Kabanata 2

1155 Words
Hannah Nanatili lang akong nakatitig sa kanyang mukha pero maya-maya rin ay bumalik din ako sa realidad. Masama akong tumingin sa kanya nang sabihin niya iyon. Kinuyom ko ang aking mga kamay, bago pa man ako makapagsalita ay agad na niyang kinuha ang aking kamay saka inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha dahilan para kabahan ako at manlaki ang aking mga mata. "Ang sama ng titig mo, may balak ka ba? Kanina lang ay mukha kang tuta na nakaupo, hindi ko akalain na mabilis pala magbago ang personalidad mo, babae?" Pinilit kong iwaksi ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak pero malakas siya. Mas malakas siya. Hindi ako makawala sa kanya. Mas lalo niyang hinigpitan ang kanyang pagkakahawak saka inamoy-amoy ang aking leeg dahilan para mapapikit ako. "Lubayan mo ako! Umalis ka nga sa harapan ko, manyakis at walang modo!" Hindi pa rin niya ako pinakikinggan hanggang sa sinimulan niyang halikan ang aking leeg dahilan para masampal ko siya ng malakas. Napahinto siya at binitawan na ako kaya agad akong nakalakad palayo sa kanya. Hinawakan niya ang kanyang pisnge kung saan ko siya sinampal at tumawa habang nakatingin sa akin. "I love it. You are the one, sabi na nga ba unang kita ko palang sayo ay karapat dapat ka na. Don't worry, wala akong balak na gah*sain ka. May iba akong dahilan bakit kita binili at kailangan mo lang itong magawa ng maayos sa loob ng tatlong buwan. Three months, miss. After that, I will set you free." Tumaas ang aking kilay nang sabihin niya iyan. Hawak-hawak ko ang aking kamay kung saan niya hinawakan ito saka ako tumitig sa kanya ng mariin. "Ano ang ibig mong sabihin?" "This is not a place for a discussion." Agad niyang kinuha ang damit sa isang lalaking nasa likuran niya at maayos niyang binigay sa akin."Get dress at aalis na tayo. Mag-usap nalang tayo sa mansyon." Matapos niyang sabihin yan ay binalik niya ang kanyang maskara sa kanyang mukha, umalis na sa silid at sinara ang pinto. Anong ibig sabihin ng lalaking iyon? Tinignan ko ang damit at nakita kong maayos at mukhang bago pa. "Maayos niyang binigay sa akin." Ang buong akala ko kasi ay itatapon niya lang din ito sa mukha ko kagaya ng ginagawa sa akin ng mga nakaraang taon. Kagaya ng aking dating amo. Wala akong magawa kundi ang suotin ito. Pagkatapos ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Medyo maluwag sa akin ang dress pero bagay sa akin kaya napangiti ako. Ito ang unang damit na binigay sa akin na bago at maayos pa kaya hindi ko mapigilang mapangiti. "Dalian mo naman miss, nagmamadali tayo." Agad kong binuksan ang pinto at nagulantang ako nang makita siyang nakasandal ang kanyang katawan sa pintuan dahilan para muntikan na siyang malaglag at masubsob sa katawan ko. "I am sorry! Hindi ko akalain na nakasandal ka pala sa pinto." Tinignan niya lang ako ng masama saka inayos ang kanyang damit. "Nevermind." Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa at ngumisi. "Ha, as usual magaling pa rin ako pumili ng damit para sa isang babae." Tumaas ang kilay ko ng sabihin niya iyon. "Sumunod ka na." Agad na siyang tumalikod at iniwan ako rito kasama ang lalaking nasa likod niya kanina. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at sinundan ang mga yapak niya. Napaka bilis niyang maglakad! Nakarating na kami rito sa kanyang tahanan at hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Kung mayaman na ang dating amo ko, mas mayaman siya! Sobrang laki ng mansyon. Makikita mo rin ang mga kasambahay dito na mga naka uniporme pa. Sumunod lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa makarating kami sa kusina. "Kumain ka muna, pagkatapos mo diyan ay pumunta ka sa kwarto ko. Doon tayo mag-usap. Naaawa ako sa katawan mo, mukha ka ng kalansay isang pitik ko lang ata ay tumba ka na." Agad na siyang umalis sa aking harapan at naiwan na naman akong mag-isa rito sa napakahabang mesa. Tinigna ko kung anong meron dito at hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Lahat ay masasarap at mga bagong luto. Sigurado bang isa ako sa kakain nito? Tinignan ko ang isang kasambahay na kanina pa nakatayo sa gilid at nagsimulang magtanong. "Miss, yung amo niyo ba hindi kakain?" "Ikaw lang po ang kakain niyan, Maam," nakayuko itong sumagot at hindi gumalaw kahit kaunti man. So, ako lang talaga ang kakain dito? Hindi siya pupunta? Mukha ba akong ganoon ka patay gutom at kapayat na sa tingin niya ay makain ko itong lahat na pagkain na nasa mesa? "Miss, mas mainam ay kumain na po kayo. Huwag niyo nang antayin na tumagal pa dahil baka mainip si sir Max." Sir Max. Kung ganun iyon ang pangalan niya. Ngumiti ako sa kasambahay at nagsalita. "Thank you." Umabot din ng ilang minuto at tapos na akong kumain. Hindi ako mapakali kasi hindi ko maubos kung ano ang nakahain dito sa mesa pero ano bang magagawa ko? Hindi ko naman talaga kayang ubusin lahat ng ito. Kung bakit kasi naghanda ng ganito karami tapos ako lang pala ang kakain. Iniisip ko rin kasi baka maging dragon siya sa oras na makita niya na maraming pagkain pa ang natira rito. "Ihahatid na namin po kayo sa kwarto ni sir Max," sambit naman ng isang kasambahay ba kararating lang saka ito nakayuko. Dapat ba talagang nakayuko silang lahat? Hindi ba sila nangangawit? "Ayos lang po ba kung hindi ko maubos ang mga pagkain?" Tumango ito bilang sagot. Wala akong magawa kundi ang iwan ang mga tirang pagkain na nakalatag sa mesa at sumunod sa babae. Nang makarating na kaming dalawa ay agad na kumatok ang babae at nang mabigyan siya ng permiso na pumasok ay pinapasok na niya ako ng mag-isa at agad na sinara ang pintuan. Tinititigan ko ang buong kwarto niya at napaka linis nito. Walang kahit na anong kalat. Nakita ko naman siyang may kausap na dalawang lalaki habang nilalahad ang dalawang papel. Nang makita nila akong nakatayo ay agad silang napahinto at tinitignan ako. "Naandito ka na pala. Lumapit ka." Agad ko namang sinunod ang sinabi niya habang nahihiyang lumapit palapit sa kanya. Maraming mga tattoo ang dalawang lalaking ito at may kung anong piercing pa sa mga kanilang mukha. Para silang nga gangster sa kanto pero pang mayaman na style, gets niyo ba ako? Bagay naman sa kanila pero nakakatakot din ang mga titig nila. "Kung ganun, aalis na kami boss. Mukhang may pag-uusapan pa kayong dalawa," seryosong saad ng isang lalaki at kinuha sa kanya ang mga papel. "Pasayahin mo siya, binibini," ngising sambit naman ng isang lalaking may hikaw sa magkabila niyang tenga. Matapos niyon ay agad na silang nagsi alisan kaya ang natira nalang sa kwartong ito ay ako at siya. May kung ano naman siyang kinuha sa kanyang drawer at inilapag ito sa mesa na pinagtataka ko. "Kontrata, basahin mo." Kontrata? Ito ba ang tinutukoy niya sa akin kanina na tatlong buwan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD