Chapter 1
Note: This is the book 2 of "The Mafia's Treasure." Some information will be seen in the book 1.
— Maxtrico
Ilang taon na rin ang lumipas. Dalawang taon mahigit na rin nung huling kita ko kay Hannah. Sa loob ng dalawang taon na iyon, tanging siya lang ang nilalaman ng aking isipan. Kung maayos na ba siya o kailangan pang magpagaling?
Kung naiisip niya rin kaya ako? Kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi na niya ako maalala.
Sa dalawang taon na iyon na wala siya, unti-unti na ring bumabalik sa aking ala-ala ang mga pangyayari pero kulang pa iyon. Iilan pa lang ang naalala ko sa lahat. Ang simula kung paano kami nagkakilala, hindi ko pa rin matandaan ang lahat.
Pinautos ko na sa hinire kong tao na bantayan si Hannah ng maigi ng patago sa ibang bansa at protektahan siya kung may mangyari mang masama sa kanya. Mabuti nalang at hindi nahahalata ni Queen Correalli iyon. Nagkakaroon pa rin ako ng idea kung ano na ang nangyayari in detail ngunit lumipas ang isang taong pagbabantay ay nagpadala ng kasulatan si Queen Correalli.
Sinabihan niya ako na huwag ng ipagbantay pa si Hannah dahil nasa maayos na kalagayan naman siya. Kaagad ko na lamang pinahinto ang pagbabantay ko kay Hannah at tanging kasulatan lamang ni Queen Correalli ang nakukuha kong updates about her.
"Hindi ka na naman kumakain."
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. Iniluwa rito si Craze. Tinalikuran ko lang siya pagkatayo ko. Nakatingin ako sa ibaba ng building ko.
After ng pangyayari, pinili kong ibuwag ang grupo ko. I am now only a business man and the richest CEO of the country. Ang tanging naiwan na lamang na tao sa akin ay si Craze.
Bumuntong hininga ako at tumingin kay Craze. "May meeting ba ako ngayon?"
Umiling si Craze. "Lahat ng gawain mo ay tapos na ngayong araw, Boss," tugon niya sa akin habang nakatingin ng seryoso. "Kung magmumukmok ka ulit diyan, pwede ba-"
Tumayo na kaagad ako at lumabas ng office dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. Si Craze na ang ginawa kong secretary dahil nais niya pa rin daw mag trabaho under sa akin while si Cus nagkaroon na ng maliit na business kasama ang asawa niya. Yes, kinasal na siya last month lang. Kaya busy na si Cus ngayon sa sarili niyang pamilya.
"Magpapahangin na muna ako. Huwag mo na akong sundan, walang mangyayaring masama sa akin." Hindi na sumagot si Craze sa akin at hinayaan na lamang ako.
Sa nakalipas na taon, upang mawala sa aking isipan kahit papaano si Hannah ay nagpaka busy ako sa aking trabaho. Dahil na rin sa babad ako sa trabaho mula umaga hanggang gabi, hindi ko na namamalayan tapos ko na rin pala lahat ng gawain. Nagpakababad sa gym and do exercises. I did this to make myself stronger so I can be able to protect her which is hindi ko nagawa ng maayos noon. Nagpa lakas ako for her.
Sumakay na ako sa aking motor at pinaandar ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na. Gusto ko lang mapunta sa isang lugar na pwedeng maialis sa aking isipan si Hannah. Kahit malabo naman talaga na mangyari iyon. kahit saan ako pumunta at kahit anong gawin ko ay siya pa rin ang nilalaman ng aking isipan. Wala akong kawala.
Bumuntong hininga ako pagkatapos kong hininto sa tabi ang aking motor. Hindi ko pa tinatanggal ang aking helmet ay inilibot ko na ang aking paningin.
Nasa loob pa rin ako ng city. Masyadong maraming tao. Maraming mga turista na nag t-take ng picture at mga magbabarkadang college students na naghaharutan sa gilid habang kumakain at umiinom ng juice ba or hindi ko alam.
Muli ko ng pinaandar ang aking motor at naghanap ng mapaparkingan. Nang makahanap na ako ay nagsimula na akong maglakad-lakad.
Malapit na magdilim at patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi na pinapansin ang mga tao sa paligid. Nakasuot ako ng cap upang maitago ang aking mukha. Mahirap na rin baka makita ako ng mga dati kong kaaway. Kahit naman na sabihin nating wala na ang grupo ko, dahil sa iniwan kong pangyayari na hindi mawala sa isipan ng mga tao, marami pa ring gustong tumarget sa akin.
Nakaramdam naman ako ng gutom kung kaya dumiretso muna ako sa tusok tusok na nasa tabi upang bumili. Pagkatusok ko sa isang fishball ay napataas ang kilay ko ng may tumusok din dito. Tumingin ako sa aking tabi at nanlaki na lamang ang aking mga mata.
"Ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
Ngumisi lamang siya at kinain ang tinusok niyang fishball. "Gusto ko lang ding kumain nito," malamig niyang sagot.
"Bakit ba sunod ka nang sunod, buntot ba kita?" inis kong tanong.
"Boss, hindi talaga kita pwedeng maialis sa aking mga mata. Alam kong nararamdaman mo ring may nagmamasid sayo ngayon, pasalamat ka lang at maraming tao ngayon kaya hindi ka pa ma t-target. Saka, kung pababayaan kita baka kapag bumalik si Maam Hannah e masap*k ako nun," sagot niya sa akin.
Na realized niya naman na bigla niyang na mention si Hannah kaya napatingin siya sa akin. I just gave him a sign that it is fine.
After kong magbayad sa pinamili namin ni Craze, napatingin ako sa mga nagkumpol-kumpulang mga tao.
"Ano kayang meron doon?" Tanong sa akin ni Craze.
"I don't know, tignan ba natin?" I ask him back. He nodded as a response.
Sabay na pumunta kami ni Craze sa nagkukumpulan. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng excitement at kaba habang naglalakad ako palapit. Craze was behind my back.
Pinilit kong sumingit sa mga tao upang makarating sa unahan. Nang makasingit na ako ay agad akong napatingin sa magandang babae na nasa harapan ko. May kakaiba sa kanya ngunit pakiramdam ko ay familiar sa akin ang babaeng ito.
Mariin ko lamang siyang tinignan hanggang sa unti-unti ko ng makita ang kulay ng kanyang mga mata. Lumalakas na ang t***k ng aking puso. Kilala ko ba siya? Kilala ko nga siya.
Kulay itim ang kanyang buhok. Asul ang mga mata. Sa tuwing siya ay ngumingiti, nakukuha niya ang loob ng mga tao, lalo na ako. Napaka ganda niya ngang tunay. Nagbago man ang kanyang mukha ngunit alam kong siya ito. Siya ang babaeng ito.
Hahakbang na sana ako palapit sa kanya ngunit napahinto ako sa aking nakita.
Ano ito?