bc

Mr. Nuknukan Saga - Ulric (Imagen)

book_age16+
694
FOLLOW
2.4K
READ
age gap
opposites attract
bitch
independent
bxg
humorous
realistic earth
childhood crush
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Ulric Ricafort.......mayaman......gwapo.......green eyes.....blond. Saan ka pa?! Having him is the spoiled Pauleen Villegas' biggest goal in life.

Ano ang mangyayari kapag nagsama ang makulit na blond at ang spoiled brat?

chap-preview
Free preview
Prologue
Happy?  Oo as in sobrang happy ako ngayon!  I cannot believe that I married the man of my dreams!  Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.  He is buying fruit juice for me. Aking akin ka na Mr. Ricafort! Hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin.  Kinagat ko ang hawak kong stuff toy na bili niya sa akin after ng mabilisang kasal namin dito sa Vegas at impit na tumili. "Uy!" gulat na napatalon ako sa kinatatayuan ko.  He is holding a cup of juice.  "What are you doing?  Are you mental?" natatawang tanong niya sa akin. Dios mio!  Don't look at me like that at baka matuluyan akong dalhin sa mental! "You're crazy!" umiling iling siya at naunang maglakad.  "Hey wife!  Why are you still standing there?" tanong niya sa akin dahil hindi pa rin ako gumagalaw at ngumiti!  Nanlaki ang mata ko. W-wife?!  Did he just call me WIFE?! He rides his car.  Tumayo lang ako sa labas ng kotse.  Kunot noong napatingin siya sa akin. "Aren't you going to ride?" inangat niya ang shades na suot.  And I saw the most beautiful green in the world.....his eyes!  "Don't tell me that you are waiting for me to open the door?" tumaas ang kilay niya. Di ko maiwasang sumimangot.  Pagkatapos akong tawaging wife, inginudngod naman ako bigla!  Pinakita ko talaga sa kanyang naiinis ako sa kanya.   "Kinikilig na sana ako eh!" bulong ko sabay sipsip sa straw ng juice. "What did you say?" inirapan ko siya.  Ipinagpatuloy niya pagda-drive nang hindi ako nagsalita. "Where are we going now?" tanong ko sa kanya.   "We are going home," ayun na naman!  Kinilig na naman ang dulo ng buhok ko hanggang sa dulo ng kuko ko!   "Home?  As in sa bahay mo?" bakit ganun?  Sobra sobra ang kilig na nararamdaman ko!  Di ko na kakantahin ngayon ang Pangarap ka na lang ba dahil aking akin na siya!  "Of course!  We are married so technically, we should stay in one house.  Isa pa, I want to see our baby grow," nakangiti siya.  Nahaplos ko ang tiyan ko na pipis na pipis at napalunok ako. Ulric........walang baby.  Gagawa pa lang tayo......gagahasain pa kita. Nakagat ko ang labi ko at mariing ipinikit ang mata ko.   "Hey!  Anything wrong?  May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.  Dumilat ako at tumingin sa kanya bago ngumiti at umiling. "Wala.  Inaantok lang ako.  Pero yung mga gamit ko sa dorm......." pinaandar niya ulit ang kotse. "I can buy new stuff for you," umiling ako.  "You don't need to.  Okay naman yung mga gamit ko.  I still need those things," bumuntong hininga siya at tumango. "Okay.  We will take those tomorrow.  For now, I want you to take a rest.  Baka masyado kayong napagod ni Baby, eh," nakangiti siya.  Parang sobrang saya niya.  I know, not because we got married but to the idea that we are going to have a baby. "I will leave you for three to four hours," kumunot ang noo ko.  "I moved my photoshoot schedule this morning for our wedding.  Sorry kung madalian ha.  I will make it grand once you give birth," nakagat ko na naman ang labi ko. Ulric.......intact pa ang hymen ko, eh.  Malayong magka-baby ang sinapupunan ko! "Then after my commitment, in two to three days time, we are flying home.  Kailangan na nilang malaman ang tungkol sa atin," bigla akong kinabahan doon.  Malay ko ba naman kasing hahaltakin na ako nito kaagad para magpakasal! Hindi pa ako handang sabihin sa parents ko na nag-asawa na ako!  Madidisappoint sila sa akin......lalo na ang Kuya kong mainitin ang ulo! "Eh........wag na lang kaya muna?" kumunot ang noo niya.  "I'm not yet ready yet,eh." "Not ready?  When you will be?  Kapag manganganak ka na?  Hindi pwede!  I want to tell them.....and the whole world na magkaka-baby na tayo!" lalo akong kinabahan.   Patay kang Pauleen ka!  Kailangang mag-isip ka ng mabilis! "Aaahhh......Ulric.....pwede bang family lang muna natin ang makaalam?" kumunot na naman ang noo niya.  "Kasi....you see.......you are famous.  Kapag nalaman ng tao na buntis ako, baka magdagsaan ang mga reporters sa bahay.......sundan sundan ako.  Ayaw mo naman sigurong ma-stress ako, di ba?"  Tumango tango siya.  "Sabagay, you are right.  Okay.  Siguro, I will extend it till Bea and Lex.  You know that they are our family as well, right?" tumango ako.  "Well then, it is settled.  Mamaya, magpapa-book na ako," inihimpil niya ang sasakyan. Inalalayan niya akong makababa. Hahakbang na sana ako ng pigilan niya ako. "Stay where you are!" nagtatakang napatingin ako sa kanya.  "I want to do the tradition," napatili ako ng bigla niya akong buhatin! Bakla kang Pauleen ka!!!! Ano bang nagawa mo at sobra kang pinagpapala ng langit?! "This is a must, wife!" at nakangiting humakbang siya papasok sa elevator.  When we reached the floor where his flat is, instead of the key, he scanned his finger to open the door. Tumaas ang kilay ko.  Astig! Ibinaba niya ako pagkapasok ng bahay.  "Ang bigat mo, Pau!  Sabagay, dalawa naman kayo," he stretched his arms.  Napasimangot ako at pasalampak akong naupo sa couch. "Pauleen!  The baby!" nanlalaki ang matang tinignan niya ako.   Ngani nganing kaltukan ko ang sarili ko.  "Sorry," sabay hawak sa tiyan ko.  "I'm still not used to it."  He smiles at me and he seated at the center table.  "Be careful, okay.  Ayokong may mangyaring masama sa inyo ni Baby," hinaplos niya ang mukha ko. Tumango ako.  Tumingin siya sa wristwatch. "I really have to go, wife.  Di ko na pwedeng i-move pa ang schedule.  Maraming pagkain sa ref.  If you don't want to cook, order something," hinugot niya ang wallet at kinuha lahat ng dollar bills.  Inilagay niya iyon sa kamay ko. "I will arrange for an extension card for you soon. Bye bye," humalik siya sa pisngi ko at mabilis na lumabas ng pinto para bumalik din agad. "I forgot to give you these keys," inilapag niya ang susi sa ibabaw ng lamesa.  "We can use finger scan or key on the door.  Since your fingers are not yet programmed in there, use the key," hinalikan niya ako bigla sa tiyan.  "Bye Baby.  Be good to Mommy, okay?" humalik ulit sa pisngi ko at isinara ang pintuan. Natampal ko ang noo ko at ibinagsak ang sarili pahiga sa couch. Do something Pauleen bago pa malaman ni Ulric ang totoo! I need the help of the Wonder Girls! Agad kong kinuha ang mobile ko at nag-conference video call ako sa dalawa.   "Girls, I'm in big trouble!" pasimula ko sa kanila. "Ano na naman yang kalokohan mo, Pauleen?" tanong sa akin ni Raema na abala sa paglilinis ng kuko. "Don't tell me.......naubos mo ang laman ng credit card ng kuya mo?" si Kendra, abala sa pagkain ng ice cream. Umiling ako.  "Worst than that!" alam ko, kalokohan talaga ang pumasok sa utak ko pero I'm really desperate na kasi! "How worst is worst?" sige pa rin sa pagkain ng ice cream ang namimintog na si Kendra.  She doesn't care kung bumibilog na siya.  Palibhasa, nagmumukmok dahil sawi sa pag-ibig. "Nagawa ko na kasi yung plano," kinagat ko ang labi ko.  Pareho silang napakunot ng noo. "Anong plano?" I can see their troubled faces.  Alam kong alam nila ang sinasabi ko. "Is this all about Ulric?" tanong sa akin ni Raema na itinigil ang paglilinis ng kuko. Tumango ako.   "Syete naman, Pau!  Ang tigas talaga ng ulo mo!  Bakit itinuloy mo pa rin?!" buti na lang, malayo ako sa kanilang dalawa kundi malamang, kalbo na ako ngayon. Kendra is in Australia while Raema is in Philippines.  Halos dalawang buwan na nung huli kaming magsama samang tatlo at gawan ng bonggang kasalanan si Ulric...... We set him up....... Nakita ko ang inis sa mukha nilang dalawa.  Sobrang pinagsisihan kasi nila ang pangungunsinti nila sa akin para makuha ko si Ulric. "And I'm.........we are already married," sabay pakita ko ng suot suot kong singsing. "What?!" kung pwede lang na mag-teleport ang dalawa makarating lang sa kinauupuan ko ngayon, ginawa na nila.  Kulang na lang ingudngud nila ang mga mukha sa monitor ng  mga smartphones nila eh. "Don't go anywhere, Pau!  Pupuntahan kita agad agad diyan!  Magkita tayo in three days! Lagot na lagot ka talaga sa akin!" sabi ni Kendra na nanlalaki ang mata sa akin sa screen. "Hindi biro yang pinasok mo, Pauleen!  Ayusin mo yan ngayon din at kung hindi, kami mismo ang magsasabi kay Ulric!" banta sa akin ni Raema. Just a mere thought of Ulric knowing the truth made me shiver.  I don't want to see him angry.  Bigla akong napailing. "Please don't do that, guys......you know how much I want him........love him," takot kong sabi sa kanila. "Love him?!  My ass!" napapikit ako.  Galit si Kendra.   "For you, Ulric is like a gem that you want to have all your life but your heart.......I doubt it!  You are a spoiled brat, Pauleen!  Palibhasa, pinalaki ka ng parents mo na sunod ang lahat ng gusto mo kaya pati tao, pinaglalaruan mo ang buhay!"  Nangingilid na ang luha ko.   I have never seen my friends this angry.   "But guys.....you know that Ulric is the only man that I want," pinunasan ko ang luha kong tumulo na lang.   "I'm so disappointed in you, Pau," napapailing si Raema.  "Hindi ko alam na aabot ka sa ganito.  I thought......matitigil ka na doon sa ginawa nating set-up sa kanya, pero hindi.  Pinalala mo pa!" "I will book a flight this instance!  We need to talk to you face to face," I see the coldness in Kendra's eyes.   "We will be in Manila in three days' time......doon na lang tayo magkita," nakita kong lalo silang nagpanic.  "Yes, he wants to tell my parents about our marriage.......and my pregnancy," kinagat ko ang labi ko. "Pregnancy?!" sigaw nila pareho sa akin.  Tumango ako. "Let's end this discussion right now, girls," umiiling iling si Kendra.  "Hindi ko kinakaya ito!  Baka bago tayo magkita, patay na ako sa takot dahil involved ako dito!" I know, they are both scared as I am right now. Once my family gets involved in this.......dadami ang pagsisinungalingan ko. They ended the call.  Nahiga ako sa couch at pumikit.  I feel so alone right now and I cannot blame my friends for acting that way.... I am Pauleen Villegas.  The spoiled brat.  At the age of 20, wala pa rin akong natatapos na kurso unlike the two of them, parehong magaganda na ang mga trabaho.  I love partying......flirting with men....... Pero si Ulric lang ang ginusto ko ng sobra.  Hindi ko pa man din siya nakikilala ng personal, sobra na ang paghanga ko sa kanya.  My grandmother and mother love his works.......as well as I am.  I know before that it is impossible to have him because of his popularity but when I learned that he is a friend of my brother......it changed everything.........I want to have him........in any way that I can. But as what my friends said........is my heart really involved in this?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Wife (R-18)

read
339.1K
bc

My Husband's Mistress

read
298.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Ex-wife

read
211.9K
bc

Unwanted

read
512.3K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

His Cheating Heart

read
41.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook