Chapter 1
Malalim na ang gabi ngunit rinig ang mga putukan.
Malakas ang buhos ng ulan.
Maririnig din ang mga iyakan.
Nagsimula ang mga hiyawan ng mga kalalakihan sa isang abandonadong lugar kung saan nagtitipon tipon ang mga miyembro ng dalawang grupo ng mga mafia. Ang Dragontooth na siyang kilala dahil sa malalakas nitong mga miyembro maging ang tanyag nilang lider na kung tawagin ng karamihan ay ‘faceless’. Bagama’t ang kanyang mukha ay puno man ng sugat dahil sa paso, hindi pa rin maikakaila ang galing nito sa pakikipaglaban.
Ang kabilang panig naman ay ang grupo na kilala sa tawag na ‘Azure’ na siyang halos kasing lakas lang din ng grupong Dragontooth. Habang sa gitna ng labanan ay mayroong mag-ina na tumatakas, patuloy lamang sila sa pagtakbo habang ang ina ay pinagtatanggol ang kanyang limang taong gulang na anak na lalaki.
“Inay!” sigaw ng bata habang umiiyak na nakatingin sa kanyang nanay na duguan at sugatan ngunit patuloy pa rin sa pakikipaglaban.
“Celia, umalis na kayo! Ako na ang bahala rito. Ngayon na!” sigaw ng isang lalaki at tinulak palayo ang babae. “Iligtas ninyo ang inyong mga sarili!” sigaw niyang muli ngunit makikita sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Napakagat labi na lamang ang babae saka tumakbo habang dala dala ang batang lalaki.
“Inay! Bakit iniwan natin si tatay? Baka mamatay siya sa labanan, kailangan natin siyang balikan, nay!” sigaw ng bata habang nagpupumiglas sa yakap ng kanyang nanay. Hindi siya sumagot sa sigaw ng bata bagkus ay patuloy lamang ito sa pagtakas hanggang sa bigla na lang silang nakarinig ng pagsabog sa kung saan sila nanggaling.
Nanlaki ang kanilang mga mata, musmus pa man ang bata ngunit matalino ito para hindi malaman na nasama sa pagsabog ang kanyang itay.
“Itay!” mahabang sigaw ng bata habang umiiyak ngunit ang kanyang inay ay patuloy lang sa pagtakbo habang umiiyak din nang bigla na lamang silang nakarinig ng pagputok at laking gulat na lamang ng bata nang makitang dugo ang likuran ng kanyang nanay.
Dahan-dahan namang binaba ng babae ang bata saka tinulak ito palayo sa kanya dahilan para mas lalong manlaki ang kanyang mga mata. “Takbo.” Mahina man, ngunit rinig pa rin niya ang sinabi ng kanyang nanay. Dahan-dahan siyang naglalakad patalikod at nang mahagilap niya ang kanyang ina na ngumiti ng matamis ay doon na siya tumakbo palayo habang humihikbi.
Lumingon muli siya at nakita niya ang anino ng isang lalaki na nais din siyang patayin mabuti na lamang ay naitigil ito ng kanyang ina hanggang sa huli nitong paghinga.
Tumatakbo ang bata habang naririnig ang pagsabog at mga putukan. Mga apoy na kumalat patungo sa mga kakahuyan, walang magawa ang bata kundi ay tumakbo lamang at iligtas ang sarili sa panganib.
Unti-unting binukas ng binata ang kanyang mga mata kasabay ng mga luhang biglang pag-agos. Bumangon siya ng dahan-dahan at hinawakan ang kanyang ulo ng makaramdam siya ng pagsakit nito. “Panaginip na naman,” saad niya at napagdesisyunang pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Habang umiinom ay tumingin muna siya sa orasan ng kanyang phone ay bigla na lamang itong tumunog at tinanggap ang tawag. “General,” sambit niya at biglaan na lamang siyang naging alerto.
“Noah, kailangan ka namin sa bagong misyon. Pasensya na, dapat ay day off mo ngayon ngunit-” naputol ng lalaki ang kanyang dapat sabihin ng biglang sumingit si Noah.
“Papunta na ako General,” sambit niya at agad nang nag prepare. Nagbihis na siya at hindi na naligo pa, matapos mag prepare ay agad na siyang tumungo sa kanyang sasakyan para mag drive patungo sa meeting place nila.
Siya si Noah Schnyder, kalahating Pilipino at kalahating Americano. Siya ngayon ay dalawamput anim na taong gulang na nagtatrabaho bilang detective at sundalo. Ang kanyang unang layunin ay maghiganti sa mga taong pumatay sa kanyang mga magulang noong bata pa siya. Kasunod ang mga taong nais siyang patayin.
Dahil si Noah ay magaling sa pakikipag laban at nakatalo agad ng ilan sa mga makapangyarihang Mafia groups, marami agad siyang mga naging kalaban na nais siyang patayín.
Wala pang isang oras ay nakarating na agad siya at tumungo sa entrance ng building, pinakita niya muna ang kanyang ID card bilang pagkakakilanlan at agad naman siyang pinapasok. Sumakay agad siya ng elevator at nakarating na siya sa kuwarto kung saan nagtipon tipon ang mga tanyag na kapulisan maging ang mga sundalo kasama ang isang magandang babae na katabi ng malaking lalaki.
“Noah, good to see you that you’re here,” sambit ng kalbong lalaki na may malaking katawan at nakipag handshake sa kanya. Base sa kanyang damit ay siya ang General na mayroong mataas na ranko.
“Kakarating lamang ng report na ito sa amin at ang sabi ay sila ang mga delikadong tao na nakatira sa bansang America na tumungo dito sa Pilipinas at ilang linggo palang sila dito ay gumawa na agad sila ng mga karumal-dumal na gawain. Maraming mga dalaga at kabataan ang mga kinidnap sa isla ng Visayas at ang ilan sa mga bangkay nila ay walang mga lamang loob,” dagdag nito.
“Common incidents however, ang kalaban natin dito ay si Michael Brown kasama ang ibang inatasan pang mga miyembro. Hindi lang siya normal na kalaban, kung kaya’t kailangan namin ang iyong lakas sa pakikipaglaban, Noah,” sambit ng isang magandang babae na isang detective rin na laging kasama ni Noah sa pag solve ng mga cases na nagngangalang Frostal, hindi niya tunay na pangalan.
Lumitaw agad ang litrato ng lalaki sa malaking screen sa harapan nila. Tinititigan ito ni Noah ng matagal dahil pakiramdam niya ay pamilyar sa kanya ang mukha nito. Sa pagkakatanda niya ay baka isa ito sa mga tao na may koneksyon sa matandang hinahanap niya noon pa man.
‘Michael Brown?’ saad ni Noah sa kanyang isipan ng marinig ang kanyang pangalan. Sa isip isip niya ay baka isa ito sa mga taong matagal na niyang hinahanap at ngayon ay nasa harapan ang mukha nito maging ang pangalan nito.
“Nahanap na rin namin ang lokasyon nito, nasa isla ng Visayas. Bibigyan ko kayo ng ticket ni Frostal at kayong dalawa ang mag iimbestiga. Bibigyan ko kayo ng dalawang linggo, anuman ang malaman niyo ay i report niyo ito agad sa amin.” Pagsabi ng kanilang General ay agad na tumango sina Frostal at Noah.
Ibinigay niya na rin ang iba pang mga impormasyon ukol sa grupong kumikidnap ng mga kabataan at mga dalaga sa Visayas. Sabay na umalis ang dalawa habang hawak hawak ang mga impormasyon na ibinigay ng General.
Agad na tumungo si Noah sa kanyang sasakyan para umuwi at para pag aralan ang mga impormasyon at mag research tungkol kay Michael Brown. Bago pa man siya makapasok sa kanyang sasakyan ay bigla na lamang nagsalita si Frostal dahilan siya ay mapahinto at mapalingon sa gawi niya.
“Call me if you found something,” saad ni Frostal at tumalikod. Namula naman ang pisngi nito habang naglalakad. Si Frostal ay mayroong gusto kay Noah noon pa man ngunit hindi niya lamang ito pinapahalata.
Tumango lamang si Noah at nagsimula nang umalis at habang siya ay nagmamaneho ay may narinig siyang mga putukan kaya dali-dali siyang pumarada at tumungo sa kung saan niya narinig ang mga putukan.
Nakita niya ang mga pulis na mayroong hinahabol at binabaril kaya sumunod ito sa kanila at nang makita niya ang isang tao ay agad siyang lumiko para pumunta sa shortcut upang maabot ang taong tumatakbo.
Patuloy niya lang itong hinahabol at nakita niyang balot ang katawan nito ng mahabang blazer, nakasuot din siya ng cap at sunglasses. Nang bigla itong tumalon sa nakaharang na malaking gate ay bigla na lamang natanggal ang cap na suot nito at bumaba ang kanyang mahaba na kulay kayumanggi na buhok, nakita niya na siya ay isang babae!
Lumingon ang babae nang mapansin niyang nakasunod pa rin si Noah sa kanya, ngumisi lamang ito at saka nagtapon ng bomba papunta sa gawi niya.
Lumaki ang mga mata ni Noah ng makita ang bomba at agad na tumakbo palayo at matapos ang ilang segundo ay bigla na lamang sumabog ang bomba na itinapon ng babae.
Mabuti na lamang ay nakahanap siya ng lugar na mapagtaguan upang hindi siya matamaan sa pagsabog. Agad siyang tumayo at tumakbo muli papunta sa malaking gate at hinawi ang usok. Hindi na niya nakita pa ang babae ngunit naiwan niya ang kanyang cap na suot ngunit ito rin ay sira na dahil sa pagsabog.
Pinulot niya ito at mariin na hinawakan ang cap at nagsalita. "Hindi ka pa rin nagbabago, Aki."