~~Pau's POV~~
"I have a six-year-old daughter," nanlaki ang mata naming tatlo sa sinabi ni Kuya Troy.
"My God!" hinawakan ni Mama ang kamay ni Kuya. "Where is she? Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin?" I can see how excited she is. "Who is the mother?"
Napakunot ako ng noo ng tumingin sa akin si Kuya. "She's Cassandra, your high school teacher."
Natulala naman ako! Ang ganda kasi ni Ms. Legazpi, eh, ang sexy pa! Di ko akalain na abot kamay ko lang pala ang pamangkin ko! At siya pa ang inirereto ko kay Kuya!
"I'm not staying in my condo anymore," sumandal siya sa couch. "I am living with them."
"Kailan mo balak ipakilala ang mag-ina mo sa amin?" si Papa, kunwari seryoso, kita naman na nagpipigil mapangiti.
"I will inform you," ngumiti siya. His happiness is very visible on his face.
"The mother? How is she? Is she a good person?" curious na tanong ni Mama.
"Of course!" sabat ko. "She is my teacher! Ang ganda nun, Ma! Tska mabait. Friend ni Ate Bea......best friend to be exact!"
"I want Cameron, my daughter, to be a Villegas as soon as possible," tumingin siya sa mga magulang namin.
"You are going to marry the mother?" umiling si Kuya sa tanong ni Mama.
"Don't want to jump in that. Though we have a child, it is not a reason for us to get married. Maraming nagpapakasal dahil nagkaroon sila ng anak, but in the end, nag-hihiwalay din because they are not compatible. She can be a Villegas and I will talk to Cassandra about it. For sure, she will agree with this."
"Do you think your child.....Cameron, will like us?" alanganing tanong ulit ni Mama.
"Of course! She's a very sweet girl. You will love her as well and beautiful," sumulyap siya sa akin. "She is mini you," ngumiti siya. "Show me your picture when you were about.....six years. She's your exact replica."
Chest out! Stomach in!
Inilagay ko pa ang kamay sa baywang ko. Maganda daw ang pamangkin ko at kamukhang kamukha ko. Meaning to say.....maganda talaga ako!
"Well.....if she really looks like me, maganda talaga siya!" napangiti sina Mama at Papa.
"But very smart girl," biglang laylay ang balikat ko. "Always on top of her class," napasimangot ako lalo na ng nakita kong natatawa sina Mama.
"Oo na Kuya! Kulang na lang sabihin mo, hanggang ganda lang ang pagkakapareho naming dalawa," he laughs.
"When you meet her, you will come to know. You met Mason, right?" tumango kami. "She is the girl version of Mason though you can always see how polite Mason is. Cammy is nice but......the authority.....basta, she's different."
"Like you," nakanguso pa rin ako. "For sure, very strong ang personality nun kasi ikaw ang Daddy."
"And I expect her to be like me. But when it comes to Sandra, she's different. You can see the difference on how she talks to her Mom. She loves and respects her above all. Kahit na matagal silang hindi nagkasama, iba ang bond nilang mag-ina."
"Then, she was raised well by her mother," sabi ni Papa.
"She lived with her grandfather for six years in New York. Umuuwi lang doon si Sandra kapag bakasyon sa eskwelahan. And she is not spoiling her....." he's so happy talking about his daughter.
"But we are," nakangiting tumingin sa amin si Mama. "Hindi ako papayag na hindi ninyo ipapahiram sa amin si Cameron!"
"Don't worry, Ma, we will arrange for that. Pa, I want to ask you something......" hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin ni Kuya. Alam ko namang about business na naman ang pag-uusapan nila ni Papa. Kinalabit ko si Mama at sinenyasan ko na lumayo kami sa dalawa..
"Maganda ba talaga ang teacher mong iyon?" tumango ako.
"Ay Ma! You will love her! If you like Ate Bea for Kuya, you will like her as well, ang sexy pa nun!" though Ms. Legazpi.....eeerrr.....Ate Sandra doesn't need support from me, ipu-push ko yun dahil bagay na bagay sila ni Kuya!
Hindi ko naiwasang kiligin. "For sure, ang ganda ganda ng pamangkin ko! Sa gwapo ni Kuya at ganda ni Ate Sandra, perfect match talaga! Ako ba naman ang kamukha, eh!" napapailing si Mama sa mga pinagsasasabi ko.
"I want to meet my grandchild as soon as possible! We will shop for her!" natutuwang sabi ni Mama. "For sure, your father will lend us his Debit Card."
"And sky is the limit!" sabay naming sabi sabay apir!
Makakapag-shopping ka na naman Pauleen!
"Ay, I forgot to ask your Kuya about Ulric," tumalikod na siya pabalik sa dalawa ng bigla ko siyang hawakan sa braso.
"What about Ulric, Ma?" ang lakas lakas ng kabog ng puso ko.
"Don't you know?" kumunot ang noo ko at umiling. "Ulric will take our family picture. Since we have Cameron, this is the right time for that, don't you think?" at iniwan na niya ako.
Impit na napatili ako sa sobrang kilig!
Ang swerte talaga, kusang dumadating kahit di mo hilingin!!!!
~~Ulric's POV~~
"I'm really sorry Trice. Though I want to stay with you....." nakangiting umiling siya. Si Mama kasi, bigla akong tinawagan. May ipapakilala daw sa akin.
"No worries. For sure, Lex will pick us up," lumingon siya sa likuran ng kotse. Abala si Mason sa pag-lalaro ng PSP.
"Buddy, don't you feel dizzy in playing?" tanong ko sa kanya.
Nakangiting iniangat niya ang ulo at ngumiti.
"I'm fine, Tito. Mamaya, Cam Cam will ask me to color her books so I cannot play this anymore," at muling ibinalik ang tingin sa laruan.
"Wala ka na ba talagang balak ituloy ang pag-aaral mo sa Yale?" when I gave her a glance, I can see the disappointment on her face.
"What can I do? Ayaw nga ni Lex, di ba? And If I really want to make our marriage work, I need to give up one, right?" ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay. "You know what, you are really a friend. Other than Sandra, ikaw lang ang napag-sasabihan ko eh."
"Does it feels like you are confessing to a priest?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Yah...." lalo siyang gumanda sa paningin ko dahil sa ngiti niya. "Then ang gwapong pari pa!" natatawang sabi nito.
"Kahit naman gwapo, wala namang mahanap na babaeng kasing ganda mo at available. Lahat na lang, taken," kunwa ay biro ko.
"Ako talaga ang pamantayan mo ng ganda, ha? Teka......How about Cassandra," kumunot ang noo ko. "I like her for you. She's beautiful.....bubbly. Kasing kulit mo....."
"Kasing kulit ko talaga?!" napangiti ako. Malapit na kami sa bahay ni Sandy.
"Oo nga. Why don't you try to date her? Magkakasundo talaga kayo nun," itinuro niya ang bahay ng best friend. "Give me your phone," iniabot ko naman. Pagkatapos na may i-dial, itinapat iyon sa tainga. "Bessie, this is Bea. Oo na, andito na po kami," sumulyap siya sa akin at ngumiti. "Save this number, okay. This is Ulric's number. Inirereto kita sa kanya kaya papayag kang makipag-date ha! Sige na, yun lang. Bye!" at nakangiting iniabot sa akin ang mobile ko.
"Do you really need to back me up?" natatawang tanong ko.
"Of course! Ayan ha, naka-save na ang number ni Bessie diyan. Baka naman lumutin na ang friendship ko, hindi mo pa rin magawang i-date ha. Mason," nilingon niya ang anak na kinukuha na ang back pack.
Bumaba ako ng kotse at pinagbuksan ko siya ng pinto tapos ay ibinaba ko si Mason mula sa kotse.
"Thank you Ulric. Baby, say bye to your Tito for now," nag-squat ko para mayakap ko ang bata. I really love this boy. Napakabait.
"Bye Tito. Visit us soon," humalik siya sa pisngi ko at yumakap.
"Sure. No problem. Be good, okay?" nakangiting tumango siya.
"Bessie," tumayo ako at humarap sa nagsalita. It's Cassandra. "Hi Ulric," yes, she is really beautiful. I saw a pair of beautiful legs. Kung si Trice, conservative manamit, ibahin mo si Cassandra.
"Hi Sandy," humalik ako sa pisngi niya. "So.....wait for my call in a day or two?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Okay," natatawang sabi niya. "Alam ko kung sino ang may pakana nito," at sumulyap sa kaibigan na ngingiti ngiti.
"Of course, none other than me kaya kailangang matuloy yang date na yan, ha!" natatawang binalingan niya ako. "So....tuloy ka na?"
Tumango ako. "Bye ladies...." kumaway sila. "Bye Buddy!" at ginulo ko ang buhok ni Mason.
Agad na akong sumakay ng kotse. Nag-ring ang phone ko.
"Where are you now, Yul?" I rolled my eyes. Si Mama, every time that she is pronouncing my name, it always sounds like Yulric. Kaya ang nickname ko sa kanya, Yul.
"On the way to you, Ma. I'll be there in an hour. I dropped Trice in her friend's house," kilala niya si Beatrice and Mason. Lagi ko kasi silang nababanggit sa bahay.
"Then be careful. Your beautiful guest is waiting for you," and she ended the call.
Guest? I thought, ipapakilala pa lang niya sa akin?
I shrugged my shoulders. For sure, ipagtutulakan na naman niya sa akin kung sino man iyon. Di ko maiwasang mapangiti. My parents wants me to get married. I'm the only child kaya gusto nilang magka-apo na sa akin.
I reached home in less than an hour.
"Hi Pa. Si Mama?" tanong ko sa kanya na abala sa pagsusulat ng kung ano. Nang silipin ko, hindi ko maiwasang hindi matawa.
Sudoku Puzzle. Yun pala ang pinag-kakaabalahan.
Since I started working and earning good, I asked my parents to stop working. Ayaw pa nga nila kaso talagang mapilit ako. Most of the time, they are staying in La Union. May nabili na kasi akong beach doon. My mother loves to live near the sea. Kaya nung malaman ko na may ipinagbebenta ang isang kakilala ko, agad ko iyong binili.
"She's in the garden with Gabby," kumunot ang noo ko. Isa lang ang kakilala kong Gabby...
"Hi Ulric," napalingon ako. It's Gabrielle. I met her a few months ago in the same fashion show where I met Trice.
"Gabby," instead of kissing her only on her cheeks, she captured my lips.
"I missed you, lover boy," she seductively whispered to me.
Napansin kong palapit sa amin si Mama kaya inilayo ko siya sa akin. "How did you know where I am staying?"
"I have my own ways," and she winks at me. Napailing na lang ako.
"Hijo," lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Gabrielle waited for so long. How was Beatrice?" tanong niya sa akin at inayos ang suot na salamin.
"She's okay. Doing good," binalingan ko si Gabby. "So.....what's your plan?"
Nakangiting kumapit siya sa braso ko. "Whatever you like," at humilig pa sa balikat ko. She's young. About twenty-two or twenty-three. She's a professional model.....one of those fresh faces in the industry.
"Ma, Pa, we are heading out," nakangiting tumango lang ang mga magulang ko.
"Where are you staying right now?" tanong ko sa kanya pagkasakay ko sa driver's seat.
"In a hotel," I don't know if she's doing it purposely or what....but her skirt is up and I can almost see what I shouldn't have to see.
"I will drop you there," napangiti ako dahil napasimangot siya.
"I am your model for Prada," I felt her hands on my legs.
"Really? I didn't know that!" I knew it's her. I was informed about it. I always want to know who are my models first.
"And I followed you here," she grinned.
"That, I know," she's my.......well........one of my flings. "May I know the reason why?"
Ngumiti siya at lalong humarap sa akin. Doesn't care if I can see her undies or what. "I want it to become official, Ulric."
I frown and gave her a glance. "What are you talking about?"
"Our relationship! Let's make it official," hindi ko naman naiwasang tumawa.
"You are kidding, right?" napailing ako. "You are too young for me. I don't go with kids."
She pouted. She's really beautiful. "Well......I passed in your standards," hindi ko naiwasang tumaas ang kilay ko. "I am Asian......well, half," itinaas niya ang hinliliit. "I am beautiful, that's two," her ring finger. "I am sexy," middle finger, "We are sexually compatible."
Natatawang napailing na naman ako. "We are okay with this, right? So why do you want to make everything complicated? And as I told you, I don't go with kids."
"But we had s*x Ulric!" nanlalaki ang mata niya.
Tumango ako. "Yes but, I thought, you are happy for this casual relationship?"
She curled her arms and pouted. "I like somebody right now."
Bigla siyang napalingon sa akin. "Who?!"
I smiled. "You don't need to know," itinigil ko ang kotse sa tapat ng hotel niya. Bumaba ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Let's meet tomorrow, okay. Take a rest. I want a fresh face for the shoot. Or else pack your things and go home."
And I wasn't joking when I said that. Ilang models na ang napapauwi uwi ko at ilang photo shoot na ang napapack-up dahil hindi ko gusto ang aura ng model. I want their natural glow to come out in every pictures.
Tinignan lang ako bago umirap at tumalikod. Hindi ko na siya sinundan ng tingin. Pabalik na sana ako ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin. When I look back, she caught my face with her two hands and kiss my lips.
"I am not a kid anymore and I already proved that to you over and over," at nakangiting tumalikod.
Natatawang sumakay ako ng kotse. Kids......tsk!
~~//~~
~~Pau's POV~~
"Goodness! bukas na ang photo shoot namin with Ulric!" hinaltak ko si Raema at niyakap.
Kasalukuyan kaming nasa school para magpa clearance.
"You are really lucky, girl," natatawang sabi ni Kendra. "Nakakatulog ka pa ba? Ang laki ng eyebags mo eh!"
Bigla akong napahawak sa mukha ko. "The truth is.....no," kumunot ang noo nila. "Sobrang excited ko kasi eh. Hindi na nga ako nakakakain eh. I want to look good in my picture."
"Pau, payat ka na nga dati, lalo ka pang pumayat! Tinik ka na!" sabi ni Raema.
"Exaggerated naman ito! Ang sexy ko kaya lalo ngayon!" tumayo ako at umikot sa harap nila.
"Hi Pau!" napalingon ako. It's Dan. One of my makukulit na manliligaw.
Ngumiti lang ako. Dan is handsome and smart. Kaso lang imposibleng magustuhan ko siya dahil abot kamay ko na si Ulric!
"You look good but don't starve yourself," napasimangot ako.
"Am I asking for your opinion?!" tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
"I am just concern, Pauleen," lumamlam ang mata niya. "It looks like you are going to faint anytime."
"Don't worry, I am okay," ngumiti ako ng tipid. "Thank you sa concern."
Muli akong naupo sa pagitan ng dalawa. Tumingala ako kay Dan. Nakatayo pa rin sa harap namin. "Anything you want to say?"
"We are graduating next week. Where do you plan to study in college?" namulsa siya. "I will be in La Salle. Lucky to become a scholar there."
"Wow, that is good," sabi ni Kendra. Crush niya si Dan at alam ko iyon. Open sa akin ang mga friends ko eh. "Wala pa kaming plans, eh," siya na ang sumagot sa tanong nito.
He frown. "Why? Di ba dapat, meron na?"
"Hhmmm......we are all waiting for her," sabay turo nilang dalawa sa akin. Napasimangot ako.
"Eh sabi ko naman sa inyo, I don't know if I will study here or abroad. And till now, I still don't know what course to take," nilingon ko ang dalawa. "Don't wait for me dahil kung aantayin nyo ako, uugatin na kayong dalawa."
"At least, we can go to the same school, right?" sabi ni Raema. Tumango naman si Kendra.
"But the problem is......I don't know if I want to continue studying," nanlaki ang mata nilang tatlo sa akin.
"And why?!" si Dan ang nagtanong sa akin. "Don't waste your time, Pau! You should finish your school."
"I have other plan," di ko maiwasang mapangiti at kiligin lalo na ng maalala ko ang gwapong mukha na may berdeng mga mata.
"And what is that?" tanong pa ulit niya.
"Wait lang Dan, ha?" nakangiting excuse ni Kendra sa usiserong lalaki at hinaltak nila akong dalawa palayo dito. "What is that other plan?" kunot noong tanong niya sa akin.
Ngumiti ako. "To make Ulric mine!" and they rolled their eyes.
~~//~~
"Pau, how do you feel?" tanong sa akin ni Mama pagkadilat ko. I am in the hospital right now. Nasobrahan daw ako ng pagdi-diet. In the end, hindi natuloy ang pinag-hahandaan kong photo shoot.
Bigla akong napaiyak. "Baby, what's wrong?" tanong naman sa akin ni Papa.
Hindi ko siya masagot. Masasabi ko bang naiiyak ako kasi hindi natuloy ang pinaka-aasam kong pagtatagpo namin ni Ulric?!
"Stop cryng Pauleen and eat these," napaangat ako ng tingin. Si Kuya, walang kangiti ngiti. "Why did you starve yourself?" tinignan niya ako ng mailalim.
Bigla akong napatigil sa pag-iyak. Kinuhanan ko ang pagkaing nasa bed table at tahimik na kumain.
Akala ko pa naman, makaka-drama ako kina Papa, andito pala ang asungot!
"Tati, are you still sick?" napaangat ko ng tingin sa batang nakaupo pala sa paanan ko. She's my niece, Cameron. Behind her is Ate Sandra.
"You got us all worried," sabi ni Ate. "Pati si Ulric, nag-alala. Gustuhin man niyang dumalaw sa iyo dito, may prior commitment daw siya."
"Don't let him come!" nanlaki ang mata ko. Not now! Ang pangit pangit ko!
Kumunot ang noo ni Kuya. "This thing that happened to you......the reason you became sick......" gusto kong magtago sa ilalim ng kama. Alam ko ang sasabihin ni Kuya. "Is this all about the photo shoot?"
Bukong buko ka na, Pau!
Napatikhim ako at uminom ng tubig. Nanuyo bigla ang lalamunan ko. "Eh....." at what a blessing when the doctor knocked on the door to check on me!
At swerte ka pa rin, Pauleen! Ligtas ka sa interrogation ng hukom!
~~//~~
~~Ulric's POV~~
"Good, she's well," napangiti ako. I am driving my car to Trice's house. I miss Mason. Kinumusta ko kay Troy ang kapatid niya. Our planned photo shoot was canceled because she was hospitalized. Good thing, she was discharged already.
"Yah. If you have free time before you fly again....."
"Sure! I will check my schedule," hectic talaga ang schedule ko ngayon. By next month, I need to fly to Berlin.
"See you then. Thanks for the flowers and fruits that you sent for her," I reached Trice's building.
"Nah! It's nothing. Please say sorry to her for me," the security guard greeted me when I parked the car. "See you next time, Troy," and I ended the call.
Natampal ko nag noo ko ng may maalala. Nakalimutan kong bilhan ng ice cream si Mason!
And he really didn't forget to ask me that. Now, we are on our way back from the grocery.
"You really love ice cream, ha, Buddy?" nakangiting tumango siya. "Drink lots of water after eating okay?" napakunot noo ako ng makita kong bukas ang pinto ng unit. I walk faster to reach there. "Trice?"
"Mommy?!" mabilis na bumaba mula sa pagkakakalong ko si Mason at tumakbo sa kinauupuan ng ina na nasa sahig.
"Ric.......I have blood......on my shorts," nanlaki ang mata ko.
"Oh God Trice! Mason, take the house key and your Mom's phone! We will take her to the hospital!" I saw how fast Mason run to do everything that I said. Tumingin ako kay Trice. Her face is covered with tears. "Hang in there, Trice. Mason, hurry!"
We are in the lift when she lost consciousness. "Mommy!" umiyak nang umiyak si Mason.
"Hush, Mason. Nothing will happen to your Mom," I am trying to calm myself as well. The blood is gushing between her legs. Don't you die on me, Trice!
When we reached the hospital, they took her to the emergency room. I called her family.....even Troy and Sanda.
"We need to transfuse blood. Are you her husband?" napatango ako sa tanong ng doctor. "She lost lots of blood. Delikado para sa kanya at sa batang dinadala niya."
"Trice is pregnant?!" nanlaki ang mata ko. Why she didn't tell me?
"The impact of her fall is the reason for the bleeding. We need type O negative," sabi pa nito. Napalingon ako kay Mason na nakatulog sa bench dahil sa kakaiyak.
"Take my blood, Doc. And please, save her and the baby," I am badly hurt. What really happened when we left her, only she can answer.......
~~//~~
~~Pauleen's POV~~
La Union. Hindi ko akalain na mararating ko ito para lang makita kita my Ulric!
For the past weeks, masyadong naging busy si Kuya, pati din si Ulric dahil sa nangyari kay Ate Bea. She almost lost her baby and my brother didn't elaborate why. My Kuya, Ate Sandra, and Ulric are trying their best to help Ate Bea and Mason to leave the country.
At ang pagpunta ko sa La Union, pagkakataon ko na talaga na makita si Ulric bago pa sila pumunta ni Ate Bea sa Switzerland. Baka nga kamo huling pagkakataon ko na makita si Dreamboy.
Pagkatapos kong pilitin si Mama na sabihin sa akin kung saang beach naroroon sina Kuya, umalis ako ng di nagpapa-alam sa kanila. Baka kasi ipahatid pa ako sa driver namin, masira ang pa ang plano ko and for sure, sasabihan din nila si Kuya na malamang sa oo, pipigilan niya akong magpunta doon.
Kaya bago pa mangyari ang mga iyon, tinakasan ko na sila!
Nang maibaba ko ang mga gamit ko sa kwarto, agad kong hinanap kung nasaan ang grupo nila. Napangiti ako ng matanaw ko si Kuya na padabog na iniwan ni Ate Sandra.
"What happened to her, Kuya?" biglang napalingon sa akin si Kuya.
"Pauleen? What are you doing here?" kunot noong tanong niya sa akin.
I smiled at him and look where Ate Bea and Ulric is.
"I'm stalking my crush," keber ko kung malaman na ni Kuya na crush ko si Ulric. Lumingon siya sa tinitignan ko.
"Seriously Pau?" tumaas ang kilay niya. "So, he really is the reason," I saw amusement on his face. "Go home, Pau. You are not invited here," napasimangot ako.
"I know that is why I invited myself!" lumapit ako at kumapit sa braso niya. "But Kuya, hindi ka ba naaawa sa akin? Hanggang tanaw ko lang si Ulric?" umiling siya. Lalo akong napasimangot. "At least, ipakilala mo man lang ako sa kanya......or let me stay kung ayaw mo akong ipakilala."
"You are crazy, little sister," napailing siya. Nakita naming papalapit sina Ate Bea at Ulric. He is holding her elbow.
"Pau!" nakangiting niyakap ako ni Ate Bea. "You are so beautiful! I am really sorry kung hindi kita nadalaw sa ospital, ha?"
Tumango ako. "It's okay Ate. I understand," huminga muna ako ng malalim bago ko inangat ang tingin ko kay Ulric na nakakunot ang noo.
"It's you!" biglang sabi niya. "You are that cry baby on my exhibition," I glare at my brother when I heard him chuckle.
Itinaas ko ang baba ko at hinarap siya. "Yes, it is me," iniabot ko ang kamay ko sa kanya. "I am Pauleen Villegas, his sister," sabay turo ko kay Kuya Troy.
He twisted his lips. "Ohh......" lumamlam ang mata niya. "Sorry, I didn't know......and I am really sorry for not visiting you in the hospital."
Ngumiti ako......yung sweetest smile ever ko. "It's fine," nangangalay na ako ha! Abutin mo na ang kamay ko! At itinaas ko pa ang kamay ko ulit.
Tila noon lang niya napansin ang kamay kong nangangalay na. Inabot hiya iyon at sa panggigilalas ko, hinalikan pa niya!
Pauleen, ang ganda mo na, ang swerte mo pa! You can die any moment now!
"Ako nga pala si Ulric, gaya ng pagkakaalam mo," at kumindat siya sa akin sa panlalaki ng mata ko!
Marunong mag-tagalog ang lalaking blond na ito at may green eyes?!
Tumuwid siya ng tayo at bumaling kay Kuya. "I will take Trice in her room. She needs to rest," tumango si Kuya. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "See you later, kiddo," at inakay palayo sa amin si Ate Bea na humalik sa pisngi ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya. Napasimangot ako. "Yah! Die laughing!" inis na sumalampak ako ng upo sa naroong beach chair.
"See? Forget your infatuation with him, Pau. It is unrequited," he's still laughing silently.
Inirapan ko siya.
Kiddo talaga?!