Pagbisita
Maingay at umaalingasaw ang baho ng isda at ng karneng manok at baboy dito sa palengke. Naandito kami ni mama upang magtinda ng mga gulay at prutas.
“Kuya, ate, gulay kayo diyan!" pag sigaw ko.
Mabuti naman at hindi rin sayang ang halos mapaos na boses ko dahil maraming customer ang lumalapit sa pwesto namin. Nakakapag tinda rin kami ng marami na kinatuwa ko.
Sumapit na ang gabi at papunta na rin dito ang kapalitan namin sa pwesto. Nagsimula na akong magligpit para umuwi, sakto namang dumating si kuya para tulungan akong magligpit at dalhin ang ilang mga gamit papunta sa bahay. Walking distance lang din kasi ang bahay namin at ang palengke kaya pwedeng lakarin.
Pagkarating ko sa bahay ay agad kong pinuntahan si papa sa likod ng aming bahay na nagpapahangin. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya saka siya agarang hinalikan sa pisngi.
“I miss you, papa!”
Tumawa naman ng bahagya si papa saka ako hinalikan sa noo, “Namiss din kita anak, kamusta ang pagtitinda? Baka naman natuyuan ka ng pawis doon ah?” pag-alalang tanong niya sa akin.
Ito naming si papa hanggang ngayon ako pa rin ang inaalala niya kesa sa sarili niya.
“Ayos lang po ako, magluluto ako ng ulam natin pa. Saka pasok na po tayo sa loob, malamig po ang gabi ngayon,” saad ko saka siya inalalayan maglakad. Na stroke kasi si papa noon at hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang makalakad.
Nabanggit ko naman sa kanya ang pag-alis ko papunta sa Manila upang maghanap ng trabaho dahil isang buwan na rin akong andito lang sa bahay.
Matapos kong dalhin si papa sa sala ay agad na akong tumungo sa kusina at nagulat nalang ako nang makita si kuya na nagsasaing at pini-prepare ang mga kailangan para sa pagluluto ng ulam.
“Kuya, bakit ikaw nagluluto? Magpahinga ka na kaya, ako na diyan,” sambit ko at saka nagsimulang balatan ang mga gulay.
“Hindi na, day off ko naman bukas at bukas na rin ako magpapahinga. Sa ngayon gusto ko rin man lang makabawi, ayaw mo na bang tikman ulit ang luto ko?” Isinalang naman niya ang kaldero para maluto na ang kanin.
“Asus, kuya mas alalahanin mo kung kailan ka makakahanap ng babaeng mapapangasawa mo. Tanda tanda mo na e, hanggang ngayon single ka pa rin."
Maya-maya ay may naramdaman naman akong kaltok sa aking batok dahilan para mapahinto ako sa pagbabalat at tumingin sa aking likuran.
“Matanda ka diyan, 27 years old palang ako Ashaya Del Cadia,” inis na sambit ni kuya.
Napatawa naman ako nang mahina dahil sa reaction niya. “Sorry na kuya, chill,” sambit ko na may halong panglolokong tawa.
.
Nag-aayos na ako sa pag-alis ko papuntang Manila para maghanap ng trabaho. Nagpaalam na ako sa aking mga magulang na ako’y aalis na.
Si kuya naman ay tulog kung kaya’t hindi ko na siya inistorbo pa. Sumakay na ako ng tricy para dalhin ako sa sakayan ng bus papuntang Maynila.
Matapos ang ilang oras na pagbiyahe ay nakarating na ako agad. Una kong pinuntahan ang pinagtrabahuan ng kaibigan ko na si Annie dahil kakatawag niya lang sa akin kanina na ang kanyang amo ay naghahanap pa ng worker para sa grocery store. Labis naman ang kinatuwa ko doon kaya agaran na akong tumungo kung asan siya.
Nang makita ko na ang isang store, pumasok ako at ngumiting nakatingin sa babaeng nag kakaha.
“Beh namiss kita ng sobra-sobra!” saad niya na may halong tili.
"Para namang hindi tayo nagkikita linggo-linggo. Mag sstay pala ako rito ng dalawang araw, ha? Baka pwedeng mag stay sa apartment mo pansamantala?""
"Ayos lang, ano ka ba! Anyways, asan na resume mo para mapasa ko na agad mamaya pagdating ng amo.”
“Eto, buti nalang dami kong extra para marami akong pagpapasahan,” sambit ko saka binigay sa kanya ang resume ko ng may ngiti, “Salamat pala ha?”
“No worries, saka pasensiya na hindi ko sure kung ipapasok ka kaagad ng boss ko. Sabi niya kasi na titignan niya pa rin daw muna resume saka onting interview. Pero bes, may nakita akong dalawang malaking kompanya na naghahanap ng trabaho sa may gawing kanan, sure akong matanggap ka doon. Ikaw pa ba? Matalino na masipag ka pa,” sambit nito saka hinampas ng malakas ang aking braso.
“Hindi ka talaga nagsasalita na walang hampas sa braso ano?” inis kong sabi sa kanya pero tinawanan lang ako ng ga/ga.
“Ikaw pa, siya sige balik na ako sa trabaho. Bye, mwa!” sambit nito saka ako hinalikan sa pisngi. Napabuntong hininga na lamang ako saka napangiti, kahit kailan hindi pa rin siya nagbabago.
Dumaan na ako sa maraming company, nagpasa ng kung ano anong resume. Ang sabi lang sa akin ay baka mamaya tatawagan nila ako or sa susunod na mga araw.
Habang ako ay naglalakad may nakita akong isang lalaking na parang kasing edaran lang din ng kuya ko. Aligaga siya at parang may hinahanap, tumakbo na siya palayo sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.
Matapos ang ilang minuto ay nadaanan ko ang isang tindahan at napagpasyahan nalang na bumili ng softdrinks.
Habang ako ay nakatayo para bumili, nagulat nalang ako ng may dalawang batang yumayakap sa aking mga paa.
“Mama! miss ka na po namin!” iyak na sambit ng dalawang bata.
“Mama?” Napatanong nalang ako sa sarili ko. Jusmiyo marimar, wala pa akong anak! Ni manliligaw nga wala ako, paano ako nagka anak!?
“Mama,” tawag ng batang babae. Umiiyak pa rin itong nakatingin sa akin. “Aalis ka po ba ulit?” tanong niya sa akin.
“Huwag ka na pong umalis mama,” sambit naman ng isang batang lalaki na nakahawak sa aking paa at umiiyak. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Hindi naman kasi ako yung mama niyo e! Pero nakaramdam ako ng sakit habang pinapakinggan hagulgol ng mga bata.
Hindi naman siguro ito sign of kidnapping, hindi ba? Yung ginagamit ang mga bata para mang kidnap ng babae, tama? Uso raw kasi ganito sa mga syudad e!
Oo na! Nag ooverthink ako! Pero tingin ko hindi naman siguro, mukhang mamahalin mga damit nila e. Di bale nalang!
“Pasensiya na kayo pero hindi naman ako ang mama niyo. Naliligaw ba kayo? Gusto niyo bang dalhin ko kayo sa Police Station at baka andoon ang mama niyo. Baka ay hinahanap na rin kayo,” sambit kong mahinahon sa kanila.
“Ayaw po namin!” mabilis na sagot ng dalawa sa akin. Anong gagawin ko sa kanila ngayon? Hindi ako maalam mag handle ng bata!