CHAPTER 1
♥♥♥♥♥♥♥♥
Ezekiel
P.O.V
♥♥♥♥♥♥♥♥
I don't know where I am.
I don't know who I am.
My head throb when I tried to remember what happened.
But nothing.
I can't remember anything.
Bakit nakakarinig ako ng paghampas ng tubig?
Bakit feeling ko ay basa ako?
Kahit sobrang sakit ng ulo ko at ayaw pang dumilat ng mata ko ay pinilit kong buksan ang mga ito.
At napagtanto kong nasa gilid ako ng isang malaking bato at sa bandang kaliwa naman ay ang rumaragasang waterfalls.
What am I doing here?
Sobrang sakit ng aking buong katawan, pati na rin ang parang binibiyak na ulo ko.
After minutes of fighting the pain in my throbbing head, I sit up and look around.
Tumayo ako sa pagkakaupo kahit na nahihirapan pa atsaka nagtungo sa lupa na hindi na naabutan ng tubig.
Nagpalinga-linga ako sa buong lugar, nagbabaka-sakali na may makitang sino man na mahihingian ko ng tulong.
Ngunit wala sino man ang nandito.
Ni anino ay wala.
Mga huni ng ibon, tunog ng umaagos na tubig, ang mahinang paghampas ng mga dahon sa isat-isa at ang simoy ng hangin, ang tanging aking naririnig.
Napaka-payapa.
Ngunit nagambala iyun ng pagtunog ng aking tiyan, nanghihingi ng makakain.
Napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang maglakad palayo upang maghanap ng makakain.
Nagpalinga-linga ako sa malalaki at matatayog na puno na aking nadadaanan.
Pilit kong inaalala kung nakita ko na ba ito dati o hindi, pero wala parin.
Bakit kaya wala akong maalala?
O mas magandang tanong ay, anong nangyari saakin kung bakit hindi ako maka-alala?
Iwinaksi ko sa isipan ang tanong na iyon at nagpatuloy sa paglalakad.
Ilang oras na akong naglalakbay ngunit wala pa rin akong makitang kahit na isang prutas man lang.
Pawis na pawis na rin ako, at satingin ko ay bibigay na Ang mga paa at tuhod ko kung magpapatuloy pa ako sa paglalakad.
Bumuntong hininga muli ako bago umupo sa malalaking ugat ng isang puno saka doon nagpahinga.
I lean my head in the tree, look up the sky, and sigh.
Gutom na gutom na ako, at nanunuyo na rin ang aking lalamunan. Uhaw na uhaw na ako.
Napapikit ako ng lumakas ang ihip ng hangin, muli akong napabuntong hininga saka naidlip dahil sa pagod.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba akong naka-idlip, kung hindi lang dahil sa nararamdaman kong parang may bumabato saakin ng kung ano.
Pagdilat ng aking mata ay una kong hinanap ang bumabato saakin ngunit wala naman akong makita ni isang nilalang.
Tumingin ako sa itaas, at mga puno ngunit wala rin.
Nakaramdam ako ng maliit na batong tumama sa dibdib ko, kaya napatingin ako sa pinang-galingan nito, ngunit wala naman akong nakita.
Buntong hiningang tumayo ako upang ipagpatuloy ang paglalakad.
Minuto muli ang tumagal, ngunit wala ni isang prutas akong nakita.
Mawawalan na sana ako ng pag-asa ng sa di kalayuan ay may nakita akong kumikinang.
Dala nang kuryusidad ay nagtungo ako doon at sobra ang aking kagalakan ng makakita ako ng maliit na puno na may kakaibang prutas na nagliliwanag.
Kumalam ng malakas ang aking sikmura.
At hindi na ako nag aksaya pa ng segundo at agad na pinitas ang isang prutas.
Akmang kakagatin ko na sana ito ng may punyal na tumarak dito.
Agad ko iyong nabitawan at nanlalaki ang matang nagpalinga-linga sa paligid.
"Who are you?" I calmly and softly said, I'm surprised because I didn't even feel scared by the sudden attack.
No one answer.
"Show yourself, I'm not a bad person, I promise, I just wanna know why did you throw a dagger in my direction."
I ask, and again, he or she didn't answer.
Sighing, I pick one fruit in the small tree and was about to take a bite again, when a small but stern voice stop me.
"Huwag mong kakainin iyan, ginoo." Turning around, I saw her.
A girl.
Dress in a dull emerald green color with a gold linings in his long sleeves that stop in her elbow, and it has a slit in both side of her dress that stop in her mid thigh, the dress is slightly fit in her body and it stop under her knee.
She has a white curly long hair that stop in her mid back and she have this gold accessory in her hair that look good on her.
She has a beautiful big blue eyes, small but pointed nose, a slightly pink lips and small face that really suit her.
And her small height that makes her cute and of course, her pointed ears.
What is she? Why does she have that kind of ears? But nonetheless...
She's beautiful. But. Small. And Cute.
"Um, do you want this too? I can share it with you but I'm really hungry right now, so I'm gonna eat it." I said.
But again. She stop me from eating it.
"Ang prutas na iyan ay nakakalason." She yawn, while I dropped the fruit in my hand, and sadly look at it.
Napatingin ako sa babae nang bigla itong humiga sa sahig na puno ng nahulog na dahon.
Muling tumunog ang aking tiyan kaya napabuntong hininga ulit ako.
Ilang beses na ba akong bumuntong hininga?
Naupo na rin ako di kalayuan sa pwesto ng babae at pipikit na sana ang mata ng may tumama na kung ano sa ulo ko.
Pagtingin ko doon ay agad na nagliwanag ang aking mata.
Isang malaki at pulang mansanas ito, nagawi ang aking mata sa babae na ngayo'y inaantok na nakatingin saakin.
"Sayo ba galing ito?" Tanong ko, muli itong humikab bago tumango.
Ngumiti ako sa kaniya.
"Salamat."
At sinimulan ko nang kainin ito.
Malaki ang pulang mansanas kaya naman nabusog ako.
I sigh in relief, pero may kulang, nauuhaw pa ako.
"Heto, ginoo."
Napatingin ako sa babae at sa kaniyang kamay na may hawak na boteng may laman na tubig.
Tuwang tuwa ko naman itong tinanggap.
At muling nagpasalamat.
Nang makuntinto ako ay binalik ko sa kaniya ang bote, tahimik at tinatamad niya itong kinuha.
"Umm, can I ask your name?" I ask, she blink three times, and she look cute!
She cleared her throat before answering, I don't know why her face turn a light pink. Weird.
"Alathea ang aking ngalan, ginoo." Sabi nito sa maliit ngunit medyo ma-otoridad na boses.
At ngayon ko lang napansin na hindi ito nagsasalita ng English at medyo malalim na Tagalog lang ang sagot nito ngunit nakaka-intindi naman siya.
"Ikaw ginoo, ano ang iyong ngalan?" Tanong niya.
I sighed and massage my temple.
I don't know how to answer her question because even I, doesn't know my name.
Tumingin ako sa kaniya, at mapait na ngumiti.
"Hindi ko alam." Maikli kong sagot.
Kumunot ang kaniyang noo at inusisa ang aking mukha kung nagsasabi ba ako ng totoo.
Kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"I know, it's unbelievable and impossible to not know your own name, but it's the truth. I don't really know who I am. I just woke up in the morning, lying in a sand with a big rock in my right and a waterfall in my left side. Weird, I know. But I can't really remember anything. It's sucks, ya' know." I ranted and heave a sigh of frustration.
I run my fingers in my hair and put my hands in my face, covering it.
"Ginoo, maaari ka bang lumapit saakin, may kailangan lang akong siguraduhin."
Tinanggal ko ang kamay sa Aking mukha at tumingin kay Alathea.
Hindi man sigurado ay lumapit pa rin ako sa kaniya, nakatayo lang sa harap niya.
Tumingin pa ako pababa dahil nga sa matangkad ako at maliit siya na hanggang dibdib ko lamang.
"Maari ka bang umupo, ginoo." Aniya.
At dahil nakaupo lang siya at parang ayaw niyang tumayo ay sinunod ko siya at naupo sa harap niya, bahagya pa akong yumuko upang magpantay ang mukha namin.
Tinaas niya ang kaniyang kamay sa Aking mukha, naramdaman ko ang init ng kaniyang palad saaking magkabilaang pisnge, at napapikit nalang ako sa ganda at gaan na sensasyong dulot nito.
Ilang segundo din ay tinanggal na niya ito, gusto ko pa sanang umangal, ngunit hindi ko ginawa, baka iba pa ang isipin niya.
Pagbukas nang aking mata ay ang malungkot at may bahid na galit ang kaniyang mukha.
"Itim na mahika, ginoo." Rinig kong may inis ang boses nito.
Nagtatakang tinignan ko siya at medyo tinagilid ang ulo ko.
Itim na mahika?
As in, black magic?
Mukhang nakita niya ang kalituhan ko kaya, pinagpatuloy niya ang pagsasalita.
"May itim na mahikang nagtanggal ng iyong mga ala-ala, ginoo." Malungkot na wika niya.
Ilang minuto ko ding prinoseso ang sinabi niya bago nagsimulang lumabas ang mga tanong.
Bakit nila tinanggal ang mga ala-ala ko?
Ano bang ginawa ko?
Anong nangyari bago ako mawalan ng ala-ala?
Bakit nila ginawa ito?
May pamilya ba ako?
Sino ako?
Anong pangalan ko?
Ang daming tumatakbong mga tanong sa isip ko ngunit natigil lang itong ng may daliring humaplos sa pisnge ko at agad akong napatingin kay Alathea.
"Lumuluha ka, ginoo." Malungkot na sabi niya sa mahinhing boses.
Nagtaka ako noong una, ngunit ng hawakan ko ang aking pisnge ay may basa doon.
Hindi ko namalayang lumuha na pala ako. Hayss.
Agad ko itong pinunasan atsaka huminga ng malalim.
"Nais kong magtanong, binibining Alathea." Sabi ko, muli itong kumurap kurap at namula ang kaniyang matutulis na taenga. Cute.
Tumango ito.
"Mayroon bang Malapit na bahay tuluyan rito, upang magpalipas ng gabi?" Tanong ko.
Bumuntong hininga ito. At tumingin sa kawalan.
"Ginoo. . ." Muli itong bumuntong hininga saka tumingin saakin.
"Walang bahay tuluyan rito, mga malalaking puno, halaman, mababangis na hayop, at malinis na ilog at talon lamang ang naririto." Aniya.
"Um, may kakilala ka bang maari kong pagtuluyan ngayong gabi? Promise, just for tonight." Nagbabasakaling tanong ko.
Muli itong bumuntong hininga at pumikit ng mariin bago muling tumingin saakin.
"Wala ng ibang naninirahan dito, ginoo, ako lamang mag-isa, ang naririto." Aniya at umiwas ng tingin, akala niya siguro hindi makikita ang lungkot sa kaniyang mata nang sabihin niya ito.
Gusto ko sanang itanong kung nasaan ang pamilya niya ngunit hindi ko nalang tinuloy, mukhang malungkot ito eh.
Bumuntong hininga din ako at tumingin sa itaas at saka ko lang napansing papalubog na Ang araw.
Saan ako matutulog?
Well, pwede na siguro sa paanan ng puno, diba?
Hays!
"Maaari ka munang magpalipas ng gabi saaking maliit na tirahan, ginoo, delikado tuwing sumasapit ang gabi sapagkat doon lumalabas ang mababangis na hayop." Napatingin agad ako kay Alathea at agad lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Maraming salamat, Alathea." Nakangiti kong sabi.
Ngumiti din ito pabalik.
"Walang ano man, ginoo."
♥♥♥♥♥