Amara Hindi na ako pinayagang umuwi ni nanay Perly dahil masyado nang malalim ang gabi. Inalok nya ako na sa bahay na nila ako matulog at gamitin ko ang kanyang kwarto. Masyadong napasarap ang kwentuhan namin kung kaya hindi na namin namalayan ang oras. Nagtext na lamang ako kay Alodia na hindi na ako makakauwi pa. Mabait at maaalalahanin talaga si Nanay Perly. Ganun din si Ernest sa akin, nag-aalala sya kung uuwi pa ako sa dorm gayong masyado nang gabi. Pinaunlakan ko naman ang alok nila upang hindi na sila mag-aalala pa sa akin. Maaga na lamang kaming gigising ni Ernest dahil may pasok pa kami kinabukasan. “Good night Amara, kung may kailangan ka pa ay nasa kabilang kwarto lang kami ni nanay.” Malambing na wika sa akin ni Ernest Ngumiti naman ako sa kanya. “Okay lang ako Ernest, w

