[12] The Perfect Daughter and the Unknown

2117 Words
SHE ALSO GREW UP WITH A GOLDEN spoon in her mouth, pero hindi ibig-sabihin niyon, masasabi niya nang kumpleto na ang buhay niya. Lumaki siya na dalawang taon pa lang niyang nakakasama ang Mommy niya. Her Mom got depressed when her baby sister died. Halos isang taon lang ang agwat nila sa isa't-isa, but she died because of an incident and her mother blames herself. Kaya naman nang mangyari iyon, nahirapan ang Mommy niya na tanggapin, hindi rin kinaya, her mother took her own life. She texted her Dad na uuwi na rin siya mayamaya. She's in a bar, birthday kasi ni Jia, which is her bestfriend. Kaya after school, dumiretso sila rito. Nagdala na lang siya ng pamalit at sa kotse niya nagbihis. Hindi naman talaga siya tipikal na party girl, kahit na 4th year college na siya sa business course na kinuha niya. Minsan lang siya makagala at magsaya, dahil buong buhay niya ay naka-focus siya sa pag-aaral. It's not that she is being pressured by the people around her, to do well and to be on top. This is her own decision, because she wanted to be worthy of the things that her Dad prepared for her in the future. They only have each other. Kahit naman kasi na kumbinsihin niya ito na subukan nang magkaroon ng ibang kabiyak, kapareha, tumatanggi ito. Her Dad really loves her Mom, para rito, walang makakapalit sa Mommy niya. Kaya naman kagaya niya, sa trabaho at sa kaniya lang naka-focus ang Daddy niya. Tipid siyang ngumiti ang tinungga ang baso ng cocktail matapos madinig ang pinaguusapan ng mga ka-table niya. Hindi niya naman talaga naintindihan, kasi lumilipad ang utak niya. "Balita ko Luke is courting you, Mina?" Lucie asked, one of Jia's friends. Ngumiti lang siya. "Hindi niya naman pinayagan, 'no. Asa pa sila. Si Mina 'yan, oh! I don't see anyone who's worthy to be my bestfriend's boyfriend." Umiling siya sa sinabi ni Jia. Ayaw niya kasing nagmumukhang mayabang at mapagmataas tungkol sa bagay na iyon. It's not that she's prioritizing her studies and career, parang ganoon na rin, pero kasi, hindi niya maramdaman ang mga bagay na gusto niyang maramdaman sa mga lalaking iyon. Something that he has... that someone. On her first year of college, when she first received a letter from him, the term might sound old, but he is like a secret admirer. Wala siyang ideya kung ano ang itsura at ugali na meron ito, kung anong course at anong estado sa buhay, pero sapat na sa kaniya na maramdaman kung gaano ito ka totoo sa kaniya. He is really sincere and genuine. Pakiramdam niya ay napaka espesiyal niya tuwing nakakatanggap siya ng kahit ano mula rito. She even remembered when she went to school at nagka-period siya. Wala siyang damit pamalit, but she just found something above her locker; a paper-bag, inside was a pair of P.E. uniform and a note. He is really sweet. Kung hawak niya lang ang desisyon, hihilingin niya nang magkita sila, pero hindi nangyari. Nirerespeto niya ang desisyon nito, hihintayin niya, but that someone stopped giving his presence at the end of her third year in college and until now there's no trace of him. Hindi siya sigurado... If she should really wait for someone, for a stranger and for the unknown. "He is handsome, ah! Si Luke! Varsity 'yon, ah! 'Tsaka maraming nagkakagusto-" "Pero hindi si Mina," awat ni Jia kay Lucie. "Marami ring nagkakagusto kay Mina, 'no. Kwits lang. Kaya marami pang puwedeng pagpiliin, for me, ha. Kung hindi kami pinagtagpo ni Harry," tukoy nito sa boyfriend nito. "Gagawin ko rin 'yang decision ni Mina! Sarap kaya magpahabol lang." "Masarap din pag committed 'yung tao sa'yo." Natawa si Lucie. "Well, 'di ako kokontra!" Natawa na rin si Jia. Hindi man siya maka-relate ay nakitawa na lang rin siya at napailing. The party ended, kailangan na nilang umuwi kaagad dahil may pasok pa bukas. Gusto niya rin sanang mag-advance study, para kahit lumipad ang utak niya sa klase ay hindi siya mahuhuli sa lessons. "Uy, hindi ka papasundo?" Si Jia na medyo lasing na rin na inaalalayan ng boyfriend nitong si Harry. "Hindi na. I can drive naman. I'm not drunk," she said. "Sure ka? Kapag may nangyari sa'yo, yare kami kay Tito," biro pa nito. Her Dad is kind, hindi rin mabilis magalit. "Yes!" she assured. "Mauna na ako, ha. Mag-iingat din kayo." Nang makitang maayos na ang mga ito ay pumasok na siya sa dala niyang kotse at pinaandar ito. Bumagal nga lamang ang takbo niya nang malapit na siya sa main road. Madilim ang paligid at biglang nanlabo ang paningin niya. Tila ngayon lang siya tinatamaan ng alak. Kahit konti lang kasi ang nainom niya, mahina naman ang alcohol tolerance niya. Napapreno siya nang magliwanag ang harapan ng kaniyang kotse. She was so suprised because the surroundings are already dark, mahihina lang din naman ang mga ilaw ng postlights at kalalagpas lang din sa kaniya ng nahuhuling kotse sa likuran niya. Bukod roon ay wala na siyang makitang sasakyan mula sa likuran at harapan niya. Nang sanang ii-start niya ang kotse ay nawala ang liwanag. May malaking truck na nakahinto sa harapan niya. Umawang ang labi niya nang mapansing galing ito sa U-turn at kung hindi siya huminto ay magkakasalubong sila at malakas ang tiyansang maaksidente siya. Sinilip niya ang bumabang driver. Papunta iyon sa direksiyon niya. "Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong nito. "Opo," she answered. "Kayo po? Anong nangyari?" "Ngayon lang kasi ako Ma'am nakadaan sa ruta na 'to kaya hindi ako pamilyar. Nasira pa ilaw ng truck ko sa harapan. Mabuti na lang at may ilaw kayo kaya huminto na ako. Marahan siyang napatango. Unti-unting nakaramdam ng kaba. Pero alam niyang hindi lang ang ilaw sa kotse niya ang liwanag na iyon. Nahihiwagaan siya. Kung walang ilaw sa harapan ang truck... saan iyon nanggaling? Umuwi siyang iniisip pa rin kung ano ang nangyari. Talagang inuna niyang pinuntahan ang kasambahay nila na si Manong Edgar. Ito kasi ang madalas niyang marinig na magkuwento ng mga bagay na tungkol rito. "Ma'am?" Mula sa likuran nito ay sumilip ang asawa na si Nena. They are stay-at-home helpers in their house. "Ano nangyari, Ma'am?" Bakas sa mukha ng dalawa ang pagtataka at pag-aalala. Nang maikuwento niya ang nangyari ay nagkatinginan ang dalawa. "Aba, Ma'am Mina. Hindi kaya anghel ba taga-bantay mo iyon?" anang ni Mang Edgar. "Tingin ko rin nga, Edgar e. Iniligtas ka niyon, Mina. Ngayon mo lang ba naranasan ito?" She bit her lip. "I actually don't know, Yaya." "Kapag nararamdaman mong ligtas ka, malapit sa'yo ang anghel na taga-bantay mo, Mina." Naiwan sa utak niya ang huling sinabi ni Mang Edgar. Totoo kaya iyon? Anghel na taga-bantay? Dahil kapag nakakaramdam siya ng takot, may mga pagkakataon na bigla niya na lamang mararamdaman na ligtas siya. Hindi kaya... talagang may anghel na taga-bantay siya? And would she really believe that? NANUOT ANG KIROT SA KANIYANG utak matapos niyang magmulat. Ang huli niyang naaalala ay nawalan siya ng malay sa tapat ng elevator matapos siyang iwan ni Constantine. Ang lalaking tumulong sa kaniya para makapasok sa gusali. Napabalikwas na lang siya nang makitang nakaupo lang sa harapan ng malambot at mahabang upuan si Sebastian at nakamasid sa kaniya. Nagliwanag ang mukha niya nang mapagtanto ang nangyari. "Iniligtas mo ako, Sebastian?" masaya niyang ani. Hindi niya alam kung bakit mukhang naiinis pa si Sebastian sa kaniya. "You can now go home." "Niligtas mo ako, Sebastian!" sabi niya pa. Hindi naman ito nagsalita at nag-iwas lang ng paningin. "Nahanap rin kita!" dugtong niya pa. "How did you know my name?" seryoso ang pagkakatanong nito, tila kapag sumagot siya ng hindi nito magugustuhan ay kagagalitan siya nito. "Dahil..." Hindi niya maaaring sabihin. Hindi nito puwedeng malaman ang dahilan... na isa siyang anghel at si Sebastian ang susi sa misyon niya. Nanlaki ang mata niya nang may lalaking lumabas sa kuwarto nito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nahiya para rito. Nakahubad kasi ito. Napansin rin naman iyon ng lalaki kaya bumalik ito sa silid na pinanggalingan. Matapos nitong magbihis ay bumalik na ito sa labas. May pinaguusapan pa ang mga ito na hindi niya maintindihan, hanggang sa madinig niya ang tunog na nagmumula sa pintuan. Hindi iyon mahika at likha ng siyensa kagaya nang sinabi ni Constantine. Narinig niya pa na Gladys ang pangalan ng nasa pintuan. Naroon ang pangamba ng lalaking iyon nang bubuksan na sana ang pintuan, ngunit nagulat siya nang bigla siyang hilain at isandal ni Sebastian sa pader. Kukuwestiyunin niya na sana ito nang mapahinto siya nito gamit ang paglapat ng labi nito sa labi niya. Hindi kagaya ng nakita niya sa baba ng gusali, dahil ngayon ay hindi gumagalaw si Sebastian. Diretso itong nakatingin sa mata niya, nagbabanta. "Really? Is this really how lowly you are now, Sebastian?" Akala niya ay doon lang matatapos ang lahat, dala ang bilis ng t***k ng puso niya ay naramdaman niya ang mahigpit na pagkakahila ng babae sa buhok niya, mas matangkad ito sa kaniya kaya naman konti na lamang ay maiaangat na siya nito. Ito ang unang beses na maramdaman niya ang ganitong pisikal at intensyunal na p*******t. Hindi siya makalaban at hindi niya rin gustong lumaban at gumanti. Wala siyang magawa kundi pigilan ang paghila nito sa buhok niya at maluhaluha itong tignan. Ngunit, bakit? Bakit siya sinasaktan ng babaeng ito? "Yadys-" pipigil sana ang lalaking nagbukas ng pinto nang tignan ito nang masama ni Gladys. "Let her go," malamig na utos ni Sebastian. "How high do you think you are?" Hindi siya makapagsalita dahil sa sakit na nililikha nito. Hindi rin nagtagal ay patapon siya nitong binitawan at lumabas ng condo. Nakita niya kung paanong napailing ang lalaking iyon at lapitan siya. "Ayos ka lang ba?" tanong pa nito. Napatango siya. "A-ayos lang ako..." Matapos ang ilang segundo ay tumakbo si Sebastian palabas ng condo, marahil ay susundan si Gladys. Bago pa man niya rin masundan si Sebastian ay nahila na siya pabalik ng lalaking tumulong sa kaniya tumayo at sinarado ang pinto para hindi siya makalabas. "Kung gusto mong magkaayos sila, hindi ka na dapat sumunod." Dahil roon ay napahinto siya. Kung ganoon, ang pagkakalapat ba ng labi nila ang dahilan kung bakit nagalit ang babaeng iyon? Kung bakit ito nagalit sa kaniya at kay Sebastian? "Dapat ay hindi ka sumasama sa lalaking may karelasyon na," sabi pa nito. "K-karelasiyon?" tanong niya. "Oo, karelasiyon. Mag-boyfriend at girlfriend ang dalawang iyon." Tila nawi-weirdo-han pa ito nang tignan siya. "Hindi mo ba alam 'yon? Kung sino lang ang girlfriend, 'yon lang ang hinahalikan. Gets mo?" Kung ganoon... Bakit ginawa iyon ni Sebastian at ng babae sa baba ng gusali kanina? Kung para lang ang halik niya sa girlfriend niya, bakit niya gagawin iyon sa iba kung bawal at ikagagalit ni Gladys na girlfriend niya? Naalala niya tuloy ang mga panahong nasa langit siya at sinusuway ang mga patakaran sa langit. Magsasalita pa sana ulit ang lalaki nang muling bumukas ang pintuan. Magliliwanag na sana ang mukha niya kung hindi lang ibang lalaki ang pumasok sa loob. "Ganda ng timing, Javin, ah?" sinalubong ito ng lalaking kausap niya kanina. "Nakasalubong ko si Gladys." Dumapo ang paningin nito sa kaniya. Tinignan siya mula ulo hanggang paa, kunot ang noo. Gusto niya sana itong ngitian, ngunit nasa lalaki na ang paningin nito. "What happened?" "Ano pa nga ba?" anang lalaki. "Gago kasi si Sebastian." May ibinulong pa ito sa lalaki na tinawag nitong Javin. Matapos ay sa akin na ito bumaling. "Saan ka nakuha ni Sebastian?" "S-sinundan ko si Sebastian..." mahina niyang anang. Nanlaki ang mata ng lalaking kaharap niya. "What? Ano ka ba, stalker? We can sue you for stalking him!" "Gio. Stop." Nahinto ang lalaki nang bumalik si Sebastian. Nagliwanag ang mukha niya, ngunit nagbaba rin siya ng paningin nang makita ang matalim na tingin sa kaniya ni Javin. Kahit na kinakabahan ay muli siyang nag-angat ng paningin kay Sebastian. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin bukod sa sundan si Sebastian. Ngayon kasi... ang pakiramdam niya ay isa siyang malaking abala. Unti-unti siyang ngumiti. Hindi siya nagsalita at humakbang palabas ng pintuan, para hanapin kung saan nga ba ang tamang simula sa paglutas ng misyon. Nilagpasan ang kararating lang na lalaki na hindi niya alam ang pangalan. Tila nawawala siya... natanto niyang hindi niya pala talaga alam ang kaniyang gagawin. Dahil roon ay nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang puso. Matapang ang loob niya na tinanggap ang misyon na inatas sa kaniya ni Maestro, pero heto siya ngayon at walang ideya kung paanong magsisimula. "Come with me." Napahinto siya nang marinig ang lalaking nagsalita sa gilid niya. Si Constantine...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD