NAGDALAWANG-ISIP PA SI FAITH na pumasok kung hindi lang siya sinenyasan ni Sebastian. Nakita niya pw ang paghugot nito ng sigarilyo nang makapasok siya sa loob.
Kung hindi niya ipahahalata ay hindi naman siya paghihinalaan ni Sebastian, hindi ba?
Marahan niyang nilakad ang puwesto kung saan ito naroon. Nakita niya ang lalaking naka-itim sa puwesto mismo na sinabi ni Constantine kanina, sinesenyasan na siya nito ngayon na lumapit.
Kahit kinakabahan at hindi komportable ay nilapitan niya ang lalaking naka itim na iyon.
"Nandito ka na, Munting Anghel?"
Nanlaki ang mata niya nang marinig iyon, malaki at malalim ang tinig nito. Hindi niya alam kung bakit tila kinabahan siya sa hindi niya malamang dahilan.
A-anghel?
Alam nito na anghel siya?
Hindi niya naman makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng itim na sombrero at nakayuko lamang, balot na balot rin ang katawan nito.
Mula sa pagkakaupo niya ay pinanood niya ang paglahad nito ng itim at malapad na sobre sa ibabaw ng lamesa.
"Simula ngayon, iyan na ang magiging pagkakakilanlan mo. Hindi anghel sa lupa kundi ulila. Ikaw si Faith Lopez, naulila matapos mamatay ng mga magulang sa sunog na nangyari malapit sa siyudad ng Maynila noong nakaraang buwan."
Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"P-pagsisinungaling ito..." ani niya.
"Isipin mong hindi ito kasalanan, Munting Anghel." Inilabas nito ang ilang papeles. "Nag-aaral ang susi sa misyon mo. Para mabantayan mo siyang mabuti, kailangang nakatayo ka rin kung saan man siya naroroon."
Hinawakan niya ang matigas na papel na naglalaman ng numero.
"Mag-aaral ka sa eskuwelahan ni Sebastian,” dugtong pa nito.
Umawang ang labi niya. Kahit na nagda dalawang-isip ay nakaramdam pa rin siya ng saya nang matantong magkakaroon siya ng tiyansa na mas magabayan pa si Sebastian at mas mapalapit rito.
"Tadhana na ang gagabay sa'yo, Munting Anghel. Paalam?" Matapos ng pagsaludo nito ay bigla na lamang itong nawala sa paningin niya gamit ang itim na usok.
Nang tignan niya ang paligid ay panandaliang huminto ang galaw ng lahat at bumalik rin nang mawala ang lalaki.
Sino... iyon?
Naramdaman niya na lang na nasa tapat na siya ng pintuan ng coffee shop at kaharap ang nakatalikod na si Sebastian, naninigarilyo pa rin.
Bahagya siyang napaubo sa usok na nilikha niyon, narinig naman siya ni Sebastian kaya siya hinarap nito. Ganoon pa rin ang walang buhay na mga mata.
Awtomatiko niyang itinago ang itim na envelop sa likuran niya matapos dumapo ng paningin ni Sebastian roon.
Wala itong sinabi bagkus ay tinapon ang sigarilyo sa sementadong daan at inapakan.
Pinanood niya na gawin ito ni Sebastian, tinatanong sa sarili kung ano ang dulot ng umuusok na bagay na iyon sa isang tao.
"Follow me," anang nito sa kaniya.
Habang tinatago pa rin ang envelop ay sinundan niya si Sebastian.
Umangkas ito sa pamilyar na motor sakbit ang bag pang-eskuwela. Sinenyasan siya nito na sumakay, pero hindi niya alam kung paano.
Naiinis itong bumaba mula sa motor at kinuha ang matigas na sombrero, helmet. Mabilis nitong sinuot sa kaniya iyon.
Inuna siya nitong alalayan sa motor ‘tsaka ito bumalik sa pagkakaupo para magmaneho.
"Hold around my waist."
"H-ha?" inosente niyang tanong.
Nang lingunin siya nito ay sinamaan pa siya ng tingin, pero kinuha rin naman nito ang braso niya para iyakap sa beywang nito.
Napigil niya ang kaniyang paghinga matapos nang ginawa nito.
Halos pati ang t***k ng puso niya at nito ay nadidinig niya sa lapit nila sa isa't isa.
"Hold on tight, unless you want to fall."
Napairit siya nang mabilis itong magmaneho. Mas Humigpit pa ang kapit niya. Tila pag nakabitaw siya ay tatapon siya sa kalsada.
"Sebastian!" Natatakot niyang sinabi.
"We need to get there as fast as we can. Tungkol ito sa kaibigan mo."
Nanlaki ang mata niya sa narinig.
"K-kaibigan?" Doon siya unti-unting ginapang ng kaba.
SANDALI LAMANG NA NAGPAKITA sa campus si Sebastian. Hindi naman sinabi ni Gladys na pasukan niya lahat ng klase niya ngayon araw, kaya naman bago mag alas-diyes ay dumiretso na siya sa condo ni Gio.
Kung bakit niya gagawin ang nasa isip niya, hindi niya rin alam. Pakiramdam niya ay obligado siya para sa babaeng iyon, na hindi naman dapat.
Dala ang paper bag na may lamang tsinelas, pinuntahan niya ang condo kung saan niya nakitang pumasok ang babae kagabi kasama si Constantine. Iyon rin ang dahilan kaya hindi niya na sinundan pa ang babae. Dahil may kasama na ito.
If there is a connection between that cold nerd and Faith, wala na siyang pakialam. Ang gusto niya lang ay hindi na siya gambalain ng konsensya niya kahit na wala naman siya niyon.
Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya nang makitang naguusap sa labas ng condo na iyon si Malik at Faith.
Unbelievable.
This playboy really has no conscience. That girl looks too innocent for him.
Pinanood niya ang pagbanat ni Malik kay Faith, but it seems like she doesn't understand him. Tila gusto niyang matawa, pero ginawa niya na lang iyon sa isip niya.
Bago pa man ito mauto ni Malik ay nilapitan niya na ang babae at sinuot ang tsinelas rito. Nagtagal pa ang paningin niya sa may galos nitong paa, na marahil ay galing sa pagsunod-sunod sa kaniya nito.
Actually... she suspects the girl of something.
Marahil ay galing sa sindikato o alagad ni Mocco, ginamit para pasundan siya. Hindi siya sigurado, pero hindi niya maiwasang isipin iyon, marahil ay biktima lang rin ang babaeng ito. Despite of her innocence, he still doesn't like her.
Kumunot ang noo niya nang mag-ring ang cellphone niya.
Galing ito kay Aling Cecile.
"Sebastian!" ika nito nang sagutin niya ang tawag.
"What's happening?" tanong niya.
"Nako, Mama. Kawawa talaga ang bata!" Dinig niya pang sabi ni Precila..
"Naaalala mo ba ang bata na nasa tapat ng karinderya namin kahapon? Ang sabi ni Precila ay kilala mo ang magandang babae na kasama ng batang iyon kahapon."
"What about him?" tanong niya pa.
"Nabangga ang bata matapos magnakaw!" Natataranta pa nitong sinabi. "Tingin ko ay wala ng magulang ang batang iyon, gaya ng sabi-sabi. Nasa presinto ang bata at walang mag-aasikaso, baka may pilay pa iyon! Ang naisip lamang namin ay ang magandang babae na kasama ng bata para mag-asikaso."
Tinignan niya ang loob ng coffee shop.
Abala sa pakikipagusap si Faith sa isang estranghero.
"Okay, we'll be there in a minute."
Sinamahan niya ito sa pupuntahan. Tila hindi rin naman ito nagtagal at paglabas galing sa coffee shop matapos makipagusap sa lalaki, na hindi niya na makita ay tila may itinatago ito sa likuran nito, ngunit nang silipin naman niya ay wala naman itong hawak.
Now they are on her motorcycle while he's driving.
Hindi niya pa nasasabi dahil hindi niya rin naman alam kung ano ang magiging reaksiyon nito.
Sa wakas ay nakarating din sila sa karinderya. Malambot ang puso ni Aling Cecile kaya naman ganitong ganito ito mag-alala at kitang-kita sa anyo. Kasunod naman nito si Precila na maldita man ay hindi naman ganoon kasama para mawalan ng pakialam.
"Mabuti at narito na kayo. Malapit lang ang presinto rito." Nilapitan ni Aling Cecile si Faith. "Ang kaibigan mo, hija... nagnakaw at nahuli ng mga pulis."
Nanatili ang pagkakatitig nito kay Aling Cecile, tila hindi pa nauunawaan ang sinasabi nito.
"Lili," he said. "He was accused of stealing."
"Lili?" Nagtubig ang mata nito. "Ano po ang nangyari kay Lili...?"
"Nabangga si Lili nang habulin ng mga pulis. Nagnakaw raw ang bata, iyon ang bintang ng Ale na nagtitinda ng ihaw diyan sa tapat namin."
"Nagnakaw?" Nagbaba ng paningin si Faith. "Hindi iyon... gagawin ni Lili."
"Mabuti pa Sebastian ay pumunta na kayo sa presinto." Hinimas pa ni Aling Cecile ang palad ni Faith para pakalmahin.
Kaagad niya namang pinabalik sa pagkakasakay si Faith.
Nang makarating sila sa tapat ng presinto, nagmamadaling bumaba si Faith para hanapin si Lili. Mabuti na lang at nahabol niya ito at napigilan para pangunahan siya.
"Peyt!"
Sabay silang napalingon sa boses na iyon.
Umiiyak si Lili katabi ang pulis na nag-iimbestiga.
"Kayo ho ba ang magulang ng bata?"
Umiling silang dalawa.
"Ang sabi ng batang ito ay nakulong rin ang tatay niya sa pagnanakaw, kaya hindi malabo na magnanakaw rin ito."
"Hindi ko po iyon gagawin, mamang pulis! Napagbintangan lang po ako! Hindi ho ako magnanakaw!" dipensa naman ni Lili sa sarili.
Pinanood niya ang paghangos at paglapit ni Faith kay Lili. Lumuhod ito sa tabi ng bata, hinawakan ang dalawang kamay.
"Mamang pulis, hindi po iyon magagawa ni Lili!"
Nag-iwas siya ng paningin nang makitang maging emosiyonal si Faith.
"Aba, Ineng. Paano ka nakakasigurado? Kilala mo ba talaga ang batang iyan?" tanong ng pulis. Nakaupo ito sa lamesa habang si Lili naman ay nakaupo sa harapan nito, pinapagitnaan ang dalawa ng lamesa at computer ng pulis. "Kailan ba kayo nagkakilala ng batang ito? E mukhang dugyot ito at ikaw hindi? Kaya hindi ako maniniwala kung sasabihin mong magkaano ano kayo miski magkaibigan-"
"Excuse me," hindi niya na napigilan ang hindi sumabat.
Bigla namang ngumiti ang pulis sa kaniya.
"Yes, Sir?"
"Magkano," walang habas niyang itinanong.
"Sir?" taka nitong tanong.
"Araw-araw kong nakikita ang batang iyan. He has a name; don't call him such names as that, Sir." Pinilit niya pa ring maging magalang sa kabila ng mapang-insulto nitong sinabi. "I am sure that he won't steal from anyone. Check the CCTV's in that area."
CONSTANTINE EXCUSED HIMSELF from the class. Hindi siya papasok ngayon, he'll meet with Faith. Of course... she won't let her know about him. Hindi pa. Hindi siya puwedeng layuan nito sa oras na malaman nito.
Yes. He is the guy that Faith met on the Coffee shop.
He fabricated some documents for Faith, para magamit nito sa lupa at masundan si Sebastian and... for him to took an eye to that angel also.
That innocent angel...
He vanished after they talked, but little did the angel know that he's watching by the post. Until he saw them ride on Sebastian's motorcycle as they vanished on his vision.
"Oh my gosh!" Naagaw ng boses na iyon ang atensiyon niya. "Ouch..."
Mula sa tapat niya lamang ay halos mapaupo na ang isang babae.
And the girl was familiar to him...
Mina?
He just saw her earlier.
Mukhang napilayan ito. Why is she wearing high heels for school days anyways? At bakit ito nasa kalsada imbis sa loob ng kanilang campus?
Napabuntong-hininga siya bago niya ito nilapitan, tila namimilipit sa sakit.
"Are you okay?" he asked.
Lumuhod siya at hinawakan ang kanang paa ni Mina.
She was flustered for a moment, maybe when she realized that he is familiar kaya kumalma ito.
"I think... nagka-cramps ako."
Nagtagal ang titig niya sa paa nito.
"Saan ka ba pupunta?" tanong niya.
"May inilakad lang ako, but now I needed to go back in our campus, may quiz ako e... hindi ko rin dala ang car ko. Nasira last time, e."
"I see..."
"You see?"
Nagulat siya sa sarili niyang sagot.
"I mean, you should ride on my back. Ihahatid kita sa campus, malapit lang ang car ko."
Mina was speechless. Maybe she finds him weird. Dahil hindi naman talaga siya ganito, kadalasan ay wala siyang pakialam.
"I c-can... take care of myself na-"
"It won't take a moment. You'll be late for your quiz."
Wala ring nagawa si Mina at sumakay na rin sa likuran niya.
Hindi niya alam kung bakit nanlalambot siya. They were too close, he could also feel that Mina is uncomfortable, but despite of that, she still hold him tightly, takot mahulog.
Napangisi siya sa naisip.
"Mahirap ba ang quiz niyo?" Habang naglalakad ay itinanong niya, para lang hindi maging awkward.
"H-hindi naman."
He saw their reflection on a*****e.
Short hair really suits her.
"Good luck for your quiz," he said.
"T-thanks..."
Huminga siya nang malalim, nag-iisip ng sasabihin.
"So... ano ang inilakad mo?" he asked.
Natagalan bago sumagot si Mina. "Uhm... I bought a gift for someone."
Tumango siya. Mula sa puwesto nila ay natatanaw niya na ang kotse niya.
"For who?" tanong niyang muli.
"For... Kit..."
"Kit?" He knows him. "The basketball player?"
"Oo, birthday niya kasi. Mamaya."
Nagkibit-balikat siya. Hindi ba't kagagaling lang ni Mina sa party ng kaibigan niyang si Jia? So she's scheduled for another birthday party for tonight?
"I didn't know you’re close with him," biro niya.
"What?" Natawa pa ito. "Actually he is my suitor... It's weird to know, na ang mayabang na basketball player pala na 'yon ang secret admirer ko since first year."
After Mina said that... he felt like a cold air touched his heart.