CHAPTER 5

1262 Words
TRIGGER WARNING: This chapter touches on the loss of an infant due to an accident (milk aspiration). The content may be heavy for parents or readers who are sensitive to such themes. Please read gently. Umalis si Ava Leigh ng bahay na masama ang loob. Dahil magtatrabaho siya, pilit niyang isinantabi ang mga problema lalo at pera ang hawak niya sa trabaho. Wala siyang ipang-aabono sakaling kulangin siya sa remit dahil lang nagpaapekto siya sa mga nangyari sa bahay bago umalis. Pagkauwi niya, nagtaka siya dahil wala si Vander sa kuna kung saan madalas niya itong abutan tuwing dumadating siya. Lagi niyang nadadatnan ang anak sa sala habang nakahiga sa kuna. Madalas ay gising ito at nakikipagharutan kay Edward, tila ba hinihintay ng anak ang pagdating niya. Saka lang ito matutulog kapag inihiga na niya sa kama at magkatabi sila. “Nasaan kaya sila?” tanong niya sa isip dahil napakatahimik ng bahay. Hindi niya narinig ang mga harutan ng mga pamangkin ng partner niya sa kwarto ng lolo at lola ng mga ito. Kaagad siyang dumiretso sa kanilang silid upang magpalit ng damit. Pagpasok niya sa silid ay wala din doon ang kaniyang anak pati na din ang kinakasama. Muli siyang lumabas matapos niyang magbihis. Pumunta siya sa kusina. Wala ding tao doon. Tumahip ang d*bd*b niya. Hindi niya maipaliwanag ang kaba na bigla na lang naramdaman. Lumabas siya sa kusina nang maulinigan ang boses ng kaniyang biyenan na lalaki. Tila kararating lang nito galing sa pamamasada. “Nasaan po pala sina Evan, ’Pa?” tanong niya sa biyenan. “Wala sila dito?” ganting tanong ni Edward. “May hinatid lang ako saglit. Tulog na ’yon kanina si Vanvan pag-alis ko, eh,” dagdag pa nito, may pagtataka sa boses. Sumilip sa sariling kuwarto ang biyenan niyang lalaki. “Wala din dito. Pati ’yung mga bata wala.” Lalong bumilis ang t*bôk ng puso niya sa hindi malamang dahilan. “Tatawagan ko ho si Evan,” paalam niya dito bago pumasok sa kuwarto upang kunin ang cellphone sa dalang bag. Habang tinatawagan ang kaniyang kinakasama, narinig niya ang boses ng kapitbahay nilang si Julie. Lumabas siya sa kuwarto at pinuntahan ito sa sala. Napansin niya kaagad ang pag-aalala sa mukha ng babae. Itinigil niya muna ang ginagawang pagtawag sa tatay ng kaniyang anak. “A-Ava, sümugód sa ospital sila Evan... Si Vanvan kasi...” pagbabalita nito. Tila may mabigat na bagay ang dumagan sa d*bd*b niya matapos marinig ang mga sinabi ng dalaga. “B-Bakit? A-Ano’ng nangyari sa anak ko? Bakit siya dinala sa ospital?” nanginginig ang boses na tanong niya. Si Edward naman na nagpapahinga sa mahabang upuang kahoy sa sala ay kaagad na nakalapit sa kanila. “Saang ospital dinala?” Bakas ang kaba at takot sa boses ng kaniyang biyenan. “Hindi ko po alam, eh. Basta narinig ko lang sila kanina na nagkakagulo. Umalis ho sila Evan kasama si Nanay Marcela at saka sina Cyrene,” nag-aalalang tugon ni Julie. Kaagad silang umalis ni Edward lulan ng tricycle nito. Pinuntahan nila ang pinakamalapit na ospital sa kanila. Sa sobrang paagmamadali, maging ang magpasalamat sa dalaga sa pagbibigay-alam sa kanila ng nangyari ay hindi na nila nagawa. Habang nasa daan, labis ang kaba at pag-aalala na nararamdaman niya para sa anak. Hindi niya alam kung ano ang naging problema. Wala namang lagnat ang anak niya bago siya umalis kanina para magtrabaho. Panay din ang dasal niya na sana ay maging ligtas si Vanvan. Wala na siya ibang pamilya na maituturing. Namatay ang kaniyang ina sa panganganak sa kaniya. Ang ama naman niya ay may ibang pamilya na at kahit kailan ay hindi siya binisita. “Please, sana po ay ligtas ang baby ko. Huwag Niyo po sana siyang pababayaan...” paulit-ulit na dasal niya habang nasa biyahe. Pagdating sa parking ng ospital, lakad-takbo ang ginawa nila ni Edward upang puntahan ang anak. Habang papalapit sa gusali, natanaw niya si Evan mula sa salaming dingding. Nakaupo ito at nakasubsob sa palad ang mukha. Katabi nito si Marcela, nakayakap sa anak. Lalo siyang kinabahan. Halos tumakbo na siya para lang makarating sa lobby ng ospital kung saan niya natanaw ang kinakasama pati ang ina nito. Pagkatapos mag-log book ay agad siyang lumapit kay Evan. “Kumusta na si Vanvan? Ano’ng nangyari sa kaniya?” humahangos niyang tanong. Nag-angat ng tingin ang lalaki. Muli na namang sumikdo ang kaniyang d*bd*b pagkakitang hilam sa luha ang mga mata nito. Kaagad namang humagulgol si Marcela na nasa tabi ng kaniyang kinakasama. Lalong bumilis ang tíbók ng puso niya. “Ano ba?! Tinatanong kayong dalawa hindi kayo sumasagot? Ano ba ang nangyari kay Vander?” galit na tanong ni Edward sa mag-ina nito nang hindi magsalita ang dalawa. Lalong lumakas ang iyak ng biyenan niyang babae. Umiling ito, at sa nanginginig na tinig ay nagsalita, “W-Wala na si Vanvan. W-Wala na ang apo natin...” Tila namanhid ang buong katawan niya sa mga narinig mula kay Marcela. Hindi siya makagalaw. Pakiramdam niya ay huminto sa pagtibøk ang puso niya. Nanikip ang kaniyang d*bd*b, wari ay may biglang bumigat sa loob nito. Naramdaman niya ang panghihina ng mga tuhod. Unti-unting bumagal ang paligid, tila kumukupas ang mga tunog at nagiging alingawngaw ang bawat ingay. Nanlabo ang kaniyang paningin hanggang sa tuluyang nagdilim. Hindi na niya namalayan ang tili ng kaniyang biyenan nang bumigay ang katawan niya. Subalit bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig, maagap siyang nasalo ni Evan. Pagmulat ng kaniyang mga mata, bumungad sa kaniya ang puting kisame. Nakaratay na pala siya sa hospital bed. Agad na nanuot sa ilong niya ang amoy ng alcohol at gamot. Nang maalala ang sinapit ng anak, mabilis na nag-unahang pumatak ang mga luha sa kaniyang pisngi at malakas siyang napahagulgol. Kaagad na nag-angat ng ulo si Evan na nakaupo habang nakayupyop sa higaan. Bahagya itong lumapit sa kaniya, niyakap siya nang mahigpit at maging ito man ay napaluha na din. “E-Evan, si Vander, ibigay mo na siya sa ’kin, dedede na ang anak ko. Matigas na ang dede ko, marami nang gatas na naipon,” sambit niya, patuloy sa pag-iyak. Hindi niya magawang tanggapin ang sinapit ng sanggol. Kaninang umaga lang ay karga-karga pa niya ito para paarawan. Kaya pala halos ayaw na nitong bumitaw sa kaniya nang hawakan niya ang kamay nito bago siya umalis, may mangyayari na palang hindi maganda. “S-Sorry, love... Kasalanan ko ’to, hindi ko nabantayan nang mabuti ang anak natin,” saad naman ni Evan. Marahas siyang bumangon. “Kung ayaw mo siyang dalhin sa ’kin, ako ang pupunta sa kaniya!” sigaw ni Ava Leigh, dahilan para mapalingon ang ibang pasyente at bantay sa paligid. May ilan pang pasyente ang napapitlag, ang iba nama’y nagbulungan. “A-Ava, wala na ang anak natin. Nasa morgue na siya, inaasikaso na ang bangkay niya,” ani Evan, mahigpit ang pagkakahawak sa balikat niya, pilit siyang pinipigilang bumaba sa kama. “Ano ba! Bitawan mo ’ko! Kailangan ako ng anak ko! Kailangan ko na siyang padedeen sa ’kin!” Naghihisterya na siya, nanginginig ang kaniyang buong katawan habang umaagos ang luha. Agad na lumapit ang isang nurse. “Ma’am, ma’am, kalma lang po muna kayo!” mariing pakiusap nito habang sinisikap hawakan ang kaniyang braso. Mahigpit siyang ikinulong sa braso ng kaniyang kinakasama. Huminto siya sa pagpupumiglas. “Hindi pa patay si Vander... Hindi pa patay ang anak ko...” aniya habang patuloy sa pagpatak ang mga luha. Ang mga tao sa paligid ay nananatiling nakatingin, ang ilan ay nakasimpatya, ang iba nama’y nagtatakip ng bibig dahil sa awa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD