Maxtrico
Pagkakita ko sa babaeng nasa harapan ko kanina ay iba ang pakiramdam na nararamdaman ko sa kanya. Para bang may sinasabi ang katawan ko na kunin siya. Wala namang espesyal sa kanya. Maganda siya pero hindi ganoon kaganda katulad ng isang artista, kumbaga nasa average lang ang beauty niya.
Sa tuwing tinititigan ko ito makikita mo na para bang inosente at walang laban pero kalaunan ay malalaman mo rin na palaban siya. Hindi siya katulad sa ibang babae na na nakilala ko na ang tanging ginagawa lang sa harapan ko ay magpabebe.
"What is your insights, ahm, thoughts about it? Do you want to sign it or not?" Tinignan niya ako and then looked back at the contract. Tinaasan niya pa ako ng kilay at inilapag ang kontrata sa mesa.
"Magpapanggap lang ako bilang asawa mo ng tatlong buwan? Paano ako makakasiguro na tutupad ka sa nakalagay sa kontratang ito?"
"Mukha ba akong hindi katiwa-tiwala? Looked, this is your opportunity. Hindi lang kita palalayain but I will also pay you a million. Hindi ba't magandang panimula yan para sayo? Para magkaroon ka ng maayos at magandang buhay after three months?"
Pinag-isipan niya pa ang sinabi ko habang nakatitig sa akin at tumingin muli sa kontrata na nasa harapan niya. "Paano kung ayaw kong kunin ito?"
"I will make you my slave then. Sayang naman ang binayad ko sayo para hindi ko pakinabangan iyon, hindi ba? Look, hindi naman porket mabait ang trato ko sayo ay literal na mabait ako. Kaya ko ring gawin ang ginagawa ng dati mong amo. Nag background check ako sayo and I can say na you had guts." Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at ngumisi.
"Akala mo hindi ko alam na tinapunan mo ng acido ang amo mo dahil sa pag m-maltrato niya sayo?" Bigla na lamang nandilim ang kanyang paningin sa akin at kinuyom ang mga kamay.
"I did that to protect myself." Tumawa lang ako sa sinabi niya at umupo ng maayos.
"Kaya ka nga binenta sa auction house dahil doon, hindi kinaya ng dati mong amo kung gaano ka rin katapang, ano? Pero bakit ba hindi ka makatakas sa kanila? Mahigpit ang bantay, hmm?"
"Wala ka na doon." Tumawa lang ulit ako sa sinabi niya at hinihintay ang response niya habang nagbabasa muli ng kontrata.
"Dalawa lang naman ang option mo." Huminto muna ako sa pagsasalita saglit at tumuloy. "Grab it or leave it, Miss. Ayaw mo? Edi maghahanap ulit ako ng bago but of course ayaw ko namang sayangin ang pera ko sa pagbili ko sa iyo, right? Face the consequences of not signing this contract or be my wife for three months and I will set you free."
Tinignan niya lang ako ng mariin at bumuntong hininga at kinuha ang ballpen na nasa mesa. "Deal, I will sign this." Ngumisi ako nang marinig iyon. Madali rin naman pala siyang kausap, mabuti nalang.
Matapos niyang pirmahan iyon ay binalik na niya sa akin ang kontrata. Binigyan ko siya ng isang copy at akmang aalis na dapat siya pero tinawag ko kaya tumigil siya. "Aayusan kita, hindi naman pwede na ganyan kita ipapakita sa publiko, hindi ba?"
Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. "Follow me."
Hannah
Naandito kami sa isang salon, tinignan ko kung magkano ang presyo at nagulat nalang ako rito. Kahit ata habang buhay akong mag linis dito sa salon nila ay hindi ko mababayaran kung sa kanila ako magpaayos.
"Tomas." Tawag niya at bigla naman ang pagdating ng isang bakla na kumekendeng pa habang palapit kay Max. "Ayusan mo siya, kailangan siya ang maging pinakamaganda sa balat ng dinosaur ha?" Sinamaan ko siya nang tingin nang marinig iyon pero ngumisi lang ang tarant*dong lalaking ito.
"Okay, para sa'yo." At tinignan ako ng baklita sabay irap. Ganyan ba siya mangtrato ng customer?
Lahat inayos na sa akin, mula ulo hanggang paa. Hindi lang kami sa salon pumunta, dumaan pa kami sa iba't ibang clothing store na alam niya at binilhan ako ng kung ano-anong gamit. Matapos niyon ay nagpasya kaming kumain sa isang restaurant at kita ko namang hindi siya mapalagay. Hindi siya mapakali dahil kanina pa siya tingin nang tingin sa paligid namin.
"Matanong lang." Bigla ko namang nakuha ang atensyon niya dahilan para sa akin siya mapatingin. "Kung ganito ka na kayaman, bakit kailangan mo pang kunin ang kayamanan ng tatay mo?"
"Kulang ang pera ko para sa magiging plano ko. Hindi ito sapat kaya kailangan ko ng perang iyon. Aside from that, gusto kong kunin sa mga relatives namin ang company na iniwan sa akin ng dad ko. Nakalagay kasi sa will and testament niya na kapag wala akong maipakitang asawa sa abogado niya ay hindi ko makukuha ang kayamanan niya.
"Kaso hindi madali iyon, actually, dati ay may nakuha na sana ako kaso bago ko pa man maipakita sa abogado ay pinatay na nila ang babaeng dapat ipakilala ko. That is why I chose you. Lalo na nung nag background check agad ako sayo, I can say na maybe you can handle some struggles ulit, ano?"
Meaning ba niya ay yung mga taong hahabulin ako para kidnappin ako? Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko but not to the point na mabubuo pa ang katawan ko. B*liw ata tong lalaking to.
Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na kaming bumalik sa kotse, siya naman ang nagmamaneho kaya nasa backseat lang ako. Habang nag b-biyahe ay bigla niya nalang pinaandar ang sasakyan ng mabilis dahilan para magtaka ako.
"Sinusundan nila tayo."
Tumingin ako sa likuran namin at nakita kong may dalawang sasakyan ang humabol sa aming dalawa. Agad akong umupo ng maayos at binigay niya sa akin ang b*ril. "Bakit mo binigay sa akin to!?"
"Natural para gamitin mo, sa oras na pinuputukan tayo ay paputukan mo rin sila ng bala. Hindi mo need na p*tayin sila isa isa. Kailangan lang nating makatakas sa kanila." Matapos niyang sabihin iyon ay tumawag siya ng backup sa kahit sino.
Ang isang sasakyan ngayon ay nasa gilid na namin at bigla nalang nagpaputok ng bala kaya nabasag ang salamin ng sasakyan. Doon naman ako nagtago dahil baka matamaan ang aking ulo. "P*tukin mo na!"
"Ha? Wala nga akong alam paano gamitin to! Ano bang inaasahan mo? Kahit basics hindi ako sigurado kung magagawa ko!" Sa inis niya ay agad niyang kinuha sa akin ang baril at pinutukan ng bala ang driver ng kotse dahilan para mam*tay ito.
Bago pa man kami mauna sa kotseng iyon ay agad ring bin*ril si Max sa braso ng isa sa mga taong nasa sasakyan kaya muntikan na rin kaming makabangga ng kotse na nasa unahan namin. Kinuha ko pabalik ang baril niya at tumingin mula sa bintana.
Inaalala ko ang turo ng aking namayapang tatay-tatayan, pulis siya at siya ang nagturo sa akin ng unang beses paano humawak at magpaputok ng baril gamit ang toy gun.
Huminga muna ako ng malalim para mawala ang kaba at imbes na sa driver ako pum*tok, agad kong pinutukan ang gulong ng isa pang sasakyan dahilan mapangisi ako at bumalik sa pagkakaupo. Nagawa ko tay!
"Nice one, babe." Ngising saad ni Max at tuluyan na kaming nakalayo.