Hannah
Huminto kami sa isang tagong lugar at hindi ko alam kung saan ito. Sira na rin ang sasakyan at natatakot daw siya na baka may bago na namang dadating na kalaban kaya pinili muna naming mag stay dito.
"Magaling ka naman palang umasinta, nagpigil ka pa kanina," sambit niya saka umupo sa isang sementadong parang upuan at nag yosi. Agad kong tinakpan ang aking ilong dahil hindi naman ako sanay sa amoy ng usok ng sigarilyo.
"Malay ko ba, unang beses ko naman kasi talagang humawak ng b*ril. Saka isa pa, may inaantay ba tayo rito?" tanong ko saka ko naman inilibot ang aking paningin sa paligid.
"Yes, after a few mimutes, dadating na agad ang mga tauhan ko para i assisst tayo." Umupo nalang ako sa tabi niya saka napalumbabang nakatingin sa kawalan.
Maya-maya ay may dumating bigla na dalawang kulay itim na sasakyan at tumambad dito ang sampung mga kalalakihan, taglima sa bawat sasakyan. Ang dalawa naman ay nakita ko na kanina, sila yung mga lalaking nakausap ni Max sa kwarto niya.
"Boss, buti ayos ka lang." Tinignan ako ng lalaking may hikaw sa magkabilang tenga at ngumisi. "Ikaw yung babae kanina ah, ano bang pangalan mo?"
"Hannah," tipid kong sagot. "Wala akong apelyido, Hannah lang."
"Craze, Craze Montez." Pagpapakilala niya saka niya inabot ang kanyang kamay para makipag hand shake sa akin. Tinanggap ko iyon at nginitian siya ng tipid. "Itong kasama ko pala ay si Atticus Samien. Cus for short." Pagpapakilala niya rin sa isa niya pang kasama.
"Tama na ang pagpapakilala, iuwi mo na kami ng asawa ko. May sira ang sasakyan ko, paayos niyo nalang yan." Agad namang inutusan ni Max ang ilang mga kalalakihan sa likuran ni Craze at Cus para bitbitin ang mga gamit na nasa likod ng sasakyan niya.
"Asawa mo? Siya ba ang bago mong ipapakilala, Boss? Baka mamaya pang isang daan na siya ah?" Ano kayang ibig sabihin ni Craze sa isang daan? Pang isang daang mamamatay ba na babae niya?
Tumawa ng bahagya si Max at ngumising nakatingin kay Craze. "Hindi mo siya kilala Craze, sigurado na akong hindi na ito papalya." Napatingin ako pabalik-balik sa dalawang lalaki at sumunod na kay Max na pumasok na sa sasakyan ni Cus. Pinaandar na niya ang sasakyan at umalis na.
Nasa likuran kami parehas ni Max, katabi ko siya habang ang dalawang lalaki ay nasa harapan at tatlo pa sa likod naming dalawa. Tinititigan ko lang ang mga taong nasa harapan namin, inoobserbahan ko sila nang biglang magsalita si Max. "Baka matunaw sila kakatitig mo."
"Binabasa ko lang sila." Tumawa siya ng bahagya at nagpausok ng sigarilyo.
"For what reason?"
"I have trust issues." Tumawa pa siya lalo at hindi na umimik pa.
Nang makarating na kami sa mansyon ay agad na akong bumaba at saka naman isa isa naman nilang binitbit ang mga gamit. Gustuhin ko mang tumulong ay hindi ko na magawa dahil lahat ay kinuha na nila. "Masanay ka ng ma tratong parang prinsesa." Humarap siya sa akin at tinignan ako sa aking mga mata. "Ano ulit ang pangalan mo?"
"Hannah," ikling reply ko sa kanya.
"Sounds innocent, hmm?"
"Kinakausap mo ba ako ngayon para asarin ako?" Umatras ako nang maglakad siya palapit sa akin dahilan para ma locked ako sa mga braso niya habang ang likod ko ay nakasandal naman sa pader. Nagkatitigan lamang kaming dalawa at kitang kita ko ang pagngisi niya.
"Medyo bawasan mo ang pagka maldita mo, Hannah. Baka hindi ako makapag pigil sa’yo?" Ngumisi rin ako sa kanya at saka nag krus ng braso.
"At anong gagawin mo, Mr. Max? Patayin ako? Gah*sain? Ano?" Bigla niya namang inilapit pa lalo ang kanyang mukha dahilan para magdikit ang aming mga ilong at maramdaman ang kanyang paghinga.
"Wala sa nabanggit pero sisiguraduhin kong hindi mo ako makakalimutan, Hannah Beaumont." Tinaasan ko siya nang kilay nang dagdagan niya ang pangalan ko.
"For your information, hindi pa tayo kasal."
"Bukas, oo."
Matapos niyon ay agad na siyang umalis habang ako ay naiwang mag-isa rito sa tabi ng main door ng mansyon. Nakatulala habang nakatingin sa kanya na naglalakad paalis. "Mayabang."
.....
Bagong araw na at nakatakda kaming ikasal sa isang abogado ngayon. Nakaayos na pala ang damit na susuotin ko at susuotin niya. Para sa dagdag seguridad ay napakaraming bantay ang magbabantay sa aming dalawa, lalo na sa akin. Baka raw kasi mamaya hindi pa kami nakapunta sa lugar kung saan kami ikakasal ay p*tay na kaagad ako.
"Huwag kang masyadong pakampante, hindi mo alam baka mamaya isa na rito ay spy at bigla kang pin*tay," saad ni Craze habang nakatayo sa tabi ko. Naka puting bestida na ako at konting ayos lang sa aking buhok para magmukhang pormal.
"Mamam*tay ako kung hahayaan mo akong mam*tay." Gulat siyang napatingin bigla sa akin at tumawa matapos kong sabihin yun.
"Ayos ka ha."
Hindi na ako umimik pa at tinignan lang ang aking sarili, mula sa sandals at sa bestidang suot suot ko. Tama ba ang desisyon na pinili ko ngayon? Tatlong buwan lang naman at siguro kung makuha na niya ang pera ay hindi na ako pap*tayin ng mga kamag-anak niya, ‘diba?
Takot din akong mam*tay dahil wala pa akong nagagawa para sa buhay ko dahil naging alipin ako sa kahit sinong tao sa loob ng maraming taon. Gusto kong magawa ang unamang bagay na nagagawa ng normal na tao. Kailangan ko lang sikaping mabuhay habang nasa puder pa ako ni Max. Sigurado naman akong p-protektahan niya rin ako.
Nang dumating na si Max ay naglalakad na ito papunta sa sasakyan at napahinto nang makita niya ako. Ngumiti ito ay dumiretso na ulit sa sasakyan. Sumunod na ako sa kanya at pumasok, katabi ko siya ngayon.
"Max."
"Yes?"
Humugot ako ng lakas na loob para tanungin ito. Iniisip ko kasi baka kapag nakuha na niya ang pera pagkatapos ng kasal na ito ay pababayaan na niya akong mam*tay.
"Pagkatapos ba nating ikasal, makukuha mo na agad ang pera mo?"
"Hindi pa, maraming proseso bago ko makuha yun. Possible lang na makuha ko pero I needed three months bago ko tuluyang makuha lahat, kapag lumagpas ang tatlong buwan at nawala or nam*tay ka, posibleng kukuhanin muli ng mga kamag-anak ko ang kayamanan ni Dad.
"Nakalagay kasi iyon sa kahilingan niya na dapat kahit sa loob ng tatlong buwan ay may asawa ako. Alam niya kasing hindi ako ganoon ka seryoso pagdating sa babae, liban sa isa na talagang minahal ko pero hindi alam ni Dad iyon."
"I see."
"Natatakot ka ba na i ichapwera kita pagkatapos kong makuha ang kayamanan?"
"Medyo, baka bigla akong pat*yin ng mga taong nais akong mawala at pabayaan mo nalang ako." He patted my head at nakangiting nakatingin sa akin.
"Don't worry, hindi kita pababayaan. I am a man of words, tutuparin ko ang anumang kondisyon na nakalagay sa kontrata natin."