-- Hannah
Nakatayo lamang ako at pinapanood sila hanggang sa matanaw na ako ni Mom ng kanyang mga mata, siya ay ngumiti. Dahan-dahan na ring lumingon si Maxtrico.
Nagulat naman akong makita ang mukha niyang nag-aalala at parang natatakot ngunit nang masilayan na ako ng kanyang mga mata ay doon na nagbago ang kanyang ekspresyon. Siya ay ngumiti kung kaya ay ngumiti na lamang din ako.
Pagkatapos ang pag-uusap na iyon ay agad na kaming umalis. Nalaman kong may deal sila na bawal daw akong mag stay sa bahay ni Max ngunit pwede niya akong bisitahin anytime. Okay lang din naman iyon at sinang-ayunan din ni Maxtrico.
Naka-upo lamang ako sa upuan dito sa loob ng aking kuwarto, nakatitig sa isang stuff toy na binigay sa akin ni Vico. Gusto kong itapon ang mga stuff toys na ito, para kasing nakakaramdam ako ng kakaiba but whenever I have the chance to throw these things, pinapabalik ni Mom. Ewan ko ba anong nakita niya kay Vico.
I sighed and leaned my head on the table. "Bakit ba kasi hindi ko maalala lahat? Ilang beses ko ng tinatanong si Mom about my memories pero ayaw niyang sabihin. I forgot to ask Maxtrico naman. Dapat nga ay itatanong ko talaga pero bakit kasi ganon yung nangyari! Naku naman talaga!" buyayaw ko sa aking sarili.
Maya-maya naman ay tumunog ang aking phone, lumingon ako rito thinking that it must be manager Kei's message.
"About na naman siguro to sa rumors dahil sa nangyari kanina," mahinang bulong ko at chineck na ang phone. Uknown number asking me for a date?
"Paanong nalaman ng isang fan na ito ang number ko? Si Mom and Manager Kei lang ang nakaka alam sa number ko. What the h3ck?" Bulalas ko at magrereply na sana ngunit nag message ulit ang unknown number. Nagpakilala siya.
'Wanna hang out this Saturday?'
'I forgot to introduce myself, this is Maxtrico.'
Hindi ko mapigilang mapatawa ng mahina. Hindi ko akalain na ganito siya mag-aya ng date. Now lang ba nakaranas mag-aya ng date ito? Curious tuloy ako kung paano ko siya nagustuhan.
"Cute."
-- Maxtrico
Nasa mansyon na ako currently. Anong oras na rin pero hindi ako makatulog kaya naandito ako sa office ko now.
Namamawis ako dahil isang minuto simula nung sinend ko ang text messages na iyon ay wala pa rin akong response from her. Meaning ba nito rejected ako?
"Seryoso ka? Ganyan ka mag-aya makipag date, boss?" Napatalon ako sa gulat nang biglang lumitaw si Craze sa likuran ko.
Kanina lang nandoon pa siya sa desk niya ah!
"Huwag ka ngang mangi-alam diyan, Craze! Bakit? May alam ka ba paano mag-aya romantically? E ang alam mo lang naman ay mang chicks." I saw Craze smirks kaya napataas ako ng aking kilay.
"Lagyan mo naman ng landi, boss. Saka may experience to, ano. Hindi tulad sayo na naging mag on kayo after niyo mag ganunan." Binato ko siya ng vase na nasa mesa ko pero agad niya itong naisalo. Ngumisi lang ang loko nang makita niya akong namumula. Nag ganunan niya mukha niya. Wala nga akong maalala na ganun kahit alam ko naman na nabuntis nung una si Hannah. "Namumula ka na ngayon, Max."
"You're calling my name now?" Nag krus ako ng aking mga braso habang nakatingin sa kanya.
"I will give you some tips not as your secretary but as your friend alright?" I just shrugged my shoulders and smirks a bit.
"Go on."
Ang daming explanation ni Craze at kahit isa ay hindi ako maka catch up. Nakikinig lang talaga ako ng maigi sa kanya at pilit na sinisiksik sa aking utak. I didn't think asking a woman out for a date ay dapat pang needed gawin or so. Late na ba ako sa buhay? Or sadyang sobrang landi lang talaga ni Craze?
All I know is just making money and just love someone. Just love someone. I wonder, ano kaya ang mga bagay na ginawa ko noon to make Hannah feel loved? I only know some memories but what else?
"Huwag kang maarte, Max. Ginawa mo yan noon kay Maam Hannah, ano. First time nga kitang makitang napaka sweet noon. Lalo na nung nag ganunan kayo."
Hinampas ko siya ng papel sa kanyang mukha dahilan ng pagtumba niya. Paulit-ulit na lang yang dulo na pinagsasabi niya!
"I am not maarte, Craze. Shut the h3ll up." Tumatawa lang si Craze and checked my phone again.
Nanlamig naman ako after ko makita ang message ni Hannah. It was sent 30 minutes ago, 2 minutes after I sent my message. Ngumiti ako ng abot langit and replies to her message.
Sinabihan ko siya na sunduin ko na lang siya tom. Naging mahaba naman ang aming usapan until she shared that she's tired. Napagod siya sa shooting niya for her new project, her new movie.
"Uy, hindi na siya lulungkot. Finally, after 2 years ngumingiti ka na rin. I need to let Cus know about this and the others," sambit ni Craze at saka niya kinuha ang kanyang phone para i text sina Cus and the others.
Pumasok naman sa isipan ko kung kailan pa naging aktres si Hannah?
Sa isip isip ko naman, maybe sa sobrang pag-iwas ko na huwag magkaroon ng news about her because of Queen Correalli ay hindi na talaga ako nakakasagap or simula umpisa talaga ay plano na ni Queen Correalli na ipasok sa ganoong industriya si Hannah para makaiwas sa gulo? Is that why she tried to ask me to let her do things on her way?
I get it. She wanted to protect Hannah however, madamot ba ako kung gusto ko lang naman makasama ang aking asawa? Na malaman ang memories about us? Am I selfish? Also, I know Hannah want this as well.
Napabuga na lamang ako ng hangin and tumayo. Hindi ko na alam. After ng pag-uusap namin ni Queen Correalli, hindi ko maiwasang huwag mag-alala. Lalo na at totoo naman talagang hindi naging protected si Hannah sa akin noong una.
"Oh, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Craze.
"Wala, huwag mo na ulit ako sundan, dito lang ako sa loob ng mansyon. Ginagawa mo akong bata, bwis*t ka," inis kong sambit pero narinig ko lang si Craze na tumawa ng mahina.
Akala niya ata nakakatawa yun.