Kabayo

3644 Words
"Ulric, are you sure you are going to take Caryll?" nakangiting tumango ako sa kanya. I already dropped Mason in the school earlier. "Don't worry too much, okay?" linapitan ko siya at hinalikan sa ulo. "This is your first day at work so focus on it." "But it might interrupt your work.....taking care of her," nakangiting umiling ako. "Maraming mag-aalagang staff sa kanya. Isa pa, hindi naman ako laging nasa harap lang ng camera," iniabot niya sa akin ang baby bag ni Caryll. "This is her bag. Her nappies are there....her milk.....her clothes......" hinawakan ko ang kamay niya. "I know," hinalikan ko iyon. "Relax, okay? Alam ko namang kinakabahan ka lang sa trabaho kaya ka ganyan," napipilitang napangiti siya. "Yes, you are right. First time to work in a foreign land after more than a year," it's been six months since she gave birth to her second child. "If Troy didn't come and tell you about that damn hotel, hindi ka dapat magta-trabaho. And I told you thousand of times......no million of times, na pwede ka namang hindi mag-trabaho. I can provide for you," umiiling na binawi niya ang mga kamay sa akin. "You know that I don't like that," tumingin siya sa akin. "I am grateful that I have you beside me but it is not your responsibility to provide for us," naglakad siya palayo sa akin at tumanaw sa labas ng bintana. "Ako ang ina, ako ang nagdesisyon na layuan si Lex, so responsibilidad ko ang mga anak ko." "Trice, sobra sobra ang pera ko para sa akin lang! Even my parents don't need my money!" nakangiting humarap siya sa akin. "Then keep that for your future......you will have your own family someday and you need.....no, it is your responsibility to give them the luxury that you are offering me. Ang pagdadala mo sa amin dito.....ang pagpapakain......ang pagpapatira.....ay sobra sobra na. You gave us too much....you even sent Mason to a very expensive school," lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa mukha. "You are really an angel, don't you know that?" natawa ako. "Wag kang tumawa, loko! Totoo yun. What will happen to me and to my kids if I am with a different guy right now?" "I am already tall Trice, don't add another inch on me," biro ko. "And I am no angel as well," kinuha ko ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. "I want to become their father....officially." Bigla niya akong tinampal sa dibdib. "Di pwede, I am married......STILL." "Then annul your marriage! Di ba, iyon naman ang una mong plano?" tumango siya. "O, talagang nag-bago na?" "I love him.....I love Lex," somehow, kahit alam kong iyon ang isasagot niya, hindi ko naiwasang masaktan. "But I love you," natawa na naman siya. Napasimangot ako. Lalo siyang natawa. "Sige.....pagtawanan mo ako. Baka mamaya, kapag nagsimula akong makipagdate, umiyak ka diyan!" "Sira ka talaga, alam mo ba iyon? Pati ako, ginu-good time mo!" di ko maiwasang mapakunot noo. "Sobra ba akong nakakatawa at kahit seryoso, hindi kayo naniniwala sa akin?" natatawa pa ring tumango siya. "Or maybe because......." tumitig siya sa akin, with her chinky eyes. "because you are my friend.....best friend to be exact, the male version of Sandy," niyakap niya ako ng mahigpit. "Kapag ba niyayakap kita ng ganito, may nararamdaman ka?" Niyakap ko siya ng mahigpit at pumikit. I can only feel one thing..... "Yes," iniangat niya ang mukha at tumingin sa akin. "I want to protect you all the time." "See?" napangiti ako. I know what she is pointing. "No lust between us......walang spark! Ni hindi nga nag-iinit ang katawan ko kapag nakikita kitang naka-undies lang at parang hari na naglalakad sa buong bahay eh!" she holds my face again. "We love each other...yes....as friends. And I really thank you for that. Thank you for protecting me....for supporting me......for respecting me." "You know that I am always here," tumango siya. "I know," humiwalay siya sa akin at tumingin sa suot na wrist watch. "Paano ba iyan, I need to go," pinadaanan niya ng kamay ang suot na uniporme. "Nakakahiya naman kung first day ko, late agad. Baka masesante agad." "Troy....firing you?" napailing iling ako. "Malabo!" linapitan namin si Caryll na tulog na tulog pa rin. Hinalikan niya sa pisngi ang anak. "I will call you if I have time." Tumingkayad siya at hinalikan ako sa pisngi. "Take care of my princess," tumalikod siya at kinuha ang bag na nasa ibabaw ng couch. "I will. You sure you don't want me to drop you?" umiling siya. "It is just a fifteen-minute drive isa pa, marami namang nag-dadaan na taxi," liningon ako bago tuluyang binuksan ang pinto. "Don't forget the dinner tonight with Troy, Sandy, and Cam." "Any other?" somehow, I am expecting somebody to come with them. Umiling siya. "Are you expecting someone?" Nakangiting umiling ako at iginiya siya palabas ng pinto. "though I want to hail a cab for you, I cannot leave the princess behind." "Okay lang. Sige na, bye," at nagmamadaling sumakay siya ng lift. Pagbalik ko sa loob, linapitan ko ang crib ni Caryll. Gising na ito at nilalaro ang hawak na teddy bear. "Hi Princess. Time to go as well," kinalong ko siya at inihiga sa table kung saan nakalatag ang baby carrier. Hindi naman ito iyakin at hindi din malikot kaya panatag ako na walang magiging problema sa trabaho. ~~//~~ Napangiti ako ng marinig ko ang hagikgik ni Caryll. Pinagkakaguluhan kasi siya ng mga models at staff kaya hindi ako naaabala sa trabaho. They even change her nappies. "Your daughter is so beautiful!" nilingon ko ang may-ari ng boses. It's Lena, the marketing manager of the lingerie brand project that I am doing right now. "Thanks," sinulyapan ko si Caryll na hawak ni Xana, isa sa mga models, at pinatatalon talon sa kandungan niya. "Who is the woman?" I looked at Emilio, one of the staff. "The mother." I put my index finger on my lips. "Sshhh...big secret," and I wink at him. Hindi ko itinama ang sinabi nilang anak ko si Caryll. I really love her as my own daughter. I returned my eyes to the computer screen to see the shots. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at kinuha ko ang mga gamit ni Caryll na inayos na rin ng sandamakmak niyang mga yaya when suddenly, my phone rings. "Troy," sinenyasan ako ni Emilio kung okay na ba yung kuha ko. Tumango ako at sinenyasan na ipakita kay Lena. "Where are you, Ric?" tanong nito sa akin. "At work," naglakad ako palapit sa mga nagkakagulo sa magandang anak ni Trice. "I'll be home in an hour." "Did Pauleen call you?" napakunot noo ako bago umiling. "No. She doesn't know my number so how can she call me?" she's here? Gustuhin ko mang itanong iyon kay Troy, hindi ko ginawa dahil baka magtaka iyon. Sabihin mo, excited kang makita ang crush mo! Crush? That little girl? Yah yah.....the little girl that you kissed! Bigla kong naipilig ang ulo ko. Kung ano ano na naman ang pumapasok sa kukote kong malikot. "I gave her as well as your address. She wants to go to your house early coz she bought food to eat. I tried to call her lots of times but I don't know....Her phone was switched off.." I heard how worried he is. Ako man, biglang kinabahan sa mga sinabi niya. So she is really here. But where is that girl? "Okay, just forward her number to me. I will try to call her till I reach home," linapitan ko si Lana at hinalikan sa pisngi bago ako sumenyas na aalis na pero hindi agad ito pumayag. "Troy, I will call you later," at agad ko ng pinatay ang linya. "Any problem?" inayos ko ang pagsukbit sa baby bag ni Caryll. "Can you check the shade for this one? Does it look fine for you?" tinignan ko ginawang artwork wherein they will put the pictures that I took. Ilang sandali akong tumitig sa screen pero wala doon ang isip ko at hindi ko makita ang gusto nilang sabihin. Frustratingly, I stood up straight and put my hands on my waist. "I cannot concentrate now guys, sorry. Some emergency came up and I need to be home," tumingin ako kay Lana na tila nagtataka kung bakit ako ganoon. Bihira kasing mangyari iyon. "Sorry Lana, about this. I really need to go. Just hand over to me all the memory cards, as well as that artwork and I will work on it tonight. It will be there on your table by twelve noon tomorrow." Bigla namang nagliwanag ang mukha nito sa sinabi ko. "Sure Ulric," sinenyasan nito ang graphic designer na iabot sa akin ang mga hinihingi ko. In all the pictures that I took, whether it is for ads or magazines, I always have the last say. Kapag inayawan ko, uulitin talaga ang lahat kasehodang mag-doble ang gastos ng kumpanyang kumuha sa akin. "Any problem?" tanong niya sa akin ng iabot niya ang mga memory cards at cd. Umiling ako at ngumiti. "I need to check if my friend's little sister is in my house right now," I took the things from her hand and put them in an envelope before I insert them in my postman tote. "Bye Lana. See you tomorrow," pagkahalik ko sa pisngi niya, tinapik ko sa balikat ang dalawang staff na lalaki at kumaway sa ibang naroroon bago ko nilapitan ang mga models na tuwang tuwa pa ring pinag-lalaruan si Caryll. "Excuse me ladies but I need to take my princess," kinuha ko siya sa bisig ng isang 'yaya' niya na nalungkot ng kalungin ko si Caryll na agad namang yumakap sa leeg ko. "Bye bye Nannies," I am grinning when I raised her little arm to wave to her part-time Nannies. Isa isa silang humalik sa pisngi ni Caryll na tila tuwang tuwa sa panggigigil sa kanya ng mga modelo. Kung hindi pa ako mabilis na naglakad, hindi pa kami makakawala. We are in the car when I checked my phone. I received the business card from Troy and saved it on my phone. I looked at the backside to check on the baby who is busy biting the ear of her Teddy. Napangiti ako. She is hungry but not complaining at all. Kinuha ko ang gatas at isinalin iyon sa feeding bottle na may lamang tubig. Nang makita iyon ni Caryll, agad na binitawan ang hawak na laruan at nakangiting inilahad sa akin ang dalawang kamay. "Dom Dom," sabi niya at kung hindi siguro ito naka seatbelt, malamang tumatalon talon ito gaya ng gawain niya sa crib kapag may nakikitang gatas. Tuwang tuwa ito. Tumango tango ako at nakangiting dumukwang sa kanya. "Yes princess....it's Dom dom time," ewan ko ba kung bakit dom dom ang tawag niya sa gatas. She's not yet talking because she is just six months old but she's uttering some funny words at ito ang pinaka-consistent sa lahat. Yung 'Dom Dom'. Kaya kapag sinabi niya, alam na naming gutom na. Iniabot ko iyon sa kanya na agad namang kinuha sa akin at isinubo ang tsupon sa bibig. Napangiti ako ng prente itong sumandal sa baby car seat niya. Iniabot ko ang blanket at itinabing sa mga mabibintog niyang hita. "Sleep Baby. It's a long ride for us again," ngumiti lang ito. Hinarap ko ang manibela pero kinuha ko muna ang telepono ko at tinawagan si Pauleen. Same as what her brother told me, I cannot reach her as well. I wish she's waiting in the lobby. Munting hiling ko. Hindi kasi siya makakapasok ng tuluyan paakyat ng wala ako. Pero sana, nandoon lang siya. But since hindi ako mapakali, I called the reception. "Hi. Is there anyone waiting for me at the lobby?" tanong ko sa receptionist. Every tenant's mobile number is stored in their data. "Yes Sir. Actually......" napakunot noo ako ng matigilan siya. "Actually what?" Baka biglang nawala sa paningin nila! "Actually.....she fell asleep," parang nakikini-kinita ko na napangiti ito. "She's waiting here for three hours already." "Three hours?!" bigla akong napalingon kay Caryll na biglang nanlaki ang kaninang namumungay na mga mata. Marahang tinapik tapik ko ang hita niya kaya muling pumikit pikitang mata. "Anyways, thank you, and please just look after her. She's a sister of my friend. I will be there in less than an hour," and I ended the call. Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ko ang sinabi ng receptionist. Tatlong oras na siyang nag-aantay doon. It's been more than a year since I last saw her......in the beach. Where you kissed her! Napailing iling ako. And yes, somehow, I am anticipating what will happen this time..... ~~//~~ ~~Pauleen's POV~~ And I saw a beautiful White Palomino. My brother owns one but it is black....a stallion. I raised my hands to touch it but it walks slowly away from me. Ewan ko bang kung guni guni ko lang iyon pero nung lumingon siya sa akin, parang ngumiti kaya napangiti naman ako at lumakas ang loob kong lapitan siya ulit para haplusin siya. Napaka-kintab kasi ng buhok niya at balat. But again, it started to walk but this time, it didn't stop. Noong una ay marahan lang ang lakad nito kaya napapasunod ako pero hindi ko pa rin siya maabot abot pero pabilis ng pabilis ang takbo niya habang ako naman, hingal na hingal sa pagtakbo kaya laking gulat ko ng bigla itong tumigil at ng lingunin ako, tila ito galit na galit sa akin. Nanlaki ang mata ko ng itaas niya ang dalawang paa niya sa likuran at napapikit ako dahil alam kong tatama iyon sa akin....... ~~Ulric's POV~~ Napakunot noo ako ng makita kong butil butil ang pawis niya sa noo. Tila ito nananaginip ng masama dahil umungol pa ito. "She might be having a bad dream," sabi ng may edad na receptionist. Nang dumating ako, nakita kong tulog na tulog siya sa single couch sa lobby at nakanganga pa! "Thank you for looking after her," pasimpleng inabutan ko ng ilang dolyares ang receptionist na nakangiting nagpasalamat sa akin bago tuluyang umalis sa kinatatayuan niya at bumalik sa pwesto niya. Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya at marahang tinapik ang pisngi niya. "Pau," imbes na siya ang gumalaw, si Caryll na kalong ko sa isang braso ang rumesponde. Agad ko namang iginalaw galaw ang bisig ko upang hindi ito tuluyang magising. "Pau," pinunasan ko ang pawis niya. Sobrang lamig naman sa lobby pero ano kaya ang napapanaginipan nito at pawis na pawis? "Pau!" medyo nilakasan ko na ang tapik sa pisngi niya at buti na lang lumayo ako sa kanya dahil bigla itong tumayo at nanlalaki ang mga mata! "Where's that goddamn horse!" galit na sigaw nito. Bigla akong napalingon sa paligid at buti na lang kami lang ang nasa lobby. Ang receptionist ay may kausap sa telepono pero ang isang kasama nito ay napangiti sa amin at napangiti. "Pauleen!" tska pa lang siya napatingin sa akin. It is that time that she realized that she is not in her dream anymore. "Ulric!" nagulat ako ng bigla siyang yumakap sa akin. Napagitnaan namin si Caryll na kung hindi ko nayakap ng mabuti, malamang ay naipit na. "What happened to you? Bad dream?" hindi siya kumibo pero yakap yakap pa rin ako. Hindi ko naman siya magawang yakapin dahil nga hawak ko si Caryll. "Bakit hindi ka namin ma-contact kanina pa?" "Battery empty," sagot niya. Tumingala siya sa akin na mangiyak ngiyak ang mga mata. Napakunot noo naman ako. "Follow me," ayokong doon siya tanungin. Baka bigla itong mag-iiyak. Agad naman siyang tumalima at kinuha ang mga dalang paper bags. Tahimik lang siya hanggang sa makarating kami ng unit ko. "Do you know how to change the clothes of a sleeping child?" umiling siya. Napabuntong hininga ako bago ko maingat na ibinaba si Caryll sa kama. Kumuha ako na pamalit nitong damit. I took a basin filled with warm water and oil. Maingat na hinubad ko ang damit nito habang nanonood lang sa amin si Pauleen. ~~Pauleen's POV~~ "Sanay na sanay ka no?" sinulyapan lang niya ako at ibinalik muli ang tingin kay Caryll na tulog na tulog. I saw how he carefully removed her clothes....the way he wipes her arms with a towel.....and on how he puts on her clothes again. He gently carried her and puts her on the crib. Sheeeetttt! Lalong nagiging macho sa paningin ko! "For sure, you will become the sexiest.....most handsome and the most lovable Dad in the world when we have our own," at nginitian ko siya ng pagkatamis tamis ng bigla siyang napalingon sa akin. Napailing iling siya. "Silly girl," ginulo niya ang buhok ko. Sumunod ako sa kanya ng sinenyasan niya ako. "Ano ba ang napanaginipan mo at pawis na pawis ka kanina ganung ang lamig naman ng aircon sa lobby?" Kinuha niya ang mga paper bags na ipinatong ko lang sa centre table. "And what are these?" "I bought some foods from the restaurant but I didn't know that you are not in here," ngumiti siya at tumingin sa akin. Napakapit ako sa kitchen bar. Naging jelly bigla ang mga binti ko sa ngiti niyang pamatay talaga! "But now it is spoiled foods already," napailing iling siya at inilabas sa lalagyanan ang binili ko. Napangiwi ako ng makita kong nawala ang presentation ng pagkain. "Sorry," nakagat ko ang mga mahahaba kong kuko. Namaywang siya at tinitigan ng ilang sandali ang mga pagkain bago ako tinignan. "Do you know how to cook?" umiling ako. He took a deep breath. "Then how can you be my wife if you don't know how to?" bigla akong napaawang ng bibig sa sinabi niya. Goodness! Does he want me as his wife?! Talaga?! As in for real?! "Don't you know that is one of my requirements?" muli niyang ibinali ang tingin sa mga pagkain. "Trice cooks well but she's still in love with Lex......and your Ate Sandy also cooks good food and I really love it." "But Ate Sandy is for Kuya Troy lang!" napasimangot ako. Hindi ako papayag ano! Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo. "Sila ba? Bakit di ko alam? Wala namang sinasabi ang Kuya mo sa akin," lumapit siya sa ref at may kinuhang kung ano. "Syempre, secret yun ano!" sila nga ba? Pero kahit na, for me, sila pa ring dalawa! "With Cassandra's beauty, if I am the guy, I will not keep it a secret to anybody! Baka pati mga aso, kukuwentuhan ko about her para malaman nila na akin siya, eh," kinuha niya ang apron at isinuot iyon. "Wait, ano ba ang napanaginipan mo kanina?" Hindi ko maiwasang di mainis. "I saw a white Palomino in my dream. Hinahabol habol ko siya, tumakbo ba naman palayo sa akin at pabilis ng pabilis pa, ha! Tapos nung tumigil, galit na tumingin sa akin at sinipa ba naman ako bago nagtatakbo ng mabilis! Para nang tumatawa tawa....." pagtingin ko sa kanya, nakita kong namumula ang mukha sa kakapigil na tumawa. "Ikaw yata iyon, eh! Kamukha mo yung kabayo at kaboses mo pa dahil tinatawag akong Pau!" pumilas ako ng table tissue at ibinato iyon sa kanya. Doon na ito tumawa ng tumawa. "Eh bat ba kasi hinahabol mo yung Palomino?" natatawa pa ring tanong niya. "Ang ganda nga kasi!" naiiyak na ako sa inis. Sobra naman kasing pang-inis ang tawa niya eh! "Kakainis ka talaga! Sinipa na nga ako, nang-iinis ka pa diyan!" "Nasaktan ka ba, ha? Maiyak ka kung nasaktan ka ng totoo!" pang-aasar pa sa akin. "Eh nasaktan nga ako sa panaginip ko! Na-shoot pa ako sa putikan!" lalo siyang tumawa. Sa inis ko, sinugod ko siya at kinurot ng pinong pino. "Ouch! Pau! Stop it!" saway niya sa akin pero hindi ko binitawan ang balat niya. Patuloy pa rin kasi ang pagtawa niya. "Sobrang pikon ka naman! Parang panaginip lang iyon!" Di ko na napigilang suminghot singhot. Ayoko kasing may nang-aasar sa akin dahil talagang mabilis akong mapikon. ~~Ulric's POV~~ I heard a faint hiccup that came out from her. Lumuwag din ang pagkakapisil niya sa balat ko hanggang tuluyan na niya iyong bitawan. "Hey...." inangat ko ang mukha niya. She is crying. "I am so sorry," niyakap ko siya ng mahigpit. "Di ko naman alam na sobrang pikon mo," hindi niya ako niyakap. "Sorry na." Nang hindi pa rin siya kumikibo at patuloy na umiiyak lang ng mahina, inangat ko ang ulo niya. "This might stop you from crying," and I gently took her lips. Gently I started moving mine against her. Goodness, I missed her! I closed my eyes as she closed hers. Iniangat ko siya sa counter top at niyakap ng mahigpit. I am standing between her legs. Her hands are gently caressing my hair. I heard a soft moan came from her which urged me to go deeper. Sandaling inilayo ko ang mukha ko sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. "You know how to kiss now," hindi ko maiwasang hindi haplusin ang labi niya. "Are you kissing....." Umiling siya at kiming ngumiti. "I am just doing that on instinct," and as if on cue, I took her lips again. And again, something is building up inside me. Ipinailalim ko ang kanang kamay ko sa buhok niya at hinila palapit sa akin ang ulo niya. Stop it Ulric! You are harassing the girl! Inipon ko ang lakas ko para bitawan siya. We are both catching our breath. "This cannot be happening," napailing iling ako. "I am so sorry Pauleen," naglakad ako palapit ng ref at kumuha ng bottled water mula doon. I need to quench my thirst.....thirst for something else...... "Sorry?" hindi ako lumingon sa kanya pero alam kong palapit siya sa akin. "You kissed me and now you are sorry?" Naglakad ako palayo sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. "Why did you do that and say sorry afterward?" "Forget about it, Pau and......" pumikit ako pero pagdilat ko, nasa harapan ko na siya. "I will not forget about that, Ulric! Okay, if you don't want me now.....I will follow what you told me on the beach that night. I will go out with other guys, same as my age, explore the world with them.....but mark my words, Ulric, you are mine. Kahit taguan mo pa ako, magiging akin ka. And I will make sure na magiging karapat dapat ako sa paningin mo!" at nagmartsa siya palabas ng kusina. Naiwan naman akong tulala dahil sa mga sinabi niya. There's a part of me which doesn't want her to do what she said.....to go out with other guys......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD