THE FEELING, THE SCENT AND THE vision Sebastian sees is the exact things whenever he remembers and dreams of her.
Ella Santiago...
Birthday niya ngayon, kaya naman maaga siyang nagising. Sabik na makasama ang taong pinaka gusto niyang makasama para sa kaarawan niya.
Her presence is everything to him.
Kahit na igugol pa nila ang araw nang nakahiga lang sa damuhan at nakatingin sa kawalan, madilim man o maliwanag ay magiging masaya na siya.
"Baby, Seb!" Nakangiti at masaya siyang sinalubong siya ng Mommy niya sa pinto ng kaniyang kuwarto. "Ella's here na!"
Dahil sa narinig niya ay nagmadali na siya sa pagbibihis. Ayaw niyang pinaghihintay ang prinsesa niya.
Karamihan sa mga mayayaman ay hindi tumatanggap ng mahihirap na nobyo at nobya para sa mga anak, pero iba ang kaniyang Mommy at kaniyang Daddy.
Isa pa, hindi naman mahirap magustuhan si Ella. She has a dream and works hard for her career in the future. She is really kind, an achiever and very beautiful. Para sa kaniya, wala nang makakapantay kay Ella sa paningin niya. She's like an angel dressed as a human.
Kaya namang botong-boto ang mga magulang niya kay Ella.
"Careful, babe!" And her voice... very soothing.
Halos liparin niya na ang hagdan nang makita si Ella na nakatayo at naghihintay sa living room.
She's really beautiful; tila araw-araw ay may igaganda pa. Hindi niya tuloy namalayan na natulala na lang siya sa ganda ng girlfriend niya.
Like the usual, she's wearing a light- colored ang flowy dress, kung hindi head band ay hair clips ang palamuti sa buhok; babaeng babae, but now she is wearing a white floral and chiffon dress, pearl earrings and a white and gold headband that suits her straight and long black hair.
Mula naman sa likuran niya ay narinig niya ang hakbang ng kaniyang Mommy, nakasunod sa kaniya.
"Excited, Ella," biro pa nito.
Hindi siya nagsalita, hindi rin naman siya tutol sa sinabi ng Mommy niya, dahil totoo naman.
He is really excited.
Sa wakas ay nakalapit na siya kay Ella.
Inalalayan niya ang beywang nito at niyakap nang mahigpit.
Her scent...
And the sounds of footsteps.
Unti-unting nagsalubong ang kilay niya nang maramdaman na numinipis ang kayakap na si Ella.
Dahil sa gulat ay marahan siyang lumayo, ngunit tila buhangin itong naglaho mula sa pagkakayakap niya. Unti-unting lumabo ang paligid at nagliwanag ang kinaroroonan nila.
Nang lingunin niya ang Mommy niya ay naglalaho na rin ito kagaya ni Ella, tila malambot at makulay na alikabok na inilipad ng hangin palayo.
Wala na...
Ang pakiramdam, ang amoy at ang senaryo na nakikita ng kaniyang mga mata ay wala na, kundi tunog ng hakbang ng mga sapatos na lang ang naririnig niya.
Mula sa pagkakapikit ay minulat niya ang mata niya.
It was just a dream... again.
Tila nagkaroon siya ng amnesia sa loob ng ilang segundo, ‘tsaka niya napagtanto na hindi na nga pala iyon ang buhay na meron siya ngayon. Everything he has now is nothing, but a suicide while living.
And it's Gladys who interrupted his dream earlier.
Now he is in shower, controlled to follow. Para lang hindi mangyari ang nangyari sa panaginip niya, na maglaho nang tuluyan si Ella.
And Gladys is the answer for it.
Napako ang paningin niya sa pares ng tsinelas niya na hindi niya gaano nagagamit. Nilagay niya iyon sa paperbag at binitbit.
Lumabas siya mula sa kuwarto, wala na roon si Gladys. Maybe she is in the living room or gone? Who would stay when he almost punched her?
"Ano pa ba ang dapat kong gawin para hindi mo paulit-ulit na gawin ang mga bisyo mong hindi naman nakakatulong sa'yo, Sebastian?"
Napasipol siya nang hindi pa man siya nakakababa ng hagdan ay sinalubong na siya ng sermon ng kaniyang Ama.
As if he needs it.
"Pakainin mo muna si Sebastian," awat pa ni Josie.
Sarkastiko siyang natawa.
Matapos niyang isuot ang coat ng uniporme ay isinakbit niya na ang bag niya para umalis ng bahay at pumasok sa eskuwelahan. Mukhang tama siya, wala na nga si Gladys rito.
"Or would you want me to send the remains of your mother abroad where you don't know where, just for you to respect the people in this house and to fix your life-" Nahinto sa pagsasalita ang Daddy niya nang huminto siya sa pagkilos.
Matalim ang paningin niyang tinignan ang kaniyang Ama.
"May mas isasama ka pa pala?" sarkastiko niyang sinabi. "Do you know the difference between you and my Mom?"
Hindi nagsalita ang Daddy niya, nanatili itong galit habang pinipigilan ni Josie.
"Either I sees my Mom or not, she's still in my heart, she still exists in my heart, so sending her away won't affect me!" Naging mariin ang pagkakasabi niya dahil sa emosiyon na nararamdaman. "And you, existing or not? I won't even care, because you are nothing, but a selfish person."
Tinignan niya nang masama ang dalawa bago humakbang, ngunit hindi pa man nakakaalis ay nakita niya na ang kapatid niya na si Carissa.
She is just his half-sister, but he treats her like they are full-blooded siblings.
"C-carissa," her Mom called.
Nag-iwas siya ng paningin. Kahit na gaano siya kasama, ayaw niyang nakikita ni Carissa kung gaano niya kaayaw sa nanay nito at sa Daddy nila, kahit na alam niya namang sa murang edad ay nararamdaman na nito kung anong meron sa bahay na ito.
"Kuya... you aren't here the whole day Yesterday," sa maliit na boses ay sinabi nito.
Napabuntong-hininga siya. Unti-unti siyang lumuhod para makapantay si Carissa.
"I'm sorry. I'll be here tonight, okay?" Naalala niyang may dinner nga pala sa mga Ming mamaya.
"Just don't be gone palagi, Kuya."
Dahil sa prisensiya ni Carissa ay unti-unting nawala ang tensiyon na nabuo kanina.
"Birthday ko na the next-next day," paalala pa nito.
Hindi niya naman iyon nakakalimutan, talaga lang na ayaw niyang namamalagi sa bahay na ito.
"I know, baby. I'll be here on your birthday, okay?" Tumayo siya at ginulo ang buhok nito. "You should go back to your room with Teacher Sam already." Home schooled si Carissa, sensitibo kasi ito pagdating sa ibang tao kaya naman napagpasiyahan na lang na sa bahay pag-aralin.
"Okay, Kuya..." Ngumiti ito sa kaniya, ngunit naroon pa rin ang pag-aalala sa mga mata.
"For now, I am leaving you. Kailangan um-attend sa klase ni Kuya, okay?"
After his farewell, he could finally leave the house for real.
Unlike the boys in their university, he wears the uniform lazily, kaya naman bukas pa ang ilang butones niyon. Sandali lamang naman siya roon, hindi magtatagal.
Sumakay siya sa kaniyang motor sakbit ang bag at pinaandar iyon.
"Why did she runaway again?" tanong niya sa sarili nang may maalala.
The whole time, that girl is walking and running barefooted?
MAAGANG NAGISING SI FAITH kinabukasan. Nakatulog siya sa upuan na sofa kung tawagin ni Constantine. Naalimpungatan kasi siya nang maramdaman ang prisensya sa espasiyong iyon.
Si Constantine pala iyon na nagsusuot ng sapatos sa harapan niya.
Nagtataka niya itong pinanood.
"Kailangan kong pumasok sa eskuwela," sabi nito, tila nabasa ang iniisip niya.
"Eskuwela?" tanong niya. "Kagaya ba 'yan ng pagtugtog ng instrumento?"
Naalala niya tuloy ang pag-aaral nila ng mga instrumento sa langit, na bago makapaglaro, kailangan muna mag-ensayo.
Tipid na ngumiti si Constantine, ngunit hindi sumagot sa tanong.
"Hindi kita masasamahan, pero pagpatak ng alas-diyes. Pumunta ka rito." Lumapit sa kaniya si Constantine at inabot sa kaniya ang larawan na galing sa lamesa. "Pamilyar?" tanong pa nito.
Tumango siya. Pamilyar ngang ito.
"Coffee shop iyan na katapat ng building na ito, sa kanan." Isinakbit nito ang bag, marahil ay dadalhin sa eskuwela. "May lalaking naka-itim na maghihintay sa'yo sa lamesa malapit sa bintana sa tapat ng pinto ng coffee shop. Tanggapin mo ang ibibigay niya."
Nang sanang aalis na ito ay tumayo siya at humabol rito.
Hindi pa man siya nakakapagsalita ay nauna na ito. "Bukas ang pintuan ko, kung sakaling kailanganin mo ng tulong, anumang oras. Mauna na ako."
Walang lingon siyang tinalikuran nito. Nakaramdam siya ng panlulumo. Matapos niyang mapagtanto ang nangyari kagabi, na hindi niya pa talaga alam kung ano ang tunay niyang misyon ay nakaramdam siya ng takot. Paano kung hindi niya magawa ang misyon?
Ngunit hindi siya dapat na sumuko.
Dahil sa pagkainip sa paghihintay lumibot muna siya sa condo ni Constantine.
Mula sa mga muwebles nito ay nakita niya ang isang painting. Isa itong anghel na tumatangis, tila nabigo.
Nang ibabalik niya na sana iyon sa pagkakasabit, natanto niya ang tila maliit na kabinet na itinago sa pamamagitan ng painting.
"Ano ang bagay na ito?" tanong niya sa sarili.
Naging marahan ang ginawa niyang pagbukas roon, ngunit hindi niya nagawa nang marinig ang tunog na nagmumula sa pintuan ni Constantine. Sa pagkakaalam niya ay doorbell ang tawag doon.
Dahil roon ay mabilis niyang ibinalik ang painting nang hindi nakikita ang nakatago mula sa maliit na sisidlang iyon.
Pinagbuksan niya ng pinto ang lumikha ng ingay, senyales na may tao sa labas. Lalaki ang nadatnan niya. Pamilyar rin sa kaniya. Tila nagulat pa ito at natulala nang makita siya.
"O-oh... so you really know Constantine?" anang nito.
Nanatili lamang ang pagkakunot ng kaniyang noo, naguguluhan.
"Wala na siya rito," sabi niya. Marahil ay hanap nito si Constantine. "Nasa eskuwelahan."
"I s-see... As expected, he's always early. I'll go ahead."
Hawak nito ang batok nang talikuran siya, 'tsaka niya lang napagtanto na magkauniporme ang dalawa.
"Oh... Wait, wait..." Bumalik ito, tila hindi mapakali. "Can I have your number? I'm Malik, by the way."
Nanatili siyang kumukurap habang nakatingin rito. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos nito.
"I mean, number. Phone, you know?" Sumenyas pa ito sa tenga niya. "I saw you in Gio's condo, pero umalis ka kaagad. That's why I didn't have the chance to get your phone number. If you don't want to give your number, you can tell me your name instead. May I?"
Inosente siyang ngumiti. Ito yata ang unang beses na may ganito kagiliw na nakausap siya sa lupa. Tila hindi ito naiinis sa prisensiya niya kaya naman kahit papaano ay nakaramdam siya ng tuwa.
"Faith ang pangalan ko," sagot niya.
Lumetrang 'o' ang labi ng lalaki. Tila namangha sa pangalan niya.
"Your parents are religious, aren't they?"
Nagkibit-balikat ang lalaki nang hindi niya ito sagutin.
Bumaba ang paningin nito sa kaniyang paanan. Tinitignan ang walang sapin niyang mga paa.
"Napansin ko rin na kagabi ka pang walang suot na tsinelas..."
Nanibago siya dahil iba na ang tingin nito, tila nanunuri.
"P-pasensya na."
"No." Dinilaan nito ang pang-ibabang labi. "Nag-aalala lang ako. You look too fragile to walk barefooted."
Inatras niya ang kaniyang paa, nakaramdam kasi siya ng pagkailang.
"So... Iniwan ka ni Constantine?" Sinilip pa nito ang loob ng condo nang hindi gumagalaw sa puwesto.
Tumango siya.
"Hanggang kailan ka sa bahay niya?" sunod na tanong nito.
"Hanggang alas-diyes..."
"Oh?" Tumingin ito sa relong pambisig. "One hour na lang pala? Vacant ako by that hour, do you want me to come with you?"
Sandali siyang natigilan at na-weirdo-han sa inasal nito.
"Ha?"
"Wala akong gagawin by that hour. Sasamahan kita." Hindi nawawala ang ngiti nito sa kaniya. "And I'll buy you a pair of slippers also."
Hindi siya makaisip ng sasabihin. Papayag ba siya? Pero ang sabi ni Constantine, siya lamang dapat ang makaalam tungkol sa bagay na iyon, kung hindi ay hindi siya magtatagumpay sa misyon niya.
"It's okay, don't be shy. Ihahatid lang naman kita-"
Bago pa man mahawakan ng lalaki ang braso niya para akayin siya ay may nauna nang gumawa niyon.
Tiningala niya ang walang buhay na mata nito na nakatingin rin sa kaniya. Matapos dumapo ng paningin nito sa kabuuan ng mukha niya ay bumagsak iyon sa paanan niya. Gamit ang pagkakahawak nito sa pulso niya, dinala nito ang kamay niya sa braso nito matapos lumuhod, para hindi siya matumba nang isuot nito sa kaniya ang pares ng tsinelas.
Napapiksi siya nang maramdaman ang daliri nito na humaplos sa gasgas na natamo ng kaniyang paa matapos niyang maglakad ng walang sapin sa paa.
Doon niya lang naramdaman ang kirot nang matagal na titigan iyon ni Sebastian.
Napansin niyang malaki ang tsinelas na iyon, ngunit napaka komportable. Tila nakaramdam siya ng ginahawa.
Matapos nitong isuot ang tsinelas ay tumayo ito at muling hinawakan ang pala-pulsuhan niya.
"Ako na ang maghahatid sa kaniya." Walang buhay nitong tinignan si Malik na tila nagulat sa inasta ni Sebastian.
Maging siya...
Tila bumait ito sa kaniya.
Bumait na nga bang talaga?