Kabanata 5

823 Words
Hannah Nakarating na kami sa lugar ng ligtas, nag compliment pa si Craze sa akin kesyo raw ay ako ang pangalawang babaeng nakapunta rito sa lugar na ito na hindi namamatay. So, sino ang una? Agad na kaming pumasok at nakita ko ang isang matipuno na lalaki na nakasuot ng pormal na kasuotan. Siguro ay siya ang abogado na magiging witness sa kasalan namin ngayon. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, wala kami sa city, nasa isang probinsiyang lugar kami kaya wala masyadong tao rito. Matapos ang ilang minuto ay patapos na rin. "You may now kiss the bride." Napatingin ako ng mariin kay Max at nakita kong nakangisi itong nakatingin sa akin saka dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha palapit sa akin. Kabado ako habang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin lalo na at maraming nakatingin sa aming dalawa. Mga tauhan niya lang naman pero hindi ako sanay. Pero habang nakatitig ako sa kanya ay hindi ako makagalawa, hinayaan ko siyang gumalaw palapit sa akin. Nagtama na ang aming mga labi na siyang kinagulat ko at hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Malambot ang kanyang mga labi at masasabi ko rin na magaling siyang humalik. Ito ang first kiss ko at ang malala pala ay ang unang halik ko ay mula pa sa isang Mafia Boss. Matapos ang ilang segundo ay inilayo niya na rin sa wakas ang kanyang mukha sa akin. Nanlalaki pa rin ang aking mga matang nakatitig sa kanya habang siya ay nakangisi. Lahat sila ay nagpalakpakan na dahil naging matagumpay ang kasalan naming dalawa. "Am I a good kisser, Hannah Beaumont?" Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ang kanyang tiyan kaya napadaing ito sa konting sakit at tinawanan lang ako ng g*go. Hindi ko maiwasang mamula at hawakan ang aking labi dahil sa ginawa niya kanina. Unang beses kong maranasan iyon. Hindi ako makapaniwala na mangyari yun. Pagkatapos ng lahat, akmang lalakad na sana ako papunta sa pinto nang makarinig kami ng putukan sa labas ng silid kaya agad akong hinila ni Max palapit sa kanya. Itinago niya ako sa kanyang mga bisig habang nakatingin sa kung saan. "Boss! Dito, may lagusan palabas ng silid!" Sigaw ni Cus at agad na kaming pumunta. Nasa unahan ako habang si Max ang nasa likuran ko, tinatago niya ako gamit ang kanyang malaking katawan. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan namin dahil sa bilis ng pangyayari. Nang makalabas na kami sa silid ay siya namang nagsidatingan ang maraming mga lalaki na nagpaputok ng bala. Muntik na akong matamaan sa braso mabuti na lamang ay agad na umaksyon si Max kaya na protektahan niya ako. "Max! Natamaan ka!" "Forget about me, run, nasa likuran mo lang ako. P-protektahan kita, tumakbo ka lang. Sundan mo si Cus," saad niya at agad na nagpaputok sa mga lalaking nasa likuran namin. Asintado naman niya kaya lahat sila ay p*tay. "Pero, paano ka!? Hindi naman pwedeng pabayaan kita rito. Sumama ka na sa amin." Ngumisi lang siya sa akin at hinawakan ang aking kamay ng mahigpit. "Asawa ka na ng isang Mafia Boss, Hannah. Ikaw na ang asawa ni Maxtrico Beaumont. Magtiwala ka sa kakayahan ng asawa mo, antayin mo ako sa mansyon. Uuwi ako ngayong araw din." Hinalikan niya ako sa noo at agad na umalis sa harapan ko habang hawak-hawak niya ang kanyang nagdudurugong braso. "Maam Hannah, tara na. Kailangan kitang ilayo rito!" Wala akong magawa kundi ang iwan siya at agad na hinawakan ang kamay ni Cus habang tumatakbo. Pino protektahan niya ako papunta sa sasakyan. Nadaplisan na rin siya sa kanyang braso kaya nag aalala ako. Pagkarating namin sa kotse ay nagulantang ako nang iba na ang driver. Isa siya sa mga kalaban. Agad akong inilagay ni Cus sa kanyang likuran at siniko ang mukha ng kalaban kaya nagdugo ang ilong nito. Agad niyang tinapon sa labas ng kotse ang lalaki at doon na kami pumasok. Nang makapasok na kami sa wakas ay pinaandar na ni Cus ang sasakyan kaso tatlong sasakyan naman ang sumusunod sa amin. "Maam, kumapit ka ng mabuti." Matapos niyang sabihin iyon ay mas lalo pang bumilis ang pag-andar ni Cus. Nagpaulan naman ng maraming bala ang mga kalaban. Hindi ko maiwasang mag-alala kaya kinuha ko ang baril na nasa kabilang upuan ni Cus. "Anong ginagawa mo!? Umupo ka lang maam, baka may mangyari pa sayo!" Pinagalitan niya ako lalo na at binuksan ko na ang bintana at inilusot doon ang aking ulo. Nakita ko ang dalawang sasakyan na sumusunod sa amin saka ako nagpaputok sa kanila. Napangiti naman ako dahil natamaan ko ang dalawang gulong ng isang sasakyan at agad na nagtago nang magpaulan ulit sila ng bala. Tumingin ako kay Cus nang tumingin siya sa akin ng may pag-alala. "Hayaan mo akong makatulong sa inyo. Mam*matay ako Cus kung hindi ko rin p-protektahan ang sarili ko. Mahina ako para sa inyo pero gagawin ko ang makakaya ko para makaligtas sa kam*tayan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD