-- Hannah
It is already 11 in the evening, naandito ako ngayon sa isang place kung saan mag sstart ang shooting namin with direk. I am with my manager and Vico sa loob ng tent. Isang oras na lang at and I think magsisimula na, inaantay na lang kasi namin ang kontrabida. Maya-maya ay lumabas naman si Manager Kei kaya kaming dalawa na lamang ni Vico sa loob.
Tahimik lamang akong naka upo and just scrolling through my phone when suddenly I heard a woman's voice. Tinatamad akong tumayo at lumabas kaya hindi na ako tumungo roon but if I heard it right from direk, siya ang kontrabida sa kwento. Naandito na rin siya finally but since wala pa namang signal, hindi na muna ako kumilos.
"Are you not bored?" Napatanong bigla si Vico.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "No, I am fine," tanging sagot ko na lamang sa kanya.
Well, Vico is kind and gentlemen however I really don't want him. He also had this sense of humor pero ewan ko ba, I am not attractve to him. Maraming mga babae ang nababaliw sa kanya and marami ring mga artista ang nagkakagusto sa kanya pero hindi niya pinapansin. Same age lang naman kami ni Vico.
Umayos siya ng kanyang pag-upo at saka lumapit sa akin. Nakatuon na tuloy ang aking paningin sa kanya.
"Do you really believe na asawa mo siya?"
Oh. Ayan pa rin pala ang nasa isip niya.
"If hindi ka naniniwala, you can ask mom about that." Nagpatuloy ako sa pag sscroll sa aking phone. "Kung nag-aalala ka about sa panliligaw mo sa akin, you can stop. Sinasabihan naman na kita noon pa."
"No. I can't do that. I still want to pursue you no matter what hangga't hindi pa magiging kayo. I still want to try, I already told you before, right?"
Napabuntong hininga na lamang ako sa kanyang sinabi. "Sana naririnig mo ang sinasabi mo, Vico."
"I know what I am saying."
Tinignan ko na lamang siya. Hindi na ako nagsalita pa nang bigla na naman siyang nagsalita.
"Until my final time stop. You getting back with him will be my last time."
Napakagat labi ako. I don't know what to do with him anymore. Ano ba ang nakita niya sa akin na wala ang iba? Why does he still want to pursue me?
Magsasalita pa sana ako ngunit sinigaw na ni Manager Kei na pwede na akong lumabas. Inayusan muna ako ng aking mga make-up artist. Paglabas ko naman ay bumungand naman sa akin ang mukha ng isang magandang babae.
Mataray siya at may something akong nararamdaman sa kanya. Bakit familiar siya? Nagkita na ba kaming dalawa?
"Hannah, this is Olisea, ang kontrabida ng kwento. I know ito ang unang pagkikita niyo dahil parehas kayong busy. So..." Sambit ni Direk.
Hindi maalis ang aking tingin sa kanya. Mataray ang kanyang mukha and since siya ang makakasama ko sa shooting, I guess magaling ito umakting.
"Nice to see you, Hannah. I guess totoo nga ang balita about you." Kumunot ang noo ko doon. May alam ba siya sa akin? Kilala niya ba ako? "Maganda ka nga talaga," dagdag pa niya.
Masyado lang ata ako nag expect.
Ngumiti na lamang ako at kinamayan siya. "Nice to meet you as well, Olisea. Ahm, what do I call you?"
"You can call me Oli for short," tugon niya ng may ngiti. Ngumiti na lamang din ako.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay saka naman kami nagsimulang mag shooting. Kita ko sa mukha ni Olisea na hindi siya napapagod and based on her skills sa acting, napakagaling din talaga. Nabalitaan ko rin sa team ko na isa rin pala siyang model and the owner of a well known company. Mayaman nga talaga.
Natapos din ang aktingan, nasa umpisa palang naman kami kaya hindi masyadong mahirap. Magaling din naman kasi si Oli and nakakaya naming sabayan ang isa't isa sa pag act. Ilang oras din ang nangyaring shooting hanggang sa nagdecide si direk na itigila na muna ang shooting at ituloy na lang bukas ng gabi ulit. Malapit na rin kasi lumabas ang araw.
"She's good ha, nakakaya niyang mag catch up sa'yo," turan naman ni manager Kei.
"No, nakakayanan ko kamong mag catch up sa kanya. She's way too good for me, manager Kei." Ngumiti lamang sa akin si manager Kei at pinisil ang aking pisngi.
"Star ka, okay? Lahat maraming gustong makipag trabaho sayo kaya huwag ka. Anyway, may aayusin lang ako, ha? Pasok ka na sa tent masyadong malamig sa labas." Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi at nagsimula ng maglakad.
Bago pa man ako makarating sa aking tent ay hinarangan na ni Olisea ang aking daanan dahilan ng pagtataka ko. "I am sorry if hindi masyadong maganda or hindi ako magaling for you, gagalingan ko na lang sa susunod."
Anong pinagsasabi niya? Magaling naman siya?
"No, you're fine naman kanina." Ngumiti siya sa sinabi ko.
"Mabuti naman kung ganoon. Ahm, aalis na ako but before that gusto ko sana na ayain kita mag coffee minsan? You know, after work?"
I was hesitant at first but I decided to nod my head dahilan ng pagtalon niya sa sobrang saya. After nun saka na siya umalis sa aking harap.
Sobrang weird. I really have a gut feeling about her pero ano yun? All I know is familiar siya sa akin, ayun nga lang.
Iniling ko na lamang ang aking ulo at pumasok na sa loob ng tent. Umupo ako at binalot ang aking katawan ng jacket dahil sa sobrang lamig.
Sino kaya si Olisea? Lahat na lang ng tao na nakikita ko iniisip ko kilala ako. Masyado nga ata talaga akong nag eexpect.