Chapter 3

1769 Words
MOMACK’ POV “Girls! Tumabi kayo!” sigaw na utos ng isang babae. “Dadaan si Momack!” Mabilis naman humawi ang mga nakaharang na estudyante sa hallway at binigyan ako nang malawak nadaan saka ako nakapamulsang nagpatuloy sa paglalakad. “Ang cool talaga niya!” “Duh! Hindi kaya!” “Hoy! Steph wag ka ngang maingay, kapag nadinig ka niyan. Patay ka sa kanya!” Mga l*tse! Hindi ba nila alam na nadidinig ko ang mga bulungan nila? Binigyan ko sila ng nagbabantang tingin, kitang-kita ko naman kung paano nanginig ang tuhod nila sa takot. Tingin pa lang nakakamatay na diba? “Alis d’yan,” mayabang na utos ko sa isang lalaking pahara-hara sa dadaanan ko. Mukha siyang lutang at lumilipad ang isip habang nakatingin kung saan. Sa ikli ng pasensya ko ay sinuntok ko siya sa mukha, sa lakas nang suntok ko ay walang malay itong bumagsak dahilan para lumakas ang bulungan sa paligid. Lampa.“Omy god! Did you see that girls?!” “She’s really scary!” “Ang tanga-tanga kasi niyang si—” Hindi ko na tinapos pakinggan ang bulungan nila at umakyat na ako ng hagdan. Nasa ikatlong palapag na ako ng floor ngunit maraming mata pa rin ang sumasalubong sa ‘kin. Sa ilang taong pananatili ko dito ay sanay na ‘ko sa ganitong eksena ngunit kadalasan ay nakakasawa din. “Nakita n’yo ba ‘yung sapatos niya! Gosh!” “Grabe ‘no? May rasyon ba siya everyday ng shoes! Nakakaingit!” “Hey! Jace shut up! Dadaanan na siya dito!” Sa lakas nang bulungan nila ay naagaw nila ang atensyon ko. Nakakairita lang. Gulat silang dalwa nang tumigil ako sa harap nila. Ang kaninang maingay na bulungan ng estudyante ay napalitan ng katahimikan. Matalim na tumingin muna ako sa dalwang loser na nasa harap ko saka nagsalita. “Sa susunod pagmagbubulungan kayo huwag masyadong malakas ha? Nagmumukha kasi kayong bangaw,” seryosong sabi ko, napangisi naman agad ako nang makita ang pagkapahiya nila habang napapayuko. Dinig ko pa ang pigil na tawa ng ilang estudyante sa ‘min. “Kung paguusapan niyo ko? Wag nyo ipaparinig sa ‘kin dahil kahit chismosa pinapatay ko,” nagbabantang sabi ko saka sila nilampasan. Pagkarating ko ng classroom sabay-sabay na tumayo ang mga kaklase ko at nagbigay galang sa ‘kin. Nakangisi akong dumiretsong upuan ko sa dulo. Mga ilang minuto ang lumipas nang dumating ang una naming professor at nagklase. BREAK TIME “H-here, M-momack ito yung pagkain ko,” nanginginig na inabot sa ‘kin ng kaklase kong si Mel ang sandwich. Mukha siyang nakahinga ng maluwag nang kunin ko ito. Ngunit agad nawala ‘yon nang ibato ko ang sandwich sa basurahan. Saka ako masamang tumingin sa kanya. “Ang tigas din ng mukha mong mag-abot sa ‘kin n’yan? Ano akala mo sa ‘kin? Walang pera pambili n’yan?! Hindi porke hindi ako bumaba para kumain ay wala na akong pera! Alis d’yan! Bago pa magdilim ang paningin ko at ikaw ang masandwich ko!” Gigil na sabi ko at tinulak siya. Naiiyak naman siyang tumayo at tumakbo palabas. MABILIS na natapos ang maghapon. Pauwi na ako sakay ng auto kong kulay itim. Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako ng condo unit kong tinutuluyan. Inihagis ko ang bag ko sa couch at pabagsak na humiga sa mahabang sofa, gamit ang paang tinanggal ko ang sapatos ko pati ang medyas. Napapikit ako ng makaramdam ng pagod. L*ntek kasing surprise quiz, pinasakit ang ulo ko, muntik na akong walang maisagot mabuti na lang matalino at takot sa ‘kin ang seatmate ko kaya walang nagawa ito kundi ang ipagsagot ako. Nakapikit pa ring kinapakapa ko ang kaha ng yosi ko at lighter sa center table. Nang makakuha ako ng isa ay saka ako nagmulat at nagsindi. Umayos ako ng higa at ini-on ang T.V. BREAKING NEWS Nagtapuang patay sa kanyang mansyon ang leader ng isa sa pinakamalaking sindikato sa ating bansa. Hinala ng mga pulis ay planado ang pagpatay kay Isaac Suarez.Tadtad ng tama ang baril ang buong katawan nito pati saksak sa mukha. Sa ngayon ay patuloy p arin ang imbestigasyon ng mga pulis sa nasabing krimen. Napangiti ako sa balita, naalala ko ang ginawa kong pagpaslang kay Isaac Suarez kagabi sa pag-uutos ni Bigboss. Isa si Isaac Suarez sa mga kakumpetensya ni Bigboss pagdating sa legosyo at para sa isang malaking account na offer ng isang multi-billioner na kapartner ni Bigboss ay inutos nitong paslangin si Isaac dahil hadlang ito sa panibagong legosyo nilang itatayo. Naramdaman ko naman ang vibration ng cellphone ko. Kinuha ko ito at binuksan ang message mula kay Bigboss. From: Bigboss Great job Momack. Napangiti lang ako sa muling papuring nakuha mula kay Bigboss. Lumipas ang oras tinamaan ako ng inip mula sa pagkakahiga. Tinatamad akong bumangon at nagtungong kwarto para maligo at magbihis ng damit. Mag-aalasyete na ng gabi nang makaramdam ako ng gutom, nagbukas ako ng isang delata at kinuha ang kaning tira ko pa mula kaninang umaga, wala akong talento sa pagluluto at hindi rin ako mahilig bumili ng pagkain sa labas. Nakataas ang paa kong umupo muli sa sofa at nagsimulang kumain, ini-on ko muli ang T.V. “Wala manlang magandang palabas,” ngumunguyang sabi ko habang pinalilipat-lipat ang channel. Natapos ako sa pagkain nang makaisip ako ng kakaibang trip sa buhay. Ilang sandali pa ay bumaba ako ng veranda ni Lewis gamit ang lubig na ladder na mahigpit na nakatali sa veranda ng unit ko. Napangisi agad ako nang makita ko siya. Mga ilang minuto na ang nakakalipas at nanatiling nakatayo akong pinagmamasdan siyang busy sa kausap sa cellphone. Hindi na ako makapaghintay na patayin ‘to. Alam ko naman na konting tiis na lang magiging miyembro na ako ng mafia. Sa dami ko nang nagawa para sa organisasyon. Ni hindi ko na nga mabilang ang mga taong napatay ko. ILANG minuto pa ang lumipas ay nakapamulsang sumandal ako sa pader, nababagot akong tumingin muli sa kanya ngunit agad akong napangiti nang makita ko na tapos na siya sa kanyang katawagan. I started to dial his number. Nanatili ang tingin ko sa kinatatayuan ni Lewis bakas sa mukha n'ya ang pagtataka sa sunod na tumawag. “Careful, I’m watching you,” sabi ko sa may pagbabantang tinig. “What the—who the hell are y—” I ended the call. Nagsimula siyang magpalinga-linga dito sa loob ng unit n’ya. Gusto kong matawa sa reaksyon ng pagmumukha n’ya hindi ko malaman kung natatakot ba siya o OA lang talaga, ngunit nagmadali na akong umalis bago pa man niya ko mahuli.   KINABUKASAN Pasado alas otso na, huli na para sa unang subject ko nagmamadali akong naglalakad sa hallway. Halos tumakbo ako upang mapabilis hanggang sa konting lakad na lang palapit sa pintuan ay rinig na rinig ko na ang boses ng prof na nagsisimula sa dicussion. Here we go again… “You’re late!!!” bungad sa ‘kin nito sa nakakarinding boses. Nagsimula akong mabadtrip. Ano ngayon kong late? Hanggang ngayon hindi pa rin ba siya sanay? Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang akong patungong upuan ko sa dulo. “You’re a graduating student at hanggang ngayon wala ka pa rin modo!” sabi pa niya nanatili namang tahimik ang buong klase. Eh, kung patayin ko na kaya ‘to? Bright idea, right? Tama bang ipahiya ako palagi sa klase, mag pasalamat nga siya pinapasukan ko pa s’ya! “Tapos ka na?” sarkastiko kong tanong matapos kong makaupo. Kilala akong masamang tao pero hindi na ‘yon kinakailangan pang ipamukha sa ‘kin. Nagsisimula ng magdilim ang paningin ko sa kanya, konting konti na lang ay makakagawa na ako ng krimen sa ikli ng pasensya ko. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ginagalang ako at tinuturing na boss. Hindi naman actually lahat dahil may mga traydor pa rin talagang kumakalaban sa ‘kin pero karamihan ay takot. That’s why I have no friends, no one tried to be my friend at hindi ko kailangan ng kaibigan lalo na kung hindi mapagkakatiwalaan at kung may kumakalaban man sa ‘kin sa school na ‘to. Simple lang naman ang ginagawa ko. It’s either pinapatay o di kaya tinatakot. Depende sa kasalanan sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong ikinagagalit ng matandang prof na ito, maliban na lang kung alam na niyang ako ang pumatay sa anak n’ya. Barilin ko na kaya? Aish! NO. Patience Momack too early for that. Hindi mo s’ya pwdeng patayin dito. Walang imik na lumabas ako ng room kaysa makapatay ako ng tao. Pumunta muna ako sa MontePark isang tambayan dito sa school pero this time ako lang ang nandito dahil lahat ay may klase, sa sobrang init ng panahon ay ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko, naupo ako sa isang bench at nagreview-review. Hindi lang naman kasi basta nakikipag-basagan ng ulo at pumatay ng tao dahil nag-aaral rin ako. Obviously, may pangarap pa rin ako para sa sarili ko.Nagsindi muna ako ng sigarilyo kahit bawal dito. Ito ang paraan ko para mabawasan ang init ng ulo o pagka-irita. Wala pa ako sa kalhati sa paninigarilyo nang may biglang nagsalita mula sa likod ko. “Miss, excuse me do you know the school rules and regulation?” Lumingon ako sa kanya at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Anong paki naman niya? Hindi niya ba ko kilala? Si Momack na sinasanto ng mga estudyante dito. Transferee? Pero imposible malapit na matapos ang taon. Hindi nagbago ang itsura niya kahit nakita niya na kung sino ako, nanatili ang pagiging kalmado niya habang seryosong nakatingin sa ‘kin “Yeah,” baliwala kong sagot at binugahan s’ya ng usok sa mukha. Ano bang pakialam ko sa school rules? Kailan pa ako nagkaroon ng paki sa iba. Wala ‘yon sa vocabolary ko. Narinig ko naman ang pag-ubo n’ya saka nag-salita. “Bawal manigarilyo dito miss.” Bakit ba kailangan pa n’yang pagdiinan. T*nga ba s’ya? Malamang alam ko ‘yung school rules. Hindi ko lang sinusunod. “Do you wanna die?” may pagbabanta kong tanong sa kanya at tinutukan s’ya ng baril. Ubos na pasensya ko. Let’s say my patience is too short. Gusto ko matawa sa reaksyon ng mukha n’ya halatang hindi niya inasahan na ito ang kasunod kong gagawin. Napangisi ako at kinasa ang baril. “Ngayon mo sabihing bawal manigarilyo dito?” May padidiing saad ko. Stupido! Ngunit bago ko pa man maiputok ang baril kumaripas na ito ng takbo. Ang isa sa mga bagay na pinaka-ayaw ko ‘yon ay mga pakialamero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD