Chapter 3

1192 Words
- Hannah Mariin na nagsisitinginan ang tatlo. Mom, Vico, and Maxtrico. Hindi ko alam ang gagawin ko para kasing anytime ay magkakaroon ng war sa kanila. "Hannah, let's go. I will talk with your manager na alisin ka na sa project," sambit ni Mom and agad na kinuha ang aking kamay pero pumiglas ako dahilan para magulat si Mom and tumingin sa akin. "Hannah? Darling?" dagdag pa niya. "Stop it, Mom. Huwag mo na akong itago sa kanya. I want my memories back. Hindi ko kayang mabuhay na walang ala-ala sa aking nakaraan. Hayaan mo ako rito," pagmamakaawa ko kay Mom. "But, Hannah!" Sumingit naman kaagad si Vico. "Sundin mo ang Mom mo, Hannah. Malay ba natin na niloloko ka ng lalaking yan? Or baka naman ginayuma ka niyan?" sambit ni Vico. Kita ko ang pamumula ng mukha ni Maxtrico sa galit pero agad ding kumalma iyon ng magsalita ang lalaking katabi ni Maxtrico. "For your information, hindi pa kayo nagkita at hindi pa man nakita ni Queen Correalli si Maam Hannah ay magkakilala na silang dalawa ng boss ko. Pwede bang manahimik ka na lang at huwag kang makisawsaw? Isa ka lang namang hamak na actor." Kita ko naman ang inis ni Vico na gusto na sanang sapakin ang lalaking nagsalita ngunit pinigilan niya lamang ang kanyang sarili. Maybe because nagkakaroon na rin ng mga tao rito. Tumingin naman ako sa lalaking nagpagalit kay Vico. I see him smirking. Even this man feel so familiar at magaan ang loob ko sa kanya. Magkasundo rin ba kami? Sino siya? "Hannah, tama na ang kahibangan. Let's go home." Mariin na ang pananalita ni Mom at halata sa boses nito ang inis ngunit hindi ako nagpatinag. Naglakad ako papunta sa harap ni Mom. "Let me do what I want this time. I am not a child at kahit nawalan man ako ng ala-ala, I am not a baby. Gusto ko makilala ang aking sarili bilang Hannah, hindi lamang Hannah na isang sikat na aktres, Mom. I can feel it and... I know that there's more than that at nakikita ko na malalaman ko lang iyon if I am with Maxtrico. If I am with the people na kasama ko noon." Naramdaman ko naman ang paglingon ni Max sa akin ngunit hindi ako tumingin sa kanya. Naka focus lamang ako kay mom na mukhang binabasa ang aking mga mata. "You don't what you're doing, Hannah. Believe me." Medyo nainis ako kay Mom sa sinabi niya. "Mom, kung hindi ka papayag sa gusto ko, aalis ako sa pagiging aktres and will live with Maxtrico whether you like it or not. It's time for me to choose my own decision." Kita ko ang gulat sa mga mata ng ina ko. Ang tanging alam niya lang kasi sa akin ay palaging nakikinig sa mga sinasabi niya, ang hindi niya alam ay pinipilit ko na lamang makinig sa kanya dahil sa totoo lang, medyo wala pa akong tiwala kay Maxtrico at that time. But, time go on, nasasabik na ako sa presensya niya kaya alam kong may something. "Alright, but let us make a deal. I will give you four weeks at kung wala kang maalala kahit isa, babalik tayo sa mansyon." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. "All I want is for your safety, Hannah. If may maalala ka man then maybe, sa mundo niya nga ikaw nababagay pero kung wala, you need to stay with me and marry Vico." Kumunot ang noo ko sa aking narinig. "Marry Vico, Mom? Hindi ikaw magdedecide nun!" Matapos kong magsalita ay umalma rin si Maxtrico. "Wait, what? Are you insane!? Ipapakasal mo sa iba ang aking asawa!?" Mataas na ang boses ni Maxtrico. Nararamdaman ko ang aking buhok sa buong katawan ko na nagsisitaasan. Nakita ko rin na ganun si Vico at ang lalaking katabi niya. Tanging si Mom lang ang walang naramdaman na kahit ano. Kalmado lamang siya. "I want a private talk with you, Maxtrico. Just the two of us," seryosong saad ni Mom. Tinignan ko ang dalawa. Mariin silang nagkatinginan na para bang nag-aaway na sila gamit ang kanilang mga mata. Aalma na sana ako pero hinawakan ni Maxtrico ang aking kamay at saka siya nagsalita. "Fine, we will talk." Matapos niyang magsalita ay tumingin muna siya sa akin at saka ngumiti. "Saglit lang to, don't worry nothing will happen between me and your Mom, Hannah," saad niya at tuluyan ng umalis kasama si Mom. Nakaramdam ako na tila bang parang nakikipag karera ang aking puso matapos kong marinig ang malumanay niyang boses. Aside from that, ang malawak niyang ngiti bago siya umalis, para bang kay tagal bago ko ulit yun nasilayan. Parang namimiss ko ang ngiting iyon. "That man is crazy. Mas baliw din itong lalaking nasa tabi mo, huwag kang lumapit sa kanya baka mahawa ka sa kanya," biglaang saad ni Vico saka ako hinila palayo sa lalaking kasama ni Maxtrico. "Mas baliw ka, nanliligaw sa may asawa. Kabit!" Sumbat naman ng isa. "Anong sabi mo? Hannah is not married! Masyado kayong mahilig mag ilusyon ng boss mo!" "Ah talaga? Sinasabihan mo ata ang sarili mo? Sino bang mas mukhang b@liw dito e ikaw lang naman!" Walang tigil ang pagbitawan ng mga salita ang dalawa kaya inawat ko na sila. Sumigaw ako ng napaka lakas. "Ano ba! Bakit napaka kulit niyo? Para kayong mga bata na nag-aaway!" Kahit na pinagalitan ko na sila ay wala pa ring paki alam ang dalawang lalaki. Napabuntong hininga na lamang ako sa kanila. Pinabayaan ko na lamang sila na magsigawan at mag laitan. Umalis na ako at pumunta kung nasaan man sina Mom and Maxtrico. Private but still want to see or know what's going on. Making sure na hindi aawayin ni Mom si Maxtrico. Mom have so many connection lalo na mga politicians and other billionaures kesa kay Maxtrico so I am a bit afraid. "Ano kaya ang pinag-uusapan nilang dalawa?" bulong ko sa aking sarili habang naglalakad. Inililibot ko ang aking paningin upang ma track kung saan man sila at nang makarinig ako ng mga boses na tila ba'y nagtatalo ay agad akong tumungo roon. *Sana lang talaga walang pag-aaway ang nangyayari sa kanila* Nang makarating na ako sa kung saan ang dalawa, nakita ko na parang may binulong si Mom sa tenga ni Maxtrico dahilan ng pagkuyom ng mga kamao ni Max. Is Mom plotting on something? Maglalakad na sana ako palapit sa kanila at magpapakita pero narinig kong nagsalita si Mom. "I hope maalagaan mo ng maayos ang aking anak, Maxtrico. Huwag sanang mangyari ulit ang nakaraan. I don't want to lose her. I was able to protect her for 2 years at kung hindi man siya protected sa pangangalaga mo, you can't be called as his husband. Alalahanin mo, hindi siya naging safe sayo nung una so I am not expecting but I am hoping." Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha ni Maxtrico pero naririnig ko naman ang boses niya. "Yes, makaka asa ka diyan, Queen Correalli," mahinahon niya itong sinabi. Protect? Ganoon ba kalala ang nangyari noon at ganyan ka protective si Mom? Ano ba talaga ang nangyari noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD