[17] Secret Admirers and Plan

2069 Words
MINA COULD REALLY FELT HER HEARTBEAT while Constantine carries her at his back. Kasalanan ito ng pagiging makakalimutin niya. Masiyado kasi siyang abala sa pag-aaral. Isa pa, kagabi lang ay kagagaling niya lang rin sa isang party. He told him that Kit now courts her. Hindi niya rin alam kung bakit bigla niya na lang nasabi iyon. Hindi naman kasi talaga siya madaldal. Kanina niya lang pinayagan na manligaw si Kit, kaya naman kanina niya lang rin naalala na birthday nito. Sa tinagal-tagal nito siyang inalagaan nang patago, as her secret admirer, this is the least thing she could do; to buy him a gift. She was in the lockers that time, when Kit approached her. Abala siya sa pagkuha ng mga libro na gagamitin niya para sa second class nang makakita ng pamilyar na papel. Tila lumundag ang puso niya sa saya. This kind of paper was her secret admirer used! “Oh… you saw my letter na pala?” Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni Kit sa likuran niya. Kit is a basketball player in their campus. He looks really manly, moreno at matangkad. She always sees him smiling at her tuwing magsasalubong ang paningin nila sa campus, may mga times din na nagkakausap at nagkaka-interact sila, pero hindi masiyado. At hindi siya makapaniwala ngayon na ito pala ang secret admirer niya since first year college. “Here, I baked it.” Inabot nito sa kaniya ang kilay pink na box. Sa amoy pa lang niyon, alam niya nang pastries iyon. Uso kasi sa kanila ang mga lalaking nagbibigay ng pastries sa mga babaeng nililigawan, girlfriend o gusto nila. Hindi niya alam kung paano magre-react. Ang weird lang kasi, ang nararamdaman niya tuwing nagbibigay ng letters at gifts ang secret admirer niya ng patago ay hindi niya nararamdaman ngayong nasa harapan niya na ito. Maybe because she least expected him to be her secret admirer. All along she thought that someone who’s behind those gifts and letters is an unknown, estudyanteng hindi niya pa nakakausap at nakakasalamuha, kagaya na lang ni Constantine. They always crossed-path, pero ni hindi man lang siya nililingon at nginingitian man lang nito, kausapin pa kaya? He is popular among girls, dahil guwapo na ay magaling pa sa acads, ewan niya ba kung bakit type na type ng karamihan ang mga masusungit. Mabuti pa ang secret admirer niya, sweet. Kaya nga siguro naiilang siya ngayon na pasan siya nito. Mas nakakailang pa dahil kinakausap siya nito. Akala mo, hindi suplado. And why does he seem so curious? Sa wakas ay ibinaba rin siya nito at inakay papasok sa kotse. Constantine is too mysterious. Ni family background nga nito ay hindi alam ng mga ka-eskuwela. Samantalang ang mga social climbers sa kanila, walang ginawa kundi ipagyabang kung saang angkan nagmula, kung ano ang family business at kung black card ba ang gamit na panggastos sa lahat ng expenses. Lumunok siya bago mapagpasiyahang magsalita matapos i-start ni Constantine ang makina. “You took up architecture, ‘no?” simula niya. Kinabahan siya ng walang dahilan nang magtama ang paningin nila ni Constantine mula sa salamin ng kotse nito sa harapan. Base on his stare it seems like he’s wondering on how she knew about his course. Who wouldn’t know when he is so popular? Kahit saan ay bukambibig ito ng mga estudyante sa campus. “Sa debate na sinalihan mo last year… you compete with Malik noon, right? An architecture student laban sa engineering student, I forgot about the topic for the debate but I am sure it’s about your course." Tumango lang si Constantine sa kaniya. "So... why did you take up architecture nga? Does your family own real states or firm?" Sinadya niyang hindi siya magtunog umuusyoso lamang, baka kasi hindi siya sagutin. "Why do you wanna know?" Natikom niya ang labi niya nang tanungin siya nito. So she's still obvious? Or Constantine is just really cautious? "Kasi si Kit, architecture rin. Curious lang ako... sa mga ginagawa ng archi students." Muling nagtama ang paningin nila sa salamin, ngunit mabilis siyang nag-iwas ng paningin. "I don't own a firm or a real state." Hindi siya makapaniwalang sinagot siya nito. "I took up architecture for my personal interest." "So you mean... gusto mong ikaw ang magsimula ng legacy ng family mo?" tanong niya pa. Mas lalo siyang ginanahan na magtanong. That's amazing, that Constantine has his own path, that he is independent when it comes to his choices. Iba talaga kapag ganito mag-isip ang lalaki. How do those girls calls it? Turn-on? "Alam mo, everyone's curious about you," sabi niya pa. "What about you?" "H-ha?" Nautal siya nang diretsahan sa kaniyang itanong iyon. "What about you?" Inulit lang nito ang sinabi kanina. Like, wow. Hindi siya makapaniwalang hindi pala talaga ito mahiyain, talagang tahimik lang at na-misinterpret niya iyon, just because he’s quiet. "H-hindi, ah. Hindi naman sa interesado-" "I mean, why did you choose your course?" Natigilan siya nang dahil roon. Hindi siya makapaniwalang mali siya ng pagkakaintindi at mali pa ang isinagot niya. She sounded defensive! Too defensive! Bakit naman kasi ang iksi nito magsalita? Na-misinterpret niya tuloy! "A-ah... Iyon ba? Maybe because we have business and I am the only heiress?" Tumango ito. Naroon pa ang bakas ng ngisi marahil ay pinagtatawanan na siya nito sa isip. Nakakahiya! "Almost all of the guys in our campus like you. Good thing, you can still focus on your studies and you just accept a suitor? Hindi pa noon?" Muli niyang naalala ang kaniyang secret admirer. She waited for so long and now he finally introduced himself and his name is Kit! "I waited for him to show up, e." "For him?" mahina ang pagkakatanong nito. "My secret admirer..." Humina ang boses niya. She can't tell why she's starting to lose her certainty about that. "By the way, thanks for the ride," sabi niya nang mapansing malapit na sila sa gate. "Nice meeting you, future archi." MARAHAS SIYANG HUMINGA matapos siyang lagpasan ni Emerald. Look. He doesn't know why he feels really mad when he saw other guy touching and forcing her. What a jerk. Sigurado rin naman siyang hindi nito seseryosohin ang kagaya ni Emerald. They, these rich guys in their campus just want someone to toy, someone challenging. Bagot na siguro sa mga maarte at bratinelang mayayamang babae sa campus. Hindi siya nagkalakas ng loob na sundan ito dahil sa paraan nang pagkakatingin nito sa kaniya bago ito umalis. "Damn it!" He cussed. He hates how she looked at her with disappointment. He hates how he saw the pain in her eyes because of what he said, nasaktan niya ito. Masiyado siyang palpak. Sumilong siya sa puno malapit sa open field nang mag-ring ang cellphone niya. He knew it, hindi siya matitiis ni Conteza, tatawag rin ito sa kaniya. "Hello?" he said. "Napag-isipan mo na ba?" Napabuntong-hinga siya. This is about that interview again? "I told you, even if I die, I won't do it." "Would you still reject the schedule once you find out that accepting the interview could bring you a big project?" Big project? Hindi siya nakapagsalita kaagad. Every actor or actresses wants big projects. Sino ang aayaw? "See?" his secretary said. "Sabi ko na, project lang ang katapat mo. It's not that I planned this, ha. Ngayon ko lang talaga nalaman na once tinanggap mo ang interview, kukunin ka nila as a star sa isang film. Genre? Rom-com." Umawang ang labi niya. Sikat ang rom-com ngayon. Kung magiging maganda ang script, hindi na siya magda dalawang-isip. "Tell me before this day end, about your decision, Javin. Told you. Kapag big network, win-win." Malalim ang pagbuntong-hinga niya nang ibaba niya ang tawag. This is career which they are talking about, money will just come second. But... what if they saw each other on the network? Her name is big right now, there's much possibility for her to be present in the network. Wish she would see what he is right now. Kaniya-kaniyang ambisyon lamang, ganoon naman ang ginawa nito sa kaniya, inuna ang ambisyon kaysa sa kaniya. And there's no wrong for him to pursue his own ambition. Kahit pa, nagkasundo sila na 'wag nang magkita. Kahit pa hiniling nito sa kaniya na 'wag magkrus ang landas nila. NAKAUWI RIN NAMAN KAAGAD si Lili, matapos niyang bayaran ang danyos. Maliit na halaga lamang naman. Sebastian isn't sympathetic. Hindi niya lang maintindihan kung bakit tila may bumubulong sa kaniya na kumilos. Now they are walking away the police station. Lili is still crying, maybe because of fear and the trauma that the child felt when no one's on his side. He's hugging Faith and she won't let go of Lili also. Nahinto siya sa paglalakad kasunod nang dalawa nang mag-vibrate ang phone niya. Someone sent him a message. And of course, it's his girlfriend. Gladys: Don't forget about the dinner. Huwag mo akong ipapahiya sa harap ng mga magulang ko mamaya. Muli niyang ibinulsa ang kaniyang cellphone. There's no point to answer her message. Hindi niya rin naman hawak kung ano ang mangyayari mamaya. All of his actions would be depended on how the people around him would act. Lalong lalo na ang tatay niya. SUMAMA ANG MUKHA NI GLADYS nang madinig ang balita mula sa inutos niya kay Emerald. Talagang iniinis siya nito. He's really born to be a jerk, huh? "Nagpakita lang raw si Sebastian kanina at umalis rin kaagad." Hindi siya makagalaw at makapag-react sa inis. Ang hawak niyang papel ay nalukot niya pa. "Yadys..." ramdam niya ang pag-aalala ni Breena, because of course magiging masama ang mood niya hanggang sa matapos ang araw. Sebastian just ditched her. Buong akala niya ay kahit papaano, magsasabay sila para sa lunch, but he just left after stepping foot in the campus. She can't believe him. The day ended. Umuwi siya kaagad to prepare for dinner. Ang balita sa kaniya ng mayordoma nila ay kanina pa naghahanda ang mga katulong at uuwi na rin kaagad ang parents niya. Hindi na naman ito ang unang beses na magdi-dinner ang pamilya niya at pamilya ni Sebastian nang magkasama. She composed a message for him also to make sure that he’ll go. She can’t deny that her Mom and Dad doesn’t like Sebastian, ang pinanghahawakan lang ng mga ito ay ang yaman ng pamilya ni Sebastian. Isa pa, masiyado siyang mahal ng Daddy niya para tutulan sa mga bagay na gusto niya. Hindi niya nga lang alam kung hanggang saan aabot ang pasensiya ng Daddy niya sa kaniya. She’s on the middle of putting on her jewelries after putting some make up when she received a message from Sebastian. Bakit ngayon lang nag-reply? Naiinis niyang inabot ang cellphone niya para basahin kung ano iyon. Sebastian: I won’t embarrass you, but don’t regret on inviting me over. Naningkit ang mata niya sa inis. Is he planning something? Is he threatening her?! “Ma’am...” Mula sa pintuan ng kaniyang kuwarto ay sumilip ang isa sa kanilang helpers. “What?” tanong niya. “Hinihintay na po kayo sa baba nila Ma’am at Sir. Limang minuto na lang raw ay darating na ang mga Villa Leonor.” Sumunod na rin siya kaagad matapos marinig iyon. She really prepared for this. Siya ang nakiusap sa parents niya para rito, para sa dinner na ito. Her parents even emptied their schedules for this, sa oras na ipahiya siya ni Sebastian, hinding-hindi na nito makikita ang pinaka mamahal nito. Nahinto siya mula sa paglabas nang makita ang paglabas ng tawag sa kaniyang cellphone. “Miss Ming…” Naroon ang pag-aalala sa boses nito. “What? Don’t you know that I am busy right now?” “But, Miss. Kailangang malaman niyo kaagad ito.” Napabuntong-hininga pa ang nasa kabilang linya. “Balak niyang bumalik sa Pilipinas…” Inis siyang nag-iwas nang paningin. “What?!” “Base sa narinig at nakalap ko kanina, nagbabalak siyang bumalik sa Pilipinas.” What the hell? Akala niya ba ay wala na itong balak na tumapak sa Pilipinas? Ngayon naman ay biglang naisipang bumalik? She can’t just go back here! “How long?” she doesn’t know what to think first right now. “Bago matapos ang school year, Miss Ming.” Bumilis ang kaniyang paghinga, naghahalo-halo ang nararamdaman niya. Hindi ito puwedeng basta-basta na lamang bumalik. She will ruin everything if she will… All the hard work that she put into.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD