[8] Pain Behind the Cold

2145 Words
NAPABUNTONG HININGA SI GLADYS. Natapos na’t lahat ang klase ay wala pa ring bakas ni Sebastian ang nakita niya. Buong araw siyang umasa na magkakaroon ito ng delikadesa na pumasok para lamang sa kaniya. Hindi naman ito tanga para hindi isipin na gusto niya itong makita sa tagal ba naman ng bakasiyon na wala itong paramdam sa kaniya. Sumakay siya sa sundong kotse matapos tignan ang paligid. “Take care, Yadys!” Sumilip pa si Breena sa bintana ng kotse niya bago ito pumasok sa sundo ring kotse. Nakita niya pang sumakay rin si Emerald sa kotse ni Breena. She’s starting to be nice again, huh? Pasiring siyang nag-iwas ng paningin roon. “Ma’am, uuwi na po ba?” Her driver asked. “No,” sagot niya. Sa tingin pa lang na ibinigay niya rito ay alam na nito kung saan dapat siya ihatid. Wala pang kinse minutos na byahe ay nasa tapat na siya ng pamilyar na karendirya. Of course she knows this place and the people who work here. Sebastian is a regular costumer in this place, dahil ang pagkakaalam niya at base sa kuwento nito ay bata pa lang ito ay nakasanayan na nitong kumain rito. Sa ilang beses niya yatang pumunta rito ay ni hindi pa man lang siya nakakain dito. She has a sensitive stomach at hindi mataas ang tiwala niya sa kahit na sino. She only trusts herself. Nilibot niya ang paningin niya para hanapin si Aling Cecile. That’s how Sebastian calls the old lady. Walang emosiyon niyang tinignan si Aling Cecile na papalapit na rin sa kaniya matapos siyang makita. Sa tipid na ngiti pa lang nito ay mukhang alam na nito ang pakay niya. “Kanina pang tanghali nagawi rito si Sebastian, Ms. Ming. Wala ring nasabi kung saan pupunta,” kaagad nitong sinabi. Hindi nagbago ang emosiyon sa kaniyang mukha. Hindi rin siya nagsalita. Nararamdaman niya nang nakangiwi na ngayon ang kaniyang driver sa kaniyang likuran. Sa tinagal-tagal nang nangyayari nito bago ang bakasiyon, tuwing narito sa sitwasiyon ay hindi na naaalis ang nahihiyang ekspresiyon nito sa inaasal niya. “Oh? Nandito na naman ang girlfriend na hilaw?” Mula sa counter ay lumapit ang pamilyar na babae. Of course she also remembers this girl. What’s her name again? Ah, Precila? She rolled her eyes again. “Girlfriend nga, hindi naman ina-update ng hubby ko,” dugtong pa nito. Sarkastiko siyang natawa habang nakaiwas pa rin ang paningin. Mula sa kampanteng pagkakatayo ay matapobre niyang pinag-krus ang kaniyang mga braso. “Precila, ano ba iyan,” kaagad naman itong sinaway ni Aling Cecile. And it’s been a year at hubby pa rin ang tawag nito sa boyfriend niya? Wala ba itong kahit kaunting hiya na natitira para sa sarili, even a little decency? Mataray niyang ibinalik ang paningin kay Precila, matapos ay kay Aling Cecile. Hudyat iyon para umabante ang kaniyang driver na si Mang Elias, naiwan siya sa likuran nito at tumalikod na siya para mauna na sa kotse. “Salamat po. Mauna na po kami.” Kaagad niyang naramdaman ang madaliang hakbang ng kaniyang driver para maabutan siya. “Bastos talaga ng Chinese na ‘yon. Matapobre! Kita mo, Mama? Hindi man lang nagsalita!” dinig niya pa ang boses ni Precila sa kabila ng ingay na nililikha ng takong niya. “Shh! Ano ba, Precila. Paano magsasalita iyon e binuyo mo na?” “Aba dapat lang ‘yon. Ang feeling-era, e.” Nahinto siya sa paglalakad nang pababa na sa hagdanan palabas ng karendirya. Siya pa talaga ang feeling-era? She’s the one who has the label. “Ma’am, Gladys?” mula sa likuran niya ay nag-aalalang nagtanong si Mang Elias. Kinalma niya ang sarili bago nagpatuloy sa pagbaba sa sementadong hagdanan at marating ang nakaparadang kotse. Padabog niyang sinarado ang pintuan ng kaniyang kotse. Gusto niyang sisihin si Sebastian. Kasalanan nito kaya nababastos siya ng mga tao sa paligid nito. Hindi siya ni minsang trinato nang mahalaga ni Sebastian, kaya ang mga tao sa paligid nito ang tingin rin sa kaniya ay wala lang; a good for nothing girlfriend. Sunod na pumasok ang kaniyang driver. Nanatili ang paningin niya sa kaniyang bintana. Hinihintay na marating nila ang condo ni Gio. Kinuha niya ang kaniyang cellphone para i-text si Gio. To Gio: If I find out that Sebastian’s there and you didn’t bother to tell me, you’re dead. Kung naroon nga si Sebastian sa condo ni Gio, hindi niya iyon palalagpasin dahil kung sinabi lang nito hindi niya na kakailanganing pumunta sa karinderyang iyon para lang barabarahin ng payasong si Precila. Sopistikada siyang bumaba sa sasakyan. Tinanaw niya ang parking lot bago mapagdesisyunan na pumasok sakay ng elevator. She don’t know why it seems strange. Iba ang pakiramdam niya. Hindi niya na pinasunod si Mang Elias dahil kaya naman na niya, si Gio lang naman ang kakausapin niya, si Sebastian na rin kung naroon ito. Tumunog ang elevator at bumukas ang pintuan nito, senyales na nasa tamang palapag na siya. Gladys is really intimidating in appearance, maganda ang tindig, malamig ang emosiyon sa mukha, sopistikada at halatang marangya kung mamuhay. Isa pa, ang buong katawan nito ay napapalamutian ng mamahalin at kilalang brand ng bag, sapatos, damit at alahas. Pinindot niya ang doorbell ng condo ni Gio. Of course, she felt weird and annoyed, doubting dahil hindi naman ganito katagal magbukas ng pinto si Gio. “That loser,” she uttered. Inulit niya ang pag-doorbell sa ikalawang pagkakataon, pero kagaya kanina ay hindi pa rin binubuksan ni Gio ang pintuan. Unbelievable. Nagdala ba ito ng babae sa condo niya? It seems like he’s hiding something. Sigurado siyang nakauwi na si Gio, dahil hindi naman ito mahilig maglakwatsa, kundi matulog, pero dahil hindi pa rin siya mapakali ay kinuha niya ang cellphone niya sa loob ng kaniyang handbag para tawagan si Malik, just to confirm if Gio is already home. Nalaglag ang panga niya nang makarinig ng ungol mula sa kabilang linya. “What the hell?” she said. “Wait, babe.” Dinig niya naman ang nakakalokong pamamaalam ni Malik, marahil ay may kasama na namang babae. It’s obvious and it’s Malik. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa babaerong ito? “Where’s Gio?” she went straight to the point. “Talagang ‘yan lang ang tanong mo? You disturbed me-“ “Just answer my question,” she said, slightly annoyed. “Chill, Gladys. Nakauwi na. wala naman daw pupuntahan, gusto ko sana ayain mag-double date-“ Hindi niya na pinatapos si Malik. Pinatay niya na kaagad ang tawag. She lifted her chin up as she slightly tilt her head as she looks at Gio’s door. NAHIRAPAN SIYANG PIGILAN ANG TAWA NIYA DAHIL SA SINABI NI MALIK. Mabuti pa siya, si Gio Gregorio na napaka bait at napaka loyal sa iisang babae lang. She liked Breena since the first time he saw her, dahil alam niyang may iba kay Breena. She might show herself as a meanie, but he knows how pure Breena’s heart is. Naisip niya tuloy ang mukha nito. Breena is really girly, talagang mayaman rin at hindi ni minsan pumasok sa school na hindi nakasuot ng designer’s items. He really need to work hard for the future, para kayanin niya ang lifestyle na nakasanayan ni Breena. Hindi puwedeng hindi siya pakasalan nito! He’ll do everything to have her, but with gentleness, of course, because that’s what he is; cute na, gentle pa! He wonders if she ate what he baked earlier. Ang aga niya pa namang gumising para ma-i-bake iyon. “Uwi ka na niyan? Ayaw mo talaga mag-double date?” Natatawa siyang umiling. Kahit kailan. Talagang gusto pa siyang idamay ni Malik sa pagiging babaero nito. He’s only exclusive for Breena. “Never ever,” sagot niya. “Ew, dude, ha. Loyal.” “Of course!” Inakbayan niya si Malik. Naglalakad na sila papunta sa parking lot. Malik got the girl that he’s spotting on earlier kaya naman magandang-maganda ang m******s nitong ngiti. He was about to start the engine of his car when Breena caught his eyes; as always. Pinanood niya kung paano nito inantay na makasakay sa kotse si Emerald, matapos ay sumunod na rin ito. “Ihahatid?” he asked to himself. He’s aware on how Breena and Gladys treat Emerald, a scholar in their school. Kung hindi alalay during class hours ay taga-gawa naman ng school works. Of course, he sympathizes Emerald, pero lalaki siya at tingin niya’y wala naman siya sa lugar para makialam. He started the engine of his car. Masiyado siyang napagod ngayon araw. As an architecture student, dapat ay sulitin niya na ang mga oras na puwede pa siyang magpahinga, dahil siguradong kapag dumami na ang plates na ipagawa ni tulog maipagkakait niya sa sarili niya. Mabilis siyang nakarating sa condo niya dahil malapit-lapit lang naman ito. “Nasaan na kaya ang gago?” Nilabas niya ang cellphone niya para tawagan si Sebastian, mga ganitong oras kasi ay naroon na ito sa kaniyang condo. Sebastian is always free to enter, alam naman nito ang password ng pintuan niya. He’s not picking-up. Napabuntong-hininga na lang siya nang pumasok sa kaniyang condo. Wala talaga sa loob si Sebastian. Saan naman kaya napadpad ito? Pati mga messages na ni-sent niya, wala pang reply galing kay Sebastian. After taking a bath, he laid on his bed wearing only a towel. A noise outside his room woke him up. Galing ito sa living room ng condo niya. Nandito na si Sebastian? Bahagya niyang inayos ang kaniyang towel bago sumilip sa salas. And the shocking thing is he brought a girl? Mas nakakagulat dahil hindi naman ito kagaya ng mga babae na nakikita niyang kasama ni Sebastian, of course behind Gladys’ back. Sigurado naman siyang alam ni Gladys ang tungkol roon kaya hindi na siya nagsasabi. See? What kind of relationship is this? Sisiguraduhin niyang kapag naging sila ni Breena ay hindi ganito ang mangyayari. “Ano ‘to?” Lumabas siya mula sa kaniyang silid. Kunot-noo naman siyang tinignan ni Sebastian. Kaharap nito ang babae mula sa sofa. Nagkaroon siya ng tiyansa para tignan ang babae mula ulo hanggang paa. The girl has a curly black hair, has a round and bright eyes, a small and pointed nose. Nakaupo rin ang babae pero sa tingin niya ay 5’6 ang height nito, but Sebastian is still a lot taller than her. Also, this girl wears a white and above the knee string-strapped and wavy dress. That’s what he wanted to point out; the girl is too innocent looking for Sebastian! Nanlaki ang mata ng babaeng iyon nang makita siya. Laglag ang panga nito nang magbaba ng paningin sa kaniyang katawan. Dali-dali siyang bumalik sa kaniyang kuwarto nang mapagtanto ang nangyari. Hindi pa man siya tapos sa pagbibihis ay tumunog na ang doorbell ng kaniyang condo na ikinabigla niya. Nandito na si Sebastian. Sino naman ang pupunta sa condo niya nang ganitong oras-? “Putang ina,” hindi niya napigilan ang hindi magmura. “Gladys.” He gripped his hair out of frustration. Lagot siya, sigurado. Para makumpirma na tama nga ang hinala niya ay pinuntahan niya kaagad ang monitor sa kaniyang pintuan, pero nakatingin na rin pala roon si Sebastian at ang babae na kasama nito. It’s really Gladys! Napahawak siya sa magkabila niyang beywang at tinignan si Sebastian ng masama. Hindi man lang ito natakot na ngayon mismo ay mahuhuli ito ni Gladys! “Dude, naman! Sobrang wrong timing mo naman mambabae!” sabi niya. Nang tignan niya naman ang babae ay nagtataka lang ito na tila walang naiintindihan sa nangyayari. “Hindi ko siya babae.” Hindi man lang siya tinignan ni Sebastian, dahil ang mga mata nito ay nasa mukha pa rin ni Gladys na nasa monitor. “Fine, hayaan na lang natin na isipin niyang wala ako sa loob-“ ngunit nahinto rin siya sa naisip nang makita niyang kunin ni Gladys ang cellphone sa loob ng bag nito. She will surely call Malik! Wala nang pag-asa, buko na siya! Hindi man lang natakot si Sebastian na nakakunot lang ang noo rito. “Paano na ‘to?” mas nadagdagan pa ang frustration na nararamdaman niya. Siguradong sasabihin ni Malik ang totoo. Nang ibaba ni Gladys ang cellphone nito ay sa camera na sunod na dumapo ang paningin nito. She already knows. Nasapo niya ang noo niya. Sabay siyang tinignan ng dalawa. “A-ako na ang bahala.” He stepped-in to open the door, but Sebastian is too unpredictable in so many ways. Dahil nang magbukas ang pintuan niya at bago pa man makahakbang papasok si Gladys ay nahila na nito ang babae at naisandal sa pader sa gilid ng pintuan… at hinalikan. And as Gladys walked in, he saw how surprised and hurt she is behind her cold face. Kahit na hindi man ito nakatingin sa gawing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD