[9] If there is a Script in Life

1746 Words
NAGSALUBONG KAAGAD ANG KILAY NI JAVIN nang malamang tinanggap ng manager niya ang offer na interview sa STRTV, isang television network na pinaka inaayawan niya sa lahat. The network is famous and big, but there’s only one strong reason why he doesn’t want to be in that network’s studio in flesh. He doesn’t mind if his commercials and movies to be aired in the network, ‘wag lang ang opisyal niyang bisitahin iyon. “Look, Javin. This is an opportunity at sa estado mo ngayon? Hindi ka na dapat pa nagrereklamo.” Tumalim ang titig niya kay Conteza nang marinig ang sinabi nito, his thirty-two year-old manager. “Pardon?” he said. “Yes! I am saying that you really aren’t that popular to be picky!” diretsa nitong sinabi. Conteza hit his ego really hard. He got irritated more because of it. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay namamaliit siya. “Alam mo, kung gaganiyan ka nang gaganiyan, mas mabuti na lang na mag-resign na ako. Aware ka naman na wala ng iba pang manager na gustong mag-handle sa’yo, ‘di ba. Sikat nga, maliit naman ang kita dahil masiyadong mapili sa projects. Hindi pa sumusunod. From now on, i-manage mo na ang sarili mo.” Padabog na kinuha ng kaniyang manager ang dalang files, maybe preparing to leave the coffee shop where they meet to talk about this. Marahas siyang napabuntong-hininga. Humigpit ang kapit niya sa magkabilang braso ng kinauupuan, miski sa pagkakaupo niya ay wala siyang kagana-gana. Nanatili ang pagkakakunot ng noo niya habang pinapanood ang pag-alis ng manager niya gamit ang itim na kotse na sa tapat lang ng coffee shop nito ipinarada. Galit na galit si Conteza. He’s sure, mahihirapan na naman siyang pabalikin ito. Madalas na rin naman ang pagtatalo nila ukol sa ganitong bagay, nagsasabi si Conteza na magre-resign na, pero alam niya namang hindi ito itutuloy ng kaniyang manager. Maybe because they knew each other for a decade that’s why Conteza was having a hard time to leave him. Another reason, his older sister who’s in the same age as Conteza are bestfriends. That’s why personal matters shouldn’t be involved at work. There’s no way that he would do the interview. That place is rotten. “Shoot,” he cursed. Ngayon niya naalala na wala siyang dalang kotse, magco-commute na naman siya pauwi sa kaniyang condo. Like Gio, he is also independent. Kumikita na rin naman siya ng sarili niyang pera, hindi lang galing sa pagiging artista niya habang nag-aaral, he is also into business. Kaya niya naman talagang mag-isa. Katatapos lang talaga ng klase ng i-text siya ni Conteza para mag-meet sila sa rito, so his only option is to go home… Napangisi siya sa naisip. Right, he can go to Gio’s condo. Kung uuwi siya, magiging mag-isa lang siya at baka ma-bored pa siya. He could also guess that Sebastian is there. Halos kagaya niya lang rin naman ito, hindi malapit sa pamilya. Siguro, magkaiba lang sila ng paraan ng pagrerebelde. As Javin Irazga, he is required to have a good reputation because his family is mostly celebrities so they are open in public. Kung ayaw mahusgahan, kailangan malinis ang pagkatao sa publiko na halos bawal magkamali. Bata pa lang siya ay na-e-ekstra na siya sa mga palabas at commercials. Of course, because their surname is known by the media and he has backers so it’s easy for him to enter showbiz. It’s his dream as a kid, to be an actor, but the responsibilities and pressure that his family gives lead him to a decision in which he chose to stay far from them when he can also continue to pursue his passion while studying and being independent. Walking distance lang naman ang coffee shop at ang condo ni Gio kaya naman nilakad niya na lang iyon. His hands are on his pocket while he calmly walks on the pavement. Nahinto siya mula sa paglalakad at unti-unting nilingon ang maliit na convenient store sa gilid nang may mapansin. Nakapamulsa niyang hinarap ang convenient store. Matapos niyang tignan ang repleksiyon niya, dumapo iyon sa nilalalaman ng gusali. That girl is familiar, sabi niya sa isip niya. Hindi niya alam kung bakit pinapanood niya ngayon ang babaeng ito. That girl is plain and simple. Like him, she also wears the uniform of their university. He tilted his head thinking of the possible reason why that girl is familiar when she has a face that was not memorable. That girl isn’t that short or tall, has a good and proportional body, she also look so white and pail and her hair is on a messy bun. Tila hindi pinag-isipan ang ayos ng buhok, hindi kagaya ng mga mayayamang estudyante sa kanilang unibersidad na tila ba sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay may photo shoot na pupuntahan. And that girl is buying a Korean cup noodles, maybe a ramen, a bottle of mineral water and a band aid? Nang matapos kumuha ng babae ng bibilhin sa shelves ay doon niya lang malinaw na naaninaw ang itsura nito. Now he knows why she is familiar. Ito ang nakabangga niya sa hallway malapit sa comfort rooms na nilagpasan niya lang dahil mukha naman itong takot na takot sa kaniya. Tinignan niya ang kaniyang relo. Right, halos mag-a-alasiyete na rin pala ng gabi, at iyon lamang ang kakainin ng babae? Hindi niya alam kung bakit tila may nagtulak sa kaniya na pumasok sa loob ng convenient store. As fast as he could, he got bottled water and a packed lunch in the shelves. “How much?” he asked. “Two-hundred lang po, Sir.” Naglapag siya ng five-hundred sa counter at kinuha ang ininit na lunch pack na nakalagay na sa paper bag. “Keep the change.” Kahit na lalabas na siya ay hinabol pa siya ng tawag ng cashier dahil sa sukli niya, pero masiyado siyang nagmamadali. Mula sa mga upuan at lamesa ng store sa labas ay hinanap niya ang babaeng iyon. Mabilis niyang nilapag ang paper bag na naglalaman ng pagkain sa harapan nito na hindi pa tapos ngumuya ng noodles. He could only see her in his peripheral vision dahil hindi naman siya direktang nakatingin dito. Pakiramdam niya ay namamanhid ang mukha niya nang dumapo ang mata ng babae sa mukha niya. He hates how the girl looks so puzzled about it. “Sa’yo na lang.” Kaagad siyang naglakad nang mabilis palayo matapos sabihin iyon. Hindi man lang siya nakarinig ng pagtawag mula sa babae nang makalayo siya, siguro’y na-e-estatwa pa rin hanggang ngayon. At least… he saw the girl’s name in her badge. Emerald. It’s not that he likes her… but the idea that an unmemorable face caught his attention. He felt weird when he entered the building. Pagkarating sa elevator, kaagad niyang pinindot ang floor ni Gio. Mas bumagal pa ang lakad niya nang dumapo ang paningin niya sa pintuan ni Gio. “Weird…” he whispered. NAMANHID ANG KATAWAN NI GLADYS SA NAKITA, samahan pa ito ng natatakot na tingin na ibinigay ni Gio sa kaniya. How could he do this? Sa harap niya pa talaga? He is really getting overboard. Nagpanggap siya na hindi nakita ang nangyari. Naging malamig ang ekspresiyon niya, ni hindi niya man lang nilingon ang gawi ni Sebastian at ng babae na kasama nito. Nang makita niya mula sa gilid ng kaniyang mata na nagbitaw na ang labi ng babaeng iyon at ni Sebastian ay tsaka siya lingon sa gawi ng dalawa. Nagbaba ng paningin si Gio, scared of her reaction. Sandali siyang nag-iwas ng paningin bago tignan si Sebastian at ang babae na tila gulat sa nangyari. Hindi niya pinansin ang pagkirot ng kaniyang dibdib at malamig lang na tinignan si Sebastian na wala man lang bakas ng pagsisisi sa mukha. He isn’t even guilty because of what he did. Ang kirot na nararamdaman niya ay napalitan ng galit, pilit niyang ikinubli. And what’s worse is that he kissed an average girl. “Really?” Gigil siyang ngumisi, sarkastiko. “Is this how lowly you are now Sebastian?” Kunot ang noong nag-iwas ng paningin si Sebastian sa kaniya. She stepped in and pull the hair of that girl that was a few inches smaller than her, dahil roon ay napatingkayad ang babae at inosente siyang tingnan habang pinipigilan ang kamay niya. Mas lalo siyang nainis nang makita ang luha na namuo sa mata nito. “Yadys-“ Akma sanang pipigil si Gio kung hindi lang ito huminto at umatras matapos niyang tignan nang masama. “Let her go.” Ngumisi siya. He got the guts to say that, huh? Matalim niyang tinignan si Sebastian bago siya nagbalik ng paningin sa babae. “How high do you think you are?” she asked. The girl is shaking, but it seems like she has no plan to fight her. Patapon niyang binitawan ang babae matapos nitong hindi magsalita. She couldn’t help, but to breathe aggressively as she turned her back at them. Akala ba ni Sebastian ay papakawalan niya ito nang dahil lang roon? She knows that there’s nothing going on between him and that girl, walang saysay kung magwawala pa siya. She actually doesn’t know what to say after she did that, the reason why she turned her back. Wala rin namang balak si Sebastian na magpaliwanag, because clearly he wanted to get rid of her. Madami siyang gustong sabihin… pero tila ba napipi na siya. If only there is a script, para lamang maunawaan siya ng lahat sa kabila ng ugali niya. Lumabas siya sa pinto ng condo ni Gio na mabigat ang dibdib, nasa sahig ang paningin. Nahinto lang siya sa paglalakad nang makita ang pares ng itim na sapatos, ang nagmamay-ari nito ay nakasandal sa pader sa tabi ng pinto ni Gio. Nang mag-angat siya ng paningin, nagsalubong ang mga mata nila ni Javin. He’s exactly leaning by the wall with his arms crossed. Umalis ito sa pagkakahilig sa dingding. Marahan nitong hinawakan ang balikat niya. “Next time, you can ask me for a script.” He gently patted her shoulder before he went inside Gio’s condo. She gritted her teeth as she walked away, pinipigilan na tumulo ang luha. Lahat silang magkakaibigan, walang mga pinagkakaiba. She knows it… what happened years ago. Padabog niyang isinarado ang kotse, hindi niya na tinanaw pa ang gusali at inutusan na ang driver na iuwi na siya. “Let’s go,” she said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD