Amara Dinala ako ni Galvert sa isang napakalaking Condo na malapit lamang sa Golden Valley University. Kilalang kilala sya ng mga guard dito at maagap nilang binati si Galvert nang pumasok kami sa may parking area. Kakaiba ang tingin sa akin ng mga guard. Marahil ay nagtataka sila dahil hindi kagandahan at simpleng babae lang ang dinala ngayon ni Galvert sa lugar na ito. Alam ko naman na dito nya dinadala ang mga babaeng gusto nayng matikman. At alam kong wala ako sa kalingkingan ng mga babaeng iyon. Nakaakbay sa akin si Galvert habang papasok kami sa lobby ng Condo. Amoy ko ang alak sa kanyang bawat paghinga. “Uminom ka pa kagabi? Ibang klase ka talaga.” Wika ko Pinisil nya ang balikat ko. “Wala akong ibang magawa habang naghihintay. Ikaw kaya ang maghintay ng ganung katagal? Mas ma

