Nanatili lang si Tayla sa pantry. Tingin siya ng tingin sa kanyang relo. Imbes na mapaaga ang kanyang uwi ay ito siya ngayon at nagtiis na mag-stay sa pantry. Lumipas pa ang isang oras ay unti-unti nang lumiliwanag sa labas. Naabutan na siya ng pagsikat ng araw. Hindi sa takot siya sa liwanag.
Ang laging uwi ni Tayla ay ala-singko ng umaga. Pero ngayon ay umabot siya ng isa at kalahating oras na nag-stay sa pantry. Kaya naman ay napagdesisyunan niya na umalis na rin. Sa tingin niya ay wala na siyang makikitang James sa loob at labas ng building. Lumabas na siya ng pantry, ngunit, may pag-iingat pa rin at patingin-tingin siya sa kanyang paligid kung makikita niya ang pigura ni James. Wala naman siyang nakita na pigura ni James. Hanggang sa, makalabas siya ng building ay wala siyang nakita na sign ni James. Kaya naman ay masaya siyang nakarating sa train station. Nakasakay na rin siya kaagad ng tren ng matiwasay dahil nakaupo pa siya. But at the same time, pagod at antok ang nararamdaman niya ngayon.
Sino ba naman ang hindi aantukin kapag gabi ang pasok mo. At isa pa ay ang layo pa ng uuwian niya. Pagod na nga siya sa trabaho, bugbog pa ang katawan niya sa biyahe at lumulutang pa ang kanyang isip sa mga oras na ito.
Nang makarating si Tayla sa destinasyon niya ay lumabas na siya ng tren. Mahaba-habang lakad na naman ang gagawin niya upang makarating siya sa susunod na sasakyan niya; ang fx. Wala naman siyang magawa kundi ay maglakad kahit na masakit na ang kanyang mga paa.
Nagmamadali na si Tayla nakasakay naman siya ng fx at sa sumunod na sasakyan niya rin papunta sa kanyang bahay. Mahigit isang oras ang lumipas nang makarating siya sa bahay. Mga alas-siete ng umaga nang siya ay makarating. Nasa kwarto na siyay ngayon at sobrang pagod siya sa biyahe at gusto na niyang magpahinga.
Nakahiga na si Tayla sa kanyang kama, ngunit, biglang nawala ang antok niya nang maalala niya si Zachary. Kaya naman ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone na nasa side table niya. Agad na tiningnan niya ang screen ng cellphone niya. May gana pa siyang tingnan ang Biber App niya sa sitwasyon niya na kailangan niya nang matulog dahil may pasok na naman siya mamayang gabi.
Kinakabahan na binuksan niya ang Biber App niya. At laking gula niya nang nag-reply na si Zachary. Pero ang pangalan na inilagay niya pa rin ay Zic dahil nasanay siya na ganoon ang ibinigay na pangalan ni Zachary noong una. Agad na nag-reply siya kay Zachary. Nagpakilala siya sa binata.
------------------------------
Tayla: Si Tayla ito. Naalala mo pa ba ako?
------------------------------
Nag-e-expect talaga na magre-reply si Zachary sa kanya agad. At hindi nga niya inaasahan na magre-reply kaagad si Zachary agad. Iniisip niya na baka nasa trabaho ito. Pigil-hiningang nag-aalinlangan siya sa ire-reply ni Zachary sa kanya.
------------------------------
Zachary: Oo naman. Musta ka na pala?
------------------------------
Tayla: Okay lang naman. Hehe.
------------------------------
Zachary: Ano pala ang social media account mo? I-add sana kita. Para doon na lang tayo mag-usap.
------------------------------
Sa nabasa ni Tayla ay hind mag-sink in sa isip niya na hinihingi ni Zachary ang social media account niya. Ang gusto lang niya ya kumustahin ito. Pero hindi niya inaasahan talaga ito ang ire-reply sa kanya.
Mayroon sa kanyang kalooban na natuwa siya at inisip niya na siguro ay maaaring gusto nito na magkausap sila ng matagal.
Hindi kaya na-miss niya ko?...
Ibinigay ni Tayla ang full name niya kay Zachary upang i-add siya nito. At hindi nga nagtagal ay nakatanggap siya ng friend request galing kay Zachary at doon ay nagtuloy ang kanilang pagcha-chat.
------------------------------
Tayla: Salamat pala sa pag-add.
------------------------------
Zachary: Hehe. Wala iyon. May boyfriend ka na ba?
------------------------------
At ang mas ikinagulat ni Tayla ay ang pagtanong sa kanya ni Zachary kung may nobyo na ba siya. Naalala niya na noon ay ganoon din ang tanong niya. Naalala din niya noon na ilang buwan lang ng kanilang paghihiwalay ay nagkataon na nagkamali siya ng pagpindot at nagulat siya nang natawagan niya si Zachary sa ibang application. At sinabihan siya nito noon na sinadya niya daw na iyon. Pero ang totoo ay hindi niya talaga sinadya na tawagan si Zachary noon para lang makuha ang atensyon nito.
Siguro ay curious lang si Zachary kung mayroon na akong boyfriend ngayon...
Huwag kang mag-expect ng kung ano, Tayla...
Don't let your guard down...
Ni-reply-an na ni Tayla si Zachary.
------------------------------
Tayla: Wala pa.
------------------------------
Zachary: Bakit wala pa?
------------------------------
Tayla: Kasi ayoko pa. Work muna.
------------------------------
Biglang naramdaman ni Tayla ang antok. Gusto niya pang maka-chat si Zachary, ngunit kailangan niya nang matigil muna nag pagcha-chat nila ngayon.
------------------------------
Tayla: Tulog muna ako. Kakauwi ko lang kasi galing trabaho. May pasok pa ako mamayang gabi.
------------------------------
Zachary: Ah, sige.
------------------------------
At doon nga nagtatapos ang kanilang pagcha-chat ni Zachary. Hindi naman siya nag-e-expect na magiging sweet si Zachary dahil noon pa man ay never niyang naramdaman ang pagigig sweet nito nang sila pa.
Inilapag na ni Tayla ang cellphone sa side table at nagpalit muna siya ng damit pambahay. Matapos iyon ay nagtungo na siya sa kama niya at humiga na siya. Matutulog na sana siya nang biglang marinig niya na tumunog ang cellphone niya. Agad na bumangon si Tayla at kinuha ang cellphone sa side table. Tiningnan niya kung sino ang nag-message. Nang buksan niya ang screen ng cellphone niya ay nakita niya ang notification ang pangalan ni James. Binuksan niya ang message ni James at binasa ito.
------------------------------
James: Tayla, ano? Mamaya ulit?
------------------------------
Tayla: Naku, hindi ako pwede... Isa pa, nakalimutan kong sabihin sa iyo na nagkabalikan kami ng ex-boyfriend ko.
------------------------------
Naalala ni Tayla na hindi niya pala na-reject si James. Tuwing nakikita niya si James ay nakakalimutan niya at bigla siyang natataranta. Kaya naman ay hindi niya talaga masabi na walang pag-asa ito sa kanya.
------------------------------
James: Ganoon ba?
------------------------------
Tayla: Sorry talaga. Ayoko talagang paasahin ka. Alam ko na mabilis ang pangyayari pero sana maintindihan mo ko.
------------------------------
James: Sabagay... Naiintindihan ko naman. Mahal mo pa ba?
------------------------------
Napaawang ng labi si Tayla sa reply ni James. Syempre, kung mahal niya ay babalikan niya. Pero nasa sa kanya naman iyon. Ngunit, nasa sitwasyon lang siya ngayon na umiwas sa mga taong gustong magtangkang manligaw sa kanya. Biglang pumasok sa isip niya si Zachary.
------------------------------
Tayla: Oo. Mahal ko pa siya.
------------------------------
------------------------------
James: Eh, ako? Wala ba akong pag-asa?
------------------------------
Hindi na bago kay Tayla ang ganitong tanong sa mga taong gustong manligaw sa kanya. Ngunit, sa bawat na may nagtatanong sa kanya tungkol dito ay hindi niya kayang sagutin ito dahil ayaw niya na may masaktan siya. Pero upang mapanatag na rin siya at hindi na itago ang awa para sa kanila.
------------------------------
Tayla: Sinubukan ko pero wala talaga.
------------------------------
James: Ah, ganoon ba.
------------------------------
Tayla: Sorry talaga. I hope we can still be friends.
------------------------------
James: Wala iyon.
------------------------------
Tayla: Baka magbago ka na dahil ni-reject kita.
------------------------------
James: Hindi 'no... Don't worry, tanggap ko naman.
------------------------------
Tayla: Thank you. Sige na... Matutulog na ko. Good night.
------------------------------
Matapos na mag-reply si Tayla ay inilapag niya na ang cellphone niya sa side table, at bumalik na siya sa pagkakahiga sa kama. Hindi na niya hinintay pa ang reply ni James. Kailangan niya nang matulog dahil mayroon pa siyang pasok mamayang gabi. Ipinikit na niya ang kanyang mata at natulog na.
Ilang oras ang lumipas nang maalimpungatan si Tayla sa pagtunog ng kanyang alarm clock na nagmumula sa cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone niya sa side table na hindi iminumulat ang mata. Kalahating pagbukas ng mata niya upang makita ang cellphone niya para patayin ang alarm clock niya at saka ibinalik sa side table.
Bumangon si Tayla sa kanyang pagkakahiga sa kama. Marahil ay antok pa rin siya ay naglakad siyang hindi maayos patungo sa likod ng pinto niya nang kunin niya ang tuwalya niya. Lumabas siya ng kwarto niya at pumasok ng banyo upang maligo. At dating routine lang ang ginawa niya.
Isang oras na mahigit nang makarating si Tayla sa opisina. Nasa pantry siya ngayon kasama ang mga ka-team niya. Naririnig niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Disyembre na ngayon at malapit na ang kanilang christmas party. Sa sobrang excited ng mga ka-team niya ay pinag-uusapan ng mga ito ang susuotin na damit para sa gaganapin na party.
Naririnig ni Tayla ang boses ni Krizza. Natatawa na lang siya dito sa sinasabi nito. Alam niya kung gaano ka-excited si Krizza at talagang sinasabi pa nito sa iba na elegante at bongga ang susuotin nito sa party.
Hindi sa nilalait ni Tayla sa kanyang isipan si Krizza. Pero alam niya na nagmamaganda ito. Magmula nang humiwalay siya kina Krizza at Shirley ay pansin niya ang pagka-insecure nito sa kanya. Kaya naman, if ever na kakausapin siya ay makikipagplastikan na lang din siya.
Hindi naman din makakasama si Tayla kaya naman ay bakit naman hindi niya laitin si Krizza sa isip niya. Hindi katulad ni Krizza na kapag ayaw niya sa isang tao ay talagang magpaparinig niya, at talagang naghahanap ng ayaw.
Since galing naman si Tayla sa average na pamilya ay alam niya kung paano i-handle ang isang katulad ni Krizza. Kung ide-describe si Krizza ay isa itong chubby, ngunit, may itsura. Kahit ibang team ay may nagkakagusto kay Krizza dahil lang sa malaking dibdib nito. Pero pagdating sa ugali ay hindi ito maganda. Pero hindi naman kawalan si Krizza sa kanya at hindi rin naman niya ikakasira ng mukha kung hindi siya pansinin ni Krizza. Kung inggit man sila sa kanya ay wala na siyang pakialam kung nakukuha niya ang atensyon ng ibang katrabaho nilang lalaki.
Kung si Krizza ay ang iniisip lang ang sarili nito sa christmas party, si Shirley naman ay nanghihinayang kay Tayla. Hindi kasi makakasama si Tayla. Pero mas okay na iyon na hindi siya kasama. Ayaw niya rin naman kasama ang mga plastik at ma-out of place lang siya dahil wala naman siyang kilala bukod kina Shirley at Krizza. At isa pa ay baguhan nga lang siya.
Bigla niyang naalalan na naman si Zachary. Matapos siyang mag-good night sa binata ay hindi na nasundan pa ang kanilang pag-uusap. Deep inside ay umaasa pa rin siya na baka sakaling mag-alala ang binata sa kanya. Katulad ng kumustahin siya sa kanyang trabaho o kaya naman ay mag-usap kahit anong topic. Pero wala siyang natanggap na message kay Zachary. Siguro ay gusto lang nito na alamin ang real account niya; para siguro ay i-stalk siya.
Hindi na kami katulad ng dati. Tama, magkaibigan na lang kami ngayon...
Magkaibigan nga ba kami?...
Pagkatapos ng shift ni Tayla ay umuwi na siya ng bahay. Mahaba-habang biyahe at as usual ay alas-siete ng umaga siya nakauwi. Nasa sala siya kasama niya si Terry. May sinabi lang ang ama sa kanya.
"Tayla, ninang ka sa anak ni Timo," wika ni Terry na ang tinutukoy nito ay ang kapitbahay nila na may anak na bibinyagan.
"Kailan po ang binyag?" tanong naman ni Tayla sa kanyang ama.
Naupo muna si Tayla sa single couch habang inaalis niya ang rubber shoes niya.
"Sa susunod na linggo na," tugon ni Terry.
Biglang napa-isip si Tayla sa kanyang susuotin. Next week pa naman ang binyag, ngunit, para sa kanya ay pinaghahandaan niya ito ng maaga. Wala kasi siyang oras para bumili ng damit na susuotin sa binyag. Marami man siyang damit, ngunit, mas prefer niyang bago ang suotin niya.
"Sige po," tanging sagot na lang ni Tayla sa kanyang ama.
Nagpaalam na kaagad siya sa kanyang ama na papasok na siya sa kwarto niya upang magbihis. Dala-dala niya ang rubber shoes niya na hinubad niya kanina. Tanging suot niya lang ang kanyang medyas nang nagtungo siya sa kwarto niya.
Nang nasa kwarto na si Tayla ay inilagay niya ang rubber shoes sa lagayan ng mga sapatos. Pagkatapos ay kumuha siya ng damit sa kanyang kabinet upang magpalit na siya ng pambahay.
Hinubad na ni Tayla ang kanyang itim na polo-shirt at sunod naman ang jeans niya. Isinuot naman niya ang pantulog niya.
Buti na lang at wala akong pasok bukas. Mahaba-haba ang tulog ko ngayon...
Humiga na si Tayla ng kama at ipinikit niya na ang kanyang mata.
Nagtaka si Tayla nang nakaupo siya sa mahabang sofa. Nagulat siya nang paglingon niya sa tabi niya ay katabi niya si Zachary. Hindi siya makapagsalita nang katabi niya na ang binata. Walang gumagalaw sa kanilang dalawa. Medyo lumalabo na ang paligid at unti-unti nang lumalabo ang tingin niya kay Zachary.
Biglang napamulat ng mata si Tayla. Napanaginipan niya na naman si Zachary. Malalim ang kanyang paghinga. Parang totoo sa kanya ang lahat. Feeling niya talaga na kasama niya ang binata.