HOW WOULD BEING MALIK GUZMAN FEELS? Para sa kaniya, espesiyal maging siya. Hindi niya iniisip kung ano ang dapat gawin sa buhay, kung ano ang tama, dahil para sa kaniya ay angat na siya. He already has the luxuries in life, with no boundaries.
Malaya siyang magpakasasa sa pera na meron ang pamilya nila at ganoon na rin pagdating sa babae. Kung gaano sa kadalas magpagasolina ng kotse, ganoon niya rin kabilis palitan ang mga babae niya. No commitments, no hassle. He’s a free bird indeed, but he never expected that one day… he’ll get tired of this.
Natatawa niyang inalis ang pagkakayakap ni Camila. Yes, she is the girl that she’s spotting just this morning. Nag-check-in sila sa hotel na pagmamay-ari ng family niya, like he usually does. Katatapos lang ng mainit na minuto nila kanina kaya naman parehas silang walang saplot na nakahiga sa kama.
Ang nakakatawa pa, sa kalagitnaan nang ginagawa nila ay tumawag si Gladys sa kaniya. Knowing Gladys, siguradong nadagdagan na ang pandidiri nito sa kaniya.
Talagang ang tigas ni Sebastian rito. Sariling girlfriend ay hindi alam kung nasaan ito.
“So are we officially dating na?” Camila asked.
Oh. He thought this was just a hook up?
Napangiwi siya.
Nanatili namang naghihintay si Camila sa isasagot niya.
Camila isn’t just a girl. Hindi niya man maamin, pero nahihirapan siyang tumanggi.
Dahil doon ay naiilang na lang siyang napatango. “Y-yeah…”
Nakangiwi siyang nag-iwas nang paningin. Damn it, Malik! Paano siya makakahiwalay nito?
“You know what… I didn’t hesitate to give you my first.”
He was surprised that Camila opened up.
“Bakit?” tanong niya, kinakabahan.
“I don’t know.” Ngumiti ito at nilingon ang gawi niya. “I know you are a playboy.”
Kumunot ang noo niya. All that he could see in her face is truthfulness.
“If you know that I am then why did you gave me your first?”
“For experience.”
Umawang ang labi niya. Hindi niya alam, pero bahagya siyang nainsulto dahil ang dating sa kaniya ng sinabi ni Camila ay kagaya ng paraan ng pagtingin niya sa mga babae.
“I actually just ask you to see how you would react.”
“So you are saying that you are just curious about me?” Hindi pa rin siya makapaniwala.
Nag-iwas nang paningin sa kaniya si Camila. “I’m not dumb, Malik. Bakit ko naman iisiping magiging babaeng pangmatagalan ako, e, playboy ka nga? Kaya ginaya ko na lang ang pamamaraan mo nang pag-iisip.”
Tumayo si Camila mula sa pagkakahiga. Naglakad ito nang walang saplot at isa-isang pinulot ang mga nakakalat na damit. Hindi pala ito magtatagal. Mukhang uuwi rin ngayong gabi. Sabagay, may pasok bukas.
At wala rin ba itong balak na mag-shower man lang?
“You should be careful on picking girls.” Nagsuot ito ng damit sa harapan niya.
Aaminin niyang nakaramadam siya nang konting kaba.
“What do you mean?” he asked.
Nagkibit-balikat sa kaniya si Camila. Binubutones na nito ngayon ang suot na uniporme, tila walang nangyari.
“You’re doing this for revenge, right?”
His lips parted.
“Then we are really thinking alike.” Hindi nito inalis ang mata sa kaniya hanggang sa kunin nito ang chanel bag sa sofa, pihitin ang pinto at lumabas nang hindi man lang siya nililingon.
Dahil sa pagkataranta nang matauhan, tanging unan lang ang nadala niya para takpan ang kaniyang pang-ibabang katawan, pero kahit sa hallway ay wala na si Camila.
What is she?
Dadagdag pa tuloy ito sa iisipin niya sa araw-araw! He will look for her tomorrow.
This is only for revenge in the beginning, until it became a habit and became natural to him; having a lot of girls… like how a close person taught him unconsciously when he was a child. Hindi sinasadya, dahil nahuli niya.
The eleven year-old Malik is innocent, too pure and considerate… until he discovered something.
“Dad, look I got an A in our exam!” he said.
He went home that day happily, because he knows his Mom and would be proud if he will get an A for the final exam. Ganoon naman palagi, kahit nga simpleng achievements lang ay masaya at proud na ang mga ito.
They even celebrate! Kakain sa labas, o kaya naman ay magpa-family bonding at manonood ng movies. Noong bata naman siya, kahit na madaming trabaho ang parents niya, nakakahanap pa rin ang mga ito ng paraan para magkaroon ng oras para sa kaniya. He’s the only child before…
“Sir, h-hindi pa po puwedeng tumanggap ang Daddy ninyo ng bisita sa opisina.”
“Why not?” he asked.
Ngayon lang kasi siya pinigilan ng secretary nito. Kahit may meeting ay puwede siyang sumilip muna. Hindi na makakapaghintay ang balita niya, masiyado siyang sabik na sabihin dahil ang pangako ng Daddy niya ay dadalhin siya nito sa Arcade para maglaro.
Kahit na pinigilan na siya nito ay pinasok niya pa rin ang opisina.
And he was surprised and shock on what he saw.
He’s been seeing how her Mom and Dad kissed and cuddles each other, how they are sweet to each other since he was little and he knows that it’s normal because they are married and he is their son, but seeing another girl in his father’s lap and how the surprised emotion appeared on their faces when they saw him on the door gives him anger… like something is piercing his heart.
He watched as the sexy woman who looks younger than her Mom fixed the skirt of her red dress. She’s standing awkwardly while her eyes are on the floor of the office.
Mabilis namang tumayo ang Daddy niya. Isang pekeng ubo lang nito ay umalis na ang babaeng kasama nito at ang lalaking sekretarya sa likuran niya.
Pinanood niyang ayusin ng Daddy niya ang nagusot nitong polo at tumabinging necktie, marahil sa nangyari.
Sumakit ang lalamunan niya. Maging ang pagkakahawak niya sa test paper niyang may marka ay tumamlay na. Kusang bumagsak ang mata niya sa sahig.
“What brings you here, Son?” his father asked.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Hindi siya makapagsalita.
Ang pagkakahawak niya sa papel ay unti-unting humigpit.
He could feel how nervous his Dad is as he kneeled in front of him to level his height.
“Son, what you saw is just-“
Hindi niya na pinatapos ang Daddy niya. Nilisan niya ang opisina na umiiyak, mabilis ang takbo, hinihiling na mabilis na makarating sa kotse. His Dad tried to follow him, but maybe something urgent came kaya ang secretary nito ang sumunod sa kaniya, si Luis.
“Malik!” he shouted.
Dahil napagod at nanghihina na ay napahinto siya sa lobby mula sa pagtakbo.
“Malik…” Naroon ang simpatya sa mukha nito nang lumuhod ito sa harapan niya. “Hey…” Instead of an explanation he gave him a tight hug.
And when he got home he’s torn between telling his Mom or not. If he’ll do… her Mom will get hurt because he knows how much his Mom loves his Dad so much. Hindi niya makakayang makitang umiiyak ito.
Dinala niya iyon hanggang sa magbinata siya. Ganoon na rin katagal mula noong huli niyang kinausap nang matino ang Daddy niya. He always talks to him with sarcasm, because he doesn’t deserve his respect.
Nalaman iyon nang Mommy niya, pero hindi naghiwalay ang mga magulang niya, of course, because of him and their business. His mother became cold and his father is still strict, but guilty.
Natuto siyang mambabae and the new he was born.
Matapos matauhan ay nagbihis na siya. He doesn’t know where to go, aside from their mansion… and Gio’s condo. Tila naging tambayan na nga nila ito.
He sipped his cigarette as he drive is car away to Gio’s condo.
“Good evening, Sir Malik.” Maging ang guard ay kilala na siya.
This is a luxury place kaya naman hindi agad-agad na nagpapapasok ang mga hindi nakatira rito o kaya naman ay kapamilya o personal na inimbitahan ng isa sa mga nakatira rito.
“Ah, Sir?” Hinabol siya ng guard ng sanang papasok na siya sa bulwagan.
Nakapamulsa naman siyang huminto at ngumiti rito, hinihintay ang sasabihin.
“May kahina-hinala po kasing babae na nakapasok sa loob. Hinarang ko naman po, pero bigla pong sumulpot si Sir Constantine.”
Kumunot ang noo niya. He knows Constantine. Isa ito sa mga kilalang estudyante sa university nila, kagaya niya. Constantine is an Architecture student, already on his 4th year. He is kind, but actually doesn’t like him for a reason. Inaagawan siya nito ng kasikatan. He can’t also deny that Constantine is handsome and really intelligent.
“What?” he asked. “Anong itsura ng babae?”
“Maganda naman po, Sir. Mahaba ang buhok, kulot, matangkad rin, pero mas matangkad ka pa rin, hanggang balikat mo lang siguro at nakaputing bestida, Sir.”
Kunot-noo siyang tumango.
Sa pagkakakalam niya ay walang kaibigan si Constantine, dahil tahimik ito at mas prefer na mag-isa. Kung hindi naka-uniform ang babae at hindi rin taga-rito, kung ganoon… kaano-ano iyong ni Constantine.
Pinigilan niya ang kaniyang pag-ngisi. Hindi kaya nag-uuwi ng babae sa condo nito si Constantine?
Spicy… he must be like him, but it’s hidden.
“Okay, I’ll tell you if I saw her inside… maybe it’s a good idea to visit Constantine’s condo? Don’t worry, I won’t tell na pinaghihinalaan mo siya.”
Napatungo ang guard. “Salamat, Sir.”
Tinapik niya ito sa balikat. “Don’t be guilty. It’s your job to secure this place.”
Matapos nang matagumpay na ngisi ay tuluyan na siyang pumasok sa loob at sumakay ng elevator. Good thing that he knew where he lives, sa ilang beses ba naman niyang paggala rito linggo-linggo.
Nakangiti niyang pinindot ang bell ng pintuan nito. Kagaya nang inaasahan niya ay matagal itong nagbukas, pero hindi pa rin nawala ang ngiti niya.
Bumungad sa kaniya ang nakakunot na noo nito, hawak ang pinto, walang balak na papasukin siya.
Mapaglaro niyang sinilip kunwari ang laman ng condo nito, so that Constantine will guess that he knows something.
“What are you doing here?” malamig pa sa yelo na itinanong nito.
“I was actually here to visit you.” Nakakaloko siyang ngumiti.
“Who are you?” sa nakakainsultong paraan ay tinanong nito.
“Malik? Imposibleng hindi mo alam? Muntik na tayong magkalaban sa debate, but I got sick so you won?” mayabang niyang sinabi.
Constantine avoided his gaze at him like he’s talking nonsense.
“So… may I come in?”
Hindi niya na hinintay na magsalita pa ito at sapilitan nang pumasok sa loob, hindi naman siya nito pinigilan.
“Oh… your place is big, huh?” Nakapamulsa niyang nilibot ang paningin niya, but he saw no one.
He licked his lips… there’s no trace.
Napansin niya rin na walang kahit anong picture ng ibang tao sa condo nito, bukod rito. Seriously? Sino ba ang nagluwal sa lalaking ito? Kahit ‘ata pictures ng parents niya ay wala ito. Maybe, may sama lang ito ng loob sa mga magulang, katulad ng mga tipikal na young-adult.
“Get out.”
Hindi niya pinakinggan ang sinabi nito.
Baka naman sa kuwarto nito tinatago ang babae?
“Yohoo…!” Naudlot ang reaksiyon niya nang buksan niya ang pinto at wala siyang nakitang babae.
Kahit sa banyo sa labas at sa loob ng kuwarto nito ay wala.
“This isn’t the right place to look for her.”
Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Of course, he made himself obvious about it so he would know.
“Then… why did you let her in? As far as I know, you should follow a strict rule about it. Where is she?”
What would he let someone in, na hindi nito kilala?
“Damn, dude. You’re dead!” He said with an accent.
Umalis siya roon matapos niyang kumaway bilang pamamaalam nang nakakaloko.
He’s just curious of who she is…
Dahil alam niya naman ang code ng pintuan ni Gio ay hindi na siya nag-doorbell.
He’s already expecting that his friends are their… but there’s also a girl inside and the atmosphere is different.
The girl with round brown eyes is smiling at her, she has a curly long black hair, has a fair skin and a beautiful face…
And she is also wearing a white dress.
It feels like she saw a real angel… and he weirdly feel secured; something that he never felt after meeting different kind of girls for the first time.