- Maxtrico
Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. May halong kaba, takot, at sakit. Kumikirot ang aking puso at maraming tanong sa aking isipan ang nais mabigyan agad ng sagot.
May sinasabi si Craze sa aking tabi ngunit hindi ko siya pinapansin. Hindi ko siya maririnig. Ang tanging pokus ko lamang ay sa babaeng nasa harapan ko.
Nagbago ang mukha niya marahil dahil na rin siguro sa pag oopera ng kanyang mukha. Pag opera sa nasunog niyang balat ngunit hindi pa rin nagbabago ang kulay asul niyang mga mata.
"Bakit?" Lumabas sa aking bibig dahilan para mapatingin siya sa akin.
Kunot noo siyang tumingin sa akin. Nagtama ang aming mga mata at lalapit sana siya ngunit hinila siya ng lalaking nasa tabi niya palayo sa akin. Hindi ako nagpatinag at agad na ihinawi ang mga gwardiya na nakapalibot sa kanila at kinuha ang braso ni Hannah dahilan para sa akin mapatingin ang lalaking katabi niya pati na ang mga taong nakapaligid sa amin.
"Hannah, ako ito," mahina at mahinahon kong sabi. Tinaasan ako ng kilay ng lalaki habang ang mga tao naman ay nagsimulang magbulong bulungan.
"Bitawan mo nga siya, sino ka ba!?" sigaw ng lalaki sa akin habang sinusubukang alisin ang aking kamay mula sa pagkakahawak kay Hannah.
Napatingin ako sa lalaki at inis na tumingin sa kanya. "Sino ka rin at kung maka kapit ka sa kanya ay para kang linta?"
Balak akong sugurin ng lalaki ngunit napigilan siya ni Hannah. Pilit na rin akong inaalis ng mga gwardiya ngunit napigilan silang lahat ni Craze.
"Vico, tama na. Huwag ka ng makipagtalo, kilala ko ang lalaking iyan."
Tila ba'y nabuhayan ako ng loob nang banggitin ni Hannah ang mga salitang iyon. Ngunit agad ding nawala iyon nang tignan ako ni Hannah ng malamig. Para akong binuhusan ng may yelong tubig. Ito ang unang beses na tignan ako ni Hannah ng ganito. Hindi ako sanay. Siguro dahil na rin sa wala pa rin siyang maalala sa akin.
Tama, kilala niya lang ang pangalan ko ngunit hindi niya pa rin ako kilala.
...
Matapos ang pangyayaring iyon, kaming dalawa lamang ni Hannah ang nasa loob ng van. Si Craze at ang lalaking nagngangalang Vico ay magkasamang nasa labas.
Huminga muna ng malalim si Hannah bago siya umupo at tumingin sa akin.
"Kamusta ka na, Hannah?" malambing at mahina kong tanong sa kanya.
"Ayos naman ako, ikaw ba? Kamusta ka, Maxtrico?"
Gumuhit ng malaking ngiti ang aking mga labi nang marinig sa bibig niya ang pagbanggit sa aking pangalan. Hindi ko maiwasang hindi maiyak. After 2 years, naririnig ko na rin ang kanyang boses, nasisilayan siya, at nahahawakan.
"W-wait, I am sorry, may nasabi ba akong mali? May ginawa ba akong mali kanina? Bakit ka naiiyak, a-anong meron?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Imbes na sagutin ang kanyang mga katanungan ay agad na lamang akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I hugged her as tight as I could. This is just a dream of mine 2 years ago, now, kasama ko na siya.
"Maxtrico?" Pagtatakang tanong niya at unti-unti niya ring iniaangat ang kanyang mga kamay para yakapin ako.
"Two years akong naghintay, Hannah. Dalawang taon na paghihinagpis at nasasabik na makita ka, mahawakan, at marinig ang boses mo," nanginginig kong sambit habang patuloy na umiiyak.
"I am sorry kung naghintay ka ng matagal. I am sorry but still I can't remember everything, even a bit of our memories. Natatandaan ko lamang ang iyong pangalan nang banggiti mo sa akin iyon bago ako sumakay ng eroplano."
Napahinto ako sa aking narinig. Humiwalay ako mula sa aking pagkakayakap sa kanya at tinignan siya. Nagsalita siyang muli.
"Natatandaan kong sinabi mong asawa kita. Pasensya ka na, Maxtrico. Dapat talaga ay puntahan kita. Kaya nga ako bumalik dito dahil doon at sakto ring may project ako rito kaya mag sstay ako ng matagal dito with Vico."
Umayos ako ng aking upo at tinignan siya ng mariin. "Who's Vico?"
She pressed her lips before answering me. "He is my suitor and-"
Hindi ko na siya pinatuloy pa sa kanyang pagsasalita dahil agad na akong sumingit.
"What? Suitor?" Medyo inis ko ng tanong sa kanya.
"I told him not to but hindi siya tumitigil and even Mom supports him too. I can't stop them but naniniwala ako sa sinasabi mo sa akin noon, Maxtrico. Yung mga boses mo bago ako umakyat sa eroplano, araw araw kong naririnig iyon at nasasabik ako palagi na marinig muli ang mga boses mo. I can feel it, Maxtrico. I can feel it," pag eexplain niya sa akin.
Tinititigan ko siya mata sa mata and she is sayin the truth. Somehow, nakaramdam naman ako ng ginhawa after hearing those words from her.
"I don't know if alam mo na but Maxtrico, I am an actress. Hindi ganoon ka sikat but yeah."
Kumunot ang aking noo sa aking narinig. "Actress?"
Tumango siya.
"Yes and Vico is my male lead actor in my current project, Maxtrico."
Napatahimik ako at hindi ko alam kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya. Hannah is an actress now and what? Queen Correalli accepts Vico as her suitor? Is that why ayaw niyang may nalalaman ako sa kanya? I thought I can trust her but what is this? I trust her mom so much that I don't know anything about my wife.
Kinuyom ko ang aking mga kamay sa inis at galit. She's taking advantage of Hannah's lost memories! Hindi ako papayag sa ganito. Why would I let my wife be at the hands of another man?
Parehas naman kaming napatingin ni Hannah sa labas ng van nang makarinig kaming sumisigaw.
"It's Mom," bulong ni Hannah.
Agad kaming lumabas ni Hannah at totoo nga. Nakita ko si Queen Correalli na sinisigawan si Craze. Nang makita niya kaming dalawa ni Hannah na lumabas ay masama na agad ang tingin niya sa akin.
"I told you Hannah na huwag na ituloy ang project dito. Pwede naman kayong magkaroon ng new project sa ibang bansa ni Vico! Ang dami na tuloy rumors about you."
Talagang ayun ang unang sinabi niya? As if wala siyang ginawang mali? Hindi niya ba ako nakikita?
"Just what fvck did I hear from Hannah, Queen Correalli? Suitor, really?" Inis kong sambit. Nasa likuran ko lamang si Hannah.
"Let us talk about that in another place, Max-" pinutol ko ang malamig na boses ni Queen Correalli ng sumigaw na ako.
"No! I want to talk with you right here, right now! Alam mo namang may asawa si Hannah pero hinayaan mo na may manligaw sa kanya!?"
Napatingin naman ako sa lalaking katabi ni Craze, si Vico, nang magsalita siya.
"May asawa? What do you mean by that?"