Amara "Ano ba itong nababalitaan ko na hindi ka raw pumapasok at may kasama kang lalaki? Amara, magtapat ka nga sa akin." Hindi ko rin natiis si nanay kung kaya't tinawagan ko sya nang maglunch break kami. Nagpaalam ako kay Galvert na tatawagan ko lamang si Nanay. Nagtungo ako sa labas malapit sa may quadrangle upang makapag-usap kami ng maayos. Ngunit bumungad na agad ang galit na galit na sermon ni nanay. Hindi ko alam kung saan nya nakuha ang impormasyon tungkol sa amin ni Galvert ngunit ramdam ko ang kanyang galit mula dito. "Nay.. kasi po.." "Anong paliwanag ang sasabihin mo? Amara, may nobyo ka na ba dyan sa Maynila?" Galit pa rin ang tinig nya Napakamot ako sa aking batok. Mukhang kailangan ko ng aminin kay nanay ang katotohanan. Alam kong magagalit sya kapag nalaman nya ang

