bc

Love Between Death -FILIPINO-

book_age18+
894
FOLLOW
2.3K
READ
revenge
possessive
arrogant
powerful
comedy
bxg
campus
enimies to lovers
crime
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

She's Momack, ang babaeng walang sinasanto.

Sikat siya sa kanilang lugar hindi dahil sa maganda, matalino o mayaman kundi dahil sa kanyang aking pag-uugaling kinatatakutan ng marami.

Gagawin niya ang lahat maging member lang ng mafia upang maiganti ang kanyang magulang. Ngunit paano na lang kung may dumating na isang taong magpapagulo sa lahat?

Paano kung ang ugali at pagkatao niyang nakasanayan ay hindi pala 'yon ang totoong pagkatao at ugali niya?

At paano kung ang taong kinakailangan niyang patayin upang maging officially member ng mafia ay kanya pa lang ASAWA?

Papatayin pa rin kaya n'ya ito? Sa ngalan nang huling utos ni boss?

Sa mundo nilang puno ng galit, paghihiganti at kamatayan. Mabuo pa rin kaya ang PAG-IBIG?

PAG-IBIG para sa mga taong nilamon na ng galit at paghihiganti?

© CrystalineG

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MOMACK’ POV “Huwag mo ‘kong kinakalaban Lewis sinabi ko na sa ‘yo no’ng una pa lang hindi mo ‘ko kaya,” maangas na sabi ko habang hawak-hawak ang baril at itinutok ito sa ulo niya. Ibang klase rin talaga ang isang ito para sumugod mag-isa sa teritoryo ko. At ang lakas ng loob n’ya, nagkamali yata siya nang napuntahan. Isa pa, hindi na talaga s’ya nadala no’ng huli naming pagtutuos. Nagtamo lang naman s’ya ng sugat sa kanang binti dahil sa pagkakabaril ko. “Sige, Momack! Subukan mo lang kundi hahalikan kita!” sagot niya, napangisi lang ako pagkatapos at kinasa ang baril. Nagpapatawa ba siya? Naiisip niya pa talagang manghalik kahit nasa bingit na siya ng kamatayan?Ibang klase rin talaga ang utak nito! “Talaga? Hahalikan mo ako? Sige, subukan mo dahil hindi ako mag-dadalwang isip na pasabugin itong ulo mo at maligo ka sa sarili mong dugo,” seryosong pagbabanta ko. Lumusob nang mag-isa sa teritoryo ko. Well, Inilagay lang naman niya sa kamatayan ang sarili niya. Poor White! Hindi mo ‘ko kakayanin. Alam na alam ko ang mga galaw at kung paano kita mapapatumba mahirap mang tanggapin ngunit mas malakas at mautak ako sa ‘yo. “Matapang ka lang Momack dahil nakatali ako subukan mo kayang kalagan ako at mag-tuos tayo!” panghahamon pa nito. Natawa ako. “Pinagloloko mo ba ako?! Tingin mo gano’n ako kat*nga?” tanong ko. “Bakit? Natatakot kang matalo kita?” buwelta n’ya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Hinahamon niya talaga ako ‘no? Fine! Pagbibigyan kita! Inalis ko pagkakatutok ng baril sa ulo niya at itinapon ito saka ko siya kinalagan sa pagkakatali sa upuan. Hindi ako takot sa kanya. Nagawa ko nga siyang itali nang walang kahirap-hirap at kayang-kaya kong patumbahin at itali ang g*gong ito nang paulit-ulit. Hindi pa siya tuluyang nakakatayo mula sa pagkakaupo nang simulan ko siyang sugudin ng suntok sa mukha at sa iba pang bahagi ng katawan. “Ano Lewis! Pumalag ka naman!” panghahamon ko sa kanyang nakahandusay na sa sahig matapos kong paulanan ng suntok at tadyak. Nakatingin lang ito nang masama sa ‘kin at nagpunas ng tumutulong dugo sa gilid ng labi n’ya. Bago pa siya makatayo at akmang susugudin ako mabilis kong na higit ang kwelyo n'ya. “Papunta ka pa lang pabalik na ‘ko! G*go!” At walang ligoy-ligoy kong hinugot ang kutsilyong nakasuksok sa tagiliran at mabilis na hiniwaan siya sa pisngi. Umagos ang dugo mula sa pisngi niya habang gumuhit naman ang ngiti sa labi ko. Sigurado akong hindi mo makakalimutan itong bakas kong ibinigay sa ‘yo Lewis White. “You should thank me at hindi kita tinuluyan,” seryosong sabi ko bago tuluyang umalis at iniwan s’ya doon. Hindi pa ito ang oras para patayin kita Lewis dahil alam kong maghaharap pa tayo. LEWIS’ POV Hindi mawala ang pagkairita sa mukha ko mula nang layasan ako ni Momack matapos akong hiwaan sa pisngi. Mukha akong t*nga at nakakag*go ‘yon! Hindi ko matanggap ang sinapit ko sa paghaharap namin ni Momack. Naiinis ako at hindi ako mapapakali nang hindi nakakaganti sa babaeng ‘yon! “Bossing okay ka lang?” Si Ivan ang unang bumungad sa ‘kin pagkapasok ko ng aming hideout. Masama ang tinging binigay ko sa kanya at umupo sa sofa. “Mukhang badtrip,” mahinang bulong ni Jet kay Ivan. Hindi ko na ito pinansin at nagsalin na lang ako ng alak sa basong nasa lamesa saka ko ito diretsong nilagok na para bang ilang kilometro ang tinakbo at uhaw na uhaw. “Ano bang nangyare sa ‘yo?” nabaling ang tingin ko kay Kurt sa tanong niya. Nakaupo siya sa katapat na sofa. “Oo nga boss ang dami mong pasa pati ‘yang hiwa sa pisngi mo walang tigil ang pagdudugo” sabad naman ni Ethan na umupo sa tabi ni Kurt. Lalo akong nainis. Sinamaan ko sila ng tingin. Tama siya, hindi nga matigil ang pagdaloy ng dugo sa pisngi ko at ramdam na ramdam ko ang hapdi at sakit ng pagkakahiwa. “Mamaya na ako magkwekwento!” Inis na sabi ko at tinawag si Neil na agad namang lumapit. “Oh, boss na pano ‘yan?” tanong niya rin. Hindi ko ito pinansin sa halip ay inalis ko ang suot-suot kong itim na jacket. Lalong lumantad ang mga sugat kong sinapit kay Momack. “Ibili mo ‘kong alcohol at bulak gagamutin ko lahat ‘tong sugat ko,” utos ko, agad naman tumango si Niel at sumunod. “Ano nga ba kasing nangyare boss?” biglang sumulpot na naman si Ivan kasama si Jet. Hay! kambal tuko talaga. Isa pa ‘yang palaging kating-kati ang dila kong magtanong. Hindi na ako nag-dalwang isip na magkwento sa kanila. Mula sa pagsugod ko sa teritoryo ni Momack ay sinabi ko pati ‘yung pagkakabugbog niya sa ‘kin, as in detalyadong lahat! Malakas silang nagtawanan. “Anong nakakatawa?” inis na tanong ko, natigilan naman ang mga ito sa pagtawa. Alam kong napaka-t*nga nang naging pagsugod ko sa teritoryo ni Momack. Naging padalos dalos ako at ni hindi ko manlang napagplanuhan sa sobrang galit ko sa kanya dahil sa huling paghaharap namin. Nagkaroon ng barilan sa pagitan naming dalwa at kamalas, malasan natamaan ako sa binti dahilan kaya sinugod ko siya sa teritoryo n'ya para gantihan. “So, anong plano natin ngayon?” seryosong tanong ni Kurt. Diretso akong tumingin sa kanya at napangiwi. “Patayin siya, ano pa ba?” prangka kong sagot. H*yop ka Momack! Pagbabaran mo ‘tong ginawa mo sa ‘kin. Hindi ko na ‘to mapapalampas! Humanda ka dahil papatayin na kita! “Bakit ba naman kasi sumugod ka sa teritoryo n’ya?” natatawang tanong ni Ivan, umupo siya sa tabi ko matapos magsindi ng sigarilyo. G*gong ‘to hindi ba siya nakinig sa kwento ko at gusto pa atang ulit-ulitin ko? Binigyan ko siya nang matalim na tingin. “Easy lang bossing nagtatanong lang naman eh,” nakangusong sabi niya habang taas ang dalwang kamay na akala mo huhulihin ng pulis. “Then stop asking me,” irita kong sagot at umiwas tingin. “Bossing! Ito na ‘yung alcohol!” Si Niel dala na ang bulak at alcohol na ipinabili ko. Inabot ko naman ito at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. “Syanga pala boss may nakakaalam ng teritoryo natin,” biglang sabi ni Jet. “I know,” walang gana kong tugon. Hindi na naman lingid sa ‘kin na may mga nagmamanman sa grupo ko at may nakaalam ng hideout namin. “T-teka bossing bakit parang chill na chill pa kayo? Hindi ba dapat mangamba na tayo?” takang tanong ni Ethan. Nakangising umiling-iling ako at tumingin sa kanila. “Simple lang, malawak ang Pilipinas madaling lumipat ng hideout. Isa pa, wala ba kayong bilib sa ‘kin? Sa koneksyong mayroon tayo?” “Syempre mayroon!” sabay-sabay nilang sagot. “Pero alam naman natin na hindi gano’n kadaling lumipat boss, hindi ba?” Si Niel. “No need to worry, ako ng bahala,” nakangiti kong sagot. “Wooohoo! That’s my boss!” naghihiyaw na sagot ni Ivan, loko-loko talaga. I can handle everything basta para sa grupo ko. My name is Lewis White, ang leader nang grupong ito. Sa aming anim si Kurt ang kanang kamay ko o sunod sa rango. Kapag wala ako siya ang nag d-desiyon para sa grupo lalo na kapag may aberya. Malihim itong tao ngunit may pagka-g*go din pag dating sa kalokohan. Speaking of kalokohan si Ivan at Jet ang nangunguna dahil pareho silang may saltik sa utak at buhay na buhay ang dugo pagdating sa mga ganyang bagay.Samantalang sina Ethan at Niel ay hindi din nagpapahuli sa kalokohan. Parehas naman silang malakas uminum ng alak. Apat na taon na mula ng binuo ko ang gang group na ito. Sa ngayon tapos kaming lahat sa pag-aaral at may sari-sarili ng trabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook