Amara Pagkatapos naming kumain ay ako na rin ang naghugas at nagligpit ng aming mga pinag-kainan. Pero nasa utak ko pa rin ang biglaang pagtamlay ni Galvert dahil sa niluto kong pork mechado. Naaapektuhan talaga ako kapag may mga nangyayari kay Galvert na kakaiba. Ang weird nya talaga kanina habang kumakain kami, hindi ko tuloy naenjoy ang lunch ko kakaisip kung may mali ba sa recipe ko. Habang naghuhugas ako ng pinggan ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Galvert mula sa aking likuran. At syempre, heto na naman ang magic kuryente na dumadaloy sa buo kong katawan sa tuwing magkakalapit kaming dalawa. “Galvert, ano ba? Naghuhugas ako. Mababasa tayo sa ginagawa mo.” Pagmamaktol ko. Ngunit ang loko ay ipinatong pa ang kanyang mukha sa aking balikat at pinupog ng halik ang aking leeg

