[13] Abandoned and Reminded

2080 Words
TINANAW NI ANGHEL GABRIEL ang kaulapan mula sa kaniyang gusali. Isang araw pa lang simula nang ibaba nila sa langit si Faith at madami ng nangyari. Mayroon ng banta. May itim na enerhiya na sumusunod sa munting anghel, ang alam lamang nila ay galing ito sa nakaraan. Nananaliksik pa sila ukol roon. "Ano ang anyo ng itim na enerhiya sa lupa," tanong niya. Napailing ang anghel na taga-pamalita. "Hindi ko lubos na makita, Maestro. Tingin ko ay mga mortal na tao lamang ang nakakakita rito." Nakaramdam siya ng kaba para kay Faith. "Bantayan ninyo ang munting anghel, pero gaya nang aking mahigpit na bilin, huwag ba huwag ninyong papakialam ang mga magiging desisyon ng munting anghel." Tumango ang anghel na taga-pamalita. "Masusunod, Maestro." HINDI ALAM NI FAITH KUNG bakit gumaan ang pakiramdam niya nang makita si Constantine. Nakasandal ito sa dingding ng hallway. "Come with me." Hinawakan nito ang pulso niya at hinila papasok sa condo nito. Dahil sa pagkakaalam niya ay dito rin nakatira si Constantine kaya naman nakakapasok ito sa gusaling ito. Nilahad nito ang itim at malambot na upuan na kagaya ng nasa condo ng kaibigan ni Sebastian, kulay puti nga lamang iyon. Napansin niya kung gaano kadilim sa condo ni Constantine. Kung tutuusin ang magandang lalaki si Constantine, maamo ang mukha, ngunit tila malamig at hindi interesado sa kahit na ano. Kaya para sa kaniya kakaiba nang makita niya ang nakangiti nitong mukha sa guard kanina upang kumbinsihin ito na papasukin siya. "Bakit mo ako dinala rito?" tanong niya. "Dahil nasa lupa ka na, dapat alam mo nang hindi ka mabubuhay rito nang hindi kumikilos at nag-iisip bilang tao." Muli niyang naramdaman ang pagiging mahiwaga nito. "Hindi ko alam... kung bakit-" "Bakit tila may alam ako?" Ito na ang nagtuloy ng nais niyang sabihin. "Sabihin na nating narito ako para tulungan ka sa misyon mo." Hindi siya kaagad na nakapagsalita. "Nakita ko na hindi mo alam kung ano ang talagang dapat mong gawin, kung paano mag-uumpisa." Nagbaba siya ng paningin. "Para malaman mo kung ano talaga ang misyon mo at kung bakit si Sebastian ang susi sa misyon mo... kakailanganin mong pumasok sa buhay niya, hindi lamang basta sundan." Unti-unti niyang naunawaan ang nais na sabihin nito. "Pero hindi mo magagawa iyon kung mananatili kang walang pagkakakilanlan." "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya nang hindi niya ito maunawaan. "Sino ka nga ba rito sa lupa, Faith?" Hindi siya nakasagot. "Wala," muli itong sumagot para sa kaniya. "Hindi basta-basta sa mundo ng mga tao. Hindi ka bibigyang pansin, dahil nakaayon sa kung sino ka ang respeto na makukuha mo." "Kung... ganoon. Ano ang dapat kong gawin?" Nalungkot siya nang marinig iyon. Bumalik sa kaniya ang trato ng mga taong nakasalamuha niya simula nang bumaba siya sa langit. Tama si Constantine. "That's why I am here. Nandito ako para tulungan ka. Stay here for the mean time. Tomorrow, I will give you your identity." Nanlaki ang mata niya sa pagkasabik. "Talaga?" Nakangising tumango si Constantine. "For now, kumain ka muna." Nilapag nito sa harapan niya ang kanina pang hawak na tray ng pagkain. Tumango siya. Pumunta naman sa likuran niya si Constantine, sa kusina. Hindi niya maintindihan kung bakit iba ang pakiramdam niya rito, kahit na tinutulungan naman siya nito. MABIGAT ANG PAKIRAMDAM NI GLADYS nang magising kinabukasan. Actually, she already knows that Sebastian kissed a plenty of girls behind her back, pero ang gawin ito nang harap harapan sa kaniya? It is a different level of disrespect. He will see what he wanted. Inagahan niya ang pag-alis ng bahay. Maging ang driver niya ay nagtaka. "We are going somewhere first." Binuksan niya ang pintuan ng kotse 'tsaka pumasok roon. Malayo pa lang ay natatanaw niya na ang mansion ng pamilya ni Sebastian. Hindi siya ganoon ka-close sa mga magulang nito; o sabihin niya ng Dad at Stepmom ni Sebastian, but she's somehow close to them formally. Lalo sa mga gatherings about business, na lagi silang nagmi-meet. Legal sila both sides, walang namang tumutol. Parehas silang angat sa buhay at parehas na nasa upper class. Kung mayroon mang duda sa kanila (sino ba naman ang hindi magdududa) ay ang Stepmom ni Sebastian na si Josie. And so what if she judges their relationship? Totoo naman. She actually hates Josie, but not as much as Sebastian hates her. Ayaw niya kay Josie dahil kabit lang naman ito ng Daddy ni Sebastian, she's born poor at yumaman nang hindi pinaghihirapan. She rolled her eyes when the maid opened the gate for her. "Ma'am Gladys, kayo pala." Tumabi na kaagad ito para makapasok siya. Alam na ayaw niya ng hahara-hara. Last time kasi, natarayan niya ang isa sa mga helpers ng mga ito. Pumasok siya at naglakad nang maganda ang tindig kagaya ng palagi, sopistikada at mapagmataas. "What brings you here?" Sinalubong siya ng Stepmother ni Sebastian. "Good morning, Auntie." Nakipagbeso siya rito, pasimple niyang inilibot ang paningin para hanapin si Sebastian. Maybe he is in his room. Tipid lang ang naging ngiti sa kaniya ni Josie. Hindi naman siguro ito bulag, dahil malamang ay nararamdaman nito ang pagka-plastic niya sa tuwing nagkikita sila. "Oh, Gladys?" Sunod niya namang nakita ang Daddy ni Sebastian. Lumawak ang ngiti niya. Jackpot. "Tuloy ka sa salas," dugtong pa nito. Ngumiti naman siya bago sundin iyon. Pinanood niya pa ang pag-utos ng Daddy ni Sebastian na ikuha siya ng merienda. "You don't have any appointments, Tito?" she simply asked. Napansin niya kasing nakapambahay lang ito. "Yes, hija." Mabait naman ang Daddy ni Sebastian, kumbaga, madaling bilugin, kaya siguro madali ring nabilog ni Josie. "Actually, Tito. Hindi po kasi pumasok si Sebastian kahapon. I am really worried about him, that's why I am here." Tinawag nito ang isa sa mga katulong. "Nakauwi na ba si Sebastian?" tanong pa nito. Nagtama ang paningin nila ni Josie na nag-aalala ang mukha. Nakakaasar siyang ngumiti rito. "Yes, Sir." "What's his state when he went home?" "Lasing po, Sir." Mahina siyang napasipol. Hindi niya na pala kailangang isumbong ang pambababae nito. Unbelievable, Sebastian. Kayang-kaya mong gumawa ng sarili mong ikapapahamak. Natawa siya sa naisip. "And, Tito. My parents invites you for a family dinner later. Hope... makarating kayo?" she asked. Itinago nito ang inis na namumuo sa mukha at ngumiti sa kaniya. "Of course, hija. Makakarating kami." She stood up and fixed her dress. "Tito, may I?" "Of course, hija." Tumango siya at ngumiti. Tinungo niya ang daan papunta sa kuwarto ni Sebastian. As they vanished in her sight her smile faded. This isn't really her forte; to act cheerful and kind. Sa malawak na hagdanan ay tanging tunog lang ng takong niya ang maririnig. Madalas siya rito kaya naman pamilyar sa kaniya ang bahay. Hindi na siya kumatok at binuksan na ang pintuan ng kuwarto nito. He's lying on his bed, half naked. Nakadapa pa ito na tila tamad na tamad na bumangon. Seriously? Talagang walang wala itong balak na pumasok? "What are you doing here?" sa malamlam na boses ay itinanong nito, ni hindi man lang siya nilingon at nanatiling nakadapa sa kama. Maybe he recognized her because of the sounds of her footsteps. "Stop living like a trash. Get up." Walang emosiyon niyang sinabi. "Stop living like I am your puppet. Leave." Inis siyang natawa dahil sa response nito. "Okay? Ipagpatuloy mo 'yan." Hindi ito nagsalita. "You know why she left you? Don't you know why she chose to leave you with no trace?" Humakbang siya papalapit sa kama. "Because she doesn't want you anymore. Kasi noon pa man, wala nang pinatutunguhan ang buhay mo. While Ella's almost dying by working and studying at the same time just to live and build a good future for her." Huminto siya. "She left, because you are not changing. You're just good at making promises. Aren't you embarrassed? Kasi hanggang ngayon, sa relasiyon natin, dala-dala mo 'yan Sebastian." Inayos niya ang sarili. Her heartbeat is increasing because of anger. "It's not that I love you," she added. "I stayed, because I wanted to wreck you, by getting tired of me every day." "If you wanted to wreck me just kill me." Hinarap siya nito. Hindi niya inaasahan na kukuwelyuhan siya ni Sebastian. Muntik niya nang makalimutan kung anong klaseng tao ito. What do those people call him? A gangster? "I can't just kill you, 'cause if I did, it will make you lucky, it will make your life easier." Marahas niyang inalis ang pagkakakuwelyo ni Sebastian sa kaniya. "You deserve to die every day, not your body." Marahas niyang tinuro ang dibdib nito gamit ang hintuturo niya. "But your soul." Matagal silang natahimik, nanatili ang nagsusukatang tingin. "May dinner mamayang gabi. You know what would happened if you still won't come and attend your classes today." Tatalikod na sana siya nang marahas siyang ihiga ni Sebastian sa kama nito. Mariin na mariin ang pagkakahawak nito sa kaniya. Pilit pinipigilan ang galit. "I'll kill you once I get what I needed from you. Remember that." Matapos nitong sabihin iyon ay pumasok na ito sa banyo at marahas din siyang binitawan. Aminin niya man o hindi, nakaramdam siya ng sarkastikong takot dahil sa ginawa ni Sebastian. If maybe she isn't a girl, nasapak na siya nito. "Don't worry," she whispered. "Hindi lang ikaw ang may gustong makuha, Sebastian." She left the room with memories of how they first met flashed through her eyes. Nanawa na kasi siya sa China. She asked her parents to send her to their second home town to explore. And on the night before the first day of school, she wanted to party in a bar. "Ma'am, sigurado po ba kayong nasa tamang edad na kayo?" The guard asked. She rolled her eyes. "If I asked if you wanted to lose your job, would you say yes?" "M-ma'am?" Bumakas sa mukha ng guwardiya ang takot sa banta niya. "Do you know who I am?" She said in Chinese while pushing the shoulder of the guard, asking if he is stupid or he doesn't know who she is. "Ma'am?" ulit nito nang hindi siya maintindihan. Palibhasa bago lang siya rito ay English at Chinese pa lang ang kaya niyang bigkasin, pero nakakaintindi naman siya ng Tagalog. "Let me in. Just talk to my Father!" And she isn't as calm as she is right now, than before. "Ako na, Sergio." From behind her, a guy talked. Mataray niyang nilingon ito, but she isn't expecting that the guy would pull her to her driver. Paano nito nalaman na may driver siya? Is he watching since earlier? "Let go of me!" She yelled at him. Ngayong maliwanag niya ay ‘tsaka niya nakita ang kabuuan ng lalaking iyon. Matangkad ito, maganda ang tindig at pangangatawan. He's wearing all black, the buttons of his polo from the top are unbuttoned, kaya naman nakikita niya ang tattoo nito, pero hindi niya alam ang kabuuan nito. Sa wakas ay nabawi niya ang kamay niya mula rito. "Sakay," even his voice is deep and manly. She isn't expecting that the guy will give her a helmet. Kunot-noo niyang tinignan ang motor sa tapat nila. She thought... Kung ganoon sa motor siya nito pinapasakay. Umangkas ito sa motor at sinuot ang pansariling itim na helmet. Tila nahihipnostismo naman siyang sumunod rin rito at umangkas sa likuran nito. Wala sana siyang balak na yumakap sa beywang nito para sa suporta sa pag-andar, ngunit kusa na nitong dinala ang kamay niya sa beywang nito. Nag-init ang pisngi niya dahil roon. Siguro ay dahil hindi siya sanay sa prisensya ng lalaki at talagang magkadikit pa sila. Ito rin ang unang beses na umangkas siya sa motor dahil takot naman talaga siya sumakay roon. "Miss Gladys?" Narinig niya ang boses ng driver niya na lumabas mula sa kotse na dala niya. "Shoot." "Bakit?" tanong nito. Naramdaman yata ang kaba niya. "That's my driver. Start the engine now-" napairit siya nang hindi pa siya tapos na magsalita ay pinaandar na ito ng lalaki. All that she can do is to hug him from behind. She also isn't expecting that he'll bring her in front of an abandoned house, just to drink canned beer. "You're still young for a bar." "So you brought me here?" she asked. "No." "What?" Hindi niya naintindihan iyon, ano ang dahilan kung ganoon? "Because you remind me of someone." Yes... he caught Sebastian's attention that time, because she reminds him of his ex, but she knows... there's something more than that. The reason why she is staying…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD