Kabanata 7

2070 Words
At ngayon, hindi alam kung paano naman ni Tayla tatanungin si James kung paano ba ang dalawa na naghiwalay. Para kay Tayla ay hindi niya maintindihan ang binata. Wala pa naman siyang anak at hindi niya maramdaman ang father and daughterhood. Pero ang ayaw niya lang ay ang hiwalayan. Lalo na at may involve na bata kina James dahil naaawa siya para sa bata. Hindi niya gusto na lalaki ang bata na hindi kumpleto ang pamilya. Hindi man niya naranasan iyon ay may malasakit naman siya kahit kanino. Naniniwala siya na may posibilidad na magkabalikan pa ang dalawa. Nakikita niya kay James na mahal pa nito ang ina ng anak nito. Dala ng kalungkutan ay alam niya na gusto ni James na sumaya naman ito at maramdaman na magmahal muli. Pero isa lang ang nasa isip ni Tayla. Ayaw niyang ma-involve sa may anak na. Sino naman ang gusto ng broken family? Hindi ba at wala? Kaya naman ay napagdesisyunan ni Tayla na i-reject si James, ngunit, hindi niya alam kung paano. Pero ngayon ay pagbibigyan niya muna si James hanggang sa makarating sila sa opisina. Ito ay bilang sukli sa pagtulong ni James sa kanya sa trabaho. "Kamukha niya talaga ang nanay niya... Miss ko na nga ang anak ko," ani James na malungkot na pagsasalita nito. "Bakit? Hindi mo ba siya nakakasama?" pagtataka ni Tayla. "Minsan nasa akin siya... Kinukuha ko siya kapag day-off natin," tugon ni James. "I see... Huwag kang mag-alala at makakasama mo ulit ang anak mo," pag-cheer ni Tayla. "Ano... Bakit pala kayo nagkahiwalay ng dati mong nobya?" natanong din sa wakas ni Tayla kay James. Sinagot naman siya ng diretso ni James na walang pag-aalinlangan. "Kasi nakahanap siya ng iba sa work natin," sagot ni James. "Eh? Ibig sabihin... nandoon sila sa office natin? Bakit hindi ko sila nakikita?" Sunud-sunod na tanong pa ni Tayla sa binata na animo'y nakikichismis. Hindi ibig sabihin nito ay interesado si Tayla kay James talaga. Minsan ay nasa nature na niya na alamin ang buhay ng tao. At kapag nalaman niya na ay minsan ay tutulong siya. Depende sa mga kwento sa kanya dahil hindi naman siya basta-basta na naaawa. Pero minsan din na sumagi sa isipan ni Tayla na baka hindi girlfriend ang gusto nito sa kanya; kundi ay baka maging isang f**k buddy? Dahil napansin niya na parang atat ito na lumabas silang dalawa. Sa mga naranasan ni Tayla noon sa ibang lalaki base sa mga aksyon ng mga ito ay masasabi niya na kabisado niya na ang mga lalaki. Dahil marami sa na-encounter niya sa 'dating app' noon ay walang sumeryoso sa kanya. Kaya naman kahit sa trabahoo ay nire-reject niya ang mga lalaki. "Hindi... Nasa ibang company na nagtatrabaho ang dati kong nobya. Iyong bago niyang boyfriend na kinakasama niya na ay nasa ibang branch naman. Doon sila nagkakilala noon," kwento ni James. Ngayon ay nalinawan na si Tayla. Kaya pala hindi niya nakikita ang dating nobya ni James. Kahit na tapat si James sa kanya ay hindi niya kaya na pilitin ang sarili niya na magkagusto kay James. Siya iyong tipo na babae na nakikita niya na hindi ito para sa kanya. Sa tingin niya na hindi ito bagay sa kanya. Hindi man siya mapili sa lalaki pero kailangan niyang pumili ng mas nababagay sa kanya. "Ah, doon pala sila sa ibang branch natin... Kaya pala hindi ko sila nakikita," nasabi na lang ni Tayla. Natigil na ang kanilang pag-uusap nang dumating na ang tren na sasakyan nila. Gabi na at kaunti lang ang mga nakasakay na pasahero. Nakapasok na sila at buti na lang ay maluwag pa. Ngunit, nakatayo na lang silang dalawa. Kahit puro lalaki ang laman ng tren sa kanilang sinakyan ay bihira lang sa mga lalaking nakaupo ang magpaupo ng babae dahil lahat sila ay pagod din sa biyahe o kaya naman ang iba ay papauwi na galing sa trabaho. Buti na lang at gabi na... Pero dahil maliit lang si Tayla ay ang problema niya ay wala siyang makakapitan. Tumingala siya pansin niya na mataas ang hawakan. Kaya naman ang ginawa na lang niya ay pinagtibay niya ang kanyang binti at paa upang mabalanse ang pagtayo. Umandar na ang sinasakyan nilang tren. Naapatras pa si Tayla nang umandar na ang tren. Ngunit, nakabawi rin siya at napanatili niya pa rin ang kanyang balanse sa pagtayo. Hindi na sila nag-usap ni James nang sila ay makasakay ng tren. Pansin niya rin ang pag-alalay sa kanya ni James magmula kanina. Sa bawat na may baba sa mga susunod na estasyon ay ito naman din ay pagdagdag ng sinasakay. Kaya naman ay naisip ni Tayla na hindi maganda ang susunod na mangyayari kung patuloy na may dadagdag pang sasakay. Ayaw niyang madikit kay James. Hindi sa nandidiri siya kay James pero ayaw niya lang talaga na may dumidikit sa kanya. Naiilang kasi siya sobra sa mga lalaki. Kahit may mga kaibigan siya na lalaki ay alam niya ang limitasyon niya. Hindi siya iyong tipo na babae na basta-basta na lang dumidikit sa lalaki; kahit na close niya pa ito. Dahil para sa kanya ay ayaw niya na magkataon na kapag humantong na magtapat sa kanya ang kaibigan o kahit sinong lalaki ay ayaw niyang magkaroon sa pagitan nilang dalawa. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating din sila sa kanilang destinasyon. Unang bumaba ng tren si Taya dahil pinauna na siya ni James na lumabas. Nang makalabas na sila ng estasyon ay ilang lakad lang hanggang sa makarating sila sa building pinagtatrabaho nila. Sabay silang pumasok sa loob ng building nang hindi nag-uusap. Sumakay sila ng elevator. Kahit nasa loob na sila ng elevator ay hindi pa rin sila nag-uusap na dalawa. At nang makarating na nga sila sa opisina nila ay dumiretso sila sa pantry. Bago pumunta si Tayla sa laging pinag-uupuan niya na nasa sulok lamang ay pinagmasdan niya muna ang kabuuan ng pantry. Wala pang mga ibang ka-team nila at napaaga siya ngayon. Buti na lang at wala pa ang ibang ka-team nila. Kung hindi ay tiyak na magiging iba ang tingin sa kanilang dalawa dahil sa weird na pag-aksyon ni James. Nang makapante si Tayla ay naupo na siya sa sulok na upuan. Naupo naman si James sa tabi niya. Hindi pa rin sila nag-uusap kahit na magkatabi silang nakaupo. Inilabas ni Tayla ang kanyang cellphone at nag-chat kay Brandon dahil alam niyang gising na ito at umaga na sa lugar nito. Nag-chat na si Tayla kay Brandon. Ipinarating niyang mensahe kay Brandon na nasa opisina na siya at kinumusta din ito. Nakatingin lang siya sa screen ng cellphone niya; nagbabakasakaling mag-reply na si Brandon. At sa kanyang paghihintay ay nag-reply nga si Brandon kaagad. ------------------------------ Brandon: Hey~ I was reading some of my textbooks. But since you messaged me, maybe I read it later. ------------------------------ Napangiti si Tayla nang mag-reply si Brandon. Alam niyang hindi siya matitiis ni Brandon. Pero naisip niya rin na ginagamit niya lang si Brandon. Pero kailangan niya lang gawin ito ngayon. I'm sorry, Brandon... Biglang napatigil sa malalim na pag-iisip si Tayla nang mapansin niya si James sa pheripheral vision niya nang bigla itong tumingin sa kanyang cellphone. Literal na tumingin si James sa kanyang cellphone na mukhang curious kung sino ang ka-chat niya. Ayaw sa lahat ni Tayla sa lalaki ang ganito. Napansin niya ang bawat na weird na aksyon ni James nang ito ay manligaw sa kanya. "Sino ka-chat mo?" mala-curious na tanong ni James sa kanya. Sa isip-isip ni Tayla na para naman na umaarte na nobyo niya na kaagad ito. "Iyong friend ko," simpleng sagot ni Tayla habang nakatingin sa screen ng cellphone niya. Nakapag-decide si Tayla na reply-an si Brandon. Bigla siyang nakaramdam ng pagkainis kay James. ------------------------------ Tayla: Well actually, I have a problem. ------------------------------ Brandon: What problem? ------------------------------ Tayla: Well, my officemate wants to courting me. And I don't know how will I reject him. ------------------------------ Brandon: Is that a jerk or what? You should be careful. ------------------------------ Tayla: No. Actually, he is so honest... But I reallt don't like him. ------------------------------ Brandon: Tell him that you already have a boyfriend. ------------------------------ Ano pa nga ba ang gagawin ni Tayla? Kundi ang magpanggap na mayroon siyang nobyo. Naisip niya na sabihin kay James na nagkabalikan sila. Ngunit, paano niya sasabihin kay James? "GUYS, MAY SHIPPING NA!" Narinig ni Tayla ang boses ni Krizza nang sila ay tawagin. Nag-reply muna si Tayla kay Brandon na siya ay may trabaho na. Matapos iyon ay pumunta muna siya sa locker room para doon ilagay ang bag niya. At pagkatapos ay pumasok na siya ng production room na dala ang cellphone niya dahil kino-confiscate ng Team Leader nila ang mga cellphone nila bago sila magtrabaho. Nang maibigay na ni Tayla ang cellphone sa kanyang Team Leader ay dumiretso na siya sa kanyang upuan. Nang nasa pwesto na siya ay nagsimula na siyang magtrabaho. Ngunit, sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho ay kahit hindi siya nakatingin kahit kanino ay pansin niya sa paligid niya na may nakamasid sa kanya. Alam niya na si James iyon. Wala pang isang minuto ay may natatapos na sa kanila sa pagtatrabaho. Paanong mabilis matapos ang ginagawa ng mga ito kung sa pagtawag ng ibang katrabaho ni Tayla ay laging dinederesto sa voicemail upang mag-iwan ng mensahe lang sa mga customer. Nang unti-unti na ang mga katrabaho ni Tayla na natatapos ang tawag ay wala na ring katabi siya. Nagulat na lang siya ng sumulpot sa gilid niya si James. "Gusto sana kitang yayayain kumain pagkatapos ng trabaho mo," ani James. Tumingin naman si Tayla kay James. "Pasensiya ka na... Nagbabaon kasi ako." Tumango naman si James. "Ganoon ba?" Biglang may sumulpot na ibang katrabaho nila Tayla na sa tingin niya ay kung sabay silang kakain ay hindi lang si James ang kasama niya. Kaya laging nagdadala ng baon si Tayla ay dahil gusto niyang magtipid. Lalo na at maliit lang ang kanyang sinasahod sa kanyang trabaho. Hindi rin nagtagal ay natapos na si Tayla sa kanyang trabaho. Napainat pa siya ng kanyang katawan. Bago siya lumabas ng production room ay pumunta muna siya sa pwesto ng Team Leader niya upang kunin ang kanyang cellphone. "Sir, kukunin ko na po iyong cellphone ko," malumanay na sabi ni Tayla sa kanyang Team Leader. Ibinigay naman kaagad sa kanya ng Team Leader niya ang cellphone niya. Nagpasalamat din naman kaagad si Tayla sa kanyang Team Leader, at lumabas na siya ng production room. Pagkalabas ni Tayla ng production room ay dumiretso muna siya ng locker room upang kunin ang kanyang bag, at saka ay nagtungo na sa pantry. Gaya kanina ay naupo si Tayla sa pinakadulo na walang nakakapansin masyado sa kanya. Nang mailabas ni Tayla ang baunan niya ay inilabas niya na rin ang cellphone niya. Bago siya kumain ay tiningnan niya muna ang cellphone niya. May chat sa kanya si Brandon. Nag-reply naman siya. Ngunit, tumatagal na ang chat nila nang mapagtanto niya na maiksi lang ang break niya. Isa pa ay gusto na niya talagang ihinto ang pagcha-chat nila ni Brandon dahil napupunta ang topic nila sa kabastusan. ------------------------------ Tayla: Remember, I'm at my work right now. And I'm having my break now. I don't want to talk about that. ------------------------------ Brandon: Hahaha! I'm sorry, Babe. ------------------------------ Tayla: See you later. I'm going to eat for now. ------------------------------ Brandon: Okay. See you. Take care. Bye. ----------------------------- Matapos ang pagtatapos ng pagcha-chat nila ni Brandon ay kakain na sana siya nang maalala niya na naman ang message ni Zic. Binalikan niya ang message ni Zic. Hindi niya pa rin nire-reply-an ito. Ang totoo ay alam ni Tayla kung ano ang tunay na pangalan ni Zic na Zachary Cano. Alam niya rin ang social media account nito. Pero pribado ang account ni Zachary. Kaya naman ay hindi niya malaman ang nilalaman pa ng social media nito. Biglang naisipan ni Tayla na mag-reply na kay Zach. At matapos iyon ay bumalik na siya sa production room upang mag-record ng mga natawagan niya kanina. Lumipas pa ang ilang oras ay uwian na nila. Nag-log out na siya nang sumulpot na naman si James at sinabihan siya nito na ihahatid siya sa train station. Ngunit, tumanggi na siya agad at nakaisip ng idadahilan kay James. "Pasensya ka na, James. Mamaya pa ako uuwi," pagdadahilan niya. "Um, okay. Sige, mauna na ako. Ingat ka," pagpaalam ni James sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD