KINAKABAHAN NA IPINARADA ni Gio ang kaniyang sasakyan. Malaki ang eskuwelahan nila, pero imposible na hindi niya makasalubong si Gladys.
Of course he is scared at her! Sino ba naman ang hindi? Bukod sa dugong Ming ang nanalaytay sa ugat nito, kakaiba rin talaga itong magalit.
Hindi nga siya nagkakamali, dahil nakasalubong niya na kaagad sa hallway ang grupo ni Gladys, sa likuran nito ay naroon ang mahal na mahal niyang si Breena, at si Emerald na nakatingin sa sahig kagaya ng palagi.
"Good morning, Gladys!" bati niya.
Matalim siyang tinignan ni Gladys.
Naroon naman ang nagtatakang mukha ni Breena.
He thought they are friends? Hindi ba nito sinabi kay Breena ang nangyari?
"Go away," maikling sinagot nito.
"I'm really sorry for what happened. Sure ako na hindi 'yon babae ni Sebastian. Maybe he just did that to-"
"What happened?" Naudlot ang sinasabi niya nang magtanong si Breena.
"Shut up, Gio. If you are sorry..." Humakbang si Gladys papalapit sa kaniya. Awtomatiko siyang napaatras nang dahil roon. "If you are sorry and you want my forgiveness, just keep your mouth shut."
"O-oh!" Nagtaas siya ng kamay na parang sumusuko sa pulis. "Sabi ko nga!"
"Let's go." Isang sabi lang nito ay sumunod kaagad si Breena at Emerald.
Sandali pa siyang tinignan ulit ni Breena, hindi niya alam kung kikiligin ba siya o mapapanguso dahil kung makatingin ito, tila siya ang may kasalanan. Malay niya bang hahalikan ni Sebastian ang inosenteng iyon?
She is really weird! Bigla na lamang itong tumakbo palabas ng condo niya kagabi.
At ang nakakapagtaka pa, sa sobrang inosente nito, pati halik yata at ang girlfriend at boyfriend ay hindi nito alam ang ibig-sabihin! She's cute though. Tila gusto niya itong maging kababatang kapatid.
Nakakatawa pa nang naalala niya ang itsura ni Malik nang gabing iyon matapos makita ang babae. What's her name again?
Akala mo, nakakita ng anghel si mokong.
Bilang disenteng tao, kung popormahan man ni Malik ang babaeng iyon ay mangingialam na siya, na ni minsan hindi niya ginawa. He just feel something different about that girl.
"Tangina-!" Nagulat siya nang lumiko sa hallway at makitang nakasandal roon si Constantine.
He is his classmate. Talagang matalino ito at magaling sa klase. Bagay na nakakahanga rito.
Walang gana ang mga mata nito, pero hindi niya maiwasang isiping, nakinig kaya ito? For what? I mean, saan ito interesado sa usapan nila?
Nakangiwi niyang tinignan mula ulo hanggang paa si Constantine, pero parang wala lang itong kagana-gana na umalis mula sa pagkakasandal sa pader at nakapamulsang naglakad palayo.
Inunahan pa siya!
Who does he think he is?!
"Hoy! Constantino!" tawag niya rito gamit ang sariling bansag, Constantino. "Marunong ka pala tsumismis, ha!"
Hinabol niya pa ito para mapantayan niya sa paglalakad.
"Goodmorning, Ate Mina!" bati ng mga students kay Mina na makakasalubong nila.
Kagaya ng palagi ay maganda ang ngiti ni Mina. Almost every girls idolize her because she's humble, pretty, kind, intelligent and talented. Halos ang mga lalaki naman sa campus ay gusto si Mina, because why not, she is likable and a leader material. A woman that was driven by her career, pero may Breena na siya at hindi niya ipagpapalit ito.
"Luh?" Dinungaw niya ang mukha ni Constantine sa unahan niya nang lumiko si Mina at habulin ito ni Constantine ng paningin. Hindi niya alam kung matatawa siya o kikiligin para sa kanilang dalawa. "Nagkaka-crush ka rin pala?"
Marahan siyang nilingon nito. Masama ang pagkakatingin.
He smiled annoyingly in return.
"Don't act as if we're close." Matapos nitong sabihin iyon ay muli siyang nilagpasan ni Constantine.
Sus. Kunwari pa. Normal naman ang magka-crush, hindi ba?
HINDI MAIPALIWANAG NI EMERALD kung gaano siya kasabik na pumasok sa eskuwela kanina. She can't forget that night in the convenience store where Javin, gave her food.
Hindi niya naman gustong mag-assume, baka talagang naging mabait lang ito, o kaya naman ay nagbago ang isip na kainin ang binili.
"Hey, Gladys is talking to you."
Natauhan lang siya nang magsalita si Breena.
She forgot that they are now in the classroom. Ayaw pa naman si Gladys ng unresponsive. She really hates everytime Gladys is mad, siya man ang rason o hindi ay palagi siyang nadadamay.
Kagaya nang inaasahan, naroon na ang inis at malamig na titig sa kaniya ni Gladys, like she's saying that she won't repeat what she said earlier.
"'Y-yung activities ba?" she asked.
"Yep," of course, it's Breena who will answer.
"Sandali." Nanginginig niyang nilabas ang activities na ipinagawa sa kaniya ni Gladys.
Nang iabot niya naman ito ay kinuha nito iyon nang hindi inaalis ang matalim na titig sa kaniya, bumaling iyon kay Breena.
Kaagad namang nagbaba ng tingin si Breena.
She's just like her, Gladys' follower and both afraid of Gladys, ang pinagkaiba nga lang ay mas maayos ang trato ni Gladys dito.
"And you think I won't know?"
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Gladys.
Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Sigurado siyang dahil iyon sa paghatid ni Breena sa kaniya.
She's trying her best to reject Breena's offer, pero talaga lang na makulit ito. Hindi niya rin naman alam kung bakit mabait sa kaniya si Breena.
"G-gladys..." Halata na ang kabadong boses ni Breena.
"What?" Walang buhay na nilingon ni Gladys si Breena mula sa likuran niya, acting like she's scanning the activity that she made.
Sa pagkakaalam niya naman ay talagang matalino si Gladys, talaga lang siguro na para rito aksaya ang pagpasok sa eskuwela dahil kahit hindi ito mag-aral ay may mamanahin ito. How she envies them...
Kung ipinanganak din siguro siyang marangya ang pamilya, hindi niya mararanasan ang lahat ng ito.
"You can offer her a ride, anytime you want, but don't let her abuse your kindness... poor people are abusive y'ah know."
Tila may tumusok sa puso niya nang sabihin iyon ni Gladys. Wala naman siyang magawa kundi magpigil ng luha at tumingin sa sahig ng classroom.
"Gladys..." Breena tried to stop her.
Ngunit walang isinagot si Gladys kundi sarkastikong ngisi.
"Puntahan mo ang classroom ni Sebastian. Check if he's there and if he attended his class."
Kaagad siyang tumango at sumunod sa utos nito, nakababa pa rin ang paningin, ngunit mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang paghabol ng tingin ni Breena sa kaniya.
Finally, narating niya na rin ang classroom ni Sebastian. Masiyadong malayo ito dahil iba pa ang building. She can't believe how Sebastian and Gladys' relationship works. Sa totoo lang, mas mukha silang mag-ate kaysa nobyo at nobya. Si Gladys na taga-disiplina at si Sebastian na basagulero at pasaway.
She bit her lip as she peek through the door. Nakailang ulit siya ng tingin, pero hindi niya makita si Sebastian.
"Pinapahanap ni Gladys?" Isa sa mga lalaking kaklase ni Sebastian ang sumandal sa pintuan na sinisilipan niya.
Tumango siya.
"Pumasok siya, pero umalis rin kaagad. I'm not quite sure if he's still in the campus."
"S-sige..." Nanatili ang paningin niya sa ibaba.
She doesn't have the confidence to talk to the students of this school because she knows how they act whenever they see someone like her, mga matapobre at mayayabang.
Aalis na sana siya nang hilain siya nito sa pulso. Taka siyang nag-angat ng paningin dito, natatakot.
"M-maganda ka naman pala sa malapitan?" sabi pa nito.
Kahit nanginginig ay sinubukan niyang alisin ang pagkakahawak nito dahil hindi na siya komportable, pero talagang ayaw siya nitong pakawalan.
"Why don't we date?"
Tumahimik ang paligid matapos na sabihin iyon ng lalaki.
"Why don't you put your hands away from her?"
Maging siya ay nagulat nang marinig ang boses na iyon. She watches all of his movies, television series and commercials kaya naman alam niyang hindi siya nagkakamali sa hula niya.
And when she turned her back to see who's behind her, she is right.
It's Javin.
Pero tama ba ang dinig niya na tinutulungan siya nito.
"Excuse me, Mr. actor?" anang lalaki, hindi nagustugan ang ginawang pagsabat ni Javin.
Asar itong nag-iwas ng paningin sa lalaking may hawak sa kaniya.
Imbis na magsalita ay tinulak nito ang lalaki palayo sa kaniya kaya naman naalis ang pagkakakapit nito sa kaniya.
Dahil roon ay naagaw nila ang atensiyon ng mga estudyante sa loob ng silid ay ilan na nasa hallway.
"Is Javin going to fight him?" dinig niya pang bulong ng ilan sa labas.
"Para kay Emerald?" ika pa ng isa.
Mayabang namang umayos sa pagkakatayo ang lalaki matapos muntik na matuba sa lakas ng tulak ni Javin.
Pipigilan niya sana sa paglapit si Javin, ngunit nauna na itong alisin ang kamay niya sa pagkakahawak sa uniporme nito.
"Ano bang problema mo?" inis na sinabi ng lalaki.
Hindi nakatanggap ng sagot ang lalaki dahil kaagad na siyang nahawakan ni Javin sa pulso hinila palayo roon. Hindi niya na inaasahang sasagipin siya ng kahit na sino kanina, lalong lalo na ni Javin, dagdagan pa na inilayo siya nito roon.
"Hoy!" Habol na sigaw pa ng lalaking iyon, ngunit hindi na rin naglakas-loob na sumunod.
Wala siyang magawa kundi kontrolin ang nakakabinging kaba sa kaniyang dibdib.
Nahinto sila sa tapat ng soccer field.
Tsaka lang siya binitawan ni Javin. Tila galit pa nang lingunin siya.
"Sorry... Naabala ka pa-"
"Is it Gladys' command?" he asked.
She blinked, feeling strange of how mad he looks right now.
"Hindi niya naman kasalanan..." sabi niya. "Hindi niya naman alam na may mambabastos sa akin doon."
"Kahit na," sabi pa nito.
At syaka, paano ba nito nalaman na inuutusan lang siya ni Gladys, buong buhay niya naniniwala siyang hindi nito alam ang existence niya.
"How much does she payed you to be this stupid?!"
Umawang ang labi niya sa narinig.
Hindi niya maintindihan... bakit?
Ang saya na naramdaman niya ay napalitan ng pagkadismaya at lungkot. He must have helped her, but he's still the same as them. Kasing matapobre ng mga nag-aaral rito.
With her teary eyes she runaway from him. Holding her heart, what a roller coaster ride.
NAMILOG ANG MATA NI FAITH habang pinagmamasdan ang pagkakahawak ni Sebastian sa kaniya matapos siya nitong suotan ng sapin sa paa.
Masayang-masaya siya, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.
At hindi siya nagkakamali! Sinabi nitong ihahatid siya nito sa sinabi ni Constantine na coffee shop!
Walang buhay ang mga mata nito na diretso lang na nakatingin sa dinadaanan. Matapos nilang bumaba sa elevator ay binitawan na nito ang kamay niya.
Malungkot niyang tinignan ang kamay nito na hindi na nakahawak sa kaniya.
"Oh, Miss? Ikaw 'yung kagabi, hindi ba?" Dahil sa itinanong ng guard ay naghinto sila mula sa paglabas sa entrance.
Hindi niya alam ang isasagot kaya hindi siya nagsalita.
"Kaibigan mo ba siya, Sir?" dinig niya pang bulong nito kay Sebastian. "Kagabi kasi, Sir..." Hindi niya na naintindihan ang sunod nitong ibinulong dahil naging mahina na iyon sa pandinig niya.
Inosente siyang kumurap nang tignan siya ni Sebastian.
"You went in with a guy?" tanong pa nito.
"Oo, Sir," sabat ng guard. "Si Sir Constantine, sabi ni Sir... magkaibigan raw sila."
Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Siguro, dahil mukhang pinaghihinalaan na siya ni Sebastian.
Wala siyang magawa kundi magbaba ng paningin sa suot na tsinelas.
"Let's go." Imbis na magtanong ukol sa sinabi ng guard ay mas pinili nitong patuloy na lumakad paalis.
Kaagad naman siyang sumunod, kahit na nahihirapang maglakad sa suot na sapatos.
Mula sa maayos na trato nito sa kaniya ay biglang lumamig iyon. Hindi niya maintindihan... kung bakit pati nararamdaman niya ay mabilis magbago base sa ipinapakita sa kaniya nito.
Huminto sila sa tapat ng gusali. Nang basahin niya ang nakapaskil sa taas ng entrance, doon niya napagtanto na naroon na sila sa coffee shop.
Mula sa nakapamulsang pagkakatayo ni Sebastian sa likuran niya matapos niya itong lingunin, syaka niya napansing nakauniporme ito kagaya ng kay Constantine at Malik na naiwan sa gusali ng mga condo.
"Pumasok ka na," anang Sebastian. Nakatingin ito sa pintuan sa likuran niya.
"Salamat..."
"Hihintayin kita sa labas."
Kakaibang titig ang ibinigay nito matapos tignan ang loob ng coffee shop papunta sa kaniya.
Ang sabi ni Constantine... siya lamang ang dapat na makakaalam nito...
"Hindi na-"
"I'll wait, to keep you safe."