Kabanata 38

1020 Words

Habang humahakbang ako pababa rito sa hagdan ay may mga naririnig na akong mga boses sa ibaba. Habang papalapit ako ng papalapit sa ibaba ay mas lalo pang lumalakas ang usapan nila, bigla naman nangunot ang noo ko no'ng makilala ko ang boses ni Mang Rudy. Kaagad na akong nagmadali sa pagbaba dahil parang kausap ni Mang Rudy si Aunt Mildred. Nang tuluyan na akong makababa ay hindi nga ako nagkamali dahil bumungad kaagad sa akin sina Aunt Mildred at Mang Rudy, bahagya namang nangunot ulit ang noo ko no'ng makita kong may kasama pang iba si Mang Rudy at ito ay lalaki. Sa tingin ko ay hindi pa nila ako napapansin kaya hindi ko na muna sila nilapitan, ilang sandali lang ay nakita kong may iniabot si Aunt Mildred kay Mang Rudy at ito ay isang puting sobre. Sa itsura at lapad nito ay mahahalata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD