ingat ka," wika ni Tayla kay Julia. Gayon din si Emma na nagpaalam kay Julia.
Ngayon na sila Tayla at Emma na lang. Sinabihan ni Tayla si Emma na aayusin lang muna niya ang lamesa niya upang malinis bago sila umalis. Hindi rin naman nagtagal at natapos na si Tayla. Kinuha niya ang kanyang shoulder bag at lumabas na sila ng opisina.
Nang sila ay nasa labas na ng building ng kanilang pinagtatrabaho, nagtataka siya kung bakit nasa harap lang silang dalawa ni Emma sa building. Dapat ay naghahanap na sila ng masasakyan ngayon.
"Emma?" Pagtawag ni Tayla kay Emma na nakatingin sa cellphone nito.
Lumingon kay Tayla si Emma. "Bakit?" anito.
"Ano... Um... May hinihintay ka pa ba?" walang pag-aalinlangan na tanong ni Tayla kay Emma.
"Shocks! Sorry... Hindi ko nasabi sa iyo... Susunduin tayo ng asawa ko. Pasensya ka na at hindi ko nasabi," wika ni Emma.