bc

The Mafia's Treasure

book_age18+
436
FOLLOW
7.6K
READ
contract marriage
HE
age gap
friends to lovers
mafia
tragedy
like
intro-logo
Blurb

Si Hannah ay ibenenta ng kanyang dating amo sa isang auction house at dito ay binili siya ng isang mafia at bilyonaryong lalaki. Noong akala niya ay gagawin lang siya nitong s*x slave pero nagkakamali siya. May ibang dahilan ang lalaki na si Maxtrico kung bakit siya binili. Iyon ay gawin siyang pekeng asawa para makuha ang nais na makuha ni Maxtrico, iyon ay ang pera mula sa kanyang namayapang ama."Magpapanggap lang ako bilang asawa mo ng tatlong buwan? Paano ako makakasiguro na tutupad ka sa nakalagay sa kontratang ito?" "Grab it or leave it, Miss. Ayaw mo? Edi maghahanap ulit ako ng bago but of course ayaw ko namang sayangin ang pera ko sa pagbili ko sa iyo, right? Face the consequences of not signing this contract or be my wife for three months and I will set you free." Hindi alam ni Hannah kung dapat ba siyang pipirma o hindi ngunit anong magagawa niya? Ito na ang magiging oportunidad niya para mamuhay na walang kinikilalang amo. "Deal, I will sign this."

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Hannah Nakatakip ang aking mga mata, nakatali ang aking mga kamay, at may dalawang bantay ang nasa likuran ko. Hawak-hawak ng isa ang aking damit para siguradong hindi ako makatakas. Naging alipin ako sa isang mayamang pamilya sa loob ng nineteen years at ngayon ay twenty four years old na ako. Limang taong gulang akong naginv alila, walang magulang na umalalay at binenta lamang ng nag aalaga sa amin sa bahay ampunan. At ngayon naman ay pinadala ako ng mayamang mag-asawa na iyon sa isang auction para ibenta sa mga walang modo at bastos na mga lalaki rito. Hindi ko alam kung bakit ganito kapait ang tadhana sa akin para ibigay sa akin ang ganito. Minsan pa ay hinihiling ko nalang ang mam*tay dahil sa pinaggagawa sa akin ng mga tao. Nawalan na ako ng tiwala sa lahat, ayoko ng magtiwala. "Dalian mo naman ang lakad mo!" sigaw sa akin ng isanv gwardiya saka ako tinapik ng malakas sa likod na halos ikatumba ko na. Pagbukas ng kurtina ay biglang nagsihiyawan ang mga tao. Rinig ko ang mga kabastusan na pinagsasabi nila lalo na ng makita nila kung ano ang suot ko ngayon. Pinasuot sa akin ang isang malaswang two piece dahilan para magwala sila. Napakuyom ako ng aking mga kamay at halos maluha luha ako. Naaawa ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit ganito. Bakit kailangan ko pang maranasan ito? "Para sa mga taong walang asawa o sa mga taong nais magpakasaya gabi-gabi, ito ay nagkakahalagang sampung milyong piso! at—" Hindi pa man tapos magsalita ang host ay agad nang sumigaw ang mga kalalakihan. "Sampung Milyon! Akin na ang babaeng iyan!" "Labing limang milyon!" "Dalawampung milyon!" "Tatlumpung milyon!" Ganyan sila gumastos ng pera para may babuyin silang babae? Mga hangal! Sa oras na may bibili sa akin ay mag t-tiyaga akong makatakas sa impyernong ito. Hindi ako papayag na habang buhay akong aangkinin ng mga taong hindi ko naman kilala! "Tatlong daang milyon!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Simula sa tatlumpung milyon ay may nagtaas at bilhin ako sa nagkakahalagang tatlong daang milyon? Sino ang taong ito? "Alright! May nakakuha na, ang iyong item ay idadala na sa isang pribadong silid!" Agad akong tinulak ng dalawang gwardya para maglakad palayo sa stage. Rinig ko naman ang pagkadismaya ng mga tao sa baba ng stage at may iba pang gustong makipag-away. Gustuhin mo mang makita ang taong iyon pero hindi ko magawa. Kinagat ko ang aking ibabang labi sa galit hanggang sa magdugo ito. Wala rin naman siyang katulad sa ibang mayayamang tao rito, sigurado ako na bababuyin niya lang din ako katulad nila. Alam ko yan, dahil lahat naman ng lalaki ay ganyan. Ang kagustuhang babuyin ang mga walang awang mga babae rito sa auction house. Patuloy lang kami sa paglalakad at dahil sa gutom na rin ay hindi ko na masyadong maigalaw ang aking katawan. Bukod doon ay pagod na rin ako, pagod na ang aking katawan sa mga bugbog na naranasan ko sa dati kong amo. Iniisip ko rin ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na may bibili sa akin ng ganun kalaking halaga. Napaka imposible, ganoon ba kayaman ang taong ito? "Dalian mo! Baka kapag hindi kami makapag timpi ay gagasah*in ka namin!" Init ng ulo ang dulot sa akin ng dalawang gwardiyang ito. Alam ko naman na hindi nila magagawa ito dahil bukod sa napakaraming CCTV ang naka kabit sa lugar na ito ay magagalit ang taong bumili sa akin kapag ginalaw nila ako. Nang maramdaman kong bumukas na ang pinto ay agad nila akong tinulak papasok sa loob at tinanggal ang pagkakatali sa aking mga kamay. "Antayin mo nalang ang bago mong amo diyan." Matapos niyon ay agad na nilang sinara ang pintuan at naiwan ako rito ng mag-isa. Unti-unti kong tinanggal ang nakatakip sa aking mga mata at nagulat na lamang ako ng may salamin pala sa aking harapan. Nakikita ko ang aking sarili na punong-puno ng mga sugat at pasa galing sa pagbubugbog sa aking dating amo. Hinawakan ko ang aking kulay itim na buhok at tinignan ang aking kulay asul na mata. "Ano naman kaya ang mangyari sayo ngayon, Hannah? May pagbabago pa kaya?" tanong ko sa aking sarili at umupo ng maayos sa sahig. Maya-maya naman ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan kaya agad akong lumingon. Nakita ko ang isang makisig na lalaki na nakatayo sa aking harapan. Nakasuot ito ng maskara at simpleng gray shirt at itim na slacks. Nakatitig lamang ako sa kanya at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin o sabihin. "You." Ang boses niya ay mariin at nakakatakot na para bang inuutusan niya ako kahit wala pa siyang sinasabi. Agad akong napatayo at yumuko para hindi ako maparusahan. Kinuyom ko ang aking mga kamay at pinilit ang sarili na magsalita. "Ikaw ba ang bumili sa akin?" Nakatitig na ako sa kanyang mga mata na ngayon ay nakatitig na rin siya sa akin. Ngumisi siya at tinanggal ang kanyang maskara. Nang makita ko ang kanyang mukha ay nanlaki ang aking mga mata. Bukod sa makisig ang kanyang pangangatawan ay may taglay din itong kagwapuhan. "Mas maganda ka pa pala sa malapitan."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.4K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook