Chapter 2

1009 Words
Lewis’ Pov “Bwisit! Ang sakit!” daing ko dahil sa hapding nararamdaman sa pisngi. L*ntek na Momack naalala ko na naman! Alam kong peklat ang resulta nito. Nakauwi na ako ngayon sa condo ko. Bukod sa hapding nararamdaman sa pisngi sobrang sakit rin nang buong katawan ko dahil sa bugbog ni Momack. Mapahanggang ngayon hindi ko pa rin talaga ma-imagine na kaya  n’yang magawa sakin ‘to. We are mortal enemy! Maraming pagkakataon nang nagtuos kami but this time dobleng sakit ang dinanas ko sa kanya. Daig ko pang dinaanan ng pison sa sakit ng katawan! Oo, babae siya! ‘Yon na nga ang masaklap dun, kababae niyang tao pero palagi niya akong naiisahan at ang sama no’n para sa ‘ming mga lalaki dahil nagmumukha kaming mahina at talunan. Bago pa man, lamuning muli ang buong sistema ko ng inis t’wing maiisip ko ang mala-demonyo n’yang mukha. Napalitan ang masama kong mood nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako ng malawak nang makita sa screen ang larawan ng caller. Si Aria. Ang girlfriend ko! [Ciao, Buana sera! How are you?] - Hello, Good evening! I just smiled when I heard her voice. Aria is half Italian and Filipino. “I'm fine babe,” ngitingiting sagot ko habang naglalakad papuntang kitchen. I’m hungry. [Bene] -Good “How about you? How’s your day?” Binuksan ko ang ref at tumingin ng pwedeng makakain. Kinuha ko ang isang slice na red velvet sabay umupo sa dining table at kumain. [Okay lang, babe hehe] “That’s good.” [Anyway, Papa is calling me, wait for my calls, Okay? Ti amo!] “Sure babe, I love you too,” Nakangiti pa din ako nang patayin ang tawag ni Aria at lalong lumaki ang ngiti ko nang muling tumunog ang cellphone ko, inaasahan ko ang pagtawag ulit ni Aria ngunit nagsalubong ang dalwang kilay ko at takang taka sa caller. Calling +6309******** Huh? Sino naman ‘to? tanong ko pa sa sarili ko saka ko pinindot ang tawag.   “Careful, I’m watching you,” may pagbabantang tinig mula sa kabilang linya. Pakiramdam ko naman ay nanindig ang mga balahibo ko at nagsimulang mag-init ang dugo ko. “What the—who the hell are y—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinatay na ng l*ntek na caller ang tawag. Ano ‘yon threat?! Sino kang g*go ka at papatayin kita?! Luminga-linga ako sa paligid ng kusina. Hindi pala, dahil buong kabahayan ay sinuri ako at tinignan nang maigi. Mahirap na baka pinapanuod nga ako nang tumawag na ‘yon. Malaman-laman ko lang kung sino siya dudurugin ko talaga siya ng pinong-pino! Wala siyang karapatang bantaan ako ng gano’n kung sino man siya. Sisiguraduhin kong nagkamali siya ng tinawagan! BUONG magdamag akong nagmanman sa aking unit. Peste lang, hindi na ako natulog dahil sa banta ng caller na tumawag. I’m not scared. Nagiging alerto lang ako. Para mawala ang inip ay tinawagan ko ang grupo. Exactly, three am nang unang dumating si Kurt. “What’s up! Too early for party,” tanong niya halatang antok na antok pa dahil naka-panjama pa ito at hindi manlang nag-abalang magpalit ng damit. “Tch, g*go walang party. Nasaan na sila?” I asked. “On the way, ano bang problema at madaling araw ay pinatawag mo ang grupo?” “Someone called me, sinabi niyang mag-ingat ako at pinapanuod niya ko! The heck! Kurt! Ako pa talagang pinagbantaan,” inis na kwento ko. Natawa naman siya saka umiling-iling. “Here, kalma lang Lewis sa dami ba naman nating nakasagupa hindi ba dapat normal nang may nagbabanta sa ‘tin ng ganyan?” sabi niya at inabutan ako ng yosi. Yeah tama siya, kaso alerto lang talaga ako. “So, stop being paranoid, matulog kana dude baka bukas ako na ang maging boss,” biro niya sabay tawa. Tinapunan ko siya nang matalim na tingin. Minsan talaga nakakag*go ‘tong si Kurt palibhasa sa buong grupo siya lang ‘yung hindi tumatawag ng boss sa ‘kin dahil sa kadahilanang kanang kamay ko siya. Mayamaya pa ay dumating na rin sina Niel at Ethan wala pa sila Ivan at Jet paniguradong may kalokohan na namang inuuna ang mga 'yon. “Honey! Bakit ang sarap mo?!” Napatingin kaming apat sa malanding boses na ‘yon. “Don’t worry honey mas may isasarap pa ito.” That was Jet voice! “Damnit! Hanggang dyan lang kayo!” Pigil ko kila Ivan at Jet na dala ang mga babae nila. Lumapit ako sa kanilang dalwa kasunod ko naman sina Kurt na natatawa kina Ivan. “Hoy! Nag-iisip ba kayo? Sinong nagsabi sa inyo na magdala kayo ng prostitute’s sa condo ha?!” tanong ko sa kanilang dalwa. Magdala ba naman ng babae sa condo at balak pa talagang ipasok. “Boss! Kalma lang hehe wala kasing nakagay na girls not allowed,” nakakalokong sagot ni Ivan. T*rantadong ‘yon! Sa inis ko ay nilabas ko ang baril at bago ko pa man siya matutukan kumaripas na ang mga ito ng takbo kasama ang dalwang babae. “Sensya na boss,” paumanhin naman ni Jet. Masamang tingin lang binigay ko sa kanya. “Get out of my sight Jet! Baka magdilim paningin ko lalo at malimutan kong mimyembro ka!” Nagbabantang sabi ko tumungo lang si Jet at umalis na din. “Ang highblood mo boss,” natatawang sabi ni Ethan nang makalayo na si Jet. Sinarhan ko na ang pintuan ng unit ko at bumalik sa pagkakaupo sa couch. “Paano ba naman gagawing motel ‘tong condo ko, mula pintuan pa lang eh kung saan-saan na nakakarating ‘yung mga kamay nilang dalwa lalo na itong si Jet!” Pagpapaliwanag ko. Nagtawanan naman silang tatlo. “Aminado naman akong naging babaero din ako nun pero ang dalwang ‘yon! Talagang wala ng control,” dagdag ko pa. Nag-inuman kaming apat, nawala sandali sa isip ko ang banta no’ng tumawag sa ‘kin kanina. Gayunpaman, sisiguraduhin kong malalaman ko rin kong sino man ‘yon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD