Amara Ngayon ay araw ng Linggo at kagaya ng pangako ko kay Ernest ay dadalawin kong muli sila ng kanyang nanay. Naging malapit kami ni Ernest simula nang magtrabaho ako sa fast food chain. Kagaya ko ay isa rin sya sa mga scholars ng Universidad. Mabait at malambing si Ernest kaya naman ang gaan ng loob ko sa kanya. Unang beses kong makapunta sa bahay nina Ernest noong nagdiwang ito ng kanyang kaarawan two months ago. Nakilala ko si Nanay Perly na sobrang bait at malambing sa akin. Kaya simula noon ay napapadalas ang pagpunta ko sa kanila dahil natutuwa raw sya sa akin. Nakaharap ako sa salamin habang nagsusuklay ng buhok. Napadaan naman si Alodia at pinagmasdan nya ang ginagawa ko. "Aba may lakad?" Kaagad nyang pag-uusisa "Dadalawin ko lang si Nanay Perly. Ilang beses na kasing nagya

