[10] Behind Her Blurry Sight

2114 Words
NAGTAGAL ANG PANINGIN NI BREENA KAY EMERALD. She’s inside the car while emerald chose to stop in front of a convenience store after she offered her a ride. Ayaw pa nga, e. Talagang pinilit niya lang. Last year na nila for college. Dito pa rin kumakain ng dinner si Emerald? Ano ba ang meron sa convenient store na iyan? Mukha namang walang kahit na ano na masarap bukod sa mga instant na pagkain. Actually, she has no idea why she always follows Emerald around, simula pa lang nang makilala niya ito nang araw na maisipan ito ni Gladys na gawing student assistant; alalay sa Tagalog. May bayad naman iyon, lahat ng mga assignments at projects na pinapagawa ni Gladys rito, pero hindi niya maikakailang masama ngang trumato si Gladys sa lahat ng tao, sobrang sama lang kay Emerald dahil mahirap ito, madaling tapakan. Nagtuwid siya ng paningin sa harapan ng kotse matapos tumungo ni Emerald sa kaniya bilang magalang na pagpapaalam, senyales na roon na lamang niya ito iwan. Bakit nga ba kasi naisipan niya pang pasakayin ito sa sundo niyang kotse? Masiyado naman yata siyang nagiging mabait. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Gladys kapag nalaman nitong hinatid niya si Emerald, naawa lang siya dahil kung hindi siguro siya nag-offer na ihatid ito ay lalakarin ni Emerald ang convenient store galing sa university. Hindi siya gaano mabait at hindi rin naman siya ganoon kasama para hindi maging makatao. Siya na nga ang umaawat kay Gladys kapag sumusobra na ito. Since she met Gladys, she already knows that she isn’t kind. Noong una rin naman ay hindi mabait sa kaniya si Gladys, ngayon ay medyo maayos na rin ang trato nito sa kaniya, kahit noong una pa naman, pero hindi niya masasabing kaibigan ang tingin ni Gladys sa kaniya. Gladys means a lot to her, so she treats and thinks of her as a friend, no matter the treatment Gladys would give to her. “Let’s go,” she ordered her driver. Kaagad namang sumunod ang driver niya, ilang segundo lang ay naglaho na sa side mirror si Emerald habang papalayo ang kaniyang sundong kotse. She grew up living a luxury life. Mayaman ang pamilya niya, may-ari ng mga kilalang malls sa Asia. Back then, no one would notice that she came from a rich family, kung hindi lamang nagkakapalan ang pera at cards niya sa pitaka. Si Gladys ang naglabas ng kung ano siya ngayon, hindi na kagaya noon na hindi kapansin-pansin at naaabuso; madaling mauto. She couldn’t even think of betraying her… but could Emerald be an exception? Maaga siyang nakauwi at nakapagbihis. Wala pa naman siyang masiyadong kailangang isipin tungkol sa school works, first day pa lang naman kanina. She stayed in her room, hinihintay niya pa ang parents niya for dinner, palagi naman silang magkakasabay tuwing kakain. She browse on her phone, nahinto siya nang may maalala. Kaagad niyang tinawagan ang number ni Gladys. Hindi ito sumasagot. “Nakauwi na kaya siya?” tanong niya sa sarili. Naalala niya kasi na nabanggit sa kaniya ni Gladys na gusto nitong i-date at i-surprise sana si Sebastian para sa nalalapit nitong kaarawan at sa isang linggo na iyon. Hindi masiyadong showy si Gladys sa mga taong mahal niya, but this thought is cute. Kahit na ganoon magtratuhan si Gladys at Sebastian, naiisip pa rin ni Gladys ang mga ganoong bagay. She could still exactly remember how Gladys stated her idea; really as cold as ice. “I’ll surprise and date him for his birthday.” Wala man lang kahit anong emosiyon sa mukha ni Gladys nang sabihin nito iyon. “Oh!” Siya pa ang napapalakpak at nakaramdam ng excitement. “That’s a good idea, ha!” Gladys ended their conversation about that topic after she rolled her eyes. She really looked heartless. Napangiti tuloy siyang mag-isa. Sebastian is kind’a hot, pero masiyadong misteryoso ang lalaking iyon. Of course she knows Sebastian’s family background, every elite knows their surname, pero para bang may iba pang dapat malaman tungkol sa lalaking iyon. He is her bestfriend’s boyfriend, pero ang pakiramdam niya pa rin kay Sebastian ay isa lamang estranghero. Nalaglag ang panga niya nang maalala ang ni-bake ni Gio para sa kaniya! Naiwan niya iyon sa locker. Hindi niya alam kung bakit naiilang siyang tanggapin iyon sa harap ni Emerald. Siguro ay dahil naaawa siya na hindi man lang ito makatanggap ng ganoon galing sa suitors. Mapanis kaya iyon sa locker niya? Siguradong masasaktan si Gio kapag nalaman nitong hindi niya nakain ang binigay nito dahil nakalimutan niya. Nagmamadali kasi siyang umalis para habulin si Emerald at ihatid nga ito sana. Never mind. She’s just going to pretend that she ate that. Ayaw niya rin naman na nakakasakit ng damdamin. Isa pa, magkakilala ang family ni Gio at ang family niya at alam ng mga ito na gustong-gusto siya ni Gio at gusto ring ligawan pero siya lamang ang may ayaw. Bumagsak ang paningin niya sa lamesa niya. Isang lumang bagay ang nakapatong roon. She shook her head when she remembered something. Mabilis siyang tumayo at inabot ang bagay na iyon at itinago sa drawer ng kaniyang study table. Nagtagal ang paningin niya sa nakasarado niya ng drawer... may naisip. “Breena! Nandito na si Ma’am at Sir!” dinig niya ang tawag sa kaniya ng katulong at ang bell nito. It’s dinner time. Medyo naninibago siya na malinaw ang paligid. Malabo nang madapa siya sa mataas na hagdan sa linaw ng paningin niya ngayon. Nahinto ang Mommy niya na kapapasok lang sa kanilang maindoor, mas nagtagal ang paningin nito sa mukha niya. Mukhang kagagaling lang nito sa meeting dahil talagang bihis na bihis ito. “Oh, Breena? Akala ko ba tinapon mo na ‘yan?” Inayos niya ang pagkakasuot niya ng salamin sa kaniyang mata. Naiilang siyang nagbaba ng paningin at napakamot sa ulo. Kahit hindi man siya nakatingin ay nararamdaman niyang nakangiti ang Mommy niya ngayon. Hinintay niyang makalapit ang Mommy niya sa kaniya matapos niyang marinig ang paghakbang nito. “It is okay, Breena. Don’t be shy about it.” Marahan nitong pinatong ang palad sa kaniyang balikat. “It’s been years since I last saw that version of you… the shy and genuine.” Matapos niyon ay sumunod na siya sa kaniyang Mommy sa kusina matapos dumating ng kaniyang Daddy na tahimik lang ng tinignan siya. Alam niya namang parehas lang ang Mommy at Daddy niya ng iniisip. If they missed this version of her… lalong-lalo na siya. The time when everything is just pure… but still a nightmare. HINDI MAINTINDIHAN NI FAITH ANG NAKITA. Bakit magkalapat ang labi ng babaeng iyon at ni Sebastian? Bakit pakiramdam niya’y mali ang ginagawa niyang panonood sa dalawa? Hindi niya maintindihan kung bakit ganito kalakas ang t***k ng puso niya. Napapitlag siya nang may tumunog mula sa bulsa ni Sebastian. Kaagad naman na pinatay iyon ni Sebastian, ngunit bago pa man magdikit muli ang labi ng dalawa ay dumako sa kaniya ang paningin ng babaeng ito. “Seb…” tila nag-aalala pa ang magandang babae nang matantong napanood niya ang ginawa ng dalawa. Nanlaki ang mata ni Sebastian nang makita siya. Unti-unti ring nagsalubong ang kilay nito at tumalim ang titig sa kaniya. Tila kinukuwestiyon na kaagad gamit ang tingin na iyon kung ano ang ginagawa niya roon. “Nahanap rin kita!” Samantalang dala ng inosenteng pag-iisip, imbis na matakot ay nakaramdam pa siya ng saya. Nasa harapan niya na ang susi sa misyon! Taka namang nilingon ng babae si Sebastian. Tila tinatanong kung sino siya. Hindi naman na siya nag-aksaya ng panahon at kaagad na nilapitan si Sebastian at hinawakan ito sa braso. “Sebastian!” Tiningala niya ang kunot-noong si Sebastian at nginitian. Napalayo ang babae kay Sebastian, hinawakan ang kaliwang braso gamit ang kanang kamay. Ngayon niya lang napansin na naka-uniporme ang babae, nasinagan kasi ito ng ilaw na nagmumula sa bulwagan ng gusali. “What if s-she’s Gladys’…?” Marahang hinawi ni Sebastian ang babae. “Go.” Hindi na nagsalita ang babae at tumango na lang kay Sebastian. Naroon pa rin ang takot nang huling beses siya nitong tignan bago ito pumasok sa gusali. Inosente niya itong sinundan ng paningin ‘tsaka niya muling tinignan si Sebastian na mas sumama pa ang tingin sa kaniya. Nakaramdam siya nang konting kirot nang maalala na niligtas siya nito nang dalawang beses, pero ngayon ay tila ayaw nito sa kaniya. Wala man lang itong sinabi at nakapamulsa nang naglakad papasok sa gusali na pinasukan ng babae kanina. Kahit nakakaramdam na siya ng konting takot dahil sa itrinato ni Sebastian sa kaniya ay naglakas-loob pa rin siyang sundan ito. “Oh, Miss.” Hinarang siya ng guard sa bulwagan. “Ngayon lang kita nakita, ah. Sure ka may condo ka rito?” Ilang beses siyang napakurap. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. “C-condo?” tanong niya. “Oh, tignan mo? Pati condo, hindi mo alam. E ‘di hindi ka nga nakatira rito. Bawal basta-bastang pumasok sa building na ito. Depende na lang kung may imbitasyon ka galing sa isa sa mga nakatira rito.” Unti-unti siyang nanghina habang tinitignan ang likuran ng guard, kung saan posibleng pumasok si Sebastian. Ganito rin ba sa mundo ng mga tao? Madami ring bawal at kailangang gawin bago magawa ang gusto. “Ganda-gandang babae, stalker pa ‘ata.” Napailing pa ang guard sa kaniya. Ganito rin pala sa mundo ng mga tao, may mga taga-bantay rin na kagaya ng mga nasa langit. “I invited her.” Umawang ang kaniyang labi nang maramdamang may umakbay sa kaniyang balikat. Matangkad ang binatang iyon, maputi at may medyo kulot na buhok na kagaya nang sa kaniya. Naka-uniporme ito at kaparehas ng kulay ng sa babae kanina. Hindi niya na nagawang magsalita nang kinindatan siya ng lalaki, tila sinasabi na ito na ang bahala. “Sir?” taka pa ang guard nang magtanong sa lalaki. “Pasok na kami, ha?” ika pa nito. Nahihiwagaan man siya sa biglaan nitong pagsulpot at pagtulong sa kaniya ay sumama na lang rin siya dahil kailangan niya pang sundan si Sebastian. “Nagsinungaling tayo…” mahina niyang nasabi nang mapagtanto ang ginawa. Alam niyang nadinig ito nang lalaki, pero tipid lamang itong ngumiti sa kaniya. Nanatili ang pagkakaakbay nito sa kaniya hanggang sa makapasok sila sa loob ng isang maliit na kuwarto na gawa sa bakal. Nagulat siya nang kusang bumukas at sumara ang pintuan niyon. Pamilyar, ganoon rin ang ilang gusali sa langit, ang kaibahan nga lang ay matataas ang pinto ng bawat gusali roon. Napatango siya. May mahika rin pala rito sa mundo ng mga tao. “Siyensa.” Gulat niyang nilingon ang lalaki nang magsalita ito. Nakasandal ito sa gilid ng maliit na kuwarto, magkakrus ang mga braso. “Siyensa ang nagpapagana sa pinto na iyan para magkusa, siyensa rin ang nagpapagalaw sa elevator na ito.” “P-Paano mo nalaman…” ang iniisip niya. Paano nito nalaman ang iniisip niya? “Elevator. Karamihan sa mga gusali na meron rito sa lupa ay may elevator, dadalhin ka sa palapag na nais mong puntahan.” Umalis ito mula sa pagkakasandal at inilahad ang palad sa kaniya . “Ako si Constantine Guillermo at ikinagagalak kong nakilala kita ngayon, Faith.” Nalaglag ang panga niya nang marinig ang pangalan mula kay Constantine. “Kilala… mo ako?” Napaturo siya sa sarili niya. Marahan na tumango si Constantine sa kaniya, tila hindi pa sigurado. Mahiwaga. Sobrang mahiwaga. “’Yung pagsisinungaling na ginawa mo, madadagdagan pa ‘yon hangga’t narito ka sa lupa at ginagawa ang misyon mo.” Ang titig na ibinigay nito sa kaniya ay tila hindi galing sa estranghero. “P-paano mo nalaman ang misyon ko?” Nakakaloko itong ngumisi sa kaniya. “Sino ka…?” Matapos ng tanong niyang iyon ay tumunog ang kinasasakyan nila na elevator na kung tawaging ni Constantine. “Madaming beses pa tayong magkikita habang narito ka sa mundo ng mga mortal, Faith. Mas madami pang oras para makilala mo ako.” Tumingin ito sa likuran niya, sa bukas na pinto ng elevator. “Kung gusto mong maabutan ang susi sa misyon mo, ‘wag ka nang mag-aksaya ng segundo.” Kahit nalilito pa rin ay lumabas na siya sa loob niyon. Sa kanang daan ay naglalakad na si Sebastian. Nang ibalik niya naman ang paningin sa elevator ay unti-unti nang sumasara ang pintuan niyon. Sandali siyang nahilo, nanlabo ang paningin. Nawala si Constantine sa loob ng elevator bago pa man magsara ang pintuan niyon. Natagpuan na lang niya ang sarili na sinasalubong na ang marmol na sahig ng palapag kasabay ng pagkawala ng kaniyang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD