Ang Plano

3264 Words
"Ma......." tinabihan ko siya habang abala sa pag-gagardening. "Uuummmm...." wala sa akin ang attention niya.  The truth is, my mother loves her plants so much.  Ang mga orchids niya, kulang na lang, lagyan ng mosquitero e.  May inuungot nga iyang orchid kay Papa na nakakalula ang presyo!  It is whooping one hundred sixty thousand pounds lang naman!  Papa just ignored her tantrums.  He said it is much better to give that money to the charity than to buy that plant.  He ignored my father for a week.  Kahit ano ano pang ibili sa kanya ni Papa, hindi niya pinapansin.  Natapos lang ang tampo niya ng bilhan siya nito ng iba't iba pang orchids na wala pa sa koleksyon niya, minus the expensive one that she is asking. Well......ngayon alam nyo na siguro kung kanino ako nagmana? Hahah! "What is the best way to a man's heart?" kunot noong napatingin siya sa akin. "Why?  Do you have a boyfriend now?  You are too young to have one!" nanlalaki ang mata niya sa akin.  "Hiwalayan mo iyang lalaking iyan ngayon din bago pa malaman ng kapatid mo!  Hindi ko maisip kung ano ang gagawin niya sa lalaking yun."  Maya maya ay ngumiti ng nakakaloko.  "How handsome he is, huh?" sabay siko sa akin. Natawa ako.  "Well........he is not my boyfriend yet," napabuntong hininga ako habang iniisip ko ang gwapong mukha ni Ulric.  Hindi ko napigilang mapangiti at kiligin! Pumitik sa harap ng mukha ko si Mama.  "Daydreaming eh?  For sure, gwapo iyan!  He is from which school?"  Umiling ako.  Tumaas ang kilay niya.  "Hindi nag-aaral?" I smiled and nod.  Ibinalik niya ang tingin sa ginagawa.  "Then, mas lalong kailangan mo siyang iwasan.  Hindi ikakatuwa ng Kuya mo na hindi nag-aaral yang lalaking iyan."  "He is already working Mama!  When you see him, there will be no reason for you not to like him.  But for the meantime, I will keep him a secret muna."  Hindi mawala wala ang ngiti ko. "Teka, gaano ba katanda na yang lalaking iyan?  Oh my goodness!  He might be a pedophile!  I need to tell your father to hire bodyguards for you!" I rolled my eyes.  "Mama, you are over reacting!   He doesn't even know me....well, my name, at least kasi nakita na niya ako eh at nakausap."  Tinignan ako ng pailalim.  "Are you sure?  Hindi ka nakikipagkita ng palihim sa lalaking iyan?" tumango ako.  "Kapag nalaman laman ko talaga Pauleen......" "No nga, Ma! As in malabong malabong makalapit ako sa kanya.  He's so famous kasi, eh!" naalala ko na naman ang green eyes niya.  Gwapo talaga!  "And Ma......what is the best way to a man's heart nga?"  hinaltak ko ang manggas ng suot niyang tshirt. "Food," kumunot ang noo ko.  "Learn how to cook.  Doon pa lang, bagsak ka na.  Pagpiprito nga lang ng hotdog na kakainin mo, hindi mo kayang gawin e." natatawa tawa siya.  "I still remembered when you boiled some water for your instant noodles, you almost burn the whole house!" sabay tawa ng malakas. I pouted.  Totoo naman kasi ang sinabi ni Mama.  Wala akong kaalam alam sa kusina.  At yung insidente na sinasabi niya, nangyari lang iyon two years ago, sa mismong bahay namin.   And OA lang si Mama.  Di naman buong bahay.  Ang small part lang ng kitchen kasi natuyo na pala ang laman ng tea pot.  Nagkataong may kausap kasi ako sa mobile.  Kung hindi pa ako nabasa ng sprinkler, hindi ko malalaman ang nangyari.  Buti na lang, my fire sensor ang bahay na ipinalagay si Kuya. And because of that, dalawang buwan lang naman akong itinapon ni Kuya sa bahay ni Lola! "Other way?  Baka imbis na matuwa sa akin si Kuya Troy, lalo akong ma-bad shot sa kanya eh!" bigla siyang napatingin sa akin. "Are we talking about your brother here when you asked me that?" tumango ako.  "Goodness!  I thought this is all about the pedophile guy!" parang nabunutan ng tinik. Akala yata, mag-aasawa na ako. "He is not pedophile nga, eh!" pagtingin ko sa kanya, halatang iniinis lang ako.  Tatawa tawa kasi.  Napailing na lang ako at napangiti.  "Well......yes, partly," I took the hand shovel from her.  Kung may namana pa ako kay Mama, yun ang hilig sa gardening.  Kaya kapag nagagawi ako sa bahay ni Lola sa New Jersey, ito ang nakatoka sa akin.  Tutubo at tutubo kasi ang halaman kapag inalagaan ko e.  Di lang naman ako puro arte.  May maganda din naman akong nagagawa.  Kaya si Lola, tumubo lang ng konti ang halaman, tuwang tuwa na.  "If your brother......it will be your grades.  Alam mo naman na dyan kayo nag-aaway magkapatid e," kumuha pa siya ng isang shovel. "Papasa naman po ako pero kung ang sinasabi nyo eh to make may grades soar like a rocket, that is impossible now lalo na po at finals na namin," hais......wala na talagang pag-asa. "Then, do your best, Honey.  Kahit na last chance na yun, at least, you tried your best. Ask your Kuya to help you," kunot noong napatingin ako sa kanya. "Eh baka imbes na matuto ako, kabahan ako kay Kuya, eh!" bakit naman kasi tamad tamaran ako sa pag-aaral, eh.  "Baka pagalitan pa po ako nun!"  inabot niya sa akin ang isang munting halaman na kailangang ilipat ng paso.  "Why don't you try? You know that ever since your brother is offering you his help.  Ikaw lang itong tigas sa pagtanggi." Na siya namang totoo.  Ewan ko ba, laki ng takot ko kay Kuya.  Ako yung dumidistansya sa kanya.  Siguro dahil nahihiya ako.  Sya, walang ka effort effort mag-aral samantalang ako, paulit ulit ko mang basahin ang libro, hindi ko pa rin maintindihan lalo na kung puro numbers.  Napasimangot ako.  Lalo na ang math.  Di ko maintindihan kung paano nakukuha ang sagot kapag nakasulat lang eh X and Y.  Ano naman kasi ang maitutulong nina X at Y sa buhay ko kapag nagtatrabaho na ako? Kapag may asawa na ako?  Kapag may mga anak na ako? Wala naman, di ba? Mapapakain ko ba sila ng X and Y? "Your brother is a good guy.  Most of the time, he was misinterpreted lalo ka na. Kung sino pa ang kapatid, siya pang ilang," napangiti ako ng alanganin.  "Reach out to him and you will see," tumango ako at humalik sa pisngi niya. "Thank you, Ma,"  medyo gumaan ang pakiramdam ko. "You are welcome anak," tumalikod na ako.  "Pauleen," nakangiting lumingon ako sa kanya.  "Make sure na maiintindihan mo siya sa isang turo niya sa iyo ha.  Alam mong ayaw niya ng paulit ulit," at nakangiting ibinalik ang tingin sa ginagawa. Nawala naman ang ngiti ko. Bigla na naman akong kinabahan.  Nakikinikinita ko na ang itsura ni Kuya kapag ipinaulit ko ang turo niya.  Parang leon lang! Nangikig ako.  But no choice, I really need his help. Para sa iyo ito Ulric my love!  Hahamakin ko.....titiisin ko ang lahat para sa iyo! Napangiti ako.  Kaya mo yan, Pauleen! ~~//~~ "Kuya......." nakakunot ang noong nilingon ako.  Napakamot naman ako ng ulo.  "Will you please check this one?"  Dalawang oras na niya akong tinuturuan ng mga kailangang i-review ko para sa finals.  When he came from work, lakas loob akong lumapit sa kanya.  Pumayag naman kahit na marami pa palang dalang trabaho dito sa bahay. Kinuha niya ang iniabot kong papel.  He twisted his lips and looks at me.  "You have brain, Pau.  Tamad ka lang gamitin.  All correct," may isinulat ulit siya bago inabot sa akin.  "Any reason why you asked for my help?"  Nakangiting umiling ako. Feeling ko, lalo akong gumanda sa sinabi ni Kuya.   May beauty na, may brain ka pa, Pau!  Ikaw na talaga! "Kasi Kuya......college na ako, di ba?" tumango siya.  "So kahit man lang sana sa huli, makaabot pa ako."  "You know that I offered my help, right?" tumango ako.  "Ikaw lang itong laging tumatanggi." Ibinalik niya ang mata sa binabasang dokumento. "Kakatakot ka naman kasi eh!" bigla siyang napatingin sa akin, kunot ang noo.  "Like that!  Lagi kang seryoso!"  Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti at guluhin ang buhok ko.   "Pagpasensyahan mo na ang kuya mo.  Ganito yata talaga ang tumatanda," natatawang sabi niya. "Ay Kuya, bawal kang tumanda agad!  Magkakaroon ka pa ng pamangkin sa akin!" gumaan ang pakiramdam ko.  Ngayon ko lang kasi nakausap ng ganito si Kuya.  As what Mama said, madaling lapitan si Kuya.   "I am the one who should say that right?" he twisted his lips.  I can see his eyes smiling.   "Ayy....oo nga pala.  Bakit nga wala ka pang girlfriend Kuya?  Gusto mo, may irereto ako sa iyo," nginitian ko siya.  Tila naman interesado sa sinasabi ko.  "Yung teacher ko, best friend ni Ate Bea, tutal wala ka ng pag-asa sa kanya, doon ka na lang sa best friend!"  "Maganda ba naman?" binitawan na niya ang hawak na papel at hinarap ako. "Naku po!  Sobra!  Tska, mabait yun, eh.  Her name is Cassandra," kumunot ang noo niya. "Oh, that lady!" ako naman ang napakunot ng noo.  "I met her already.....trice, and yes, she is beautiful.....and interesting," may nakita akong pag-kaaliw sa mata niya.  Muli niyang ibinalik ang tingin sa binabasa. Napangiti ako.  Mukhang may ima-match na ako sa gwapo kong Kuya.  For sure, ganda ng magiging anak nila! "Kuya," kinalabit ko siya.  "I have her number but I will ask her permission first kung okay lang na ibigay ko sa iyo, ha?"  Ngumiti siya at umiling.  "Thanks for the help but I already have her number."  Ayyy!!!! Kakakilig naman!  Gwapo at maganda, perfect combination! At si Kuya.....uuyyy.....ang bilis, ha! "Eh Kuya," lumingon ulit siya.  Sasamantalahin ko na habang maganda ang mood.  "Number ni Ulric, meron ka?" Tumaas ang kilay niya.  "Why?"  "I want to meet him in person.  Curious kasi ako talaga sa kanya eh," sige na Kuya......pagbigyan mo na ako para hindi na ako nahihirapang mag-aral!  Pasang awa okay na sa akin, eh. "I don't have.  We are not that close to exchange numbers.  As far as I know, mas kilala siya ni Ice," natampal ko ang noo ko.  Buti na lang, hindi nakatingin.  "Are you done with that?" tanong niya sa akin. Umiling lang ako.  Gustuhin ko mang sumimangot, hindi ko magawa.  Wala naman palang rason para magpakahirap ako dahil kahit na ako ang maging valedictorian, na imposible naman, wala din palang maitutulong sa akin si Kuya pagdating kay Ulric!   Kaasar lang! Ang hindi ko napigilan, ang pagpadyak ko.  Napatingin tuloy sa akin si Kuya. "Any problem, Pau?" kumunot na naman ang noo. Napilitan akong ngumiti at umiling.  Muli kong ibinalik ang tingin ko sa reviewer. "If you are doing this thing to get Ulric's number to me," bigla akong napalingon sa kanya.  "I cannot help you with that.  Bukod na wala akong phone number niya, he's too old for you..... and too busy to meet kids like you." he really pointed out 'KIDS'. Sumimangot ako.  Bata talaga!  "Di ba pwedeng crush lang, Kuya?" kinunutan na naman ako ng noo.   "Crush?  As far as I know, you are stalking him!" nanlaki ang mata ko.   "Di kaya, no!" sabay iling ko.  "And who told you that I am stalking him?!"  parang alam ko na kung sino ang nagsabi. "Don't blame Mang Kanor with this," sabi ko na nga ba! "Walang sinabi ang matanda sa akin.  I just learned when I called him that day to ask him to run some errands for me but he told me he cannot leave you.  Sinabi lang naman niya sa akin kung nasaan siya ng oras na iyon.  And I remembered that you want to come with me so eagerly." Kapag nga naman sinusuwerte ka oo!  Akala ko, lusot na.  Kumukuha lang pala ng tiyempo para masermunan ako! "And hindi ka nagsabi kay Mama kung nasaan ka.  Buti na nga lang, kasama mo si Mang Kanor dahil kung hindi, you know what I will do to you, right?" sabay tingin ng masama sa akin. Napatango ako. I will be grounded. "Alam mong ayaw na ayaw kong hindi ka nagsasabi ng totoo kung saan ka pero ginagawa mo pa din," patay na patay ka na talaga Pauleen!  Nasira mo yata ang magandang mood ng Kuya mong mabait kanina......kakatakot na ngayon!  "Simple lang ang gusto kong gawin mo Pauleen.  Study hard and tell us where you are going.  Hindi ka naman namin pinagbabawalan as long na alam naming safe ang pupuntahan mo.  Ang mga tao dito sa bahay, magsasabi at magsasabi sa akin ng totoo." Alam ko naman yun!  "So if you are trying your luck to take them on your side, think twice my sister," di ko kaya iniisip yun, ano at wala akong balak isipin pa!  Dahil alam na alam ko naman kung sino ang amo sa bahay na ito....  Pumikit ako kasi muntik nang tumirik ang mata ko sa inis.   Tinignan niya ang hawak kong papel.  "And also make sure that you will apply all those things that I taught to you in that examination or else, take the consequences!" Mama, you are always right talaga!   ~~//~~ ~~Ulric's POV~~  "I'm really sorry but she will not fit in it," I want to roll my eyes. Tracy's agent, Candice, is asking me to take her model as my next subject in Marie Claire Magazine.  Siguro, namemersonal na ako pero dati pa naman, ayaw ko na talaga sa kanya, bukod pa na siya ang dahilan kung bakit umiiyak si Trice. "May I know why she's not?" tumaas ang kilay nito.   "Okay, since you want me to give you the reason......I will tell you frankly.  I just don't like her.  There is nothing in her which suits my taste," nanlaki ang mata niya. "Didn't you know that Tracy is the highest-paid Angel today?" tumango tango ako.  Alam ko yun and I am wondering the reason why she is the highest-paid!  "And so why?!"  tumataas na ang boses nito.  Hindi alintana na nasa public place kami. We are in Carribou Cafe.  Doon na ako nag-set ng meeting dahil may kinausap din ako doon kanina.  Nakukulitan na talaga ako kaya pinagbigyan ko na siyang makausap ako.  Sa isang araw ba naman, hindi lang sampung tawag ang nakikita ko sa telepono ko.....at hindi lang limang emails ang natatanggap ko.  Who will not get annoyed with that? "For sure, you don't want me to tell you, right?" I raised my brow and twisted my lips. "Still, I want to know because for sure, there will be no valid reason for you not to take her!" sabay taas ng mukha. Ngumiti ako at ipinatong ang siko sa lamesa.  "How about.....I don't like her because she is having an affair with a married man," she suddenly looks uneasy.  "Lex Falcon, for an instance?" "But that is unfair!  That is her personal life!" nanlalaki ang mga mata niya.  "Personal and professional thing are different! I rolled my arms on my chest and reclined on the chair.  "Yes, I might be unfair and yes again that personal and professional stuff are different but both are starting in 'P'," kumunot ang noo niya.  Ang hina namang maka-gets ng joke!  "But isn't it unfair to my friend as well?  You can jot this down if you want, Candice....... Mr. Falcon's wife is my friend.....a very good friend of mine and taking Tracy as my subject will be a betrayal on her part, right?" hindi siya nakasagot.  "And I......I always choose good friends over fame or whatsoever," I saw how her lips became one-liner.  "When I saw her on my exhibition with Mr. Falcon and mocking my own masterpiece.....who is Mr. Falcon's wife......in front of me, she already got a negative grade from me......negative ZERO! Attitude....ZERO.  Morale......ZERO.  You know what, I am also thinking, how much are you getting from her to stay with her till date?  I cannot even stand her presence!"  Yah, Ulric.  You know how to use your tactlessness sometimes! Napangiti ako.  I can see smoke coming out from her head and ears!   "You will regret this, Mr. Ricafort!" tumayo na siya.  "I will never forget this!"  Tumayo din ako.  "Don't worry, I will not.  Nice talking to you, Candice," inabot ko ang kamay ko sa kanya ngunit tinignan lang niya iyon bago mabilis na umalis.  "You really are ungentleman, Ulric," natatawang napailing iling ako. Muli akong naupo habang sinusundan ko siya ng tingin palabas.  Tatayo na sana ako ng may makita akong tatlong babaeng papasok ng Cafe.  I recognize them.....the three little girls on my exhibit. Inayos ko ang suot kong shades at baseball cap bago tumungo.  Naramdaman ko ang pag-upo nila sa bandang likuran ko. "Biruin mo yun, Pauleen!  Natapos mo kaagad ang exams natin kanina!" sabi ng isang babae sa kanya. Kinuha ko ang diyaryo na nasa table ko at kunwa ay binasa iyon.   "Of course!  Si Kuya ang nag-turo sa akin, no!  Kahit naman wala akong mahihita dahil hindi naman niya alam ang number ni Ulric, ginalingan ko na din.  Ayoko namang mapagalitan, ano!  Bantaan ba naman ako na parang isasalang ako sa electric chair kapag hindi ko ginalingan!" napangiti ako.  So, Pauleen pala ang pangalan niya.  Na-curious na naman ako kung bakit niya gustong makuha ang number ko. "Naku, buti na lang, wala akong kuya na kasing higpit ng Kuya mo!" sabi ng isa sa kanya.  "Baka nasa mental na siguro ako ngayon." "Minsan lang naman yun ganoon eh kasi most of the time, he's at work and staying in one of the hotels so okay lang na magsungit siya sa akin." "Wait lang ha, di ba sabi mo, alam ni Ms. Bea ang number ni Ulric?" They are Trice's students?  "Then why don't you ask Ms. Bea, instead?" tanong pa ng isa. "Yoko nga!  Di naman proper yun, no.  Kahit naman close kami ni Ate Bea, di naman ako ganoon,"  dumating ang waiter at ibinigay nila ang order nila.   "So anong balak mong gawin?"  lalo akong nakinig sa isasagot niya. "You know me, right?  What Pauleen wants, Pauleen gets.  Maraming way.  Malalaman at malalaman ko din ang number niya!" and she laughs.  Di ko maiwasang mapangiti.  She's spoiled, no doubt about it.....the brat one.  But I must admit, she's really a beauty.   "And kapag nalaman mo na?" Gusto kong makita kung sino ang nagtatanong sa kanya.   "I will call him of course and ask him out!" hindi ko maiwasang mapataas ng kilay.  She's that confident that I will go out with her? "As if naman, makikipagkita sa iyo iyon!  Kung si Ms. Sandra siguro ang tatawag sa kanya, makikipagkita pa iyon pero ikaw? Eh nene ka pa sa paningin nun, eh!" kontra ng isa.  Gusto kong matawa sa sinabi sa kanya nito.  For sure, she is pouting right now! "Ang nguso mo!  Abot na sa lupa!" sabay tawanan ng dalawa.  Di ko na rin mapigilang matawa ng mahina. "You know what girls?  I thought you two are my friends but you keep on ruining my ideas!" halata ang inis sa boses niya. I saw Trice's name on my mobile.  I picked it up. "Hi Trice," tumayo ako at lumapit sa counter.  Nilingon ko ang tatlo.  Hindi ako napansin.  "I'll pick Mason instead.  Where is his father again?" nawala na ng tuluyan ang atensyon ko sa tatlo.  Naiinis na naman kasi ako kay Lex.  Hindi ko alam kung bakit pa siya nagtitiis sa lalaking iyon!  "Don't worry, I'll be there.  I'll bring him to the pizza parlor, okay.  Just call me once you're done.  Ciao!"  Lumabas na ako ng Cafe at sumakay sa kotse ko.  Napansin ko ang camera na nasa passenger's seat.  From my area, I can see Pauleen and her friends.   I took the camera and focus on her. And take a shot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD