Hello po! Pa follow po ako rito sa Dreame and add all my stories sa library po! Thank youu!
Completed Stories
1. The Billionaire\'s Personal Maid
2. The Mafia\'s Treasure, Book 1
3. Sold and Loved by the Mafia
Kamukha ni Ash ang asawa ng numerong unong bilyonaryong lalaki sa bansa na si Cold. Dahil nawala ang asawa ni Cold ilang taon na ang nakalipas, nangungulila ang kanyang mga anak sa pagmamahal ng ina kung kaya ay binigyan nito si Ash ng isang kontrata. Ang maging ina ng mga bata.
Ngunit, paglipas ng ilang buwan, nagsimula ang mga rebelasyon at ang mga pagsubok na kinakaharap ni Ash sa buhay niya. Sino nga ba si Sabrina? Kambal niya ba ang babae o hindi? Magiging dahilan ba ito ng pagkasira ng relasyon na mayroon sina Ash at Cold sa isa't isa?
Magiging sila pa kaya o ititigil na ang damdamin na mayroon sila sa isa't isa?
Note:
THE MAFIA'S TREASURE, BOOK 2
"THE MAFIA'S INNOCENT WIFE"
Pagkatapos ng pag-aaway ng dalawang grupo, si Hannah ay dinala sa ibang bansa upang mapalayo sa gulo matapos mawalan din ng ala-ala. Si Maxtrico naman ay binuwag na ang grupong itinayo. Nagkaroon man ng magandang buhay ngunit hindi makaka-ila na marami pa ring gustong tumarget sa mag-asawa. Makalipas ang dalawang taon ay muli silang pinagtagpo. Pinaka mayamang lalaki sa bansa si Maxtrico habang si Hannah ay naging isang kilalang artista. Sa kanilang pagtatagpo, nagkaroon muli ng maraming delubyo at lumabas muli ang kanilang kaaway. Muling gugulo na naman ang kanilang mga buhay. At sa kanilang pagtatagpo, maibabalik pa kaya ang kahapon? Ang kahapong kay sarap at tamis. Ang kahapong puno pa ng kay sayang mga ala-ala. Ang ala-alang dahilan ng pagbuo ng kanilang pagmamahalan. O baka naman sa pagkakataong ito, tuluyang maglaho ang lahat?
(Still editing, will complete this as soon as possible.)
"I'll forever own you, Amor. Akin ka lang at walang pwedeng kumuha sayo. I will k*ll anyone who will try to get you away from me." He kisses my forehead. "I would do anything to protect you, even if it means harming someone who tries to hurt you."Amora, isang bayarang babae para maka survive sa mapait na buhay. Kapalit ng sampung bilyon ay tinanggap niya ang alok ng isang Mafia Billionaire para magsilang ng magiging anak niya. Pagkatapos ng ilang taon ay umalis si Amora kay Nicho para magkaroon ng bagong buhay pero hindi niya sukat akalain na ang bata na iniwan niya ay hinanap siya at ngayon ay pinapabalik siya sa mansyon. Tatanggapin niya kayang bumalik at maging ina ng bata?
Cassandra was heartbroken after her boyfriend cheated on her with another woman. After seeing the disgraceful scene, she left the house, broke up with him, and ran away to avoid seeing him again. The next morning, she went to a hotel and there she met her ex-boyfriend from college. She didn't know that her ex-boyfriend had become a billionaire after a few years and had been trying to find her. Cassandra's boyfriend, Garl, wants her to come back into his life, but she doesn't want to. Garl immediately brings up everything about her debt that made Cassandra doomed, as she doesn't know how to pay it all. Jaxon offered her a contract that she'll marry him in exchange for money, since Jaxon's grandfather is soon to pass away and his grandfather's wish is to see him getting married before he dies.Cassandra agrees with it since the contract will only last a month. Is there a possibility that their relationship would go back to how it was before after a month? Especially now that Jaxon still has feelings for her?
"Are you going to kill me like that, Noah?" Nakatutok sa akin ang kanyang baril at ganoon din ako sa kanya habang nakatitig kami sa isa't isa.
Kita ko sa mga mata niya ang galit at poot pero kalaunan ay bigla itong lumambot at matamis na tumingin sa akin. "There are so many reason to kill you, Lia. But I also have one reason not to kill you. Love is what makes me stop killing you."
Si Lia ay isang Mafia member at si Noah ay isang detective at sundalo. Malaking contradiction ang kanilang mga posisyon para ipagpatuloy ang anumang nararamdaman nila sa isa't isa. Lalo na at mayroon ding personal na rason si Noah kung bakit nais niya ring mawala si Lia.
Kaya nga bang patayin ni Noah si Lia? Paano nalang ang pagmamahal kung mawawalay si Lia sa piling niya? Kaya niya bang mabuhay sa mundo na wala ang taong mahal niya?
Si Hannah ay ibenenta ng kanyang dating amo sa isang auction house at dito ay binili siya ng isang mafia at bilyonaryong lalaki. Noong akala niya ay gagawin lang siya nitong s*x slave pero nagkakamali siya. May ibang dahilan ang lalaki na si Maxtrico kung bakit siya binili. Iyon ay gawin siyang pekeng asawa para makuha ang nais na makuha ni Maxtrico, iyon ay ang pera mula sa kanyang namayapang ama."Magpapanggap lang ako bilang asawa mo ng tatlong buwan? Paano ako makakasiguro na tutupad ka sa nakalagay sa kontratang ito?" "Grab it or leave it, Miss. Ayaw mo? Edi maghahanap ulit ako ng bago but of course ayaw ko namang sayangin ang pera ko sa pagbili ko sa iyo, right? Face the consequences of not signing this contract or be my wife for three months and I will set you free." Hindi alam ni Hannah kung dapat ba siyang pipirma o hindi ngunit anong magagawa niya? Ito na ang magiging oportunidad niya para mamuhay na walang kinikilalang amo. "Deal, I will sign this."
Isang bilyonaryo at isang probinsyanang babae, paano nga ba mabubuo ang kanilang istorya lalo na at ganoon kalaki ang agwat ng estado nila sa buhay? Ganoon din ang kanilang mga edad.
Si Aliya ay isang probinsyanang babae na nais makakuha ng marangal na trabaho at si Sebastian naman ay kilalang masungit at isa sa pinakamayaman na lalaki sa bansa dahil sa daming mga business na hawak niya. Namatay ang kanyang magulang nang pauwi silang Maynila at iyon ay ang ala-alang gusto niyang makalimutan, pero paano kung sa mga ala-alang iyon ay magiging importante pala sa kanya pagdating ng araw? Pipilitin niya pa rin bang kalimutan ito para sa kanyang sariling kapakanan o pilit na alalahanin para sa kanilang istorya? Magkakaroon pa rin ba si Sebastian ng lakas na loob na mahalin si Aliya?
Denise is an omega, sold to an Alpha to become his slave. When she finally turns into her twenties, Alpha Saerrus saves her from the torture that Alpha Jack and his mate gave her.
Alpha Saerrus gave her what she deserved and started to fall in love with her however, Beta Elina who is supposed to be his contracted wife showed up to take him from Denise causing a conflict to their relationship.
How could Alpha Saerrus pursue his love for Denise when he is contracted to another wolf? Will he fight his love for her? Another thing, what will happen if Denise knows the truth about him? and if Alpha Saerrus knows the truth in the past?