Palakas na ng palakas ang bugso ng ulan kung kaya't hindi gaanong matulin ang pagpapatakbo ni Mang Rudy rito sa sinasakyan naming van. Panay rin ang paggalaw ng windshield wipers na siyang nagbibigay linaw sa aming daan. Napabuntong-hinga na lamang ako bago ko masipat ang oras sa wrist watch ko, mag-aalas tres y medya na ngayon ng hapun. Napahalukipkip na lang ako ng mga braso dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakararating sa Sitio Luciano. Hanggang sa bigla na lamang magsalita si Mang Rudy para sabihing, "Narito na tayo," pagkasabi niya no'n ay awtimatikong nagbaling kaagad ako ng tingin sa harapan namin. Dahil sa windshield wipers ay nakita kong bumubungad na sa amin ang isang napakalaking arko sa gitna ng daan, bahagya namang napaawang ang bibig ko no'ng mabasa ko ang pangala

