Amara Alas diyes ng gabi ako inihatid ni Galvert sa dorm. Bago kami naghiwalay ay binigyan nya ako ng halik sa aking labi. Mas kakaiba ang halik nya ngayon. Parang halik ng isang nagpapakabait na bata. Nakamasid lang ako sa kanyang kotse habang papalayo ito sa akin. Saka lamang ako umalis sa tapat ng dorm nung hindi ko na matanaw ang kanyang kotse. Hinawakan ko ang aking labi at pinatitigil ko ito sa kusang pag-ngiti. Tinampal tampal ko ang aking pisngi dahil hanggang ngayon ay may naiwang ngiti sa labi ko. Pumasok na ako sa loob ng dorm. Marahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto dahil ayoko nang magising pa si Alodia. Pagpasok ko sa aming silid ay mahimbing na syang natutulog. Nakahinga ako ng maluwag dahil ayokong maabutan nya ako ng ganitong oras. Tiyak na kukulitin nya ako kun

