Meeting Mr. Blond

3811 Words
"Pau! Ano na naman yang tinitignan mo? " hindi ko pinansin si Raema, one of my best friends. "For sure, yung mga kinunan na naman na picture ni Ulric Ricafort," hindi ko rin pinansin si Kendra, another best friend of mine. Actually, silang dalawa lang naman talaga ang maituturing kong friends talaga. Kasi since kids, kami na talaga ang magkakaibigan. Kung baga walang iwanan. Maya maya, halos di ko na makita ang magazine na binabasa ko dahil halos iduldol na nilang dalawa ang mukha nila doon! "Naman eh!" sigaw ko na may dabog pa ng paa. Nagulat sila kaya napaatras pareho. "Kakainis talaga kayong dalawa!" tinalikuran ko sila at itinuloy ko ang pagtingin sa mga picture na naroroon. Bigla akong kinilig. Kahit kasi di ko alam ang itsura niya, sobrang crush na crush ko siya. "Hay naku Pau, di namin maintindihan kung paano ka nagka-crush diyan eh hindi mo pa nga nakikita ang kahit picture niya," inirapan ko si Kendra. "Di naman siguro enough yung nagandahan ka sa mga naka-kwadro sa bahay nyo na kuha niya di ba?" sabi naman ni Raema. Napangiti ako. Yes, we have collections of his shots. Gandang ganda kasi si Mommy at si Lola sa mga kuha niya. Nagulat ako nang may biglang humablot ng binabasa kong magazine. Galit kong tinignan si Jaycee ang numero uno kong kakompetensya sa lahat ng bagay. "Give that back to me Jaycee," tinignan ko siya ng masama. "What if I don't want? Isa pa, what the heck are you looking at?! Pagkakaalam ko, patay na patay ka daw sa photographer na ito! Ang cheap!" sabay hagis pabalik sa akin ng magazine. Nagputok ang butse ko. "Hoy, ikaw ang chipipay! Didn't you know that Ulric is one of the highest-paid photographers in the entire world? Hindi ka basta basta magiging subject niya kung hindi ka niya gusto!" tumaas ang kilay niya. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. "E ikaw, sino ang crush mo? Yung rocker wanna be na di naman marunong kumanta!" Namula ang mukha nito. Alam niya kung sino ang tinutukoy ko. Big secret iyon sa school. Nagkataon lang na narinig namin silang magbabarkada na pinag-uusapan ang crush na crush niyang rocker. Ilang taon din ang tanda noon sa amin at sa pagkakaalam ko, he's into drugs. Kapitbahay yata iyon nina Jaycee kaya maloka loka itong bruhang ito. Lumikot ang mata niya at tumingin sa paligid. "I don't know what you are talking about! Come on girls!" sabay alis pagkatapos kaming irapan. Natatawang nag-apiran kaming tatlo. "Ehem!" gulat kaming napatingin sa kung sino man iyon. Si Ms. Bea pala. Nakalahad ang kamay. Bigla kong naitago ang hawak kong magazine sa likod ko. "Don't ask me what ladies. You know what I want," tumingin siya sa itinatago ko. "Eh Ms. Bea......" nagmamakaawang tinignan ko siya. "It's against school premises Pauleen and you know that!" she's our class adviser. Matagal din siyang niligawan ng kuya ko kaya naging close din kami pati yung bibong bibo niyang anak.  I love and treated her as my sister but she got married to her child's father.  Pero kahit na ganoon, hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya.  My brother is still in love with her kahit na alam niyang may asawa na ito that is why I am hoping that he can find his match soon. Halos maiyak ako nang iabot ko sa kanya iyon. Masamang masama ang loob ko. "Take this before you leave. Basta ayoko na sanang maulit pa ito, am I clear?" nakataas ang kilay niya. "Yes M'am," sabay sabay naming sagot. Sinundan ko pa talaga ng tingin si Ms. Bea. Nakita kong inipit niya iyon sa isang librong bitbit nya. "Ikaw naman kasi e. Di mo mapigilan ang sarili mo. Marami ka namang oras sa bahay, "paninisi sa akin ni Raema. "It is just that I can't stop myself.  You know.....di ko pa nga siya nakikita, ganito na ako. What more kung makilala ko pa siya?" naupo ako sa naroong bench. May half an hour pa bago ang next subject namin. "Baka maging stalker ka na nyan!" may hinalungkat mula sa bag niya si Kendra at inilabas ang lollipop. Binigyan niya kami ni Raema. "For sure, matanda na yan," tinignan ko ng masama si Raema. "Excuse me! He's the same age as my brother kaya hindi pa siya matanda, no!" pinanlakihan ko silang dalawa na parang diring diri sa sinabi ko! "Kung makaarte kayo......alam ko namang crush nyo ang Kuya ko!" iningusan ko sila.  "Di ko na kayo papupuntahin sa bahay para sumilay, sige kayo." Para namang mga kuting na nagdikitan sa akin.   May pahimas himas pang nalalaman! "Ikaw naman, o, di na mabiro," nilaro laro pa ni Raema ang buhok ko. "Kaya nga. Ganda mo kasi kahit naiinis, e," napansin ko pa ang pagkindat ni Kendra sa lukaret.  "Basta, peace na tayo, ha?" I rolled my eyes.  Kahit naman malalakas mang-asar ang dalawang ito, sila talaga ang best friends ko. "Ano pa nga ba?" binuksan ko ang hawak kong libro.  "Group study tayo sa bahay mamaya.  Uuwi si Kuya," lagi kasing itinatawag sa akin ni Kuya kung uuwi siya.  Madalas, sa hotel na siya natutulog. And because of that, lalong parang naging maamong kuting ang dalawa sa akin. Hindi naman ako katalinuhan katulad ng Kuya ko.  May konting laman lang ang utak kaso tamad na tamad akong gamitin. I'm the usual spoiled girl.  Knowing that I can live without working due to my parents' wealth, I'm not striving that much.  And my big brother, though lagi akong pinagsasabihan at hindi ako kinukunsinti katulad ng ginagawa ng parents ko, alam ko namang hindi ako matitiis nun.   Naisip ko na naman si Ulric.  Ano kaya talaga ang itsura noon?  Kahit kasi anong gawin ko, wala akong makitang pictures niya.  Kahit nga i-search ko sa Google, wala talaga.  Wala ring twitter, f*******: at i********:.  Parang ang boring lang ng life niya. But once you meet me, wala nang boring moments sa buhay mo, Mr. Ricafort! ~~//~~ Halos maputol ang leeg ko sa paglingon ng marinig ko ang usapan ng parents ko at ni Kuya.  May narinig kasi akong pangalan na pinag-uusapan nila. Ulric?! As confirmation, my brother mentioned again his name.  Parang lahat ng balahibo ko, nagtaasan!  Naging parang anteena bigla! "If you are not flying the day after tomorrow, I will take you in his exhibit, Mama.  Si Lola naman, she's living in the States to invite her there," sumubo siya ng pagkain. Shet!  Totoo ba ito?!  May exhibit si Ulric Ricafort dito as in for real?! "Kuya!" hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na makisabat.  Kunot ang noong tumingin siya sa akin.  And I know why.  Ayaw na ayaw niyang nakikisabat ako sa usapan nila.  Sa totoo lang, mas istrikto pa siya sa parents namin.  "Take me with you instead!"  He took the table napkin and wipe his lips.  "I will not," uminom siya ng tubig. "And why?!" kulang na lang, magpapadyak ako sa inis.  "Since wala kang kasama, you can take me with you, right?" ngumiti ako kahit pilit.  Sa totoo lang, inis na inis ako.  Ano bang problema kung sasama ako?  "Promise, magbe-behave ako doon." "A photo exhibit, really Pauleen, is not your cup of tea.  It will bore you to death," sabi pa niya.   "But it's my cup of hot chocolate!" my parents chuckled.  Kuya gave them a sharp look.  Agad namang tumahimik ang dalawa.  I rolled my eyes.  Isang sabi lang kasi ni Kuya, tiklop na agad ang mga parents ko......well, not all the time.  Si Kuya kasi, good boy ever since kaya siguro ngayon na siya na ang naghahawak ng dating work ni Papa, siya na ang mas may say sa bahay namin.  Laging bow sila kay Kuya because for them, he really knows what he is doing lalo na pagdating sa akin. "Don't roll your eyes on me, Pauleen!  At isa pa, ano ba ang gagawin mo doon?  For sure, walang ka-edad mo ang pupunta sa ganoong lugar," hindi pa rin inaalis ang kunot sa noo.  Kung pwede nga lang irapan ko siya, ginawa ko na.  Ang sungit sungit kasi lagi.  Akala mo, menoupause na! I pouted.  "Basta, I want to be there!  Kahit na anong ayaw mo, sasama at sasama ako sa iyo!" at hinarap ko ulit ang pagkain ko habang hindi ko tinatanggal ang pagsimangot ko. Alam kong hindi mo ako matitiis dear brother. Hahah!!! ~~//~~ "Gate crasher ang tawag sa atin ngayon, Pau!" inis na sabi sa akin ni Kendra.  We are standing on the opposite side of the place where Ulric's Exhibition is being held.  Hindi talaga ako isinama ni Kuya.  Tigas talaga siya sa pagtanggi.  I changed my strategy from sima-simangot sa bait baitan para lang isama niya ako pero hindi talaga siya pumayag.  Ayaw nya daw na intindihin pa ako.  He hates the idea that he will babysit me. "Hindi lang yun......stalker din ang peg natin, Inday!"  inirapan ko sila.  Maraming pumapasok sa exhibition area na iyon.  Napatingin ako sa suot namin.  We are all wearing dresses.  Hindi alangan sa mga suot ng mga naglalabas masok sa sa exhibition hall.   "Will you please shut up and just support me, okay?  Sa tagal na puro pangalan lang niya ang nakikita ko, it's a dream come true for me!  Makikita ko na siya sa wakas in flesh!" hindi ko naiwasang kiligin.  They both rolled their eyes.  Inayos ko ang buhok ko.  I hate my curly hair even a lot of women are envious of me for having such beautiful locks.  Well.....I don't hate it that much but I got tired of it.  Tumanda tanda lang ako ng konti, ipapa-straight ko ito. Ayaw lang kasi talaga akong payagan ni Mama.   "Let's go girls.  It's time for me to meet my dream guy," nauna akong maglakad. "Paano kung matanda na pala iyon?" tanong ni Raema. "O kaya bakla?" si Kendra. "Kahit na ano pa siya, at least, I have no regrets.  Basta, I want to see him right now.  Period!" inihanda ko ang ngiti ko.  One usher is standing at the door and greeting the guests.  He's handsome. Ngumiti siya ng makita kami.  "Hi ladies.  May I see your invitation please?" nagkatinginan kaming tatlo.  Gusto ko mang ikunot ang noo ko, hindi ko ginawa. "Oh, sorry but I forgot it in the car.  Do you really need to see that?' nginitian ko siya ng pagkatamis tamis.  Like how I used it on the boys in my school.  Walang makakatanggi sa bagsik ng ganda ni Pauleen! Hahah! He nods and his smile faded.  "Sorry ladies but it is a strict order.  No invitation, no entry.   Please excuse me," ibinaling niya ang tingin sa mga bagong dating.  Tumabi naman kaming tatlo. "Hindi mo ba alam na kailangan may invitation talaga?" tanong sa akin ni Raema.  Umiling ako. Gusto ko na talagang magpapadyak sa inis.   "Paano na yan, Pau?  Nag-effort pa naman tayong tatlo na magpa-parlor tapos ganito lang pala ang mangyayari?  Apat na oras lang naman tayo nagbabad sa parlor no!" nangingiyak ngiyak na si Kendra.   Hinaltak ko silang dalawa palayo doon.  Napapahiya na kasi ako dahil sa pinagtitinginan na kami ng mga tao. Sinabihan talaga namin ang mga nag-ayos sa amin sa parlor na pagmukhain kaming matured.  Malalaking bulas kasi kaming tatlo kaya hindi naman mahahahlata na sixteen pa lang kami at high school students.  Malay ko bang ang ninanais kong mangyari ngayon ay hindi pala matutupad dahil sa lesak na invitation na yan! Inis na ibinato ko ang sapatos ko sa sahig.  Gusto kong maiyak!   "Pauleen!" sabay silang nagulat sa ginawa ko.  Sumalpak ako sa sahig at nagsisipa doon.  Buti na lang, walang nagdadaang tao doon.   "Tumayo ka nga diyan!" nanlalaki ang matang sabi nila sa akin.  Hinawakan nila ako pareho sa braso pero hindi talaga ako natinag.   I started to cry.  Lalo silang nataranta.   "I want to see Ulric!" wala akong keber kung malusaw man ang make-up ko.   Naupo din sila sa sahig at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Pau.....we know how badly you want to meet him pero ano ang magagawa natin kung di nga tayo pwedeng pumasok doon?" pinunasan ni Kendra ang luha ko. "Kasalanan ito ni Kuya Troy!" naiinis talaga ako! "Kung isinama niya ako, hindi natin mararanasan ang kahihiyang ito!" napabunghalit ulit ako ng iyak. It's so frustrating.  Nang hindi ko mapilit ang kuya, inalam ko talaga kung saan gaganapin ang exhibit at binuo ang planong ito.  Binitbit ko ang dalawa kong best friends para may makasama ako sa gagawin ko tapos eto lang pala ang mangyayari! "Anything wrong, ladies?" nagpahid ako ng luha pero hindi ako tumitingin.  Nag-angat ng tingin ang dalawa at nakita ko ang pagkatulala nila kaya nag-angat din ako ng paningin para manlaki ang mga mata ko! I saw the greenest of all green! ~~Ulric's POV~~ Nakaalis na sina Trice, Sandra at Troy.  Naiinis naman ako sa ginagawang pagsunod sunod sa akin ni Tracy at ipinipilit ang sarili niya na maging subject ko.  I went out of the hall to smoke. Bago ko pa man nabuksan ang stick ng sigarilyo, natawag ang pansin ko ng may marinig akong umiiyak sa di kalayuan.  I saw three women......nope, kids.  Sa dami ng nakahalubiho kong babae, I know how young a certain person is with their body and faces.  And these three are in between fifteen to seventeen.  They are tall, yes but you can make out. "I want to see Ulric!" and I heard the woman cry again who is sitting on the floor, doesn't care how unglamorous she is. But what really captured my attention is when I heard my name.   Kinausap siya ng dalawa. "Sir," napatingin ako sa usher.  "Anything you need?" umiling ako at muli kong ibinalik ang tingin ko sa tatlo. "Who are those three?" napatingin din siya sa tinitignan ko. "Oh.  They were here earlier," kumunot ang noo ko.  "When I asked for the invitation, they cannot show me anything," paliwanag nito. Tumango ako.  It's my order.  Walang nakakapasok sa exhibit hall ng walang invitation ko.  Those people who came are my patronizer.  I know those people who are buying my works.  Sila at sila pa din ang iniimbitahan ko in my every exhibit, kahit pa sa iba't ibang bansa ko iyon ginaganap.  They can invite a maximum of three people to be with them para lumaki ang market ko.   Ibinalik ko ang tingin sa tatlo.  I don't know why but my feet started to walk towards them.   "Anything wrong, ladies?" nag-angat ng tingin ang dalawa na nakaupo na din sa sahig.  Napangiti ako ng makita ko ang pag-hanga sa mga mata nila.   Sanay na ako doon.   The girl in the middle wiped her tears and looks up at me.  I saw her eyes widen. "Y-you.......you have green eyes!" I nod.  Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko.  I squat beside her and offered my hanky.   "Yes, I have and you are beautiful," nang hindi niya inabot, ako na ang nagpunas ng luha niya.  "Beautiful girls don't cry," I smiled at her. Maganda talaga siya.  With her long curly hair on her shoulders, a strapless top......an above-the-knee skirt, for sure, this girl will turn heads......more heads when she turns older.  I doubt kung walang nakakapansin ng ganda niya.  Her beauty is really captivating.  To the point that I want to capture every angle of her through my camera. She pouted.  Natawa ako.  Lumabas na ang pagiging bata niya.   "What do you want to do, little girl," lalo siyang napasimangot.  Napangiti ako.  Yung dalawang kaibigan niya, nakatingin lang sa akin. "I am not a little girl anymore!" Kinuha niya ang sapatos sa mga kaibigan at isinuot bago tumayo. Napatayo na din ako. "See?  I'm tall and got curves, right?" She puts her hands on her waist.  I raised my brow and surveyed her body.   Tumango ako.  "Yes you have but you are acting like one.  A primlady will not sit on the floor and cry like what you did," I twisted my lips.   Napatayo naman bigla ang dalawa at inayos ang mga suot na damit.  Napatayo naman siya ng tuwid at tinanggal ang mga kamay sa baywang. "Now tell me," I rolled my arms on my chest.  "Why are you crying so badly like that?"  Umilap ang mata niya.  Hindi naman tumitingin sa akin ang dalawa. Kumunot ang noo ko.  "Anything wrong?" she bites her lips and shook her head.   "I......." kumapit siya sa braso niya.  "I want to see Ulric Ricafort badly."  I suppress myself to laugh.  "Only that?"  Siya naman ang kumunot ang noo.  "What only that?!  Didn't you know that this is a once in a lifetime?  Didn't you know that he is a very mysterious guy?  Didn't you know that I cannot find even one of his pictures in the net?"  Di ko maiwasang mapangiti.  I planned all that.  Iniiwasan kong makuhanan ako ng larawan sa mga pinupuntahan kong event.  I love my private life.  Walang hassle.  Hindi naman kasi ako showbiz na tao though I'm in the industry.  Ayokong pinapakialaman ang buhay ko. "That mysterious eh? So....why do you want to meet him?" tanong ko ulit sa kanya.   Tumaas ang kilay niya.  Kahit na galing sa pag-iyak at may bakas pa ng luha ang pisngi dahil sa nagkalat na mascara, maganda pa rin. "None of your business, Mister!" sabay irap. Natatawang napailing ako at nagkibit balikat.   "Fine," ngumiti ako sa dalawang kaibigan niya.  Siya naman, nakita kong pasimpleng tumingin sa akin. "Bye ladies.  Just a piece of advice," tumigin sila sa aking tatlo.  "If you want to pretend older than your real age, then act like one till the end.  Ciao!"  Tumalikod na ako at nang may maalala, liningon ko sila. "By the way, my name is Ulric Ricafort ladies," and I saw how their jaw drops!  I turn around and walk away from them.  Hindi ko naiwasang mapangiti.  Hindi ko na itinuloy ang balak kong paninigarilyo dahil may nakita akong regular client ko.  One of the big clients.  Nilingon ko ulit ang tatlong dalagita.  Kung ano ang itsura nila ng iwan ko, ganoon pa rin ang itsura at pwesto nila. ~~Paullen's POV ~~ Hindi ako nakahuma ng marinig ko ang pangalan niya.  Wala na siya sa paningin ko ng matauhan ako! "Oh God!" nasabunutan ko ang sarili ko.  "Ang stupid mo Pauleen!"  inis na inis ako sa sarili ko.  Ayun na eh!  Nasa harap mo na nga, nagtaray tarayan ka pa!  And oh my goodness!!!  Sobra as in sobrang gwapo niya!!! Bigla akong napasimangot dahil sa pagiging engot ko.   What a terrible day for me! Una, nag-effort ako ng bongga para di maging alangan sa mga taong naroon sa exhibit. Second, napahiya kami dahil walang invitation. Third, nagngangawa ako at walang pakialam kung mukha akong iyaking bata sa harap ng madla.  Bawas ganda points! Fourth, sinungitan ko ang tanging taong siyang dahilan kung bakit ako nandito ngayon! Si Ulric! "Pau....." naramdaman ko ang paghila hila ni Kendra sa braso ko.  "Ang gwapo niya!"  Napatango ako.  I'm still in awe for what happened....lalo na sa katangahan part. "And hindi siya matanda!  Ang yummy yummy niya!" kinikilig na sabi ni Raema. Nagulat ako ng biglang mag-vibrate ang phone ko.  Si Mama ang tumatawag.   "Ma," sinenyasan ko ang dalawa na tumahimik. "Where are you hija?  Baka maabutan ka ng kuya mo na wala sa bahay," bumangon na naman ang inis ko sa pagkakabanggit niya kay kuya.  The hell I care!    Pero hindi ko iyon isinatinig.  Kahit naman ganoon yun, love ko kaya yung supladong iyon!  Tska ayokong magarote ni Mama. "I'm with Ken and Rae.  May pupuntahan pa po kami," nagtatanong ang mga matang tinignan ako ng dalawa.  Sinenyasan ko silang manahimik. "And where is that, hija?" kahit kailan, hindi ako pinagtaasan ng boses ng mga magulang ko.  Ni hindi nga ako napalo sa pagkakatanda ko.  Sabi ni Manang Telma, they waited for me to come for so long that is why they are spoiling me to the extreme.........but without my brother's knowledge. "I........we are going for a movie.  I'll call you when we get there.  I love you Ma," ngumiti ako.   "And I love you more, hija.  Just don't forget to call me, okay," napatango ako as if naman nakikita niya ako.  "Don't wait till your brother call up." "Yes Ma.  Bye," ako na ang nagtapos ng usapan.   "Sorry Pau, ha.  Pero wala akong alam na pupuntahan natin eh," nagkatinginan sila ni Kendra. Ngumiti ako sa kanila.  Inilabas ko ang compact mirror ko at sinipat ang sarili doon para mapangiwi lang.  Nagkalat ang mascara ko sa pisngi! "Oh my!  Ang pangit pangit ko na!" nagtatakbo ako at naghanap ng ladies room.  Agad kong inayos ang sarili ko ng makita ko ang itsura ko. "Pau naman!" hinihingal na lumapit sa akin ang dalawa.  "Tama bang paghabulin mo kami sa iyo?" hindi ko pinansin ang reklamo ni Kendra.  Sige pa rin ako sa pag-aayos ng sarili ko. "And where are we going again?" tanong pa ulit nito.  Nakigaya sila sa pag-aayos ko. "We will wait for him," nangingiti ako.  Kailangan kong magpaganda dahil kailangan niyang mapansin ang beauty ko! "Eh paano? Eh sinungitan mo kaya!" Raema pouted her lips and put shade on it.   "Tska Day!  Kanong kano ang lolo mo!" kinikilig pa din ang bruhang Kendra.  "Wait, ano nga ang gagawin natin?"  "We will wait for him," pinagdikit ko ang labi ko para pumantay ang kulay nito. I gave myself a flying kiss.  "Wait for me, handsome Ulric."  Naupo kami sa ice cream shop na kinatatayuan namin kanina.  We waited for him. And waited..... And waited...... Tumingin ako sa relos ko.  It's been three hours since then.  Hindi na maipinta ang mukha ng dalawa. "Ay naku Pau!  Nag-text na ang Mommy ko.  Pinapauwi na ako!" tarantang sabi ni Raema.   "Ako din, uuwi na," Kendra took her purse.  "Ayokong mapagalitan dahil sa kalokohan mo.  At kapag hinanap ka ni Kuya Troy sa akin, I will tell him that you are stalking Ulric!" tumayo na sila ng sabay. "Guys!  Don't tell me na iiwan nyo ako dito?" kunot ang noong tanong ko sa kanila. "Hay naku Pau!  Isn't waiting for three hours is not long enough?" namaywang si Kendra.  Tumango tango naman si Raema.  "We are wasting our precious time here!  Marami ka pa namang pagkakataon.  Remember, your Kuya knows him already," tumaas ang kilay niya at ngumiti. Napangiti din ako at napapitik. "You know what Ken, you are damn bright!" tumayo ako at niyakap siya.  "Uwi na din ako at magpapakabait sa Kuya ko," I took my purse.  Sumasakit ang lalamunan ko.  Nakatatlo o apat na order kami ng Ice cream sa kaantay kay Ulric pero in the end, walang Ulric na lumabas mula sa hall. Sumulyap muli ako kung saan ginaganap ang exhibition.   Makikilala din kita ng bongga, Mr. Ricafort at babagsak ka sa magaganda  kong mga kamay! And I grinned.  Kailangang makapag-isip ng bagay na ikatutuwa sa akin ni Kuya. Hhmmm............ano kaya yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD