Kabanata 30

2022 Words

"Dito na ba kayo magpapalipas ng gabi?" narinig kong tanong ng ginang na siyang nagngangalang Edna. "Naku, hindi balae. Uuwi na rin kami kapag tumila na ang ulan," pagkasabi no'n ni Mang Rudy ay napansin kong nangunot ang noo ni Aling Edna. "Mukhang malabo iyan balae, siguradong titirik lang ang sasakyan niyo dahil sa taas ng baha. Lagi pa namang binabaha rito tuwing may bagyo," pagkasabi no'n ni Aling Edna ay hindi ko na napigilan pa ang mapalunok sa sariling laway. Sigurado akong mag-aalala sa akin si Aunt Mildred kapag hindi ako nakauwi ngayon. "Gano'n ba? E, may alam ka bang ibang daraanan namin dito?" tanong naman ni Mang Rudy, subalit tanging pag-iling lamang ang nagawa ni Aling Edna bago ito sumagot ng, "Wala e, alam mo naman ako 'di ba. Hindi ako gaanong lumalabas ng bahay," pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD